CHAPTER 10
Chapter 10: School model
NAGHAHANDA na ako papuntang school at pinapasok na sa backpack ang mga notebooks. Pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa maliit naming kusina at nadatnan doon si nanay na nagsasalansan ng sinangag at hotdog.
"Kain ka na muna, Day-Day. Heto at kumuha ka na habang mainit pa," saad nito at binigay sa akin ang isang plato't kutsara.
Mabilis ko itong kinuha sa kaniya at sinimulang maglagay ng sinangag.
"Napakaganda naman ng bago mong uniporme. Ang bait talaga ng batang iyon," nakangiting bulalas ni nanay.
Napatigil ako sa pagkain at nanlalaking matang napabaling sa kaniya.
"A-Alam mo, n-nay?" utal kong tanong.
Paano niya nalaman na nasira ang uniporme ko? Patay talaga ako ngayon! Nakita niya ba ang sirang uniform sa aparador ko?
Gusto kong batukan ang sarili, bakit ko ba roon nilagay?
Nangunot ang noo nito sa tinuran ko. "Bakit hindi ko malalaman, Diane?" Sabay pamewang nito.
"Ano. . . k-kase. . ."
"Tanda mo 'yong sinabi kong kaklase mo? Siya ang nagsabi sa 'kin na nasira niya raw ang uniform mo kaya binigyan ka ng panibagong uniporme. Humingi pa nga sa akin ng tawad dahil umiyak ka raw at pinapabayaran sa kaniya. Naku nakahihiya ka, Day-Day! Sana ay hinayaan mo na lang, ipagbibili naman kita ng bagong uniporme," nakapamewang na aniya.
Pinabayaran?
Mas lalong lumukot ang mukha ko sa narinig kay nanay. Ano namang mga kabulastugan ang sinabi ng Dave na 'yon sa nanay kong ito?
"Napakabait talaga ng batang iyon hindi kagaya ng ibang mayayaman!" dagdag niya pa.
Mabait ba 'yon? Parang hindi naman! Kung alam mo lang talaga, 'nay.
Gusto kong magprotesta sa bawat magagandang komentong patungkol kay Dave at gusto kong masuka dahil lahat ng iyon ay hindi makatotohanan.
Dahil sa walang tigil na pagkukwento nito ay mabilis kong tinapos ang kinakain at nagpaalam na papuntang eskwelahan.
"Ikumusta mo ako kay Dave, anak, ha?" pahabol nito.
"Oo na, 'nay," napipilitang sang-ayon ko dahil kung hindi ay hindi ako nito papaalisin sa bahay.
Punong-puno na ang tainga ko sa mga mababangong komento para kay Dave at hindi ko na kayang tanggapin pa iyon. Suntok sa buwan ang mga pinagsasabi ni nanay. Kating-kati na nga ako na supalpalin ang mga katagang inilalarawan nito kay Dave pero hindi ko magawa dahil baka ako ang sunugin nito.
Mabilis ang naging lakad ko at narating ang Leehinton.
Habang naglalakad sa hallway ay may nagtutumpukang mga estudyante sa isang sulok. Dinig na dinig ko ang usapan nilang lahat ngunit hindi ko pa rin maintindihan iyon ng tuluyan.
"Try kaya natin?"
"Gusto ko ring i-try!"
"Girls, try rin natin?"
"Tara!"
Napansin ko ang poster sa gilid kaya agad ko itong nilapitan.
Nakasaad doon na naghahanap ang Leehinton ng bagong school model para sa promotional purposes ng school para sa mga gustong um-enrol.
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at mabilis na nagtungo sa classroom pero hindi pa nga nakatatapak itong mga paa ko sa loob ay may sumigaw na na naging dahilan para hindi ako makapasok
"Ma'am si Diane Fernandez," sigaw ni Xav at ngumising bumaling sa akin.
Nagtatakang naituro ko ang sarili habang papalit-palit ang tingin kay Ma'am Miranda at kay Xavier.
"Ako?" Biglang lumapit si Xavier sa 'kin at inakbayan ako.
"Pasok si Diane sa bagong model ng school. Right, everyone?" anito sa mga kaklase namin.
"Oo!"
"Yeah!"
"Bagay!"
Sang-ayon sa kaniya ng mga kaklase namin. Parang ang ibang babae ay napipilitan pa dahil sa mga hindi maipintang mukha.
"Anong pinagsasabi mo? Wala akong—"
"Okay na kay Diane, ma'am!" masayang sigaw ni Xav, hindi man lang ako pinatapos sa sinasabi.
"Anong okay? Wala akong sinabing okay," gigil na bulong ko kay Xav.
"Okay naman pala na kay Diane. Now it's settled, okay?" Pilit akong ngumiti kay Ma'am Miranda dahil kahit mabait ito ngayon ay nakatatakot pa rin.
"Y-Yes, m-ma'am," alinlangan sagot ko. Napabaling ako kay Xav at palihim ko itong kinurot sa likod.
"Ouch. . ." nakangiting bulong nito habang nakaharap sa guro namin.
"Okay, dahil mayroon na kayong nai-present sa 'kin, wala muna tayong class for today," anunsiyo ni ma'am na siyang nagpahiyaw sa lahat ng kaklase ko.
Nagsiingayan na ang buong klase at umalis sa sari-sarili nilang mga upuan.
Sabay kaming napagilid ni Xav nang dumaan si Ma'am Miranda at nang mawala na sa paningin ay agad kong hinampas ng bag ang mukha nito.
"Ouch! Ouch! Stop it!" Habang sinasalag iyon ay hindi niya mapigilang matawa.
"Stop it, stop it mukha mo! Bakit ako? Wala ka na bang pagtitripan, ha? Bwisit ka!"
"Woah, easy. Magpapa-picture ka lang naman ng naka-uniform. It's not a big deal after all."
Sa inis ko ay tinadyakan ko ang paa nito na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig. Matunog akong napaupo sa upuan at naghalumbaba.
Doon na rin napukaw ng pansin ko ang pagpasok nina Liam at Dave sa classroom.
Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Dave pero agad akong umiwas. Mabilis kong kinuha ang notebook sa bag na hindi ko naman gawain.
Bigla ring hindi ako mapakali sa inuupuan at ramdam ko ang paninitig ng kung sino. Dahil na rin sa kuryosidad ay gumala ang paningin ko at nahuli no'n ang taong nakatingin sa 'kin.
Napalunok ako sa sariling laway at umiwas ng tingin.
Bakit niya ba ako tinitingnan? May muta ba ako? Sobrang pangit ko ba sa araw na 'to?
Nilabas ko ang salamin at tiningnan ang sariling repleksiyon.
Maayos naman ako, ah? Maganda pa rin naman kahit may maliit na tigyawat sa gilid ng ilong ko pero hindi naman iyon masyadong halata.
Wala rin naman akong kulangot na nakasabit sa labasan ng ilong. Napadapo ang paningin ko sa labi ko, wala rin naman akong panis na laway, ano't tininingnan ako ng taong ito?
Napasulyap akong muli sa gawi nito at huli-huli ko ulit na nakatitig ito sa 'kin. Sa pagkakataong ito ay siya na ang umiwas kaya nanatili akong nakatingin sa mukha nito.
Gwapo pero nakaiinis minsan.
Gwapo pero sobrang hangin.
Gwapo pero masungit. . . minsan.
Gwapo pero hindi pinagpala sa talino.
Gwapo pero mapang-asar.
Gwapo pero medyo. . . bakla.
Teka, bakit ko ba siya pinagmamasdan? Hindi naman siya magandang tanawin! Peste ka, Diane! Tigil-tigilan mo katatanaw sa tae ng kalabaw!
Nang umiwas ako ng tingin ay iyon na ang pagkakataong hinila ako ni Xav kaya napatayo ako ng wala sa oras.
"Go. Go, let's go," energetic na aniya at walang habas na inangkla ang kamay sa braso ko na naging dahilan para mapatayo ako.
"Hoy! Ano na naman ba 'to, Xavier?!" reklamo ko. "Sipain kaya kita riyan, ano?"
"Hey! What's wrong with you today?" reklamo rin ng nasa tabi nito.
Napatingin ako para alamin iyon at sana ay hindi ko na lang ginawa.
Si Dave, nakalukot ang mukhang nagpupumiglas sa kabibigan nito.
"Hawakan mo nga 'to, Li!" utos ni Xav at nginuso si Dave. "Paayaw-ayaw, gusto naman," pakinig kong bulong nito habang nakangisi.
"Stop asking, dude. Tara na." Ngumisi si Liam at walang habas na kinaladkad ang kaibigan.
"Saan tayo pupunta? Anong gagawin ninyo sa 'kin?" Nanlaki ang mata ko sa pumasok na ideya sa isip ko at mabilis na niyakap ang katawan ko.
Umirap si Xav sa harapan ko. "Tss. Asa ka. Hindi ako pumapatol sa pangit."
"Aba't! Maganda ako! Bulag ka lang talaga!" singhal ko na ikinatawa nito.
"You know what? I like you."
Bigla akong napatigil sa paglalakad at ganoon din sina Dave at William. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Dave kaya napabaling ulit ang tingin ko kay Xav.
"Ha? B-Baliw k-ka ba?" tanging nasabi ko.
"I like you. . . for being a mahangin. Kapal ng mukha." Humagalpak ito sa tawa. "Dave, this girl." Tinuro ako nito. "Abot himpapawid ang kahanginan, 'talo pa ako, dude." Pumalakpak ito at tawang-tawang tinuturo-turo ako.
Lumukot nang husto ang mukha ko sa mga pinagsasabi ni Xavier at pinaghahampas ito sa balikat.
"Ano? Gago 'to! Totoo namang maganda ako, ah? Bulag kasi 'yang betlog mong pink!"
"Naasar ako, grabe!" Um-acting ito na parang gulat na gulat sa akin kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"We're here," anunsiyo ni William.
Napatigil ako sa akmang paghampas kay Xav at kunot noong binalingan ito.
"Bakit tayo narito? Kung pagtitripan ninyo akong tatlo. Huwag naman sanang may masira sa gamit ko!"
Sisinghalan ko pa sana sila nang itulak ako ni Xav papasok sa principal's office.
"Bye, enjoy," nang-aasar na paalam ni Xav. Kinindatan lang ako William kaya irap ang sinukli ko. Doon ko rin napansin na hindi sumunod si Dave. "Bakit andito ka pa?"
"Obviously, hindi ako umalis," pabalang na sagot nito.
Oo nga naman. Ang tanga ko sa part na 'yon.
"Andito na sila, Mr, Bernanrd! The new school model!" masayang pahayag ng principal namin at tumayo.
"Good morning po," magalang na bati ni Dave.
Aba! Ang galang naman nito ngayon? Himala!
Binati ko rin sila at pinaupo na kami ng principal. Kausap nito si Mr. Bernard na siyang photographer namin.
Marami silang pinag-usapan at halos makatulog na ako sa sobrang boring. Tuwang-tuwa pa silang dalawa dahil perfect kuno kaming dalawa ni Dave na gawing school model.
Perfect? Mamamo!
Kating-kati na akong umayaw kaso galak na galak ang principal at ang photographer na pag-uusapan kami.
Bahala na. Wala rin naman akong magagawa. Pesteng Xavier 'yon! Kung hindi lang talaga nakatatakot ang mukha ni Miss Miranda ay umayaw na ako sa simula pa lang.
Napatitig ako kay Dave, first time yata naming mapunta rito sa principal's office na hindi away ang dahilan. Nakahalukipkip ito at nasa labas ang tingin bigla itong napabaling sa akin kaya mabilis ko ring iniwas ang paningin.
Pumalakpak si Mr. Bernard upang makuha ang atensyon namin dalawa.
"Okay, let's go, guys. Simulan na natin ang photoshoot." Naglakad na ito papalabas ng silid at tahimik kaming napasunod ni Dave sa kaniya.
Habang naglalakad ay tanong siya nang tanong sa aming dalawa ni Dave. Pilit na ngiti na lang ang sagot ko tuwing bumabaling ito sa 'kin at inaasar kaming dalawa ng tingin.
Ang sarap sipain ng lalaking 'to, sa totoo lang.
Pumasok kami sa isang kuwarto at bumungad ang mga make up artist na naghihintay sa amin. Pagkapasok na pagkapasok namin ay wala ng ano-ano ay hinila kami ng mga iyon ni Dave at magkatabing pinaupo.
Hindi kami nag-usap ni Dave pero huling-huli namin ang isa't isa na nagsusulyapan.
Tanging ang mga make up artist lamang ang kinakausap namin.
Nang matapos ang pagmi-make up ay doon ko lamang napagmasdan ang sarili.
Halos mapanganga ako dahil hindi ko akalaing may ikagaganda pa pala ang isang tulad ko.
Alam kong maganda ako pero mas maganda pa pala ako kapag may make up!
"Ang pangit mo," komento ni Dave sa 'kin.
Ito yata ang unang pagkakataon na nagsalita ito patungkol sa akin at hindi pa kanais-nais ang lumabas sa bibig nito.
Biglang akong napabusangot. Basag trip naman ang isang ito.
"Mas pangit ka!" Umirap ako sa kaniya at tumayo na nang tawagin ni Mr. Bernard.
Isa- isa muna kaming pinag-pose. Maayos naman ang mga pictures ko dahil ginagabayan naman ako ni Mr. Bernard.
Naging mabilis ang photoshoot ng bawat isa at ito na ang oras para sa aming dalawa.
"Dave, Diane, get closer to each other. Hawakan mo sa bewang ni Diane, Dave," utos ni Mr. Bernard.
Napakurapkurap ako ng sinunod iyon ni Dave. Bigla na lamang akong nabingi nang maglapat ang kamay nito sa bewang ko. Parang may kung anong sumipa sa dibdib ko dahil sa kakaibang pakiramdam nang paglapat ng palad nito sa katawan ko.
"Diane, look at here. Give me a smile," tawag nito sa akin.
Hindi ako nakasunod ng ilang segundo sa gusto nitong gawin ko dahil sa pagka-distract sa nararamdaman.
Bwisit, ano ba 'to?!
"Diane, smile naturally," utos pa nito.
Napalunok ako at ginawa ang gusto ng lalaki.
"Closer, closer." Lumapit ito sa amin ni Dave at inayos ang pose namin at mas lalo kaming pinaglapit.
Gahibla na lang at magkakadikit na ang pisngi naming dalawa. Amoy na amoy ko na rin ang pabango ni Dave at ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa distansya namin.
Bakit ba ilang na ilang ako sa kaniya ngayong araw?
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro