Malaya
Hilig na ang gumawa ng tula
Mga tulang walang bilang o tugma
O tulang walang patutunguhan
Puno lamang ng laman ng isipan
Ano nga ba ang nasa likod ng tula?
Kilala mo ba kung sino ang persona?
Hindi, ngunit bakit parehas kayo ng nadarama?
Noong isinulat niya, at iyong binasa
Nakakulong ba siya sa kaniyang salita?
O ikaw ang nakulong sa kaniyang isipan
Gusto mong alamin ang pinagmulan ng kaniyang mga letra
Nag-aabang sa pagdating kahit na ang oras ay ika'y tinatakbuhan
Nang makita mo ang nasa likod
Napaatras ka pabalik
Hindi mo inakala na iyon ang laman ng matataas na bakod
Gusto mong tumakbo, nawala ang lahat ng sabik
Yung makatang gumagawa ng tulang malaya
Nakakulong sa mga pahina ng mga lumang libro
Napagtanto mo
Ang istorya sa likod ang mas mahalaga kaysa sa iyong nakikita
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro