CHAPTER 8
Chapter 8: The uniform
MANGIYAK-NGIYAK akong lumabas sa isang cubicle matapos makaalis do'n sa table ko. Last subject na lang at uwian na pero nandito pa rin ako sa comfort room.
Nakasuot na rin ako ng itim na t-shirt na nakuha ko ro'n sa locker ko. Napatingin ako sa hawak na uniform.
Punit na 'yong parte na nadikit kanina sa mesa. Hindi ko talaga nilubayan iyon hanggat hindi nakukuha ang pagkakadikit ng uniporme ko pero ito ang naging resulta. Nasira!
Anong gagawin ko? Wala na akong ibang uniform kung 'di ito na lang. Ang mahal-mahal ng uniform ng Leehinton at hindi ko na kayang bumili pa no'n.
Ayoko namang sabihin pa ito kay nanay dahil baka mamroblema na naman iyon at hindi na matulog sa kakakayod. At nahihiya naman akong lumapit sa tumulong sa akin na ipasok ako sa paaralang ito—kay Mr. Natividad.
Napabuntonghininga na lamang ako. Kailangan ko na lang sigurong itago muna ito para hindi makita pansamatala ni nanay. Tiyak na papagalitan rin ako no'n. Kasalanan 'to ng Dave na 'yon, e!
Napatigil ako nang maalala ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Noong pjnatid ako kanina ay nasa bulsa ko ito. Nangina! H'wag naman sana!
Mabilis kong sinuksok ang kamay sa bulsa ng palda ko at kinuha ang cellphone kong nabuhay pa yata sa panahon ng hapon. Ngunit, napanganga ako ng makita ang sitwasyon ng cellphone ko.
Basag ang maliit nitong screen at hiwalay na ang keypad nito.
Tama nga ako. Nasira ito kanina.
"'Nyeta!" Bulalas ko ng maalala ang ginawa sa 'kin kanina ni Dave noong umaga. Pinatid niya ako at bumagsak ako sa sahig! Siya 'yong may kasalanan nito!
Napahilamos ako sa mukha at napaupo. Pilit kong binuhay ang cellphone pero hindi na talaga gumana pa. Ilang ulit kong pinindot ang power button at tinapik-tapik pa ito dahil nagbabasakali akong madadaan pa sa paganito. Ngunit, itim na lang iyong nakikita sa buong screen nito.
Pinahid ko bigla ang dumaloy na luha sa pisngi. Hindi ka p'wedeng masira! Hindi p'wede! “Ano b-ba! G-gumana ka ulit!" garalgal na anang ko.
Regalo pa ito ni tatay sa 'kin noon bago siya mawala. Ito na lang 'yong tanging ala-alang nagpapadama na narito siya palagi sa tabi ko.
Kahit kailan ay hindi ako naging burara sa mga ganitong bagay. Iniingat-ingatan ko ito pero ano at ganito na lang ang nangyari?
Noong una iyong uniporme ko at ngayon itong cellphone ko na naman? Kasalanan lahat 'to ni Dave, e!
Tanggap ko naman 'yong pinaggagawa niya pero bakit naman umabot sa ganito? Wala akong pera sa pampagawa ng bagong uniporme! At higit sa lahat wala akong perang pampagawa nitong cellphone!
Marahas kong pinahid ang luha at sinimulang ihakbang ang mga paa patungo sa classroom. Ngunit ang suwerte naman yata ng bakla na iyon. Wala na akong naabutan pa kahit anino nilang tatlong hari.
Tanging isang teacher na lang na nagliligpit ng gamit nito at akma nang aalis. Napatigil ito saglit sa 'kin at napatitig. Nasa bukana pa rin ako ng pintuan at naglakad na ito papunta sa 'kin na may nangunguwestiyong tingin.
"Probably you're Miss Fernandez?" Tumango ako sa guro kasabay ng pagtago ko ng uniporme sa likod. "I marked you absent dahil hindi ka um-attend ng klase ko," kaswal na anito.
Napayuko ako. "Sorry po, ma'am. M-masama lang kasi ang pakiramdam ko kanina kaya ganoon ang nangyari."
"Really? But Mr. Lee said that you're cutting classes. Nakita ka pa nga niya sa labas ng school during my class hour!" may bahid nang sarkasmo ang boses nito.
Lee?
Gulat akong napatingala at nasalubong ang nangungunot na noo ng guro. "Ma'am hindi po ako lumabas ng school! Sinungaling iyang bakla—este Dave na 'yan!"
"Tinataasan mo ako ng boses, Miss Fernandez?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Napakamot ako sa ulo para maitago ang inis sa baklang iyon. Sigurado akong ginatungan rin ng dalawa nitong kaibigan ang sinabi ng Dave na 'yon kaya ganito na lang kakumbinsido at paniwalang-paniwala ang guro namin.
Bwisit kang bakla ka! Pinapahamak mo pa talaga ako sa mga kasinungalingan mo! Humanda ka lang talaga sa 'kin, padami na nang padami ang atraso mo! P*nyeta ka!
"H-hindi po, ma'am," utal kong katwiran. "Pero ma'am hindi talaga ako nag-cutting—"
"So, saan ka pumunta during my class hour?"
"S-sa cr po. . ."
"What? Anong ginawa mo sa cr at tumagal iyon ng isa't kalahating oras?"
Hindi ako agad nakasagot. Alangan namang sabihin kong nag-emo ako buong oras? E 'di mas lalong hindi maniniwala 'to.
Napabuntonghininga na lang ako sa huli at humingi na lang ng tawad sa nagawa.
Tiyak na hindi naman maniniwala iyon sa kung anong sasabihin ko. Na lason na ng tatlong haring iyon ang utak ng guro namin! Bwisit!
Kinuha ko na lamang ang bag na naiwan sa loob matapos siyang umalis at nagsermon sa 'kin. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya, hayaan na, malalaman ko rin naman iyon sa pagdaan ng mga araw.
Napatigil ako nang makitang wala sa silya ang bag ko. Napaupo ako para tingnan ang ilalim ng desk ko pero wala akong mahagilap na bag. Hinalughog ko ang bawat sulok ng classroom pero wala talaga. Pati yata amg teacher's table ay punagdiskitahan ko na. Hanggang sa likod ng board at pinto pero wala!
Bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang nakangising p*nyetang Dave Kendrick Lee na iyon. Siya ang salarin! Anak ng teteng na lima!
Mabilis akong umalis sa loob ng room namin at hinahap ang tatlong hari. Alam kong hindi pa sila umuuwi agad kapag tapos na klase. Malamang, nambabababae pa ang mga ito!
Nakarinig ako ng mga tilian at sinundan ito hanggang sa dalhin ako no'n sa parking area ng Leehinton.
Agad na nagsalubong ang mata ko nang maaninaw ang tatlong hari na pinapalibutan ng mga kababaihan.
Napangiwi ako sa nasaksikahng kalandian ng tatlo sa loob ng eskwelahan ito. May nakakapit na babae sa leeg ni Xavier at ang gag* tuwang-tuwa naman. Si Willian naman ay nakaupo sa hood ng kotse nita at inaakbayan ang dalawang babae. Dito pa talaga nila naisipang lumandi? Napadako naman ang tingin ko kay Dave, may kahalikan itong babae at hindi alintana ang mga taong makakakita sa kanya.
Bwisit 'to, ah! Bakit no'ng una kong nakita 'to ang sungit-sungit at parang kagalang-galang? Bakit sumemplang yata ang mundo? O, sadyang mali lang talaga ang unang impresyon ko sa baklang ito?
Inalis ko sa isip ang mga 'yon. May atraso pa ang baklang 'to sa 'kin! Iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
Nangiligid bigla ang luha ko nang maalala ang sirang cellphone at uniform pero hindi ko hinayaang bumagsak ang luha. Pinatatag ko ang sarili at may inis na naglakad patungo sa direksyon niya.
Hindi man lang ako napansin ng lahat matapos na marating ang kinalalagyan nilang lahat. Sa inis ko ay buong pwersa kong hinila ang kahalikang babae ng baklang Dave na iyon, agad na nangunot ang noo niya nang magkahiwalay ang labi nilang dalawa. Ganoon na lang ang inis nitong binalingan ang kung sinong gumabala sa paglalandi niya at nasalubong ang mata ko.
"What the f*ck are you doing? Gusto mo rin ba?" Ngumisi ito sa 'kin.
Napakuyom ang isa kong kamay at walang ano-ano'y sinampal ang makapal niyang pagmumukha.
Napasinghap ang mga kasama niya sa ginawa kong iyon. Anong akala niyo sa 'kin? Isa sa mga nagkakandarapang makuha siya?
Lakas naman ng apog ng lalaking ito! Kahit gwapo siya, e, hindi pa rin ako magkakagusto sa pag-uugali niyang ito! Noong una ay parang gusto ko pa ang isa sa kanila pero kalaunan ay naglaho rin! Mga p*nyeta!
Dahil sa pagkakasampal ko ay napabaling ang ulo nito pakanan. Tiim-bagang niyang binalik sa 'kin ang tingin na may nagbabagang mata.
Nilabanan ko iyon katumbas ng kung anong hinahatid na inis ng mga mata niya. Hinding-hindi ako magpapatalo ngayon!
"Hindi lahat ng babae ay luluhod sa 'yo!" Ibinato ko sa pagmumukha nito ang unipormeng sira ng dahil sa kagagawan nito. "Bayaran mo 'yan! Ikaw ang sumira, ikaw ang magpagawa!" Tatalikod na sana ako pero naalala ko na sira rin pala ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at winagayway sa ere. "Okay lang naman sana 'yong panti-trip niyo sa 'kin, e. Okay lang! Katuwaan lang naman iyon, 'di ba? Wala kayong magawa sa buhay, e. Pero sana naman alamin niyo kung nakakasakit na kayo! Ito? Regalo pa 'to sa 'kin ni tatay pero ano bang pakialam ni'yo kung masira, 'di ba?" sarkastiko kong tugon at hinagis sa paanan ng gulat na gulat na si Dave.
Iniwan ko silang nakanganga at tila hindi maproseso ng makitid nilang utak ang sinabi ko.
Matunog akong naglakad papaalis habang pilit na pi apakalma ang sarili. Inis ko ring pinahid ang walang hanggang pag-agos ng luha ko.
Maliit na bagay sa iba pero sa aming mga mahihirap ay malaki na iyon!
--
Astarfromabove★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro