Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 59 ❤️ (Preparation)

[A:N] This is it!

don't forget to leave a comment guys! 😘

---------------------------------

Nikki's POV

Pagpasok ko ng kwarto ni Maddie ay tumambad sa akin ang isang anghel. She's wearing a well-made A-line ball gown wrap rosette floral long wedding dress with rhinestones on the chest line that not only shows her fuller chest line but also present the lavish feeling. It also enhances the curvature of her body. Her hair is up like a princess style with a veil on it.

Ang ganda talaga ng bestfriend ko! Kakaloka!!

Nakapikit ito sa harap ng vanity dresser niya na para bang malalim na nag-iisip saka ito bumubuntong hininga. Kinatok ko ang pintuan bago ako tuluyang lumapit para maagaw ang pansin nito pero hindi effective iyon. Hindi ito kumibo man lang o tumingin sa akin. Sinumulan ko siyang lapitan saka ko ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang pag-igtad nito kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Mataman niya akong tinitigan sa salamin saka siya ngumiti at napailing.

"Ano? Itatakbo na kita? Sabihin mo lang kung gusto mong maging runaway bride beb. Gagawa ako ng paraan para maitakas ka dito." Biro ko. Giggling as I tap her shoulder, she places her hand on mine.

"Sige ba.. Siguraduhin mo lang na may magpo-propose pa sa akin na mas gwapo kay Gavin." Natatawang sabi din nito.

"Ses! Style mo. Mas gwapo naman si Carlo bakit hindi ka sa kanya nagpakasal?" Prangkang sabi ko.

"You're so mean." Natatawang sabi niya. "Mas gwapo lang talaga para sa akin si Gavin, saka, siya ang pinili nito," nakangiting sabi niya sabay turo sa kanyang puso.

"Ses! Gumaganyan ka na ah! Kaloka! Nasaan na ang Maddie na walang puso?!" Tumatawang sabi ko.

"Minahal na ni Gavin, ayon, nagkaroon ng puso, and here I am." She giggled.

Hala! Grabe! Ibang ibang Maddie na ang nasa harap ko! Ehhh!

"Grabe.. Ang laki talaga ng epekto sa iyo ni Gavin noh? Naging korny ka na rin gaya niya!" Bulalas ko.

"Mas korny pa rin kayo ni Seb. Tss." Umiiling na sabi nito.

Ayown! Nag-maldita! Joke lang. Akala ko nagbago na siya ng bongga! haha

Nginitian ko siya saka ko hinawakan ang braso niya at hinimas himas iyon.

"Kidding aside.. I'm happy for you beb. Ready ka na talagang patali?"

"Oo nga. May nabuo na nga uurong pa ba ako?" Natatawang sabi nito.

"So kapag walang nabuo, hindi ka magpapakasal ganoon?" Taas kilay kong tanong dito.

"Baliw. Gavin ka na rin mag-isip? Praning lang?" Nakangiti itong umiling saka siya bumuntong hininga. "I just love him so much that even marriage doesn't scare me anymore."

Totoo ang sinabi ni Maddie. Naaalala ko pa noong sinabi niyang hindi niya nakikita ang sarili niyang haharap sa altar at magpapatali kanino man. Hindi siya naniniwala sa love dahil wala naman daw talagang nagtatagal sa isang relasyon. Nag-explain pa ito dati sa harap ko with matching graphic presentation pa na out of 10 married couples isa o dalawa lang ang nagmamahalan kaya nagtagal. Ang dami kong tawa noon sa kanya kaya lagi niya rin akong binabatukan.

Napailing at bahagya akong natawa ng maalala iyon.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nagtatakang tanong ni Maddie habang nakataas ang kaliwang kilay nito.

"Wala. Naisip ko lang na, totoo talaga ang kasabihang, huwag kang magsasalita ng tapos dahil sa huli, it's either kakainin mo iyon o pagsisisihan mo."

Inismiran ako ng sandaling iyon ni Maddie kaya naman natawa nalang ako.

"Nakaka-nerbyos naman Nikki. Tss.. Kanina pa ako nagdi-deep breathing exercise dito para maibsan ang kaba ko pero wala. Walang epek! Tss!" Bakas sa mukha ni Maddie ang pagkabalisa kaya naman napangiwi ako.

"Bakit ka naman ninenerbyos?" Nagtatakang tanong ko.

"Tss. Ewan. Ninenerbyos na hindi. Excited, oo pero, mas lamang yung kaba. Tss! Malalaman mo nalang siguro kapag ikakasal ka na." Sabi nito saka bumuntong hininga.

"Ses.. Tapos tinakbuhan ka ni Gavin ano?" Biro ko ulit. Hinampas niya ang kamay ko saka niya ako sinamaan ng tingin.

"Ikaw ah! Kanina ka pa ah!" Singhal niya.

"Biro lang. Masyado ka kasing seryoso eh. Just seize the moment Maddie. Feel it." Sabi ko dito saka ako umaktong may masarap na kinain at pumikit pa na para bang nasarapan ako doon.

"Yeah.. Tss.. Nikki, hindi ako gumawa ng vow, paano ba yun? Ano namang iba-vow ko kasi? Hindi ba pwedeng I vow to love him for the rest of my life period? Wala naman kasi akong sweetness chuchu na yan. Si Gavin ang magaling diyan.." Nakangusong sabi niya.

"Sira. Ano ka ba! Just say what you feel for him. Kahit ano na. Impromptu nalang para mas ramdam. Alam kong impromptu rin si Gavin. Noon pa nga lang college days eh bigla nalang siyang magiging makata para lang masabi sa iyo kung gaano ka niya kamahal." Tumawa ako. "Speaking! Grabe! Ang tagal tagal niyo na! Ang galing lang. Akalain mo yun, nag-tiyaga kayo sa isa't isa. Ang daming ups and downs pero look, you're still together at ikakasal na mamaya! Ehh!! I'm so kilig! Parang kami lang ni Seb my love ko!" Kinikilig na sabi ko sabay pinagdikit ko pa ang dalawang kamay ko at inilapit iyon sa dibdib ko.

"Hindi rin ako makapaniwalang hahantong kami sa ganito. Aaminin kong nakakaramdam pa rin ako ng takot sa kung ano mang pwedeng mangyari in the near future but, I always end up choosing him over my fears. Akalain mong ganoon ko siya kamahal? Nakakapagtaka lang talaga.." Nakangiting sabi nito habang nilalaro ang kanyang mga daliri.

"That's the power of love teh! Yun lang iyon! Kumbaga sa chocolate mo over Gavin, mas masarap si Gavin!" Natatawang sabi ko. Agad naman akong nakaramdam ng hampas sa kamay ng sandaling iyon kaya naman natigilan ako. "Aray naman eh! Mapanakit pa rin eh! Nagbibiro lang eh."

"Yang bunganga mo kasi, ang bastos!"

"Hala! Ngayon pa nabastusan." Natawa ako. "Masarap ba talaga siya Maddie?" Muli ay hinampas ako nito ng mas malakas. "Maddie naman! Mamaya puro pasa na akong lalakad ng aisle!!" Kunot noong sabi ko.

"Tigilan mo ako sa sarap sarap na iyan ah! Kainis ka!" Namumulang sabi niya.

"Ases! The reaction teh! Masarap nga si Gavin! wuhahaha!" Tumawa ako ng bongga ng sandaling iyon. Mas lalong pinamulhan si Maddie na mas lalong ikinatuwa ko.

"Ang bastos mo Nikki! Nakakaasar ka na ah!" Singhal ni Maddie. Akmang hahampasin niya nanaman ako ng biglang may kumalabog sa likuran naming dalawa dahilan para matigilan kami at mapalingon doon.

Sina Hana at Zane, kasama sina Tita Belle at Tita Marci.

"Ganoon? Dapat nagsosolo kayong naghaharutan?! Sige! Ganyanan! May favoritism! Tseh!" Si Zane. "Pero grabe teh! Ang ganda ganda mo naman! Dinaig mo pa si Taylor Swift sa mala-princess look mo! Ano ka? Kakanta ng Love Story?" Natatawang sabi ni Zane. Nakita ko rin ang bahagyang pagtawa ni Hana kaya naman natawa na rin ako.

"Hindi. Kakanta ako ng, Rain Rain go away, iwan mo na si Zane!" Nakangising sabi ni Maddie.

"Hoy! Wala namang ganyanan! Ang mean mo talaga Maddie!" Nakangusong sabi ni Zane kaya naman natawa na talaga kaming lahat ng sandaling iyon.

Nakita ko ang paglapit nina Tita Belle at Tita Marci kay Maddie kaya naman bahagya akong napaatras at ganoon na rin sina Hana at Zane.

"Ang ganda ganda ng magiging daughter-in-law ko. Napaka-swerte talaga namin!" Nakangiting sabi ni Tita Belle saka siya yumakap kay Maddie.

"Tita Belle naman.. Mas maganda pa rin po kayo. Walang duda. At mas swerte po akong magiging parte na ako ng pamilya niyo Tita." Nakangiting sagot ni Maddie saka siya muling niyakap ni Tita Belle.

"Anak.. Ano ba ang dapat kong sabihin? Grabe.. Hindi ko talaga akalaing makikita kita ng ganito kasaya." Naiiyak na sabi ni Tita Marci kaya naman lumapit si Maddie dito at niyakap ang kanyang ina.

"Mama, huwag umiyak. Sayang po ang make up. Walang magre-retouch niyan." Biro nito sa ina. "Thanks Ma. For everything." Nakangiting sabi ni Maddie kay Tita Marci na mas lalo atang nagpa-iyak kay Tita Marci.

"Wala naman ata akong nagawa para sa iyo anak. Alam mo iyan." Si Tita Marci.

"Mama, ang nega mo po ano?" Natatawang sabi ni Maddie saka niya hinawakan ang dalawang kamay ng kanyang ina. "Mama, ang importante nandito kayo ngayon sa tabi ko. Ang importante, maayos na ang lahat ngayon. Wala na sa akin ang nakaraan. Wala na tayong magagawa doon pero itong kasalukuyan at sa hinaharap ay marami pang pwedeng mangyari at pwedeng gawin. Pwede nating gawing tama ang mali. Pwede nating intindihin ang mga bagay na noon ay hindi malinaw sa atin. Pwede lahat kung gugustuhin natin, depende sa choices na gagawin natin."

Marahang tumango si Tita Marci saka niya ulit niyakap si Maddie.

"Hindi talaga ako makapaniwalang anak kita." Natatawang sabi ni Tita Marci dahilan para magtinginan kaming tatlo nina Zane at Hana saka kami nakangiting umiling.

"Mama naman, itatanggi mo pa bang anak mo ako?" Biro ulit ni Maddie. Marahan naman siyang tinapik ni Tita Marci sa balikat saka ito tumawa. Napangiti ako ng makita iyon. Para silang pinagbiyak na bunga kapag parehong nakangiti.

Kailan pa to naging palabiro? haha Natututo na talaga kay Gavin. haha

"Tigilan mo ako iha.. Siya nga pala, nagkausap na ba kayo ng ama mo?" Si Tita Marci.

"Yes Ma. Hindi daw siya makakapunta kasi nasa importanteng business trip daw sila sa France with his family, but he congratulated me and sent me a gift." Si Maddie.

"Good to hear that. Oh siya, tara na. Hinihintay na tayo sa simabahan." Si Tita Marci.

Nagsitanguan naman kami at sumunod kay Tita Marci. Magka-hawak kamay sina Tita Marci at Tita Belle na lumabas habang ako naman ay nakaalalay sa wedding dress ni Maddie. Si Zane sa bulaklak niya at si Hana sa paglalakad.

Oh di ba? Friends forever ang peg namin? hihi

Seb's POV

Kanina pa palakad lakad si Gavin sa tapat ng simbahan at tila hindi magkandaugaga sa paghihintay kay Nee chan. Kanina pa namin siya sinisita nina Rain pero mukhang balewala iyon sa kanya.

Yuyuko ito. Matutulala sa kawalan. Maglalakd muli ng pabalik balik. Mamumulsa. Magko-crossed arms. Bubuntong hininga at iinat inat pa.

Napailing ako ng sandaling iyon. Parang hindi ko ma-imagine na magiging ganito ako kapag kami na ni Nikki ko ang kinasal. Hindi ko mapigilang mapangiti. Maski ako ay parang nae-excite ng makasal sa babaeng pinakamamahal ko.

Nii chan Gavin is wearing a white tuxedo with a black bow tie paired with white pants and white shoes. His hair is all brushed up exposing his manly face features.

"Anakanang! Ano ba Gavin! Pagpapawisan ka na oy! Mabaho ka na mamaya! Mahiya ka naman kay Madz!" Si Red. Kahit kailan talaga ay baliw tong lalaking to.

"Tch! Kinakabahan talaga ako tol! Daig ko pang naiihi na hindi! Tch!!" Bulalas ni Nii chan Gavin.

"Relax ka lang kasi." Kalamadong sabi ni Rain ngunit batid naming imposibleng mangyari iyon. Si Nii chan Gavin ang pinag-uusapan. Ang makulit na Gavin.

Natawa ako sa naisip kong iyon kaya naman napalingon sila sa akin.

"An'yare sayo?" Kunot noong tanong ni Keropi sa akin.

"Wala. Akala ko talaga walang kasalang magaganap kina Nii chan Gavin at Nee chan. Carlo ako eh." Biro ko.

"Badtrip ka naman Seb eh!" Kamot batok na sabi ni Gavin kaya naman tumawa ako.

"Ma-try ngang sumigaw mamaya ng, "itigil ang kasal! baliw ang lalakeng iyan!", ano?" Natatawang sabi ni Charles na pati kami ay natawa na rin.

"Mga siraulo naman kayo oh! Huwag kayong ganyan! Mas lalo akong napa-praning dito eh!" Inis na sabi ni Gavin kaya naman mas lalo kaming natawa.

"Maiba tayo, hindi talaga sisipot si Carlo?" Si Keropi.

Lahat kami ay natigilan ng sandaling iyon. Malapit din kasi talaga sa amin si kuya Carlo ay hindi ko maitatangging kasundo ko ito.

"Masyado pang masakit ang lahat kay kuya Carlo. Hayaan niyo na muna siya." Pukaw ko sa mga seryosong mukha na meron sila.

"Ganoon ba talaga ako kasama? Paano kung hindi ako umagaw ng eksena sa buhay nilang dalawa ni Carlo, sila kaya ngayon?" Pukaw naman sa amin ni Nii chan Gavin kaya lahat kami ay nagtinginan sa isa't isa saka umiling.

"Malamang, sila pa rin ni Lexis at hindi si Carlo. Una palang talaga malabo na lagay ni Carlo kay Maddie kasi tinuturing siyang kapatid ni Maddie noong una palang." Si Keropi.

"Idagdag mo pang hindi talaga nagkainteres si Maddie kay Carlo. Mabait sa mabait si Maddie, pero maldita sa maldita iyon, kaso nakasanayan niyang lagi siyang bina-balance ni Carlo kaya parang naging sandalan siya ni Maddie." Si Rain.

"Hindi umaasa si Nee chan sa iba, pero naging dependent siya kay kuya Carlo noong mga oras na kailangan niya ng kasama. Pinagkatiwalaan niya ng sobra na dahilan para mawala yung feeling na pwede silang magkaroon ng intimate feelings sa isa't isa. Meron man, si Kuya Carlo lang. Si Nee chan, nako! Huwag mo ng asahan." Umiiling ma dagdag ko.

"Gusto ko rin sanang kausapin si Carlo hangga't maaari. Alam ko kasing importante rin si Carlo kay Maddie. Hindi naman mawawala iyon." Si Gavin.

"Eh di kausapin mo ako ngayon.."

Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Kuya Carlo. Naka-white suit and tie ito gaya namin.

"Pare!!" Nakangiting sinalubong ni Keropi si Carlo at niyakap. Ganoon din ang ginawa ng iba kasama na ako siyempre.

"Kuya Carlo! Buti nakahabol ka!" Bulalas ko.

"Yeah. Maddie called me. Alam niyo namang hindi ako humihindi pagdating kay Maddie." Natatawang sabi nito kaya naman napangiti ako.

"Carlo.." Pukaw ni Gavin dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya. Lumapit siya kay kuya Carlo at kinamayan ito.

"Congrats Gavin. You made a good choice." Nakangiting sabi ni kuya Carlo.

"Sorry--"

"Wala kang dapat i-hingi ng sorry Gavin. Sa pagitan naming dalawa iyon ni Maddie kaya wala kang dapat ikabahala." Kalmadong sabi ni kuya Carlo na ikinahanga ko.

He's all matured and all. Hindi ko talaga maiwasang tingalain ito at hangaan. Bagay na ramdam ko rin kay Nii chan Gavin, kaso mas lamang lang talaga si kuya Carlo. Ipinakita nito ang salitang sakripisyo para sa ikakasaya ng kanyang minamahal. He really loves Nee chan. Alam ko iyon. Sa katunayan ay alam naming lahat iyon.

Tss. Alam kong maraming team Gavin at Maddie diyan pero sa side talaga ako ni kuya Carlo. Bahala kayo! haha

"Salamat Carlo." Nakangiting sabi ni Gavin saka ito umiling. "In all aspects, lamang ka talaga ano?" Natatawang dagdag nito.

"Oo naman. Mas gwapo ako sa iyo. Mas may dating ako. Mas mabait ako sayo. Ikaw isip bata ako hindi. Parang ganyan lang." Natatawang sabi ni kuya Carlo na nagpa-kunot noo kay Nii chan Gavin. Nagsi-tawanan naman kami ng sandaling iyon.

"Tch. Oo. At mas mayabang ka pala kesa sa akin." Nakangising sabi ni Nii chan Gavin. Tumawa naman si Carlo at umiling.

"Ingatan mo si Maddie Gavin. Hangga't single ako, nakabantay pa rin ako sa mapapangasawa mo."

"Ohh!!!" Kantiyawan namin.

"Alam ko. Nakakaasar ka na ah!" Si Gavin. Napikon na ito kaya naman mas lalo kaming natawa.

"Kidding aside.. You know Maddie well Gavin. Hangga't maaari ay iwasan mong masaktan siya. Masyado na siyang maraming pinagdaanan na masasakit na nakaraan, huwag mo na sanang dagdagan. Ayokong dumating yung araw na bigla nalang hindi na talaga niya kayang magmahal dahil ubos na ang paniniwala niya sa salitang pagmamahal. Made her believe in love Gavin. Oo, ginagawa at nagawa mo na, siguraduhin mo lang na gagawin mo pang mahalin siya in the near future. Hindi ka pwedeng magsawa. Hindi ka na pwedeng mang-gago. Dahil ngayon palang, sinasabi ko na sa iyo, isang bitiw mo pa sa kanya, wala ng Maddie na babalik sa iyo." Seryosong litanya ni kuya Carlo kay Gavin. Bakas ang tensyon sa pagitan ng dalawa ng sandaling iyon.

"Hindi ko maipapangakong hindi ko siya masasaktan Carlo pero isa lang ang maipapangako ko, hindi hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari." Nakangiting sabi ni Gavin na tila nagka-unawaan ang dalawa dahil tumango ang mga ito.

Sumunod na umagaw pansin ng sandaling iyon ay ang pagdating ni Lexis at Summer. Agad na naglakad papunta si Summer kay Gavin at hinalikan ito sa pisngi.

"Damn.. Drop dead gorgeous man, is that you?" Nakangiting bulalas ni Summer.

"Kung ako ang nasa harap mo, malamang ako nga ito." Natatawang sagot ni Gavin. "Salamat sa pagpunta." Nakangiting sabi ni Gavin saka siya nakipag-kamay kay Lexis.

"Hindi ko akalaing makikita kitang ganito kasaya. Ayiie! Ang gwapo gwapo mo." Si Summer.

"I am." Mayabang naman na sagot ni Gavin kaya naman natatawang napailing ako gaya ng iba.

"Summer, ayan ka nanaman. Tch!" Si Lexis.

"Love, okay lang iyan. Yayain mo na rin kasi akong magpakasal. Ang bagal bagal!" Prangkang sabi ni Summer sa harap ng nobyo niyang si Lexis dahilan para magtinginan kami nina Keropi, Charles at Jarred.

The guts! haha

Hinigit ni Lexis sa bewang si Summer ng sandaling iyon saka ito may ibinulong sa dalaga. Agad namang pinamulhan ng mukha si Summer.

"Eish! Fine!" Nakangusong sabi ni Summer ng bitawan siya ni Lexis. Nakita ko naman ang bahagyang pagtawa ni Lexis ng oras na iyon.

"You look pretty by the way." Pukaw ni Gavin kay Summer.

"Of course. Ayoko ngang magpatalo kay Maddie kahit siya pa ang ikakasal ngayon." Maarteng sabi ni Summer dahilan para mapa-kunot noo ako.

Hindi ko makuha ang ugali niya.

"I think you just lost." Sambit ni Gavin na nakapako na ang tingin sa bridal car na dumating. Gaya niya ay napatingin kami doon.

Mula doon ay bumaba ang mga babae. Bigo naman kaming makita si Nee chan dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan.

"Be ready guys!! Mind your own positions please!" Sigaw ni Mamsi. Siya ang wedding organizer ng kasal nila ni Nee chan at Nii chan Gavin.

Heto na.. Ito na ang pinakahihintay ng lahat..

TO BE CONTINUED..

Woo! Second to the last chapter. huhu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro