Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - ❤️ Epilogue

Third Person's POV

Nangingibabaw ang kaba, tensyon, kasiyahan, kagalakan at bulungan ng sandaling iyon sa loob ng simbahan. Ang malalapit na pamilya nina Gavin at Maddie ay hindi maitatangging nasasabik ng makita ang paglalakad ng dalaga sa gitnang pasilyo ng simbahan.

Nang tumugtog ang Canon in D ni Pachelbel ay nagsimulang tumayo ang munting bisita na inimbitan ng dalawang pamilya. Mula sa pinto ay nagsimulang maglakad ang napakagandang ina ni Maddie na si Marci. Kahit nasa edad 40 na ito ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagandahan kaya naman hindi maiwasang humanga ng lahat dito. Sumunod dito ay ang nagga-gwapuhang mga groomsmen na sina Keropi, Charles, Jarred, Lexis, Rain at Carlo. Lahat sila ay naka-itim na suit and tie ng sandaling iyon kaya naman nagkikisigan itong tignan. Sumunod ay si Seb, ang best man ni Gavin. Nang makarating ito kung nasaan ang mga groomsmen ay nagsi-apir pa ang mga ito habang tumatawa.

Nang pumasok si Gavin ay kasama nito ang kanyang ina. Ramdam ni Belle ang kaba at kasiyahang nararamdaman ng kanyang anak ng sandaling iyon kaya naman hindi nito maiwasang haplusin ang pisngi ng binata at marahang tapikin ito.

"Magiging tatay ka na anak. Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya, pero huwag mong kakalimutang nandito lang si Mama para tulungan ka, kayo ni Maddie." Nakangiting sabi ni Belle sa anak niyang si Gavin. Pinisil ni Gavin ang kamay ng ina na nasa kanyang braso saka ito ngumiti at marahang tumango. Nang makarating sila sa altar ay hinalikan muna ni Gavin ang kanyang ina sa pisngi bago ito tuluyang pinakawalan.

Sumunod na pumasok ang nag-gagandahang bridesmaids suot ang kanilang light pink na mga halter long dress dala ang kanilang mumunting bouquet ng bulaklak. Sina Zane, Hana, at Summer na kasunod si Mamsi.

Magpapatalo ba naman sa ganda si Mamsi, hindi di ba? hihi

Habang naglalakad ang mga dalaga ay siyang iling at ngiti nina Rain, Jarred at Lexis. Matinding paghanga ang naramdaman nila ng sandaling iyon sa mga babaeng minamahal nila. Nang makarating sa kalagitnaan ang mga dalaga ay isa isa silang tumingin sa kanilang mga kabiyak kasabay ng kanilang pa-simpleng pag-ngiti na may mapang-akit na mga mata.

Sa kabilang banda ay matapos ayusin ni Nikki ang napakagandang wedding dress ng kanyang bestfriend na si Maddie ay nagpaalam na itong maglalakad. Nang magsimula itong maglakad ay siya namang abot tengang ngiti ni Seb dahil ini-imagine nito na si Nikki na mismo ang bride na naglalakad patungo sa kanya. Ngunit agad rin itong umiling at bahagyang natawa sa naisip. Nagsasaboy ng petals of roses si Nikki ng sandaling iyon dahil sa siya na rin ang naging flower girl.

'Ang ganda mo talaga Nikki ko..' Seb mouthed that words to Nikki that made her blush and smiled sweetly.

Sumunod doon ay ang paglakad ni Rex dala ang mga wedding rings ng kanyang ate na si Maddie at ang magiging kuya niya ng talaga na si Gavin. Lahat ng nandoon ay napapa-singhap o di naman ay naaliw sa napaka-cute na bata na naglalakad ng sandaling iyon. Si Rex naman ay talagang bibong bibo na kumaway kaway pa at ngumiti sa lahat ng makakasalubong niya dahilan para mas lalo siyang makaagaw pansin ng oras na iyon.

Nang magpalit ang tugtog at nangibabaw ang kantang A Thousand Years part 2 nina C.Perri ft. S.Kazee ay mas lalong nanabik ang mga tao sa pagpasok ng bride.

Mula sa kinatatayuan ni Maddie ay dahan dahan siyang nag-angat ng paningin at nakita ang lahat ng taong malalapit sa buhay niya, sa buhay nila ni Gavin. Napangiti ito at napakagat labi. Batid niyang ang araw na to ang simula ng bagong buhay kasama ang kanyang pinakamamahal na lalake.

The day we met..
Frozen I held my breath..
Right from the start..
I knew that I'd found a home for my--
Heart beats fast..

Sa kabilang banda ay di mapigilang mapangiti ng sobra ni Gavin ng masilayan mula sa dulo ng simbahan si Maddie kasama si Harold na magsisilbing tatayong ama ng dalaga at maghahatid sa altar. Pinagdikit ni Gavin ang dalawang palad niya saka bumulong sa Maykapal ng pagpapa-salamat. Ramdam ni Gavin ang bilis ng tibok ng puso niya ng sandaling iyon. Sa sobrang bilis ay naka-ilang beses na siyang huminga ng malalim ng hindi inaalis ang paningin sa kanyang pinakamamahal na si Maddie.

"She's coming.." Bulong sakanya ni Seb kaya naman marahan siyang tumango. Ramdam ni Gavin ang pagtapik ng kamay ni Seb sa balikat niya pero hindi niya talaga maiwaglit sa kanyang paningin si Maddie.

Time stands still.. Beauty in all she is.. I will be brave, I will not let anything take away what's standing in front of me.. Every breath, every hour has come to this..

One step closer....

Habang papalapit ng papalapit si Maddie sa altar kung nasaan si Gavin ay siya ring bilis ng tibok ng puso niya. Nakita niya ang pag-iling ni Gavin ng sandaling iyon at ang bahagyang pagpunas nito sa kanyang mga mata.

"Oh no.. He's crying again. Such a cry baby my love." Bulong niya sa sarili dahilan para mapangiti siya at mapakagat sa kanyang labi. Sobrang kasiyahan ang nararamdaman niya ng sandaling iyon at kulang ang salita para ipaliwanag iyon.

Joy. Happiness. Fulfillment.

I'll love you for a thousand more....

Hindi mapigilan ni Gavin ang luhang nagsimulang pumatak sa kanyang mga mata. Si Seb naman ay agad na nagbigay ng panyo dito saka siya bahagyang tumawa.

"You really love her so much don't you?" Bulong ni Seb kay Gavin.

"Yeah.. So much that I can't help myself to cry because we're finally getting married! Parang bumabagal ang oras! Wala na bang ibibilis to?!" Natatawang reklamo ni Gavin kay Seb. Si Seb naman ay natawa nalang at umiling.

"You know I care for you iha.. Kapag kailangan mo kami ng Mama mo, huwag kang mahihiyang lumapit sa amin okay?" Nakangiting sabi ni Harold kay Maddie. Itinuring na rin nitong nakatatandang anak si Maddie dahil sa sobrang pagmamahal na meron siya para kay Marci, ang kanyang kabiyak. Marahang tumango si Maddie saka niya hinawakan ang kamay ng kanyang Tito Harold.

"Thanks for everything Tito Harold." Nakangiting sabi ni Maddie dito saka niya hinalikan ang dalaga sa pisngi at niyakap. Matapos nun ay ibinigay niya ang kamay ni Maddie kay Gavin at kinamayan ito.

"Take good care of my daughter Gavin." Si Harold.

"Yes Tito Harold." Nakangiting sabi ni Gavin habang pasimpleng pinunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang daliri.

Nang mahawakan ni Gavin ang kamay ni Maddie ay nandoon pa rin ang may kung anong pakiramdam na minsan ay hindi nawala. Sa kabilang banda ay ganoon din ang nararamdaman ni Maddie ng sandaling iyon. Parehas silang masaya at puno ng kagalakan ang kanilang nararamdaman.

"I love you. I really love you so much Maddie.." Sambit ng binata habang inaalalayan na nito papunta sa altar si Maddie.

"Mas mahal kita Gavin. Sobra.." Nakangiting sabi ng dalaga.

Makaraan ang ilang minuto ng seremonya ay nadako na sa parteng magpapalitan ng vows ang dalawa ng matapos ang "i do's". Kagat labi si Maddie na nag-iisip ng kung anong sasabihin niya. Laking pasasalamat nalang niya ng mauna si Gavin. Habang si Gavin naman ay napakaraming gustong sabihin sa dalaga. Kulang ang isang minuto, dalawang minuto o tatlong minuto para pagkasyahin ang lahat ng gusto niyang ipangako habang buhay sa dalaga. Ang nararamdaman niya na hindi rin sapat para lang sabihin, gusto niya iyong iparamdam ng iparamdam dito.

"Heto na eh.. Nandito na tayo.. Ano pa bang vow ang kailangan kong sabihin sa pinakamamahal kong babae?" Biro ni Gavin na nagpatawa sa lahat maski si Maddie ay hindi napigilang mapailing at ngumiti. Tumikhim pa muna si Gavin saka siyang malalim na huminga.

"Bebeloves.. Huwag mo habaan, yung sakin ilang words lang." Si Maddie.

"Huh? Ang daya mo naman Bebeloves." Si Gavin.

"Eh alam mo namang hindi ako sweet. Ikaw ang babae sa atin remember?" Biro ni Maddie dahilan para mapuno ng tawanan at mapailing ang lahat.

"Kailan ka pa naging korny na joker Bebeloves?" Natatawang sabi ni Gavin.

"Ay.. Hindi joke iyon. Totoo iyon." Nakangising sabi ni Maddie kaya naman mas lalo silang natawa.

"Bebeloves naman eh.. Ang sama mo!" Nakangusong sabi ni Gavin.

"Aba, iha, iho, gusto niyo ba talagang matapos itong kasal niyo o hindi?" Singit ni Father.

"Sorry po Father.." Sabay na sabi ng dalawa.

"Tch! Ako na kasi magsasalita! Manahimik ka na! Ikaw talagang babae ka!" Si Gavin. Tumawa naman si Maddie saka ito umiling. "Maddie, I Gavin, take you as my wife--"

"Gavin naman, palitan mo ang formal!" Nakangusong sabi ni Maddie.

"Hala! Nagreklamo pa!" Natatawang sabi ni Gavin saka siya tumikhim. "Ito na, seryoso na." Ngumiti si Gavin saka niya pinisil ang kamay ni Maddie at tinitigan ito sa mga mata na kahit pa may takip na veil ay kitang kita ni Gavin ang pair of green eyes ni Maddie. "When I first saw you Madz, sa totoo lang, hindi na talaga kita nagustuhan. Ang maldita mo kasi, sa sobrang sungit kung makapagtaray akala mo kaaway mo lahat." Natawa si Gavin. "Ngayon akalain mong magiging asawa na kita? hehe Kaya naman nandito ako sa harap mo para mangako at magbitiw ng mga salita sa harap ng Diyos at sa lahat ng taong nandirito ngayon. Maddie, I vow to love you every single day of my life, not merely as your husband but as your best friend and soul mate. My one and only, I promise to be the shoulder you can lean on, the one who will encourage you and inspire you, and the one who'll lift you up whenever you're down. I promise to respect you, honor you and grow with you throughout the years. Without your love Maddie, I am incomplete, at alam mo iyan." Bahagyang tumawa ang dalawa. "So this day, I bind myself to you with these wedding vows wholeheartedly. With love I will always tell you the truth and honesty will be our best policy." He chuckled. "All days of our lives, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, forever, until death parts us. I love you Maddie Hart Fuentabella, and I will now take you as my wife." Nakangiting sabi ni Gavin. Napangiti at naluha ang ilan sa litanya niyang iyon. Ang ilan ay napa-woo pa at awe dahil sa katapatan ng mga salitang binitiwan ni Gavin.

Maluluha luha si Maddie ng sabihin iyon ni Gavin sa kanya. Tila parang panaginip pa rin ang lahat para dito. Bahagyang tumingala si Maddie para pigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata at malalim na bumuntong hininga. Nang muli niyang ibalik ang tingin kay Gavin ay mataman lang na nakatingin ang binata sa mapapangasawa.

"Gavin," panimula ni Maddie, "Sa sobrang dami ng pinagdaanan natin nitong nakalipas na maraming taon, alam mo bang parang panaginip pa rin ang lahat sa akin? Lalo na ang nangyayari ngayon? Sabi ko nga kay Nikki kanina, ano bang vow yan, di ako marunong nun, saka kako hindi ba pwedeng, I vow to love you for the rest of my life nalang?" She chuckled. "Isa pa pala, malay ko bang ikaw pala ang makakatuluyan ko. Malay ko bang mamahalin ko ang isang lalake na mas mabunganga, madaldal at makulit kaysa sa akin." Bahagya ulit tumawa si Maddie at ganoon na rin ang lahat. Si Gavin naman ay umiling at napangiti nalang. "But starting right now, today, I will give myself to you. When life seems easy, and when it's hard, I promise to cherish you and to always hold you in highest regard. With kindness, unselfishness, and trust, I will work by your side to create a wonderful life together. I will be there to laugh with you and be your best friend or your partner in crime, huwag lang bad ah?" She chuckled. "For every good memory we make, I want to celebrate it with you. I always thank God coz he gave you to me Gavin, you're my happiness, my everything." Pinisil ni Maddie ang kamay ng binata. "I'll make sure that this marriage will last Gav. I'll try my hardest to give you any reasons not to. Today and always, beyond tomorrow, I need you beside me, always as your everything and please cooperate with me okay?" She giggled and he snorted. "I promise before God and with all of these people to be your loving wife, as long as our lives shall last. In plenty and in want, in joy and in sorrow, in sickness and in health, together forever Gavin."

Hindi napigilan ng lahat na pumalakpak ng sandaling iyon dahil sa mga pangakong binitawan nina Gavin at Maddie. Mangiyak ngiyak sina Marci at Belle dahil sa pagmamahal na meron ang kanilang anak para sa isa't isa.

Matapos ang bigayan at pagsusuot ng singsing ay hindi maiwasang mapangiti ng sobra nina Maddie at Gavin.

"And I now pronounce you to be husband and wife. Gavin, you may now kiss the bride." Si Father.

Unti unting iniangat ni Gavin ang veil na nakaharang sa mukha ni Maddie ng sandaling iyon at hindi napigilan ng binata ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Si Maddie naman ay agad na pinunasan iyon saka ito ngumiti.

Gavin cupped Maddie's face and lowered his head. He leaned in to give her their first kiss as husband and wife. Nang matapos iyon ay bahagya pa silang nagtawanan saka ini-nose to nose ni Maddie si Gavin.

Napuno ng palakpakan at kasiyahan ang simbahan ng sandaling iyon. Hinigit ni Gavin ang bewang ni Maddie saka sila humarap sa lahat at nginitian ang mga ito.

*******

Maddie's POV

Again, what is Love?

Ano ba kasing pakiramdam ng in love?

Yun bang may spark? Oo.

Yung super bilis ng tibok ng puso mo kapag nandiyan na siya? Oo.

Yung hindi ka makatulog dahil sa kaiisip sa kanya? Madalas.

Yun bang hindi maipaliwanag na feeling? Tama.

I met love. Different kinds of love actually. A love from God, from your family, from your friends, from your first love, and don't forget the love that I had with someone that made me feel so special.

Gavin..

Napangiti ako ng sandaling iyon habang nagsusulat sa aking diary. Ang sabi kasi ni Carlo maige raw iyon para sa mga babaeng nagbubuntis na mahilig mag-isip ng kung ano ano gaya ko. Kumbaga, mag-overthink.

Love is an open door. Once you open up your heart to someone, you'll slowly understand the meaning of it. You'll learn how to forgive, to care, to sacrifice your own happiness, to accept the facts and reality that you'll get hurt. You'll learn how to be brave and fight for what you wanted, needed.

Love is counting your blessings.

Marami man akong pinagdaanan sa buhay ay hindi ko pa ring magawang magreklamo dahil patuloy pa rin akong binibigyan ng blessings ni God.

Ano namang irereklamo ko doon? Wala naman di ba?

Love is what makes everything right with your world.

"Mama ko, ano na matagal ka pa ba diyan?"

Napalingon ako sa likuran ko ng magsalita mula doon si Gavin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran.

Yep. This feels so right..

"Itutuloy ko nalang mamaya Papa ko. Bakit?" Tanong ko dito habang hinihimas himas ko ang kanyang braso.

"Nasa honeymoon tayo, tara sa labas at pumasyal. Masyado kang nagsosolo." Nakangusong sabi nito kaya naman bahagya akong natawa.

"Papa ko, what is Love?" Wala sa sariling tanong ko kay Gavin. Hinarap naman ako nito saka niya hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nandoon at matamang tinitigan ito sa mga mata. Ngumiti ito saka niya ako hinalikan sa noo.

"Love is all about you and me.. And them, our twins." Nakangiting sabi nito sa sinapupunan ko. Nginitian ko naman siya saka ako tumayo ay niyakap ito.

"I love you.." Bulong ko dito.

"I love you more Maddie." Bulong niya rin saka ito mahigpit na yumakap sa akin.

They said, never put the key to your happiness in someone else's hands because they are bound to loose it, but for me not really.

It takes someone special to make you realize that's it's okay if you'll choose him to be the reason of your happiness. He'll make a difference.

Just believe and have faith. Don't loose hope. Everything happens for a reason.

Kung hindi mo pa nakikilala ang lalakeng para sa iyo, huwag kang magmadali. Darating at darating yan sa tamang panahon.

The right one. Your true love. Your great love.

I met Gavin.

I met love.

It's not really a happy ever after story but..

This is our own special love story.

The End

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro