CHAPTER 23
Chapter 23: School camp
ALAS-kuwarto pa lang kanina ng umaga ay gising na ako dahil baka mapag-iwanan ako ng bus kung sakali mang ma-late ako ng gising.
Lahat ay nagtitipon sa field ng Leehinton dahil dito ang assemble area hanggang alas-singko ng umaga.
Nakapila ang bawat section kaya hindi mahihirapan ang mga bagon dating. Ang mga adviser ng bawat section ang nasa unahan ng pila, pinapaalalahan ang bawat isa sa kung ano dapat at hindi dapat gawin.
Sobrang bilis ang naging takbo ng mga araw at ito na ang pinakahihintay ng lahat—ang school camping. Siyempre kasama ako sa atat na atat at excited na dumating ang event na ito.
Tuluyan na ring naghilom ang tahi ko kaya nagagawa ko na ang paggalaw na walang inaalalang sugat na bubuka.
"Yo, Diane!" bungad ni Xavier sukbit ang backpack at isang sports bag. Naka-hoddie jacket ito na kulay pula at jogger pants na pinaresan ng snickers.
Sumipol si Liam, nasa malayo ang tingin. "Bro, tingnan mo 'yon, ang ganda!"
"Saan?" tanong naman pabalik ni Xavier.
Napairap ako sa kanilang dalawa. Puro babae na lang talaga ang laman ng isip nila. Kailan pa ba sila magbabago? O, sabihin na lang natin na kailan kaya sila mapapabago?
Sumulpot bigla sa unahan ko si Dave at bigla na lang akong nginitian. Napalunok ako at dumagundong ng husto ang dibdib, pero kagaya ng ginagawa ko simula ng nangyari sa likod ng Leehinton ay hindi ko pinahalatang apektadong-apektado ako sa presensiya niya.
Kunwa'y napangiwi ako kaya agad niyang pinuna, "What's with the reaction? Hindi ka ba masayang nandirito na ang manliligaw mo?" preskong aniya. "Btw, kailan mo ba ako sasagutin?"
Mas lalo akong napairap. Siya na yata itong manliligaw na atat na atat na mapasagot ang nililigawan. Hindi naman ganito si Vincent sa akin pero itong lalaking ito, ang lakas ng kumpiyansa sa sarili.
Kaya imbees na sagutin ko, pahihirapn ko muna. May kasalanan pa ang isang ito, e! Akala niya makakalimutan ko iyong naghalikan sila ni Miche? Asa siya!
"Hi, Diane!" Napalingon ako sa biglang tumawag sa pangalan ko at naaninaw na papalapit pala sa direksiyon ko si Vincent.
Kumaway ito sa akin kaya napakaway rin ako. "Uy, Vincent!"
Nakangiti ito sa akin nang lumapit. Napapaisip ako minsan, kung hindi ko kaya nakilala si Dave, siya kaya ang magugustuhan ko ngayon?
Hindi naman kasi malabong magiging tipo ko siya dahil napakabait nito, maalaga, kumbaga isa siyang boyfriend material.
Aabutin ko sana ang kamay nito nang walang habas na dumaan sa pagitan namin si Dave. "Excuse me!" paasik na aniya.
Napalukot ang mukha ko. "Bastos ka talaga kahit kailan, ano?!"
"You tell."
Napairap ako. Bahala siya riyan.
Dahil mukhang kumpleto naman ang lahat ay napagpasyahan na ng mga teachers na sumakay sa mga bus.
Bawat section ay tig-iisang bus na inaakupa. Bawal na bawal ang sumakay ang isang estuduyante kapag hindi naman section niya ang sasakyan. Kaso nga lang, noong umulan yata ng kapilyuhan, e, nasalo ni Vincent.
Pumuslit siya sa bus namin ng hindi alam ng adviser niya. Baliw talaga ang isang ito. Pinagalitan ko nga pero tawa lang ang sinagot niya sa akin.
"Naku, ikaw Vincent kapag nahuli ka ay baka pati ako pagalitan, ah? Mapipitik talaga kita sa noo!" simangot na sermon ko.
Kasalukuyan na kaming nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng bus. Maluwag ang bus namin dahil hindi naman kami gaanong karamihan ng mga kaklase ko. Kahit na may kaniya-kaniya kaming bagahe ay hindi iyon naging dahilan para sumikip ang loob ng sasakyan.
Lulan ng bus ang adviser namin kaya todo tago naman si Vincent sa likod ko tuwing napapatingin rito sa likuran si Ma'am Miranda.
Dahil nauna kaming nakapasok sa loob ay kitang-kita mula rito sa puwesto ko ang mga iba kong schoolmate na nag-uunahan papasok sa kanilang mga bus.
Nahagip ng mata ko si Dave na nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko kung paano siya umakyat sa bus at nahugot ko ang hininga nang malamang papalapit ito sa direksiyon ko.
Walang pasubaling naupo ito sa tabi ko kaya napaipod ako kay Vincent. Halos manindig ang balahibo ko nang sumagi ang braso niya sa kaliwang braso ko. Napalunok ako nang nagwala ang puso kong nananahimk lang kani-kanina.
"Ang sikip. Tsk," parinig nito.
Ang luwag-luwag kaya ng bus namin tapos dito makisisiksik. Nawala yata ang turnilyo sa utak nito.
Umipod ulit ako kay Vincent pero ganoon din ang ginawa ni Dave papunta sa akin. Pinanglukutan ko siya ng mukha pero nagpatay-malisya lang ang baliw na haring ito.
"What are you looking?" kunwa'y nagtatakang aniya.
"Wala!" matabang kong sagot.
"Okay, students, we are now going to the camp site in just few minutes. Just relax and enjoy this trip, okay?" ani Ma'am Miranda.
Paglipas nga ng ilang paghihintay ay umandar na ang bus na sinasakyan namin. Nakalinya ang mga bus habang papunta sa lugar na pagka-camping-an namin.
"You can lean on me if you want to sleep," saad ni Vincent.
Napabaling ang tingin ko sa kaniya. "Okay lang, hindi naman ako inaantok. Saka, kumpleto ang tulog ko, 'no! Malabong nakatulog ako," natatawang sagot ko.
"Tsk."
Napalukot ulit ang mukha ko sa narinig na boses ni Dave. "Kanina ka pa, ah?"
"Hmp." Pinagkrus nito ang braso at tumingin sa malayo.
Anong inaarte ng lalaking ito? Parang tanga. Iyong ibang lalaki, ginagawa lahat para sa panliligaw, nagiging sweet at kung ano pa, pero siya? Ako yata ang nanliligaw sa aming dalawa, e. Kainis ang lalaking ito, ah?
Habang nasa biyahe ay nagkukwento si Vincent 'gaya nang ginagawa niya palagi pero itong katabi ko sa kaliwa ay pasaring nang pasaring sa mga pinagsasabi ni Vincent.
Ewan ko pero patagal nang patagal ay naalibadbaran ako sa ginagawa nilang dalawa dahil nagtatalo na talaga sila.
Hindi ko rin alam kung ano itong pinagmulan ng diskusyon nilang dalawa dahil nauwi na sa panlalait ng katalinuhan ang naging topiko nila.
"You are that smart, dude? What was your IQ?"
"Why are you asking? Do you want to know who was inferior between us?"
"If I answered yes, will you able to answer it?"
"And if I will not answer it, what will you do?"
Napahilot ako sa sariling sintido. Tagisan ba ito ng english? Kanina pa sila at wala yatang gustong tumigil. Parang sasabog na iyong utak ko sa batuhan nila ng mga salita.
Sinamaan ko sila ng tingin pero walang epekto. Para akong hangin sa pagitan nilang dalawa. Napasimangot ako lalo at napatakip na lang sa dalawang tainga.
Kailan ba sila titigil?
Biglang may pumasok sa isip ko kaya walang pag-alinlangan kong nilagay ang kamay ko sa tig-iisang tainga nila.
"Ouch!"
"Aray!"
Sabay silang napahawak sa kamay kong nasa tainga nila. Mas lalo kong diniinan ang pagkakapingot kaya mas lalo silang napadaing at ilang reklamo ang natanggap ko mula sa kanila.
"Ano? Masakit, 'no?" Sabay silang tumango. "Magtatalo pa kayo o lalakasan ko pa 'to?"
Napailing silang dalawa at kaniya-kaniyang tikom ng bibig. Doon na ako napabitaw sa pagkakapingot sa tainga nila kaya agad nilang sinambot ang tainga nilang dalawa.
Tumahimik na rin sa wakas! Iyon lang naman pala ang katapat!
Dahil hindi na sila nagtatalo at maaga pa naman, napagpasyahan ko na lang na umidlip muna. Isa't kalahating oras pa kasi ang biyahe kaya puwedeng-puwede pang matulog. Kumportable kong sinandal ang sarili ay ipinikit ang mata hanggang sa tangayin na nga ako ng antok.
NAALIMPUNGATAN ako sa tunog ng camera na ilang ulit na kini-click ng kung sino. Rinig na rinig ko ang shutter sound nito kaya napadilat ako ng wala sa oras.
Doon bumungad ang dalawang kaibigan ni Dave na sina Liam at Xavier, ngisi-ngising nakatunghay sa kani-kanilang cellphone.
Napabaling ang tingin ko kay Vincent na nakasimangot habang akbay-akbay ni Xav. Wala na rin siya sa inuupan nito.
"Bagay! 'Di ba, dude?" nang-aasar na ani Xav sa kaniya. Pilit na umaalis si Vincent pero hindi siya pinayagan ni Xav at mas lalong hinigpitan ang pagkakaakbay sa isa.
Napatingin ako sa bandang balikat ko dahil parang ang bigat naman yata niyon. Doon bumungad ang mukha ni Dave na sobrang lapit na sa akin. Napalunok ako sa distansya naming dalawa kaya bigla na lang kumabog nang husto ang dibdib ko.
Napalunok ako nang dumapo ang tingin ko sa mapupula nitong labi. Ilang ulit akong napakurap sa kahalayan ng utak ko ngayon.
Bigla siyang gumalaw at hindi inaasahang dumilat ang mga mata nito na naging dahilan para magtagpo ang mga paningin namin.
Tila nawala ang mga ingay nina Liam at Xav nang magkatitigan kaming dalawa ni Dave.
Naputol lang ang titigan namin ng nag-announce na si Ma'am Miranda na bumaba na ang lahat sa bus.
Dali-dali akong napababa sa pagkatataranta kaya muntik na akong matalisod pababa ng bus kung hindi lang talaga ako hinapit sa bewang ni Dave.
Nakasunod pala ang isang iyon sa likod ko kaya ganoon na lang kabilis ang pagsalo nito.
"S-salamat," utal kong saad at inayos ang hibla ng buhok sa tumakas sa likod ng tainga ko.
Ngumiti ito at kinindatan ako sabay bulong, "Sasagutin mo na ba ako?"
Kunwaring umirap ako at napailing. "Manligaw ka na lang ng iba."
"Paano ako manliligaw sa iba kung ikaw lang ang babaeng nakikita ng aking mga mata?" Muli itong kumindat sa akin kaya ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
Napaiwas ako at tinuon na lang ang atensyon sa unahan. Inulit ng mga teachers ang mga dapat at hindi dapat gawin sa camp site at may mga paalalang binigay sa amin.
Sinabi rin ang mga activities na gagawin namin sa tatlong araw na camping. Dapat nga sana ay one week ang camping na ito kaso ay may mga magulang at faculty na ayaw sa ideyang iyon kaya ang resulta, tatlong araw lang.
Okay lang naman sa akin iyon, iyon nga lang ang iba ay bagsak-balikat nang malaman iyon. Sobra-sobra naman yata ang one week, okay na ako sa tatlong araw. Saka, kapag isang linggo ay sobra kong mami-miss ni nanay, 'no!
Nagsimula ang activity noong matapos kaming mag-lunch hanggang sa maghapon na ay pina-assemble na kami ng aming tent.
Iyong tent ko ay pang-isahan lang kaya okay lang para sa akin. May mga magkakaibigan namang iisa lang ang tent pero sobrang laki naman. Iyong ibang tent ay sobrang bongga. Hindi ako na-inform na patagisan pala ito ng tent. E 'di sila na ang may pera.
Napatitig ulit ako sa tent ko na hindi ko matapos-tapos dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin i-assemble. Napapakamot-ulo na lang ako at napatitig sa iba.
Paano ba nila nagawa 'yon? Ang hirap kaya!
Kalahating porsyento na yata ang nakatapos na at kasali ako sa kalahating porsyento na hindi pa nakapapagsimula.
Inis akong napaupo. Ano ba 'yan! Sana naman may anghel na tumulong sa akin dito!
Napabusangot ako nang wala namang dumating na tutulong sa akin. Mukhang matutulog yata ako na walang tent!
Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang kinamot ang ulo dulot nang frustrasyon. Parang gusto ko biglang maiyak pero naudlot ang plano kong pagdadrama nang may humablot sa hawak kong tent.
"You are not done yet? Kanina pa ito, ah?" Pinulot nito isa-isa ang mga hinagis kong parte ng tent.
"Kita mo na ngang hindi ako marunong, paano ako makakatapos?" ngusong sagot ko.
Tinaasan ako nito ng kilay. "E 'di sana humingi ka ng tulong sa 'kin!"
"E, bakit ka galit? Hindi kita inaano riyan, ah?"
"I'm not angry," mahinahong sagot ni Dave. "Look, if you need anything, just call me, okay? Hindi naman iyon mahirap,'di ba, Diane?"
Napalunok ako sa nangungusap nitong tingin. Mas gugustuhin ko na lang talaga iyong nagbabardagulan kami kaysa sa pagiging ganito niya.
Anak ng pitongputpitong puting tupa naman, oh!
"O-oo na!" utal na sagot ko na lang at tinulungan siya sa patayo ng tent ko.
"Hawakan mo riyan," utos niya. Napatango ako at sinunod siya. Napakagat-labi na lang ako ng pagmasdan ulit si Dave.
Seryosong-seryoso sa ginagawa nito. Minsan parang topakin pero minsan ubod naman ng sweet. Langgam na yata ang nahiya sa kaniya kapag sobrang sweet niya sa akin.
Parang gusto na tuloy maging boyfriend ang isang ito pero siyempre sa susunod na lang, huwag muna ngayon. Pahirapan ko muna.
"Ayan! All done!" ngiting aniya.
Napapatitig ako sa tent ko. Tapos na nga talaga. Hindi ko man lang napansin ang oras dahil sa paninitig ko kay Dave.
"Salamat," ngiting tugon ko.
A S T A R F R O M A B O V E
☆
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro