Chapter 1
Chapter 1: Fevia Attero
Fevia Attero is a world full of different kinds of mages or wizards. The only world that is aware of the other worlds' existence—the only world that has a connection with other worlds.
How do we connect? It's not just the mere existence of portals but also what we called our highest pride—the trains. The four-element trains are being governed by four of our powerful wizards. The four dragon wizards.
Karamihan sa mga kababaihang Attero mula sa iba't ibang emperyo'y hindi mawawala ang kahilingang makita ng personal ang isa sa apat na makapangyarihang salamangkerong iyon.
The four dragon wizards are not just known for their power but also their beauty, intelligence, and great leadership. With the aid of their train, the four wizards can freely roam from different worlds with the presence of their element power.
"Anna, bakit hindi mo subukan ulit? Ilang araw ka nang—" Hindi ko na pinatapos si Ate Amie at umiling na ako sa kanya.
Nanatiling nakabukas iyong aklat ko na ilang beses ko nang binabasa. Halos makabisado ko na nga ang nilalaman ng karamihan sa mga libro ng aming silid-aklatan.
"If I can't cast a spell, maybe the tower will consider me for my knowledge?" umaasang sabi ko.
Nalalapit na ang araw kung kailan ihaharap na ako ng aking pamilya sa madla. The officials from the sacred tower will announce my fate . . . and role as an Attero. Pero paano nga iyon kung hindi ko magawang paliparin man lang ang aking mga talisman?
Hindi na sumagot sa akin ang kapatid ko. Alam kong hindi lang ako ang nangangamba sa papalit na araw. Maging ang pamilya ko'y tahimik na nanalangin na magkaroon ng himala.
There are different types of mages in this world. Isa ang uri namin sa mga mabababang salamangkero dahil umaasa pa rin kami sa mga kagamitan, hindi katulad ng ibang mga salamangkero na tanging sa mga kamay nila lamang.
We use talismans; some use wands or other things to trigger their mana. Mana is something you should possess inside your body to generate spells or magic. At hanggang ngayon ay wala akong maramdamang ganoon sa katawan ko. Kaya kahit gaano man kalakas ang mga kagamitang maaari kong gamitin, kung wala akong mana ay walang saysay iyon.
But knowledge . . . the knowledge can be one of the best weapons.
"Mag-eensayo lang ako sa labas, Anna."
Tipid akong ngumiti kay Ate Amie at tumango sa kanya. Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa, at sa tagal kong ginagawa iyon, marami akong natuklasan na hindi normal na nalalaman ng isang Attero o Attenian, na tawag sa mga naninirahan sa mundong ito.
Most of the Attenians are aware that the dragon wizards can summon dragons and manipulate them. But they're all wrong. Because those four dragon wizards, the guardians of the holy trains, are the dragons themselves.
Those famous elegant wizards can transform themselves into beautiful dragons. Of course, the book didn't blatantly mention the fact. But I can read between the lines, so I researched more about it, and voila! I confirmed everything.
If fate will not give me power, I can have my knowledge. At kung susuwertihin, maaari akong ikasal sa isa sa apat na kilalang salamangkerong iyon. I can be his best ally. I will help him in managing his train and be his great asset. It's just a matter of give and take. Isa pa, matatalinong babae raw ang gusto ng ganoong uri ng salamangkero.
That was my initial plan. It was perfect. Ang kailangan ko lang ay kuhanin ang interes ng sagradong tore sa pamamagitan ng kaalaman ko para imbitahan ako at nang sa ganoon ay magkrus ang landas namin ng isa sa apat na salamangkero.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa. Maybe we have our great power, but we still have our political conflicts. Hindi naman mawawala iyon.
We might have our powerful sacred tower, ruled by the head wizard. We also have kings from different empires. They say that their power is as high as the head wizard, but for me, no one can say that unless they conduct a duel.
Ngunit kung papipiliin ako, higit kong tinitingala ang punong salamangkero.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng kompetensiya ng sagradong tore at ng mga palasyo sa desisyon tungkol sa Fevia Attero.
Fevia Attero has one head wizard, four wizards appointed for each empire, four kings, one commander of the holy knights, twelve political advisors, and—of course—the four dragon wizards. Well, the dragon wizards don't meddle in political affairs.
We have four empires, namely, Altaino in North, Ilisto in East, Katza in West, and Itara in South.
The members of the Callista family—a family that can manipulate the element of Earth using talismans—are all living in the South, Itara Thethoris, one of the kingdoms in Itara.
Bumuntonghininga na lang ako at pumangalumbaba sa may bintana.
"Maybe I should find their weakness and use this as a threat to one of the four dragon wizards. I'll not be a disgrace to our family but the pride of our family . . . because one of the famous wizards selected me as his bride, not for power but for knowledge . . . "
That . . . that was supposed to be the perfect plan.
But fate brought me somewhere I never thought I'd face too early. My death. A fucking sacrifice!
I surrendered.
Tinanggap ko na ang kahihinatnan ko para sa kapakanan ng aking pamilya at sa buong angkan namin. Ngunit hindi ko inaasahan ang siyang nangyari.
Because our Earth God came down from above.
Did he refuse me? bulong ko sa isipan ko.
Ngunit natigil din ang katanungan sa isip ko nang sandaling ang aming panginoon naman ang magtanong sa akin. Tipid pa siyang yumuko, kulang na lang ay takpan niya ang labi niya para hindi makita ng mga nakapaligid sa amin ang ibinubulong niya.
"Erm, excuse me? Where am I?"
Hindi ko inaasahang ganoon ang paraan ng pananalita niya. Hindi lang ba katawang lupa ang agad niyang nakuha kundi pati na rin ang paraan ng pananalita namin?
"Panginoon! Ika'y nasa Fevia Attero!" nagsusumamong sabi ng matatandang Callista.
Muli'y napuno ng paulit-ulit na pagyuko at paghalik sa lupa ang aming paligid. Dahil hindi ko nais magkaroon ng masamang impresyon sa aming panginoon, sumunod ako sa aking angkan at panay ang pagyuko at pagsamba ko sa aming kababang diyos.
Hindi ko rin inaasahan ang kasuotang gamit niya sa mga oras na iyon. Hindi ba't isinusuot iyon ng mga maharlika sa palasyo?
"Attero . . ." usal niya.
Wala pa rin siyang tigil sa pagsuyod sa paligid habang panay ang kamot sa kanyang kanang pisngi.
"Panginoon! Ano ang iyong nais? Ang ritwal ba'y mali sa iyong pamantayan—"
"Ritwal . . ." ani niya.
Muling gumala ang mga mata niya sa paligid hanggang sa matuon muli iyon sa akin. Tila agad niyang nabasa ang pangyayari at ilang beses siyang tumango-tango.
Mas tumuwid siya sa kanyang pagkakatayo, pinagsalikop ang dalawang kamay sa kanyang likuran, at marahang naglakad-lakad sa maliit na bilog. Mas tumalim ang kanyang mga mata sa paligid, dahilan kung bakit nangatal iyong buong angkan ko sa takot.
"Patawarin mo kami, Panginoon!"
"Patawarin mo kami, Panginoon!"
Nagpaulit-ulit ang sambit nilang lahat habang humahalik sa lupa. Dahil sa takot na sa akin ibunton ng aming panginoon ang kanyang galit dahil sa maling ritwal, wala rin akong tigil sa pagsamba sa kanya.
Mas tumaas iyong pagkakaangat ng ulo ng aming panginoon habang sinusuyod niya ng tingin ang paligid.
Ilang beses siyang tumikhim.
Natigil sa pagsigaw ng kapatawaran ang lahat, at ibinigay namin ang atensiyon sa kanya.
"Yes, nagkaroon ng slight conflict technicalities ang ritwal," napangiwi ako.
Huh?
Kahit iyong buong angkan ko'y nangunot ang noo. Bakit ganito ang paraan ng pananalita niya?
Muli siyang tumikhim. "I mean . . . ang ibig kong sabihin, tila nakalilimutan ninyo na ang aking mga habilin sa inyo."
Tulala kaming lahat sa kanya na nababahiran na ng kalituhan. Ngunit nang sabay itinaas ng aming panginoon ang kanyang mga kamay, dahilan kung bakit nayanig ang kabuuan ng aming nasasakupan, nagkumahog kaming muling yumuko sa kanya.
"Patawarin mo kami, Panginoon!"
"Patawarin mo kami, Panginoon!"
Kasalukuyang nakayuko ang lahat sa lupa. Pansin ko ang ngisi ng aming panginoon, ngunit nang makita niyang nakatitig ako sa kanya ay agad niyang itinago iyon.
"Ano ang aming pagkakamali, Panginoon!?"
"Kami'y iyong patawarin!"
"Marahil ay hindi niya nais si Anna!"
"Anna?" rinig kong mahinang bulong ng aming panginoon.
Hindi ba't dapat ay kilala niya ako dahil sa kanya nanggaling iyong pilak na pana?
Mas lalo akong lumuhod sa aming panginoon. "Patawad, aking panginoon! Sana'y sa akin mo lamang ibigay ang iyong kaparusahan! Ako ang may kakulangan! Ako ang magiging dahilan ng kahihiyan ng lahat!"
"Oh?"
Ilang beses niyang pinilig ang ulo niya at muli niyang hinarap ang lahat.
"Ako'y may misyon sa mga oras na ito. At ako'y may nais tuklasin kaya ako naririto. Ang ritwal—" tipid siyang sumulyap sa akin.
"Ang ritwal ay maaaring isagawa sa susunod na mga araw. Sa ngayon ay nais kong magpahinga ang lahat."
"Maraming salamat, Panginoon!"
"Maraming salamat, Panginoon!"
Tipid na pagtango ang sagot ng aming panginoon habang pormal pa rin siyang nakatindig sa gitna naming lahat.
"Panginoon, ikaw ba'y magbabalik sa iyong kaharian?"
Ilang beses siyang napakurap saka tumikhim at muling nag-angat ng tingin sa lahat. "Marahil ay ipinaghanda ninyo ako ng aking silid?"
"Silid?"
Tumayo na ang isa sa matandang Callista at nagmadaling nag-utos na maghanda ng silid.
"Silid! Isang napakagandang silid sa ating nagkatawang lupang panginoon!"
Muling tumango ang aming panginoon. Sumulyap siya sa akin at tipid siyang naglakad papalapit. Bahagya pa akong napaatras sa takot, ngunit inilahad niya lamang ang kanyang kamay sa akin.
He's helping me?
"Alalayan mo ako," ani niya.
Nagkumahog akong tumayo at hinawakan ko ang kanyang kamay. Halos lahat ng kababaihang Callista'y hindi na mawalay ang titig sa aming kabababang panginoon.
Hindi ko akalain na may taglay na kakisigan ang anyong lupa ng aming panginoon. One of his distinguished looks is his grayish hair. Higit iyong nagniningning sa tuwing tinatamaan ng sinag ng buwan o kaya'y ng mga apoy ng mga simbo.
Nahati ang daan at pumila ang angkan ng Callista para sa aming panginoon. Wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko at hawakan ang kamay ng aming panginoon.
Hindi ko alam kung paanong mabilis na naayos ang silid sa aming punong tahanan, ngunit nang sandaling buksan na ang pintuang capiz at salubungin kami ng bango ng mga bulaklak na nasa loob niyon, inakala kong nasa ibang silid ako.
Naroon ang puting kimono na siyang isinuot ng aming panginoon nang sandaling siya'y bumaba sa lupa makalipas ang napakaraming taon. Iyon ay pinangalagaan ng napakaraming henerasyon at salinlahi ng aming pamilya.
Malawak ang ngiti ng matatandang Callista nang sandaling dalhin nila kami ng panginoon sa kanyang silid, tila hinihintay ang papuri lalo na sa kasuotang kay ganda na hindi aakalaing daang taon na.
Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ng aming panginoon sa matatandang Callista na parang hindi niya naiintindihan ang ikinikilos ng mga ito.
Hanggang sa napatitig siya roon sa kasuotan.
"Oh! Kay ganda ng aking kasuotan!" anunsiyo niya.
Lakad takbo ang matatandang Callista at agad iyon kinuha sa pagkakasabit upang ibigay iyon sa aming panginoon.
"Anna! Gumalang ka't tumulong!"
Nangangatal pa ang mga kamay ko para tulungan ang matatandang Callista na hubaran ang aming panginoon.
"H-Hindi na kailangan! Nais kong mapag-isa at ng aking alay."
Ilang beses niyang ipinaypay sa ere ang kanyang kamay upang agad makuha ng matatanda ang nais niya.
"Masusunod, Panginoon!"
At nang sandaling nagsarado na ang pintuang capiz, nakita ko ang pagbuntonghininga niya.
"P-Panginoon . . . "
Kinuha niya ang kasuotang hawak ko. "I can manage."
"Huh?"
Umikot ang mga mata ng panginoon at marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "My child, I can understand thousands of languages. Saan ako magbibihis?"
Itinuro ko iyong nakatindig na telang panakip na may nakapintang mga bulaklak. "Doon, Panginoon . . . "
"Alright."
Nanatili ako sa tabi ng pintuan habang naririnig ko iyong paghuhubad ng aming panginoon sa likuran ng tela. Dahil sa simbo'y bahagya kong nakikita ang kanyang anino.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at nag-iwas na ako ng tingin.
"Those little devils! Saan nila ako dina—" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya.
"Come here! Paano ba ito?"
Sa paanong paraan nakalimutan ng aming panginoon ang paraan kung paano isuot ang kanyang sagradong kasuotan?
"No! It's fine. Stay there."
Walang tigil sa paglakas ng tibok ang puso ko habang hinihintay siyang lumabas. Mananatili ba ako sa tabi niya sa pananatili niya rito sa lupa?
Nang sandaling marinig kong gumagalaw na iyong harang, unti-unti na akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kusang napakuyom ang dalawa kong kamay sa aking kasuotan at hindi alintana kung magusot ko iyon nang tuluyan ko siyang masilayan.
The Earth God is wearing his white sacred kimono with his silver grayish hair and a white flower on his hand while slowly rotating it.
Tila narinig kong nagtugtugan ang mga kudyapi sa paligid, lalo na nang unti-unting nag-angat ang kanyang mukha mula sa pagtitig sa puting bulaklak patungo sa aking nakatulalang mga mata.
"K-Kay kisig mo, aking panginoon . . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro