Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 9 ❤️

A/N:

FerlieAnn hi. ☺️

Dedicated to sayo and to my new followers. Hihi

Thanks much! :* ❤️

-- kyLiiemichy

------------------------------------------------

Lexis's POV

Hindi ako makapaniwala sa Maddie na nakikita ko ngayon. Ilang taon ko na siyang kilala pero never ko pa siyang nakitang nakikipagtalo ng ganito sa isang lalake, pwera kay Seb na kapatid niya. Pero yung nakikita ko ngayon, mas parang magkapatid pa itong dalawa. Napaka-komportable nila sa isa't isa.

"Maddie..", hindi ko namalayang nasambit ko.

Napahinto ang dalawa sa paggagantilan at pinakawalan ni Maddie si Gavin. Saka niya tinignan ng masama si Gavin at binatukan pa ito.

'Never niyang nagawa or ginawa sa akin iyon.'

"Bakit ka nga pala napadaan Lexis?", tanong ni Maddie habang papalapit siya sa akin.

Nakita ko naman si Gavin na sumunod sa kanya habang hawak hawak pa rin ang ilong na pinanggigilan ni Maddie kanina lang.

"Hmm. Wala akong space sa club eh. Hehe", biro ko.

Naupo si Maddie sa tabi ko habang si Gavin ay umupo sa tabi ni Maddie.

"Nandoon siya?", sabi ni Maddie. Alam kong si Summer ang tinutukoy nito.

"Hmm. Pagpasok ko palang nakita ko na siya kaya dito nalang ako dumiretso.", sabi ko saka ako tumungga ng beer.

"Sabi mo you like her, eh bakit mo siya iniiwansan?", si Maddie.

Kumunot ang noo ko.

'Are you for reals?! Naniwala ka dun?! Naman! Akala ko pa naman makakaramdam ka ng selos!'

Bumuntong hininga ako bago siya hinarap at sinagot.

"But i love you.", seryosong sabi ko sa kanya.

"Then stop loving me Lexis.", seryoso ring sabi ni Maddie.

Natigilan ako doon. Kahit na ilang beses niyang sabihin na hindi niya ako kayang mahalin ay hindi ako naniniwala. Alam ko. Alam kong mahal niya ako. Hanggang ngayon.

"No. I don't want to.", sagot ko.

"Hindi ka magiging masaya sa akin Lexis. Alam mo yan.", sabi ni Maddie habang busy na ngayon sa kanyang cellphone. "Hoy bakla! Chismoso ka talaga noh? Pati ba naman tong cellphone ko tinitignan mo? Ano? Nabasa mo?", nakangising sabi nito kay Gavin.

Nakita kong kumunot naman ang noo ni Gavin saka niya pinindot pindot ang phone ni Maddie na ikinagulat niya.

"Abnormal ka talaga noh? Psh! Nasend tuloy!!", inis na sabi Maddie na ikinatuwa naman ni Gavin.

'Seriously? Ganun ba kaclose tong dalawang to?'

"Gaano na kayo katagal magkakilala?", tanong ko sa kanilang dalawa. Sabay namang lumingon sa akin si Gavin at Maddie

"6 months na ata dude, or more than 6 months ba Madz?", si Gavin.

"Hmm."

"Ikaw talagang babae ka, wala kang alam isagot kundi, 'hmm'! Kanino mo ba yan nakuha? Tch!", inis n sabi ni Gavin kay Maddie.

Ilang sandali pang parang nag-isip si Maddie at nagulat ako nang bigla niya akong itinuro.

"Sa kanya.", si Maddie.

"Ang korny niyo. Tch! Diyan na nga kayo.", sabi ni Gavin saka ito tumayo. "Oy Madz, after 5 minutes balik stage tayo.", sigaw niya.

"Kailangan bang parehas kayong naka-maskara?", tanong ko.

"Hmm.", sagot ni Maddie habang busy pa rin sa phone niya.

"Hindi mo ba talaga ako minahal Maddie?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ikaw lang makakasagot niyan Lexis. Balik na ako ng stage. Dito ka muna?"

"Hmm. Uuwi na rin ako maya maya."

"Sige. Hintayin mo ako bago ka umalis."

"Hmm.", sagot ko.

Nagpatuloy pa rin ako sa panonood kina Maddie at Gavin. Nakakarelax talaga ang boses nilang dalawa. Sayang, hindi ako biniyayaan ng boses na ganyan. Kung may ganyan lang akong boses gabi gabi kong hinaharana si Maddie. Hindi ko mapiligilang bahagyang matawa.

Naalala ko tuloy nung una kaming magkakilala.

FLASHBACK (Maddie & Lexis Love Story)

"Lexis, kiss me more! Moreee!", sabi ni Jane. Isa sa mga girlfriend ko.

"I'm tired of kissing you. You can find someone else if you want.", sabi ko.

"Okay. See you later then.", sabi nito saka lumakad palayo.

Madilim sa Devils Club. Maingay. Maraming mga naglalandian. Naghahalikan. Nagsasayawan.

"Now I'm bored.", mahina kong sabi. Nasa bar counter ako at nakaupo. Hawak ang beer ay nakaharap ako sa dance floor.

"One bottled water please.", sabi ng isang babae na lumapit sa counter.

Tinitigan ko siya at mataman itong sinuri. Naka-cap ito at naka-pormang pan-dancer. Black ang white ang buong outfit nito. Nang lingunin niya ako ay nginitian ko siya.

"Hi.", nakangiting bati ko.

Tinignan niya ako mulang ulo hanggang paa.

"Dancer ka?", tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang tubig na kaninang hiningi niya saka ito lumakad palayo.

'No way. Hindi niya ako pinansin?'

Hindi ako makapaniwala. Wala pang nang-snob kay Lexis Madrigal. Lumapit ako sa DJ at sinabing may ia-announce ako. Pinahinto naman niya ang music at inilagay ang spot light sa akin.

"Goodevening everyone.", bati ko.

Naghiyawan ang mga babae.

"Lexis! Marry me!!!"
"Oh my gosh! He's really hot!"
"I'll take you home with me tonight Lexis! Say yes!!"

Nagkagulo ang mga babae at pumunta ang mga ito sa dance floor at hinihintay ang sasabihin ko. Hinanap ko sa ang babae kanina. Nilibot ng mga mata ko ang club.

"Hey you!" Tawag ko sa kanya at saka siya tinuro.

Hinanap naman siya ng spot light. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

"That girl with the black cap and curly blonde hair!", sabi ko sa microphone.

Nang matapat sa kanya ang spot light ay saka ito lumingon kung nasaan ako.

"Dance with me. Show me your moves.", panghahamon ko sa kanya.

"No way!"
"Ang Dance Prince ng Devils Club may hinamon? OMG!"
"Oh my.. Kawawa naman yung girl. Malalampaso siya ngayong gabi sa dance floor."

Lumapit yung babae na hinamon ko sa babaeng huling nagsalita.

"Psh! Lampaso? Do you even know me?", cool na sabi nung babaeng hinamon ko.

Mas lalo tuloy akong naging interested sa kanya. Sinabihan ko ang DJ na mag-play ng kanta.

Now playing: Give Me Everything by Pitbull

Nang tumugtog iyon ay agad akong lumapit sa kanya at inikutan siya. Hinila ko siya sa dance floor at hindi naman siya nagpapigil. Lumuwag ang dance floor at nagbigay daan ang lahat ng nandoon. Ilang sandali pa ay tinatapatan ko siya at pinakitaan ng moves ko. Pero hindi siya nagpatinag. Naging dance battle ang ambiance ng paligid naming dalawa.

Marahan niya akong itinulak palayo sa kanya, itinuro at saka siya nag-boo sign. Na-amaze naman ako at hinintay ang gagawin niya.

Hindi niya ako binigo. Namangha ako sa galing niyang sumayaw. It's so damn sexy. I wanna grab her. And i did. Pero itinulak niya ako, mahina yun pero napabitaw ako sa kanya. Umikot siya sa akin at saka kami nagsabay na gumalaw at umindak sa tugtog. I saw her smiling. Alam kong nag-eenjoy siya at ganoon din ako.

Nang matapos kami ay nagpalakpakan ang lahat.

"Woah! That was amazing!"
"Ang galing nung girl."
"Ang galing nilang dalawa!!!"

"Hey. Thanks.", sabi ko sa babae.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako na ikinagulat ko naman.

"No, I should be the one na mag-thank you. So thank you. I'm so bored a while ago kasi.", sabi niya.

Nginitian ko naman siya.

"I'm Lexis."

"Maddie. Una na ako. Hinihintay na nila ako.", sabay turo ni Maddie sa mga kasama niya.

"Ihahatid na kita.", sabi ko. Hindi siya sumagot at tumalikod nalang.

Sinundan ko naman siya.

"Lexis?", tawag sa akin nung lalakeng kasama ni Maddie. Mukhang kararating lang nito.

"Carlo? Hey!!", agad ko siyang niyakap. Yung yakap na pang-boys. Haha

"Pare! Long time no see! Kararating mo lang galing Korea?", sabi ni Carlo sa akin.

"Yeah. Last week pa actually.", sabi ko.

"Oh, guys!", sabi ni Carlo saka siya tumingin sa mga kasama niya. "Meet Lexis. My bestfriend. Playboy jerk to. Ingat girls. Haha", tumawa ang mga babae at nagsi-tango yung lalake. "So, this is Keropi, Charles, Seb, Nikki, Maddie, Mia and Michy."

"Hello guys.", bati ko.

"Nagkakilala na si Maddie at Lexis Carlo.", sabi nung Nikki.

"Really? How?", nagtatakang tanong ni Carlo.

"Hinamom niya ng dance showdown tong dance princess natin. Haha", sabi nung Keropi.

"Haha. Pahiya ka ano?", biro ni Carlo sa akin kaya naman ngumiti ako.

"Oo pare. Magaling. Haha", sabi ko saka sila nagtawanan maliban kay Maddie na busy sa cellphone niya. Hindi ko naman namalayang nakatitig na ako sa kanya.

"Madz, may naiinlove nanaman sayo.", sabi nung Mia.

Nagtataka namang nilingon ni Maddie yung Mia.

"Ha?", si Maddie.

"Ang ganda mo sabi niya! Nagbingibingihan pa.", sabi nung Michy.

"Okay.", sagot ni Maddie.

"Ganyan ba talaga siya?", tanong ko sa kanila. Isa isa silang naglingunan at saka tumawa.

"Haha. Madz! Umayos ka. May bago. Haha", sabi nung Nikki.

"Nee chan.. I wanna go home na.", sabi nung Seb saka ito sumandal sa balikat ni Maddie.

'Aw. Taken na. Sayang.'

"Okay.", sagot ni Maddie.

"Madz! You're so mean! Huwag mo kaming iwan!", si Keropi.

"Wala eh. Nagyaya na baby ko eh.", nakangising sabi ni Maddie.

"You're so beautiful Maddie.", hindi ko napigilang sabi ko kaya naman lahat sila ay tumingin sa akin.

"Flirting much?", natatawang sabi ni Maddie.

"Haha. Na-sense mo?", sabi ko.

"Hindi. Tatlong iba't ibang babae na kasi ang hinalikan mo kanina doon sa bar. Sorry. Hindi ako magiging pang-apat. Let's go Seb.", sabi ni Maddie saka niya hinila yung Seb at umakbay naman ito sa kanya. Umalis na talaga sila.

"Haha. Nakahanap ka ng katapat mo Lexis.", si Carlo.

"Nah. May boyfriend na eh.", sabi ko.

"Ha?", sabay sabay na sabi nilang lahat.

"I mean yung kasama niya?", sabi ko.

"That's my future boyfriend!", sigaw nung Nikki.

"Brother niya yun. Haha", si Mia.

"No way?", gulat na gulat na sabi ko saka ako tumayo.

Agad akong tumakbo palabas para habulin si Maddie.

"Maddie!!!", sigaw ko. Nakita ko siyang pumapara ng taxi.

"Yes?", pormal na sabi ni Maddie.

"Be my girl.", sabi ko.

"No.", sabi niya saka siya sumakay ng taxi kasama nung Seb.

Pero mula nung gabing iyon ay hindi ko na siya tinigilan hanggang sa isang gabi na nasa Devils Club siya kasama nina Carlo, Nikki at Keropi.

"Be my girl Maddie. Pag naging girlfriend kita, hindi na ako magiging playboy.", seryosong sabi ko.

"A bet?", sabi ni Maddie habang umiinom ng juice.

"Sure. Whatever.", sabi ko.

"Pag di mo nagawa?"

"Eh di hiwalayan mo na ako. And, i will be your slave. Forever."

"Slave? Hmm. Sure.", nakangising sabi ni Maddie.

"Sure? As in Girlfriend na kita?????", di makapaniwalang sabi ko sa kanya.

"Slow much?", sabi nito.

"No. I mean, yes!!!! Guys!!! Girlfriend ko na si Maddie! Girlfriend ko na siya!!", masayang masaya kong sabi kina Carlo, Nikki at Keropi.

Niyakap ko ng napakahigpit si Maddie at binuhat ito saka ko siya inikot ikot. Sobrang saya ko talaga. Hindi ako makapaniwalang magiging girlfriend ko ang isang Maddie Hart.

END OF FLASHBACK <3

"Ang daya mo. Wala sa usapan natin na hihiwalayan moko Maddie.", mahinang bulong ko.

Masakit pa rin hanggang ngayon ang puso ko. Nakakaramdam pa rin ako ng lungkot.

"Uwi ka na? Tara.", sabi ni Maddie nang matapos siyang kumanta sa stage. Kasunod nito si Gavin. "Gavin, una na kami. Ipaalam mo nalang ako sa iba."

Tumango naman si Gavin at kumaway pa ito sa amin habang papalabas kami ng Angels Cafe.

"Good boy siya noh?", tanong ko kay Maddie.

"Hmm."

"Saan punta mo?"

"Kina Rain at Nikki. Kasama nila si Seb.", nakangiting sabi ni Maddie.

Kapag si Seb ang pinag-uusapan, ganyan ang mga ngiti ni Maddie. Abot tenga. Kaya pala hindi niya maibaba ang phone niya kanina.

"Hmm. Una na ako kung ganoon.", sabi ko.

Gusto ko sanang sumama pero nandoon si Seb. Awkward pa rin kasi ako sa kapatid niyang iyon. Parang alam lahat ng iniisip ko. Isa pa, lagi niyang inilalayo sa akin si Maddie.

"Lexis, take care of yourself okay? And, can you do me a favor? Kung okay lang."

Nagtatakang tinanguan ko si Maddie dahil mukhang seryoso ito.

"Open up your heart Lexis. Sa tingin ko hindi katulad ng ibang babae si Summer. Nakita mo naman siguro kung anong klaseng lalake si Gavin di ba? Imposibleng maging girlfriend niya ang ugali ng babae na ayaw mo."

Tinignan ko siya at pilit na binabasa ang kanyang expression.

"What do you mean? Maddie naman.."

"Lexis. Accept the reality already. Wala ng tayo. At alam mong hindi kita maiiwan hangga't walang babae ang nagpapasaya sayo."

"Pero ikaw ang nagpapasaya sa akin Maddie."

"Yeah right Lexis. Lagi nalang kitang nasasaktan. Ito ngang sinasabi ko ngayon sa iyo, masakit na di ba? Yung lagi kitang itinutulak sa ibang babae, nasasaktan kita di ba? Pero kung hindi ko to gagawin, aasa ka kasi na babalik yung sa atin. At yun ang ayaw kong isipin mo."

Tama si Maddie. Nasasaktan nanaman niya ako ngayon at tila pinipiga ang puso ko sa mga narinig ko. Paulit ulit nalang na ganito.

"Madd-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin. Niyakap ko naman siya ng mas mahigpit.

"Find your own happiness Lexis. Be strong. Okay?", bulong niya saka siya kumawala sa pagkakayakap sa akin pero hindi ko siya pinakawalan.

"Are you saying goodbye for real this time?", bulong ko sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Yeah.", bulong niya.

Unti unti ko siyang pinakawalan sa pagkakayakap ko sa kanya saka ko siya matamang tinignan sa mga mata. Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob. Nginitian ko siya.

"I love you Maddie. Thank you. Bye.", sabi ko saka ako lumakad palayo.

Pumunta ako kung saan nakaparada ang kotse ko. Binuksan ko iyon at agad akong sumakay. Pinaandar ko ito saka ako umalis sa lugar na iyon.

Nang nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ay doon ko inilabas ang mga luha na kanina pa nagbabadiyang tumulo. Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Parang walang katapusan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I need someone. I mean it.

Walang ano ano ay kinuha ko ang phone ko at dinayal ang number ni Summer. Agad niya naman itong sinagot.

"Meet me in front of my house.", sabi ko saka ko ibinaba ang phone.

Nagpakawala ako ng isang sigaw. Inihinto ko sa gilid ang sasakyan ko at doon ako nagsimulang umiyak ng umiyak.

My house.

Tinitimplaham ako ng kape ni Summer. Nasa kusina kami ngayon.

"What happened?", pormal na tanong ni Summer. Hindi siya yung tipong nanlalandi ngayon. Marunong ata siyang bumasa ng mood.

"She really left me for real..", malungkot kong sabi.

"You really loved her huh.."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kisame.

"Yeah. I still do. How am I supposed to forget her? Tell me Summer. How??"

It really hurts. This kind of love really hurts.

"Just don't forget her then.", rinig kong sabi ni Sumner kaya naman nagtataka akong lumingon sa kanya.

Nakatingin ito sa kape na hawak niya. Kapag ganitong tahimik siya ay napaka-perfect niyang tignan. A very fine woman.

"Hindi mo naman talaga siya makakalimutan eh.", sabi niya ulit saka siya lumingon sa akin. "Use me if you want Lexis. Kahit pa isipin mong siya ako, okay lang."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Paano niyang nagagawang sabihin iyon?

Ang gamitin siya? No. Hindi na ako ganoon. Kailangan ko lang talaga ng mapaglalabasan ng sama ng loob ngayon at alam kong ready siyang makinig.

"No. I can't do that.", sabi ko habang umiiling iling pa.

"I know. Hehe haaaay...", sabi nito saka siya nangalumbaba gamit ang kanang kamay niya.

"Why do you even like me Summer? Kahit alam mong may mahal akong iba.", napapaisip akong tinanong iyon sa kanya.

"Why do you love Maddie?", tanong niya na dahilan ng pagkunot noo ko.

"Why? Coz i love her. That's it."

"Same here.", nakangiting sabi niya.

Natawa naman ako sa sagot niya.

"Mas gwapo ka talaga kapag nakangiti. Hehe"

Nilingon ko siya. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya saka ko marahang ginulo ang buhok niya.

"Thanks for being with me right now Summer.", sincere kong sabi sa kanya.

"Yeah sure. Just make sure na idedate mo ako. Okay? Saka huwag mo na nga akong iwasan. Pwede mo namang sabihin na ayaw mo akong makita eh."

"Lalayo ka ba kapag sinabi ko?"

"Of course not.", pa-girl na sabi niya.

Nagtawanan naman kaming dalawa. Ilang oras pa kaming nag-usap ng kung ano ano.

Masayang kausap si Summer. Marami itong alam na nasasabayan ko. Napag-usapan rin namin ang kursong kinukuha namin. At kung ano ano pang bagay.

Itong personality niyang ito ang nagustuhan ko sa kanya. Witty, prangka at madaling makagaanan ng loob.

"Anong nangyari sa inyo ni Gavin?", seryosong tanong ko. "I think he's a good guy."

Nakita kong natigilan si Summer at tumingin sa akin. Saka ito bumuntong hininga.

"Because he's too good to be true.", nakangiting sabi ni Summer pero kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Feeling ko, hindi ko kayang mahigitan kung ano iyong ginagawa niya para sa akin, yung pagmamahal niya. Take note, hindi siya nagagalit, i mean, never siyang nagalit sa akin. Then narealize ko na lang na hindi na ata love yung nararamdaman ko sa kanya kundi puro nalang guilt. Kaya nakipaghiwalay nako. Ang mali ko lang talaga is yung makipagrelasyon ng hindi pa clear ang lahat sa amin.", bumuntong hininga siya. "Then that time, bigla kang dumating sa buhay ko. Ikaw ang unang lalake na nagalit sa akin dahil mali ang ginagawa ko. I was like, who the hell are you anyway, haha. Pero nung tumagal, mas nakilala pa kita. Pakielamero ka kasi. Haha Sa personality mo ako na-attract. Dagdag points nalang na gwapo ka. Hehe"

"Hmm.", nakangiting pagsang-ayon ko sa kanya. "But you tried right? And you loved him?"

"Yeah. Masyado akong na-spoil sa pagmamahal niya. Hehe kaya ngayon, ako naman yung magbibigay sa taong mamahalin ko.", sabi niya habang hinahalo halo nito ang kape niya saka hinipan.

"Oh akala ko ba ako na iyon?", biro ko.

"Haha. Sure. Mamahalin kita, soon.", natatawang sabi ni Summer kaya nakitawa na rin ako.

Naalala ko bigla si Maddie. Hindi ko man lang siya makausap ng ganito dati. Lage kaming tahimik at nagpapakiramdaman lang madalas. Ni hindi niya ako madalas na binibiro.

'Haaaay. Ang unfair mo Maddie. Bakit mo ako nasasaktan ng ganito?'

Ilang araw na ang lumipas ng magpaalam sa akin ng tuluyan si Maddie. Hanggang ngayon masakit pa rin pero nandiyan si Summer at kahit papaano ay nawawaglit si Maddie sa isipan ko. Hindi ko naramdamang nag-take advantage si Summer sa nararamdaman ko ngayon. It's more like a friend, a great companion.

"Hey! Let's go shopping! Treat me.", pangungulit niya.

Nasa Devils Club kami ngayon. Ala-una ng hapon. May inasikaso kasi ako kaya naman tumambay kami saglit dito.

"Hmm. Okay later.", sabi ko habang pumipirma ng mga papel.

Nasanay na akong may maingay sa paligid ko ng dahil kay Summer. Kung kay Maddie noon ay tahimik lagi ang paligid ko, kay Summer ay kabaliktaran.

Hindi ko rin alam kung paanong na-tolerate ko ang babaeng to.

"May party pala kami mamayang gabi. Pwede ba kitang maging escort?", rinig kong tanong ni Summer kaya naman nilingon ko siya. Kasalukuyan nitong hinahawi at sinusuri ang mga bote ng alak na nasa bar stand.

"Para saan?"

"Hmm. Engagement party ng kuya ko.", sabi nito saka humarap sa akin. "But if you don't want to, okay lang."

"Okay. I'll go."

"Thanks then.", nakangiting sabi niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako natapos pumirma ng kung ano ano na may kinalaman sa club.

Matapos doon ay agad kaming dumiretso ni Summer sa mall. Bumili siya ng ilang dress. Mahilig sa dress si Summer. Never ko pa itong nakitang nag-pants. Then nagpunta rin kami ng make up store saka kami dumaan sa Pizza Hut para magmerienda.

"May isusuot ka naman na siguro mamaya di ba?", si Summer.

"Hmm. Ako na bahala. Susunduin kita sa apartment mo?"

"Sige."

Pinagpatuloy namin ang pagkaen. Isa pa sa mga nalaman ko tungkol kay Summer ay mahilig ito sa pizza. Kapag nasa bahay kami ay lagi itong nag-oorder ng pizza.

"Buti hindi ka tumataba?", nagtatakang tanong ko.

"Well, i love going to the gym. Maybe that's why.", sabi nito habang isinasawsaw ang fries sa cheese.

"Ugh. Cheese with fries? Ugh.", nasusuka kunwaring sabi ko.

"Hey! That's rude! Pagkain pa rin to, huwag kang ganyan. Eto, tikman mo! Say 'ah'!!!", inis na sabi niya sa akin.

"No. I don't like it."

"Lexis! Konti lang. Just try it."

"Ugh. Ouch!", sabi ko saka ako ngumanga.

'Bakit ako ngumanga? Sinisipa niya ako sa ilalim ng mesa!'

"Good boy. Oh di ba masarap?", nakangiting sabi niya.

"It was edible indeed."

'Actually masarap. Haha'

Kumuha ako ulit at isinubo iyon.

"Edible huh? Yun na pala ang masarap para sa iyo. Haha", natatawang sabi niya kaya naman natawa na rin ako.

Maddie's POV

Nagyayang mag-mall sina Nikki, Rain, Seb at Gavin. Hindi ko alam kung kailan at paanong naging ka-close ng mga ito si Gavin. Bigla nalang, boom! Close na sila. Lalo na si Seb at Gavin. Medyo magka-ugali kasi ang dalawang to. Si Rain naman ay nakisabay lang sa amin. May date daw siya mamaya kaya kailangan niyang bumili ng pamorma na damit.

Malapit na kami sa may hagdan ng mapalingon ako sa Pizza Hut. Yayayain ko sana sila pero nakita ko si Lexis kasama si Summer. Masayang nagtatawanan ang dalawa.

"Madz. Ano na? Dalian mo.", inis na sabi ni Rain.

Tinanguan ko siya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

'Sasabihin ko ba kay Gavin? Hmmm. Never mind. Masasaktan nanaman iyon. Hmm. Ang saya ni Lexis ah? Hmm. Hmm.'

Hindi ko alam kung bakit parang nawala ako sa mood at nakaramdam ng parang tinutusok ang dibdib ko.

Hinila ko si Nikki.

"Nakita ko si Lexis.", bulong ko sa kanya.

Nauuna sa amin ang tatlong lalake kaya naman tinaon ko na hindi sila nakatingin nang hilahin ko si Nikki.

"Ha? Di tinawag mo sana.", bulong din ni Nikki.

"Kasama yung ex ni Gavin. Yung alam mo na.", bulong ko ulit.

Nakwento ko na rin kasi kay Nikki yung tungkol kay Gavin kaya naman tinutulungan namin actually maging okay si Gavin kahit papaano.

"Ha? OMG. Pinatulan na talaga ni Lexis?", nanlalaking mga mata ni Nikki ang bumungad sa akin ng titigan ko siya.

"Ewan.", ayun nanaman yung mabigat na pakiramdam.

"Oh? Bakit parang tumamlay ang timpla ng mukha mo?", nagtatakang tanong ni Nikki.

"Hindi ko alam. Biglang sumama mood ko. Saka biglang nanikip dibdib ko. Psh!", inis na sabi ko.

"Ohhh!!!!! No way!!!!!!!", sigaw ni Nikki kaya naman tumingin sa gawi namin ang ibang tao na naglalakad sa mall. Siyempre, pati na yung tatlong kumag.

Itinulak ko naman palayo si Nikki.

"I don't know her. Let's go.", sabi ko saka ako sumabay kay Seb.

"Anong nangyari doon?", rinig kong tanong ni Rain.

"Nakaramdam na ang peg niyo.", natatawang sabi ni Nikki.

Nilingon ko siya saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Huh?!!", singhal ko sa kanya.

Hinila naman niya ako saka sinenyasan ang mga kumag na mauna na. Kunot noo naman silang sumunod kay Nikki.

"Beb. Selos ang tawag diyan.", bulong niya.

Minsan ay 'beb' ang tawag niya sa akin.

"Ha?", monotone kong sabi. As in walang buhay.

'Selos? Ako? Ha! No way.'

"Eish! Yan ka nanaman Maddie eh. Hay nako! Denial queen ka talaga. Bakit ba kasi hindi mo pa maamin sa sarili mong may nararamdaman ka para kay Lexis?", sabi nito habang dinuduro duro ang noo ko.

"Aray! Psh!", sabi ko saka tinapik ang kamay niya. "Hindi naman ako ganoon katanga para ipagtabuyan siya sa ibang babae kung mahal ko nga siya di ba?", sarkastikong sabi ko.

"Hindi rin. Ganoon ka talaga ka-tanga Maddie. Iniisip mo lang yung kaligayahan ng iba na minsan kahit pa alam mong ikaw ang dahilan ng happiness nila, ipinagpipilitan mong hindi mo sila kayang pasayahin. Sa huli, ikaw yung mas nasasaktan, ang tanga mo lang masyado, kasi hindi mo yun alam.", prangkang sabi nito kaya naman natigilan ako. Huminto kaming dalawa sa paglalakad. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagya niya akong niyugyog. "Maddie. Wake up already. Face your fears. Try mong mag-explore. Lumabas ka sa comfort zone mo. Kahit anong gawin mo, tama man o mali, hindi mo ba nakikitang nasasaktan ka rin? Hindi mo ba talaga kayang tanggapin sa sarili mong kaya mong magmahal? Na kaya mong magpahalaga ng tao? Maddie.. I'm here kasi naramdaman ko iyon. Nag-stay sayo si Lexis dahil ramdam niya rin iyon. At lahat kaming nakapalibot sayo, ramdam iyon. Kaya bilang kaibigan mo, kung kailangang isampal ko sayo ngayon ang reality gagawin ko. Para lang magising ka. Haaaay.", sabi nito saka niya ako niyakap.

"Nikki.."

"Maddie alam ko kung gaano ka kalakas. Kung gaano mo kayang i-control lahat ng emotions mo. You're a very very strong girl Maddie. Oo, alam din namin yun, pero minsan hayaan mo rin naman kaming maging sandalan mo. Hindi nalang yung puro ikaw. Pati tuloy yung taong mahal mo, na itinulak mo palayo, wala na."

"Hindi ko nga kasi alam-"

"Then take the risk para malaman mo.", seryosong sabi ni Nikki. Salubong na ang mga kilay nito kaya naman alam kong seryoso na siya.

"Hoy! Ano na? Kanina pa kami naghihintay!", sigaw ni Rain.

Sabay naman kaming napalingon ni Nikki. Hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad papunta sa mga boys.

'Take the risk? No. Okay na akong magisa. Okay na na ako lang. Okay lang.'

Kinumbinsi ko ang sarili ko ng mga oras na iyon. Ayokong may madamay sa nararamdaman ko ngayon. Ayokong ipaalam. Ayoko.

"Huy. Okay ka lang?"

Bahagya akong nagulat nang kalabitin ako ni Gavin. Tinanguan ko lang siya.

"Abnormal ka talagang babae ka.", bulong ni Gavin sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko sa inis.

"Tigilan mo akong bakla ka.", inis na sabi ko.

"Ayan nanaman po ang aso at pusa. Yung daga nanonood lang. Haha", si Seb.

Aso at pusa ang tawag ni Seb saming dalawa ni Gavin. Ang daga naman na tinutukoy niya ay si Rain.

"Haha. Huwag ng pansinin. Baka magkatuluyan pa yang dalawang yan. Haha", si Nikki.

"Never.", sabay naming sabi ni Gavin kaya naman napalingon kami sa isa't isa saka kami umirap na dalawa.

"Haha. Nakakatawa kayo. Haha", si Rain.

"Mas nakakatawa ka. Makikipag-date kailangan bago damit?", inis na sabi ni Gavin kay Rain.

"Hoy! Huwag mo akong idamay sa kabaklaan mo. Sa akin ka pa talaga nainis? Ulol.", si Rain.

"Haha. Tara na nga.", yaya ni Seb.

Bahagya namin kaming natawa ni Nikki at nakita ko ring tumawa na rin ang tatlong lalake.

Nasa department store kami kay naman napagpasyahan kong bumili ng bagong sapatos.

"Sapatos nanaman? Parang kailan lang nung binilhan kita ah.", si Gavin. Sa akin siya sumama dahil titingin daw siya ng black shoes dahil kailangan daw nila yun sa school nila. Malapit nanaman na kasi ang pasukan.

"Huwag ka ngang kontra. Alis. Dun ka sa sapatos ng mga lalake. Hindi porke bakla ka ay dito ka rin, walang kasya sayo.", pang-aasar ko.

"Ikaw talagang babae ka!!!! Nakakarami kana ah!!", sabi nito habang naka-crossed arms.

"Oh, doon ka na nga kasi. Iniistorbo mo ako."

"Tch! Okay ka lang ba talaga?"

Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Gavin kaya naman lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Kung obvious masyado, wag ka na magtanong. Wag mo na akong intindihin. Okay? Mind your own business.", seryosong sabi ko.

'Yan. Yang mga ganyang bagay ang iniiwasan ko. Yung tipong mag-aalala sila sayo kasi nakikita ka nilang hindi okay. Haaay. Ang hirap din naman kasi mag-poker face minsan.'

Bumuntong hininga ako saka ipinagpatuloy ang pagtingin ko sa sapatos. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtapik ni Gavin sa balikat ko. Para bang sinasabi niyang, 'i hope you're fine.'

Lumakad siya palayo sa akin at hindi na lumingon pa.

'Madz, ganoon ka na ba kahina ngayon? Na maski si Gavin nakikitang hindi ka okay?'

Bumuntong hininga ulit ako at itinuon ang pansin sa mga sapatos.

Naalala ko ang tawa ni Lexis kanina. Masaya ito at hindi pilit iyon. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng ganoon. Ang alam ko lang, maging masaya na siya ay okay na. Magiging okay na ang lahat. Pero bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Wala talaga ako sa mood.

"Nakapili kana Beb?", si Nikki.

"Nikki, I think you're right.", nakangiting sabi ko.

"Anong you think?! Tama talaga ako. Gaga!"

"Haha. Pero, i made my decision Nikki."

"Really? Ganun nalang yun? Ni hindi mo man lang pinag-isipan ng isang buong araw?", malakas na sabi ni Nikki kaya kumunot ang noo ko. "Ah, hehe. Sorry. Nadadala lang ng emotions."

"Hindi ko na kailangang pag-isipan pa iyon. Sabi nila, kapag ramdam mong mali ang magiging desisyon mo, gawin mo ang tama.", hinarap ko siya at nginitian. "I have to move on and let him be happy without me. But thanks to him, nalaman ko ang pakiramdam ng mahalin at magmahal."

Oo. Yun ang tama. Ayoko ng maging sagabal sa kasiyahan niya. Matagal ko ng pinanghawakan yun. Ito na ang tamang panahon para palayain siya.

"Sometimes you try your hardest but, things don't always work out the way you want them to. Sometimes things have to change and maybe, just maybe, they're for the better.", sabi ko kay Nikki at halatang nagtataka pa rin ito. "I will become stronger Nikki. You'll see."

"Hmm.", ngumiti sa akin si Nikki. "It's gonna get harder before it gets easier Maddie. But soon, it will get better, you just gotta make it through the hard stuff first. Kaya nahihirapan ka man sa ngayon, huwag mong kakalimutang nandito ako, si Seb, si Kuya Rain. Okay?", sabi nito saka ako niyakap.

"Nee chan. Stay away from her. Ayokong magaya ka sa babaeng yan.", rinig kong sabi ni Seb.

"Ouch! Sinaktan nanaman ako ni Seb my loves. Huhu", sabi nito na mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Anong my loves?! My loves mo mukha mo!", inis na sabi ni Seb.

"Maddie! Bakit ba nagmana sayo si Seb?! Huhuhu", singhal sa akin ni Nikki.

"Psh. Tigilan niyo nga ako. Buti nalang hindi kayo dito nakatira. Psh!", inis na sabi ko habang kumakawala sa yakap ni Nikki.

"Ay, hindi pa ba nabanggit sa iyo ni Seb?", si Nikki.

"Nag-transfer na kami dito.", si Rain.

"Nasa iisang school na tayo Nee chan!!!", masayang sabi ni Seb saka ako niyakap.

"What?!", bulalas ko at hindi ko mapigilang manlake ang mga mata ko.

TO BE CONTINUED..
----------------------------------
Any violent reactions? I mean comments? Haha

Yiie! Asa iisang school na silang lahat ☺️❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro