CHAPTER 12
Chapter 12: Unknown
KINABUKASAN ay nagulat akong nasa labas na ng Leehinton 'yong mga pictures namin ni Dave.
May mga poster sa labasan ng school at mga human size pictures na nakatayo sa bawat gilid ng eskwelahan.
Napaawang ang labi ko sa nakikita. Para akong artista! Seryoso? Ako ba talaga 'to?
Kinuha ko ang phone at nag-picture sa isang life size na litrato ko.
Ipapakita ko ito kay nanay, tiyak na matutuwa 'yon. Nakalimutan ko kasing banggitin sa kaniya kagabi dahil agad akong nakatulog. Saka nawala sa isip ko ang sabihin iyon sa kaniya dahil kakaisip kay—basta!
"Hi Diane!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin at hindi ko ito kilala pero base na rin sa suot nito ay sa Leehinton ito nag-aaral. "You're Diane, right?" paninigurado nito habang nakangiti.
Nang huminto ako ay doon na rin siya nakarating sa kinaroroonan ko. Halos malula ako sa taas nito at hanggang kili-kili lang ang taas ko. Napatingala tuloy ako at napatango.
"Wow! Mas maganda ka pa pala sa malapitan," anito.
Pilit akong napangiti. Alam kong maganda ako, inborn na 'yan, e. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya pero siyempre, pabebe muna tayo.
"Naku, nakahihiya naman. Hindi nman ako maganda," maang-maangan ko pa at nilagay sa likod ng tainga ang buhok.
Narinig ko ang pagtawa nito kaya napatitig akong muli sa kaniya. Katamtaman lang naman ang mukha niya, p'wede na maging tao. Maputi rin pero mas maputi si William sa kaniya, iyon yata iyong nakalunok ng isang galong glutathione. Gusto kong matawa sa naisip dahil baka madapa na si Liam sa mga pinag-iisip ko sa kaniya. Medyo kaboses niya si Xavier pero mas maganda pakinggang 'yong kaniya—pangit ng boses si Xav, e. Parang 'galing sa ilalim ng lupa ang tunog.
"Can we be friends? I like humble people like you." Kinindatan niya ako at inangat ang kamay para makipag-shake hands.
Lihim kong kinurot ang sarili. Kung noon pa man sana ay nag-audition na ako bilang school model, baka siguro marami na akong naging boyfriend!
Ene be nemen eyen. Gende ke nemen.
Tinanggap ko 'yong kamay nito at nginitian ito. "Oo naman, friends na tayo!"
Pansin ko ang paghigpit nang hawak nito sa maganda kong kamay at pinatong pa nito ang isa pang kamay para mas lalong mahawakan ang kamay ko.
Asus, chansing din 'to, e.
"I'm Vincent," ngiting pagpapakilala niya.
"Diane." Sinuklian ko rin ng matamis na ngiti ito.
Pero laking gulat ko nang may dumaan sa gitna naming dalawa kaya muntik na akong matumba, mabuti na lang at mabilis akong inalalayan ni Vincent.
"Salamat." Napatingin ako sa taong iyon, nakatalikod na ito kaya hindi ko na nakikita ang mukha. "Hoy! Hindi ka man lang nag-sorry?!" inis kong sigaw pero patuloy pa rin iyon sa paglakad na para bang hindi narinig ang malakas kong sigaw.
Hindi niya ba narinig 'yon o nagbibingibingihan lang? Gago 'yon, ah?!
Ang hindi pamilyar na bag niya na lang ang nakita hanggang sa mawala siya sa paningin ko nang dumami ang mga estudyanteng naglalakad.
"Hayaan mo na," nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko.
Oo nga pala, may kasama ako. Bakit ba nakalimutan ko? Bwisit kasi 'yong lalaking iyon, kung sino man siya. Matae sana sa school!
Pilit akong ngumiti sa harap ni Vincent at napakamot sa ulo. Nakahihiya. "Sorry, ha?" patungkol ko sa pagsigaw.
Tumawa ito ng mahina. "It's okay. Gusto ko nga ang mga babaeng gan'yan." Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa sinabi niya. Ano ba naman 'yan, kinikilig ako!
"Tara na? Baka ma-late na tayo, e," pag-aaya ko.
Tumango rin ito at nagkwentuhan. Marami akong nalaman sa kaniya. Grade 10 na rin siya kagaya ka at kaya pala hindi pamilyar ang mukha nito sa akin ay dahil kaka-transfer niya lang sa rito sa LU—mag-iisang buwan na.
Ang sarap niyang kausap. Maraming dalang kwento at jokes, parang si Mr. Bernard lang, e. Hindi nawawalan ng topic kaya laking gulat ko na lang na nasa harapan na ako ng classroom namin. Lalagpas pa sana ako kung hindi ko lang napansin na nakasandal sa gilid ng pinto si Dave.
Nang lumingon ito sa akin ay sinamaan niya agad ako ng tingin na nagpawala sa ngiti ko. Anong problema ba nito? Parang kahapon lang ang bait-bait nito, ah?
"Diane, mauuna na ako, ha?" paalam ni Vincent na nagpabalik sa 'kin na wisyo. Nasa tabi ko pa pala 'to. Ano ba 'yan?!
"A-Ah, oo, salamat." Ngumiti ako at kumaway hanggang sa pumasok na ito sa kanilang classroom.
Pagtama na pagtama ng mata namin ni Dave ay nagsalita ito, "Who is he? Kalandian mo?"
Napatigil ako saglit sa pang-aakusa niya. Ang aga-aga, e, ganito agad ang bungad sa 'kin. Napapikit ako para pigilan ang inis. Bakit ba ako naiinis sa pagsabi niya no'n?! "Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan ngunit paasik kong tanong.
"You know what I'm talking about."
"Wala akong alam sa mga lumalabas na salita sa bibig mo." Inirapan ko ito at iniwan siyang mag-isa roon sa labas.
"Nariyan na si Diane!"
"Hello, Diane!"
"Ang ganda mo sa shoot ni'yo!"
"Diane, pa-picture ako mamaya, ha?"
Iba't ibang mga salita ang bumungad sa akin pagkatapos kong iwan ang baliw na Dave na iyon. Pinaligiran ako ng mga kaklase ko at halos magtaka ako sa ginagawa nila. Noon naman ay parang inis na inis sila sa 'kin, ano't ganito nila ako ituring ngayon? Artista ba ako?
May iba rin namang nakaupo lang at parang walang pakialam sa paligid. May mga kaklase rin akong masama ang tingin sa akin, siyempre kalimitan ay babae.
Nakipag-usap muna ako sa mga kaklase ko at magpa-picture sa mga gusto. Natigil lang naman iyon nang pumasok si Ma'am Miranda. Iba talaga ang kamandag ng isang Miss Miranda.
Pansin ko ring tahimik ang tatlong hari at hindi gumagawa ng ingay kaya na-curious ako saka sila nilingon sa gilid ko.
Una kong napansin si Xavier na nakahalukipkip sa mesa nito at parang malalim ang iniisip. Si William naman ay nagtitipa sa cellphone, ni hindi man lang suot ang ngisi nito ngayong araw. Samantala, si Dave naman ay ayon, masamang nakatingin sa akin.
Inirapan ko ito. "Problema mo?" mahinang asik ko.
"Ikaw."
"Uunahan na kita, wala akong ginawang kasalanan sa 'yo!"
"Mayro'n," pagpipilit pa nito.
"Wala!" gigil kong bulong at mas lalo siyang sinamaan ng tingin. Matapos no'n ay tinuon ko amg paningin kay Ma'am Miranda. Parang ang sarap ni Dave hampasin ngayon ng libro, nangangati itong palad ko. Pero bigla na lang akong napasigaw at napatayo nang may tumamang bola ng papel sa akin. "Aray! Bakit ka namamato, ha? Nananadya ka na, e!"
"Nakita mo ba ako?" pagalit na asik rin nito. Magsukatan kami ng tingin.
Wala akong ginagawa sa kaniya, tapos siya itong nangbubuwisit ng unaga ko. Akala ko ba ay tapos na siya sa panti-trip sa 'kin? Akala ko lang pala talaga.
"Malamang! Bobo ka ba? Sa direksiyon mo 'galing ang papel, e! Kung may inis ka, huwag kang manakit, prangkahin mo ako! Isip bata!"
"What the? Me? Isip bata?" Napabuga ito ng hangin. "Are you talking to yourself? Don't accussed me something that I didn't do!" dipensa nito na nagpakuyom sa kamao ko.
Huling-huli na tapos dine-deny pa! Kapal!
"Bakit nagmamaang-maangan ka pa, ha? Sa direksyon mo nanggaling! Kaya impossibleng hindi ikaw iyon!" pagpipilit ko. Napadapo ang tingin ko a kamay nitong nakakuyom at bigla akong ginapangan ng kaba pero hindi ko iyon pinahalata.
"Ms. Fernandez, Mr. Lee, stop fighting! Nasa gitna kayo ng klase ko!" dumagundong ang boses ni Ma'am Miranda na nagpatahimik sa lahat pati na rin sa aming dalawa ni Dave, pero sa loob-loob ko ay hindi matahimik ang pag-aakusa sa kaniya na siya ang gumawa no'n.
Sino ba naman kasi ang palaging nagkakainteres sa akin na gawan ng ganito? Simula't sapol ay siya lang ang may lakas ng loob na ganiyanin ako. Kitang-kita na, magmamaang-maangan pa! Nakaiinis!
"Akala ko ba ay tapos na kayo sa mga ganiyan? Ano ito ngayon?! Go to the principal's office. Now!" nanggagalaiting utos nito sa amin kaya wala kaming nagawa ni Dave kun'di kunin ang gamit at umalis na walang salitang lumalabas sa bibig.
Habang naglalakad kami papunta sa naturang lugar ay nakasunod sa likuran namin si Ma'am Miranda. Tunog palang ng takong nito ay nakatatakot na, ano na lang sa mga oras na ito na galit na galit siya sa aming dalawa?
Pakiramdam ko ay mabibiyak ang sementong inaapakan ng paa niya ngayon sa diin nang paglalakad nito. Walang nagsasalita sa pagitan namin kaya mas minabuti ko na lang na magpokus sa paglalakad.
Nang marating amg naturang lugar ay agad na bumungad si Principal Vico. Nagsalubong ang mata namin kaya agad na nagsalpukan ang mga kilay nito na para bang alam na alam na kung ano ang susunod na mangyayari.
Nagbatian muna sila ni Ma'am Miranda at nag-usap. Kami naman ni Dave ay kulang na lang ay may buhawi at kidlat na lumitaw sa pagitan namin.
Nang iwan kami ni Ma'am Miranda ay naupo na rin si principal. "Matagal-tagal ko nang hindi kayo nakikita rito," simula nito. "Mukhang ito pa yata ang magpapataas lalo ng blood pressure ko," namomroblemang anito sa sarili saka hinilot-hilot ang batok.
Noon ay maraming binubunganga agad itong principal namin, nagyon ay parang iniiwasan nito ang sumigaw 'gaya ng ginagawa niya rati. Nagbabagong buhay yata ang principal namin, sana 'yong buhok niya ay magbagong buhay na rin.
"Sabi ni Miss Miranda ay nagtalo na naman kayo habang nasa klase. Ano na naman ba iyon para ma-settle natin ang usapan ngayon mismo at hindi na akong gagawa ng diciplinary action sa inyong dalawa," mahinahong pagpapaliwanag niya at ngumiti.
Parang hindi siya ang Principal Vico noon na palaging sumisigaw sa amin. Ayaw na yatang ma-stress sa aming dalawa.
"She accussed me something I didn't do, principal," sumbong ni Dave kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Accussed mo mukha mo! Totoo ang sinasabi ko at hindi namimintang lang! Sa bandang gawi mo nanggaling ang binolang papel, hindi sa kung saan-saan lang!"
"How many times I've told you that I didn't do it? Ginawa mo pa akong sinungaling!"
"Dahil sinungaling ka naman talaga!"
"Enough!" Hindi namin sinunod ang sinabi ng principal, pinagpatuloy pa rin ang pagtatalo hanggang sa binagsak nito ang kamay sa mesa nito at sumigaw ng ubod ng lakas. "I said, enough!"
Pilit niya kaming pinagbati sa nagdaang oras pero hindi niya magawa. Napapahilot na siya sa sintido 'gaya ng nakasanayan palagi kapag kaharap kaming dalawa. Hanggang sa wala na itong magawa at bigyan kami ng parusa—ang maglinis ng cr.
"Kasalanan mo 'to!" paninisi niya habang hawak ang mop at isang maliot na balde.
"Ako pa? Ikaw ang namato, hindi ako."
"Hindi nga kasi ako ang naghagis no'n! Bakit ba ang hirap mong papaniwalain?" asik nito.
"Hindi ka kasi katiwa-tiwala!" supalpal ko sa sinabi nito.
"Tsk." Nagpatiuna na ito sa akin kaya inirapan ko lang ito pero natigil ang pag-irap ko no'n nang masilayan ang pamilyar na bag na nakasukbit sa likod nito. Doon ko naalala ang walanghiyang lalaking dumaan sa pagitan namin ni Vincent.
"Hoy! Ikaw 'yong bastos na lalaki kanina, ah?!" Sinundan ko ito pero hindi pa rin matigil amg mabibilis nitong mga hakbang, parang kabayo ang isang 'to! "Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan? Tumigil ka nga kalalakad, hoy!"
"Sa pagkakalalam ko hindi hoy ang pangalan ko," masungit na anito pero tumigil naman sa paglalakad at hinarap ako.
Hindi ko pinasin ang masama nitong tingin. "Ikaw ang bastos na lalaking naglakad sa gitna namin ni Vincent! Hindi ka man lang nag-sorry? Aba! Hindi porket sa pamilya mo itong LU, ay basta-basta ka na lang maglalakad sa gitna ng nag-uusap! Wala ka bang GMRC?!"
Mas lalo nitong tinaas ang kilay at ngumisi. "Pakialam ko ba kung nag-uusap kayo? Dapat talaga kapag nag-uusap ay nagho-holding hands? Stop giving me excuses."
Excuses? Anong excuses do'n? Isa't kalahating tanga rin itong lalaking 'to, e. Gwapo sana kaso nawawalan ng utak minsan at napupunta sa paa.
Tumalikod na ito at hindi man lang ako hinintay sa pagsalita. Ang bastos talaga! Ilang ulit ko na lang itong iniirapan habang nakatalikod hanggang sa lumiko ito at pumunta sa cr ng boys. Ako naman ay pumasok na sa cr ng girls at hindi na nag-isip pa. Mabilis kong nalinis ang bawat cubicle dahil malinis naman lahat.
Nasa huling cubicle na ako naglilinis ng makarinig nang pagsara't pagbulas ng pinto. Labas muna ako sa cubicle para pagsabihan na nililinisan pa 'yon at hindi pa p'wedeng pasukan pero sumalubong sa 'kin ang isang malakas na sipa.
Biglang umikot ang paningin ko sa lakas na 'yon at napasalampak sa sahig ng cr. Buhay ng hilo, hindi ko magawang iangat ang sarili at tanging dalawang pares ng paa lamang ang naaninaw na nasa harap ko.
Nasa bungad sila ng pinto ng panghuling cubicle at tanging mga makikintab na sapatos na may takong ang siyang nakikita ko. Napakabigat ng ulo ko at 'di man lang kayang inaagt para silipin man lang sana kung sino anf gumawa no'n.
Ang tangi ko na lang na natandaan ay ang sapatos ng gumawa no'n sa 'kin bago ako nila paulanan ng tadyak hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa walanghanggang kadiliman.
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro