Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

Chapter 25: Embraced



"DAVE!" tanging naisigaw ko na lang.

Halos hindi ko na marinig ang sariling boses at tanging mabilis na pagpintig ng puso ko ang nangingibabaw sa tainga ko ngayon.

Mabilis akong nakaagap at naghanap nang makakapitan at nagtagumpay naman ako. Nakakapit ako sa isang malaking ugat sa gilid.

Napapikit ako at biglang napahikbi. Ayo'ko pang mamatay! Hindi ngayon! Hindi pa ako nagakaka-boyfriend! Hindi ko pa nga nasasagot si Dave!

Napamulat ako at napatingala para humingi ng tulong kay Miche. Nanlalaki ang mata nito at nakatakip ang dalawang kamay sa bibig.

"Miche, t-tulong," pagmamakaawa ko. Umiling ito at ilang ulit na napaatras kaya mas lalo akong napaiyak.

"W-wala akong ginawa. . . w-w-wala!" Umiling ito na parang may nangbibintang na kung sino sa kaniya.

"M-Miche. . . p-please, t-tulungan mo a-ako. Miche!" pagmamakaawa ko pa rin ha ang hirap na kumakapit sa ugat ng kahoy.

Umiling lang ito at ilang ulit na humakbang patalikod hanggang sa talikuran niya na ako at tumakbo.

"Miche! Tulungan mo ako! Huwa mi akong iwan! Miche!" patuloy na sigaw ko pero tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Mas lalo akong pumalahaw sa iyak. Nangangalay na ang kamay ko sa pagkakakapit sa ugat ng kahoy.

Muli akong napatingin sa madilim na bangin sa ibaba. Tila walang hanggan ang kadiliman at parang hinihintay na lang akong bumitiw sa pagkakahawak.

Biglang lumitaw ang mukha ni Dave at ni nanay sa isipan ko. Unti-unting kumakalas ang kamay ko sa pagkahahawak sa kinakapitang ugat.

"Diaane, huwag kang bibitiw!" sermon ko sa sarili. "H-huwag n-na h-huwag!"

Ilang ulit akong sumigaw ng tulong pero wala akong naririnig na mga yabag papunta sa kinalalagyan ko.

Halos sumuko na ako pero naalala ko si nanay. Ayaw kong maiwan siyang mag-isa dahil walang mag-aalaga sa kaniya. Kapag nawala ako, walang sesermon sa kaniya kapag nao-overwork na siya kaya hindi puwede.

Kailangan kong makaalis dito.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Mas lalo akong kumapit sa ugat nang maramdamang unti-unti nang bumibitiw ang kamay ko.

Mas lalo akong napaiyak ay nagsisigaw at sa wakas ay laking tuwa ko nang may marinig akong mga yabag papunta rito kaya naging disperada ako at sumigaw nang sumigaw.

Hanggang sa maaninaw ko kung sino ang papalapit sa direksiyon ko. Dahil sa buwan ay hindi ako nahirapang kilalanin ang taong iyon.

Mas lalo akong naiyak. "Dave!" palahaw ko na parang aping-api.

Nanlalaki ang mata nitong tumakbo sa akin at inabot ang kamay ko. "Shh, Diane, you are now safe. It's okay, I'm here."

Nang maiangat niya na ako ay agad akong yumakap sa kaniya dahil nailigtas niya ako sa binggit ng kamatayan. Hinagod niya naman ako sa likod habang umiiyak at pilit na pinapakalma.

"Takot na takot ako, Dave. Ayo'ko p-pang m-mamatay," utal na sambit ko. Napasinghot ako sa pabango nito na parang naging dahilan para mapakalma ako.

"No one will harm you if I'm here, okay? I will protect you no matter what," bulong niya pabalik at hinalikan ako sa pisngi. Inilalayan niya akong tumayo pero napadaing ako nang humapdi bigla ang tuhod ko. "Shit! You have a wound. Let me carry you, Diane."

"Pero—"

"No buts," pinal na aniya.

Wala akong nagawa kaya sinunod na lang ang gusto niya. Umupo siya sa unahan kaya sumampa na lang ako sa kaniya.

Napakagat-labi ako at marahang kumapit sa kaniya para hindi ako mahulog sa pagkakapasan.

Habang naglalakad ay kinuwento niya sa akin kung paano niya nalaman na nawawala na ako.

Nang makabalik daw ang mga estudyante sa camp site ay nag-head count ang bawat section at doon nalaman na ako ang nawawala.

Doon na nagtaka ang iba mga teachers at agad akong hinanap. Tanging si Dave lang ang pinayagang estudyanteng naghanap sa akin dahil baka kung marami sila ay baka madagdagan lang ang mga taong maliligaw.

Asus! Pinayagan yata ng mga teachers si Dave dahil alam nilang malalagot sila kapag hindi nila pinayagan ang anak ng paaralang pinagtatrabahuhan nila. Lihim akong napailing.

Narinig niya rin ang sigaw ko kaya hindi na siya nag-alinlangang sundan pa iyon.

"Bakit ka ba kasi napalayo?" pasermong aniya.

Napanguso ako. "Kasi. . . " Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang totoo.

"Because?" nag-aabang na aniya.

"Hindi k-ko kasi napansin na napalayo ako nang may sinundan akong m-magandang ibon. Hindi ko rin nakita na may bangin pala kaya ayon. . . " pagsisinungaling ko.

Kapag nalaman niyang si Miche ang dahilan, baka kung ano ang gawin niya rito. Babae pa naman iyon.

"What? Idiot, aren't you? Muntik mo nang ipahamak ang sarili mo, Diane! Bakit ba hindi ka nag-iingat?" inis na aniya kaya mas lalo akong napanguso.

"Sorry na nga, e. . ."

Napabuntonghininga ito. "Pero seryoso, I'm so worried about you, Diane. Please, don't do it again. Hindi mo pa nga ako sinasagot," biglang pasaring nito kaya natawa na lang ako. "What's funny?"

"Wala lang, ang cute mo, e."

"Guwapo kamo."

"Dave."

"Hmm?"

"Salamat. Salamat kasi niligtas mo ako. Thank you."

Napatigil siya sa paglalakad at sinalubong ang tingin ko. Ilang pulgada na lang ang distansya namin kaya bigla ko na lang iyong hinalikan sa pisngi.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nito at ilang ulit pang napakurap sa akin.  "Salamat, Dave."

Napalunok ito. Nginitian ko lang siya kaya ilang minuto lang ay ngumiti naman agad ito. Naglakad na ulit siya habang pasan-pasan ako.

Hindi ki alam kung nabibigatan ba siya sa akin o ano, kasi bumabagal ang paglalakad nito.

"I think, I'm dreaming."

"Ha? Bakit naman?" taka kong tanong.

"'Cause the girl in my dreams was here."

Namula bigla ang pisngi ko. Parang nawala tuloy ang hapdi sa tuhod ko buhat ng mga salita ng lalaking ito.

"Dave. . ." tawag ko.

Ito na ba ang tamang pagkakataon para sagutin ko siya? Sa ganitong sitwasyon?

Dumagundong ng husto ang puso ko sa naisip. Iniisip ko pa lang ang ideyang iyon ay hindi na masidlan ng tuwa ang nadarama ko pati na rin ang kabang nararamdaman. Magsasalita na dapat ako ng maunahan niya ako.

"We are here," anunsyo niya. Nabalik ang tingin ko sa unahan at totoong narito na talaga kami sa camping site. Ang bilis naman! "Are you trying to say something, Diane?" takang tanong niya kaya napailing ako nang lingunin ako nito. "Are you sure? May iba ka pa bang nararamdaman? Baka tinatago mo lang sa akin, ah."

Napangiti ako sa concern nakikita ko sa mukha nito. Hindi ko tuloy mapigilang pamulahan ng mukha. Ito talaga ang lalaking ito, oh. Kainis ,nakakikilig!

Napailing ako sa tanong nito ay sinalubong kami ng mga kaklase ko at ibang mga teachers. Patu ni rin su Vincent na alalang-alala sa akin pero binabakuran ako ni Dave kaya hindi makalapit ang lalaki. Inulan ako ng mga tanong kaya si Dave na lang ang sumagot sa mga iyon.

Inilalayan na ako nitong pumunta sa tent matapos magamot ang sugat ko sa magkabilang tuhod.

Habang naglalakad ay hinanap ng mata ko si Miche. Nagkasalubong ang tingin namin at bigla itong nag-iwas at napayuko. Nangunot ang noo ko sa inasta nito.

Kani-kanina lang ay parang torong manlalapa ng tao, ngayon para naman siyang pusang hindi marunong mangagat. Ano ba talaga itong pinapalabas niya?

Nang marating ang tent ay roon ko na hinarap si Dave. "Thank you sa lahat-lahat, Dave. Utang ko sa iyo ang buhay ko."

"No need to thank me. Obligasyon kong protektahan ang taong mahal ko," seryosong aniya na nagpatigil sa akin ay nagpakabago ng husto sa dibdib ko.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro