Girl Meets LOVE - 50 ❤️ (The Ex's)
A/N:
Para po ito sa mga patuloy na nagbabasa. Maraming thanks po. :)
"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Maddie's POV
Kung may iga-grande pa ang pagtaas ko ng kilay ng sandaling ito, ginagawa ko na. Puro sama ng tingin at kunot noo ang tinatanggap ngayon ng lalakeng kaharap ko galing sa akin. Naka-upo ako sa swivel chair ko habang pinakikinggan ang hagalpak ng tawa nito sa harap ko.
My mom obviously doesn't know about him. About us. Well, I don't need to explain it to her but, what the hell?! How did this happened?!
"If you're not aware Maddie, I am actually the best Chief Financial Officer of our country, kaya ako na rin ang kinuha ng Mama mo na mag-assist sa iyo. You need it right?"
"But I am the COO for Pete'sake! I can handle it! Kung ikaw rin lang naman--"
"Look Maddie, your company needs me as you need me. I will help you and guide you, that's it. At isa pa, hindi ako permanenteng mananatili rito. Hindi ba iyon nasabi sayo ng Mama mo?"
Umiling ako dahil sa totoo lang ay hindi ko pa natatanong si Mama sa sitwasyon namin at sa sitwasyon ng kompanya.
"Anyway, as I was saying.. The fact that I am a CFO right now, hindi ko iyon gagamitin dito sa kompanya niyo. Nandito ako para tulungan ka lang, at siyempre malaman na rin kung paano kayo mag-handle ng kompanya. Not to use it in our company, it's for me. I need more knowledge about handling this matter very well coz I'm planning to have my own company."
"Eh di parang sinabi mo na ring kukunin mo ang technique namin at pagaaralan mong mas higitan kami. Tss.", sabi ko rito.
"No. Hindi ako ganoon. Actually, lahat ng kilalang kompanya ay nahawakan ko na at alam nilang hindi ganoon ang habol ko. Okay?", paliwanag niya.
"Duh! You're gathering different kinds of working process on handling money and transactions in every single company Lexis! What's the difference?! Right now, I know that you already knew the do's and don't's when it comes to this matter, so why should I trust you?", isplika ko.
"Maddie, you're making it hard for me. Look, may pinirmahan akong kontrata at sa kontratang iyon ay may mga rules okay? May mga hindi ako dapat na gawin at okay lang na gawin. Mainam kong sinusunod iyon kaya naman hindi ako kukunin ni Sir Harold at Miss Marci kung hindi ako marunong tumupad ng usapan.", sabi nito habang sapo ang ulo.
"Tss." I rolled my eyes.
"Don't you trust me?"
"Ohh.. You already know that I don't.", nakangising sabi ko kaya naman tumawa ito.
"Trust me Maddie. I promise na mas magiging madali sayo ang lahat. I'm just your assistant at ikaw pa rin ang boss. Kahit naman sa anong bagay, ikaw ang nasusunod at sinusunod ko. Alam mo yan Maddie.", sabi nito na may ibang kahulugan ang pagkakasabi niya nun.
"Bakit dito Lexis? I mean, bakit hindi nalang doon sa kompanya sa Pilipinas?", nagtatakang tanong ko.
"Nandito ang COO. What do you expect?"
"And your Mom knows that I'm the COO right? She knows my Mom Lexis."
"Of course she does, and she's all over you like praising you every time, saying that why did we broke up and didn't get back together.", natatawang sabi nito.
'Tss! Kung alam mo lang ang sinabi ng ina mo noon sa akin! Tch! Isa pa, nagbalikan tayo. Ikaw lang naman ang may minahal ng iba! Tch!'
Knock knock!
"Come in!", sabi ko ng may kumatok doon.
"Miss Maddie, we have an emergency meeting with Mister Cullen. Please prepare yourself within 10 minutes. I already prepared everything you needed.", ang secretary ko.
"Thanks Harvey."
"Oh, and Miss Maddie.."
"Yes?"
"Sir Harold said that we also need to have Mister Madrigal's presence in the meeting room. That's all.", sabi nito saka ito himingi ng pahintulot na umalis kaya naman tinguan ko nalang siya.
Tinitigan ko si Lexis na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakangiti na tila nang-aasar. Napabuntong hininga ako saka ako tumayo.
"Get ready.", utos ko dito.
"Don't worry, I am.", nakangising sabi nito kaya naman tinaasan ko nalang siya ng kilay saka ako lumabas ng office ng makuha ang mga folder na kailangan ko.
Halos isang oras rin ang meeting na iyon. Maraming katanungan sa akin si Mister Cullen ngunit hindi iyon naging dahilan para maaburido ako. Nasagot kong lahat iyon ng walang labis o kulang. Bago pa man kami lumabas ng meeting room ay na-close ko na ang deal dito. Hawak na namin ang kompanya ni Mister Cullen.
Fuentabella's Forves Industries is a conglomerate holding company owning subsidiaries engaged in a number of business activities, including property and casualty insurance and reinsurance, utilities and energy, finance, manufacturing, service and retailing. That's why we always have to do the business meetings and disclose investments return formally, face to face.
Gaya ngayon. Nasunod lang sa akin si Lexis nang sandaling iyon hanggang sa makapasok muli kami sa office ko. Pagkaupo ko ng swivel chair ay agad akong tumungo sa computer para tignan ang mga detalyeng galing sa ibang komapanya.
"Hey! Let's take a break. Katatapos mo lang makipag-meeting, work ulit?"
"Shut up. Hindi ka pwede dito sa opisina ko Lexis. Use the other office room doon sa kaliwa. Walang gumagamit nun.", sabi ko habang nagta-type sa keyboard.
Gusto kong madaliin lahat ng trabaho ko ngayong araw para maaga akong maka-uwi at makausap sina Gavin at Nikki. Nag-iwan kasi ng skype message sa akin si Nikki at ganoon din si Gavin.
"Ganito ka ba talaga kaseryoso sa trabaho mo? I've never thought that you actually care about business industry."
"Kapag hindi mo ako tinigilan, ipapatanggal kita ngayon din."
"Maldita ang boss ko!", natatawang sabi nito. "Saan ang office ko ulit?"
"Ask Harvey.", sagot ko dito at hindi na ako nag-abalang titigan pa ito.
Gavin's POV
Nasa Angels Cafe kami ngayon ni Summer. Nang tumawag ito at gusto niyang makipagusap ay hindi ako pumayag na makapagsolo kami. Ang gusto ko ay makita ng mga kakilala namin ni Maddie na nakipag-kita ako kay Summer para kapag sinabi ko iyon kay Maddie ay hindi ako makakaramdam ng guilty. Ayoko ng masaktan ulit ang babaeng mahal ko. Tama na ang sakit na natanggap niya mula sa akin.
Nitong mga nakaraang araw bago umalis si Maddie ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Parang sa isang iglap ay mawawala ng tuluyan sa akin si Maddie. Na para bang kahit napakalapit niya sa akin ay meron at merong pader na nakaharang sa aming dalawa. Hindi niya alam pero kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata.
Ang pagaalinlangan. Nandoon ang pagmamahal ngunit may pagaalinlangan ang kanyang mga mata sa tuwing tititigan ko siya.
"Hey. Ako ang may problema pero ikaw ang malalim ang iniisip.", pukaw sa akin ni Summer.
Walang pinagbago si Summer. Maganda pa rin ito at mas lalong naging sophisticated tignan.
"Sorry.. Ano palang problema?", pagbabago ko ng usapan.
"Lexis and I broke up.", malungkot na sabi nito.
"Sorry to hear that..", sinserong sabi ko.
"Nah. It's fine. I just--", huminga ito ng malalim, "-- I want him back Gavin. I really want him back!"
Nang sabihin iyon ni Summer ay nagsimulang tumulo ang luha nito. Agad naman akong nagpakuha ng tissue sa server doon at dali dali itong bumalik dala ito.
"Go on.", pagpapahintulot ko sa kanyang magkwento.
"You see, I tried so hard to understand him every time. Lagi nalang siyang sumasang-ayon sa gusto ko. Ni hindi man lang niya sabihin kung anong gusto niya then at the end, hindi na kami magkakasundo. Tapos mag-aaway na kami. Ang nakakainis pa, kapag sinabi kong layuan niya ako, nilalayuan niya talaga ako! Bakit ganoon?! Hindi man lang ba niya ako ganoon kamahal? Bakit ni hindi man lang niya ako suyuin agad kapag nagaaway kami?!", humahagulgol na sabi nito.
"Pero ikaw ang nagsabing layuan ka niya di ba?", pag-uulit ko.
"Oo. Pero hindi dapat ganun. Dapat sinusuyo niya agad ako.", reklamo nito saka niya pinunasan ang ilong.
"Summer, kapag nag-aaway kayo, parehong mainit ang ulo niyo. Kapag sinalubong niya ang galit mo eh di mas lalo kang nagagalit di ba? Kaya siguro lumalayo muna si Lexis para magpalamig ng ulo saka ka niya kakausapin. Ganoon kasi kaming mga lalake. Oo, mag-aaway kayo ng mahal mo, pero iniisip niya pa rin ang nararamdaman mo. Isang sabi niyo lang kasi sa amin na lumayo kami kapag galit kayo ay lalayo nalang talaga kami para walang gulo. Pero kung ganyan pala ang iniisip mo, dapat pinapaliwanag mo rin ang nararamdaman mo. Hindi manghuhula ang mga lalake Summer. Minsan kasi, mahirap din kayong i-predict. Pabago bago kayo ng mood.", naiiling na sabi ko. "Sasabihin niyong mahal niyo kami pero bakit minsan nararamdaman namin parang may kulang na? Hindi pa ba sapat yung ginagawa namin? Yan, ganyang mga tanong ang gusto naming mabigyan ng sagot. Kasi kung hindi niyo sasabihin sa amin ang nararamdaman at iniisip niyo, hindi namin malalaman iyan."
Muli akong napailing ng maisip na paulit ulit at pinaikot ko lang ata ang mga sinabi ko. Ngunit iyon ang nararamdaman ko. Wala talagang mangyayari kung hindi sila magsasabi. Hindi namin kayang basahin lagi ang mga kilos at galaw ng babae. Nahihirapan din kaming umintindi. Lalo na sa sitwasyon kong parang kailan lang ng mag-umpisa kami ni Madz. Nagsisimula kami ulit sa umpisa. Ni hindi ko maalala kung paano at ano ang ugali niya bilang girlfriend.
"Masyado ka namang affected Gavin.", natatawang sabi ni Summer habang pinupunasan ang luha kaya naman napangiwi ako. "Pero tama ka. Kailangan ko nga siyang makausap. Kaso, nasa America siya ngayon eh."
"America?", bulalas ko. "Saan doon?"
"Ah, hindi mo ba alam? Siya ang assistant ngayon ni Maddie."
"At pumayag ka Summer?! Ano ka ba naman! Ex niya yun!", kunot noong sabi ko.
"Relax. Hindi na mahal ni Lexis si Maddie--", muling dumaloy ang luha nito, "-- ata.."
Napahawak ako sa sintido ko ng sandaling iyon. Hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Sa sarili ko dahil hindi ko alam, kay Maddie na hindi nagsabi sa akin, kay Summer na pinayagan silang magsama o sa gagong Lexis na iyon na pumayag maging assistant ni Maddie.
"Gavin! Puntahan natin sila!", umiiyak na sabi ni Summer.
"At sinong nagsabing hindi?!", inis na sabi ko saka ako tumayo. "I'll book a flight tonight. It's up to you if you wanna come or not. I'm going! Just call me.", paalam ko dito saka ako umalis ng cafe.
Dali dali akong nagdrive at tinawagan ang secretary kong i-cancel lahat ng meetings ko for the next 3 days. Tinawagan ko rin si Mama para makapag-paalam at sinabi naman nitong siya na muna ang bahala. Binanggit ko kasi si Madz kaya naman agad na nag-oo ito. She really likes Maddie.
Gaya ng sabi ko ay agad akong nagpa-book ng flight. Tumawag naman sa akin si Summer at sinabing sasama ito kaya naman dalawang ticket ang kinuha ko.
'Tch! Maddie! You're driving me crazy!!'
TO BE CONTINUED..
Don't forget to like our Facebook PAGE!
*Maddie Hart Fuentabella
*Gavin Mahone Cavalier
*Girl Meets Love
Thanks Guys! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro