
Girl Meets LOVE - 48 ❤️ (First Love)
A/N:
Happy 8k views! Yay! ❤️ thanks po! 😘👏🙌
"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Maddie's POV
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng green tea ng mapalingon ako sa kanang bahagi ko. Kanina ko pa kasi nararamdamang parang may nakatingin sa akin sa bandang iyon. Kasalukuyan akong naka-upo sa Angels Cafe dito sa Camp John Hay. May emergency meeting daw si Gavin kaya naman nagpasya nalang akong mag-isang lumabas. Wala na rin naman kasi si Rex dahil na kay Mama siya ngayon. Mataman kong minanmanan ang lalaking agaw pansin sa porma nito. Naka-business attire ito ngunit walang necktie. Casual but formal look. A typical casanova look of a man. Bawat kibot ng mata ko ay siyang pag-ngiti niya. Ilang sandali pa ay tumayo ito at lumapit sa akin.
'Sabi na eh.. Tss.. Di pa rin nagbabago.'
"Masyado mo naman akong tinutunaw ng tingin mo. Kung nakakamatay ang sama ng tingin, kanina pa ako duguan.", natatawang sabi nito saka siya umupo sa may bakanteng upuan sa harap ko.
"Ganyan ka na ba bumati ngayon?", taas kilay na sagot ko dito saka ko pinagpatuloy ang pag-inom ng green tea.
"Same old Maddie huh? I thought you lost your memory? Or something like that. Nakita mo lang ako, naalala mo na lahat?", nakangising sabi nito.
"Mayabang ka pa rin talaga ano?", nakangising tugon ko saka ako nag-crossed legs and arms.
Tumawa ito at ginaya ako kaya naman umarko ang kilay ko at di napigilang mapangiti.
"Same old me Maddie.", naiiling na sabi nito. "Ilibre mo naman ako. Pag-aari mo pa man din to, hindi mo man lang malibre ang pinakamamahal mo?", biro nito sabay kindat.
Kumunot ang noo ko ng sandaling iyon saka ko bahagyang iniikot ang aking mga mata.
"Ang kapal. Ang kapal talaga.", natatawang sabi ko saka ko tinawag ang manager doon at pinaghanda nga ng inumin ang lalakeng ito at isang hiwa ng paborito niyang oreo cheesecake.
"Aba. Alam pa rin ang paborito ko.", natatawang sabi nito.
"Pasalamat ka nagbalik ang memorya ko. Tss. Maiba tayo ng usapan, kamusta ka? At bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa trabaho ka?", sunod sunod na tanong ko dito saka ako umayos ng upo at sumandal sa upuan.
"Hmm, okay naman. Maagang natapos ang trabaho ko ngayon. Ikaw? Bakit ka nandito?", sabi nito saka niya tinanguan ang nag-serve ng cappuccino niya at ng cake.
"Tambay?", bahagya akong tumawa saka ako humigop ng iniinom ko. "Nasa trabaho si Gavin kaya napagpasyahan ko munang lumabas mag-isa."
"Kayo pa rin? Wow!", natatawang sabi nito kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "I mean, wow! Akala ko pa man din nung last na makita ko kayo sa Devils Club, nag-break na kayo. I heard about both of you. Ang saklap ng nangyari sa inyo.", umiiling na sabi nito.
"From Summer? Speaking, kamusta kayong dalawa?", pag-uusisa ko.
"Hmmm.. We broke up."
Nang sabihin iyon ni Lexis ay bakas sa mukha nito ang lungkot. Lungkot na dati ko ng nakita sa mukha niya ng makipaghiwalay ako dito noong unang pagkakataon.
"Ohh.. Sorry.. Anong nangyari? Baka makatulong ako.", tanong ko dito.
Hindi ako yung tipong nangingielam sa ganitong bagay but, when it comes to Lexis, it's different. Hangga't maaari ay gusto ko itong tulungan. He's someone important to me before. I guess that's the reason why I wanna help him.
'May iba pa bang rason?'
Napilig ko ang ulo ko ng sandaling maisip ko ang katanungang iyon at agad na iwinaksi sa isipan ang naiisip pang isang dahilan.
"Hmm. Ewan. Hindi talaga kami mag-kasundo. Lagi kaming nagtatalo. Paanong ganoon? Eh bakit tayo naman dati, okay naman tayo di ba?", bakas sa boses nito ang hinanakit.
"Hindi mag-kasundo? Sa anong bagay?"
"Sa lahat ng bagay, I guess. Ni minsan nga naiiling nalang ako sa tuwing sinusunod ko ang gusto niya kahit ayaw ko.", umiiling na sabi nito at ang kaninang mukha niyang maaliwalas pa sa araw ay nagkaroon ng guhit sa noo dahil sa lalim ng pagkakakunot noo nito. Ang mga matang singkit ay mas lalong naging singkot.
"But you do it anyway so it means, you love her right? Ang ganyang bagay, naaayos pa yan. Hindi solusyon ang paghihiwalay. Maybe, you guys just need some time and space, para maisip ang mga pagkakamali ng bawat isa.", sabi ko dito.
Mataman lang akong nakatitig kay Lexis ng sandaling iyon. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa mga mata nito. Gaya ko ay tahimik rin itong pinagmamasdan lang ang mukha ko. Gusto ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Sadyang hindi ko magawang ikilos ang ulo ko para lumihis ng tingin.
'And why is that?'
Ilang sandali pa ay si Lexis ang unang nagbawi ng tingin saka nito sinimulang sumubo ng cheesecake.
"I don't know Maddie. Naguguluhan ako."
"Natural lang yan Lexis.", sabi ko dito saka ako uminom ng green tea at tumingin sa malayo.
Napaisip ako sa mga bagay na laman ng utak ko ngayon. Hindi ko rin malaman kung bakit may nabibigay na ibang pakiramdamn hanggang ngayon sa akin si Lexis.
"I've missed you.", rinig kong sabi ni Lexis dahilan para kumibot ang labi ko at mapatingin sa kanya. Ang isipan kong hindi makasagot sa katanungang tungkol kay Lexis ay mukhang sinagot ng puso ko.
Yes. My heart skipped. I don't know why, but it did.
"Tatawa na ako sa joke mo?", pinilit kong tumawa ng sandaling iyon para hindi nito mahalata ang nabibigay niyang munting kasiyahan sa puso ko. Itinuon ko ang tingin sa magazine na nasa mesa ko ng sandaling iyon at kunwaring may binabasa.
'Damn it first love! Curse you!'
Narinig ko ang bahagyang pagtawa nito.
"Maddie you're red. Why is that?"
Napakunot ako ng noo ng sandaling iyon at napalingon sa kanya. Nakangisi ito at tila nang-aasar ang mga mata. Paulit ulit pa nitong itinaas ang dalawang kilay niya na para bang nanunuksong bata. Kulang nalang ay lumabi ito at sabihing, you're busted.
"Tirik ang araw Lexis at maputi ako. Sorry naman kung ikapupula iyon ng balat ko.", pagpapalusot ko saka ko siya inismiran.
"Wow!", humagalpak ito sa tawa. "Ang galing magpalusot."
"At bakit naman ako magpapalusot?!", kunot noong sabi ko saka ako nag-crossed arms.
"Sabihin mo na kasing namiss mo rin ako. Tsk! Wala ka pa rin talagang pinagbago. Denial ka pa rin.", natatawang sabi nito habang umiiling.
Kung mas may ikukunot pa ang noo ko ng sandaling iyon at nagawa ko na. Nakaramdam ako ng hiya at inis. Hiya dahil hindi ko maitangging namiss ko nga ito, at inis dahil sa kayabangan nito. Hindi pa rin talaga nagbabago ang hambog na ugali nito.
Sa halip na ismiran ko ito ay nginisian ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin at magtaka.
"Best joke mo na yan? Last na yan. Tss.", sabi ko saka ako umiling at itinuon uli ang pansin sa magazine na ni hindi ko man lang tinitignan ng maayos. Mukha kasi ni Lexis ang naka-rehistro sa utak ko ngayon. Narinig ko ang pagtawa nito at mukhang sinimulan niya ulit kainin ang cheesecake.
Gaya ng dati ay wala pa ring kupas ang kagwapuhan nito. Ang kakisigan na dati ng meron siya ay mas lalong nagka-angas ngayon. Mas may dating. Mas malakas ang impact na ngayon nga ay hindi maalis sa aking isipan. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero naaapektuhan talaga ako ng aura nito, --ng kagwapuhan nito.
'Tss! Crossed that last line out.'
"Maddie..", rinig kong tawag niya pero hindi ko ito nilingon.
"Hmm?", sagot ko.
"Tititigan mo nalang ba yang magazine o baka gusto mo man lang ako kausapin?"
"Tungkol saan?"
"Maddie..", tawag niya ulit. "Kapag hindi ka tumingin may gusto ka pa talaga sa akin."
"Tss. Suit yourself. Magkwento ka nalang kung gusto mo. Makikinig ako. Alam mo naman sigurong hindi ako pala-kwento di ba?", sabi ko sabay lipat ng page kuno ng magazine.
"Isa.", banta nito.
"Dalawa.", pagtutuloy ko.
"Kapag hindi ka lumingon tatabihan kita at hahalikan ngayon.", banta nito kaya naman napabuntong hininga ako ng sandaling iyon at pinilit nalang siyang harapin.
Ngunit hindi ko inaasahan ang nakita kong pagmumukha ni Lexis ng maharap ko siya. Humagalpak ako sa tawa ng sandaling iyon pero hindi na tulad ng dati na tipong magtitinginan ang mga taong nakapaligid sa akin. Bahagya kong tinakpan ang bunganga ko saka ako simulang tumawa ng tumawa.
Nakangiti si Lexis sa akin habang ang mga ngipin nito ay puro may black spots galing sa oreo cheesecake na kinakain niya.
I find it cute and at the same time, funny.
"Ayun, tumawa ka rin. Kailangan ko pa palang papangitin ako itsura ko para lang tumawa ka ng ganyan. Better.", sabi nito habang nililinisan ang kanyang ipin gamit ang dila niya.
Nginitian ko lang siya saka ako umiling.
"Alam mo bang mas gumanda ka pa lalo Maadie?", nakangiting sabi nito kaya naman nginitian ko na rin siya. Sanay na ako sa pambobola nito dahil tadtad ako niyan noong kami pa.
"Oo nalang.", tugon ko.
"Don't tell me na hanggang ngayon hindi ka pa rin naniniwalang maganda ka?", natatawang sabi nito.
I playfully rolled my eyes and slowly shake my head. Nang manahimik ito ay napatingin ako sa kanya at muli ay may kung ano nanamang humila sa mga mata kong matamang tumitig dito. I can't help myself but to look at him and slowly memorize his smiling face.
"I'm telling the truth though Maddie. You're really beautiful.", seryosong sabi nito habang may bakas ang ningning sa kanyang mga mata. Mga matang tila humahanga sa nakikita nito.
"Paulit ulit. Nakakasawa.", biro ko kaya naman bahagyang tumawa ito.
'Alam kong gwapo na siya dati, pero bakit ganito ang epekto niya ngayon sa akin? Anong nangyayari?!'
Napabuntong hininga ako ng sandaling iyon at napatingin sa glass wall ng cafe. Mula rito ay kitang kita mo ang berdeng berdeng Baguio na maraming puno. Sa mataas na parte kasi ng Camp John Hay ang pinatayuan ko ng cafe. Ito yung pwestong makakalanghap ka ng sariwang hangin at makakapag-relax ka talaga.
"Ang layo ng tingin. Ayaw talaga akong makausap.", rinig kong sabi ni Lexis kaya naman niliningon ko siya at nginitian. Bahagya pang tumaas ang dalawang kilay niya na tila namangha ulit sa nakita.
"Ano bang pwedeng pag-usapan natin?", tanong ko dito.
"Hmm. Kayo ni Gavin, kamusta?"
"Ayos naman.", simpleng sagot ko.
"Masaya ka ba?"
Nang itanong iyon ni Lexis ay tinitigan ko siyang mabuti. Ang buhok nito, kilay, ilong, pisngi, bibig at muli kong ibinalik ang mata ko sa mga mata niya. I smiled at him.
"Oo naman."
Nang sagutin ko iyon ay parang isa isang bumalik ang masasaklap na nangyari sa pagitan namin ni Gavin. Noong birthday ko nang iwan niya ako ng dahil kay Summer. Noong may maalala siya at si Summer ang naalala niya at hindi ako, idagdag pang pinagsalitaan niya ako ng masasakit na salita ng gabing iyon. Siyempre, hindi mawawala ang nangyari nitong nakaraan lang, ang makita siyang kahalikan lagi ang sekretarya niya, at kung hindi ako nagkakamali ay naging fling niya ito noong wala ako dahil halata namang close sila ng babaeng iyon.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumama ang loob ko. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon at pilit na iniintindi iyon. Hindi ko nga lang lubos maisip kung bakit hindi pa rin ako bumibitaw at patuloy na pinapalagpas ang mga masasakit na alaalang iyon.
'You love him Maddie, that's why.'
Ito ang ayaw ko, ang mabago ako ng love. Ang mga bagay na hindi ko magawa o ginagawa noon ay nagagawa ko na ngayon. For the sake of love. For the sake of our relationship, kung may relasyon man talaga kami ngayon. Idagdag pa pala ang isyung yun na hindi pa malinaw sa aming dalawa. Wala pang nililinaw si Gavin. Wala pa. Wala pang plano at ni wala pa kaming mga balak gawin. Babalik nanaman ako sa America na may mga katanungan sa isipan ko. Ayoko na rin naman kasing pag-usapan pa ang bagay na iyon dahil baka ikasama lang ng lagay naming dalawa.
'At bakit naman ikakasama? Ano bang kinakatakutan ko?'
'Ang mawala siya ulit sayo Madz. Ang mawala siya ng wala ka nanamang nagagawa!'
Napailing ako at napahawak sa sintido ko.
"Your words and your actions should always agree with each other Maddie, but I can tell the difference. May problema ba?"
Bakas sa pagtatanong ni Lexis ang pagaalala kaya naman agad ko siyang nginitian.
"Wala naman. Kung meron man, kami ng bahala doon.", prenteng sagot ko.
Tama. Ako at si Gavin ang bahala doon. Ayokong mandamay ng iba dahil hindi dapat, at higit sa lahat, ako at si Gavin ang nasa relasyon. Kaming dalawa lang, kaya kung may problema man, dapat kami ang mag-uusap tungkol doon.
'Eh bakit hindi ka nag-o-open up kay Gavin?! Tss!'
"Maddie--"
"Excuse me Lexis, I need to go to the restroom.", paalam ko dito saka ako tumayo.
Nang makatayo ako ay hindi ko inaasahang mapapatid ako sa paa ng upuan ng sandaling iyon, dahilan para sana mapasubsob ako pero hindi nangyari dahil may agad na naka-higit ng bewang ko. Akap ako ni Lexis ngayon habang ako naman ay nakahawak rin sa braso nito. Hindi ko alam kung bakit tila nag-slow motion ang paligid. Para bang si Lexis lang ang tao doon habang patuloy akong nakatingin sa mga mata nito, at, ang labi nito.
"Are you okay?", pukaw nito kaya naman nanumbalik ako sa katinuan at agad akong tumayo.
"Oo. Salamat. Punta na muna ako.", paalam ko saka ako dali daling pumunta ng banyo.
Pagpasok ko ng banyo ay agad akong huminga ng malalim at inulit pa iyon. Mataman kong tinignan ang sarili ko sa salamin at sinipat ang mukha ko.
I'm right.
Namumula ako ngayon at tila praning na iniisp kung bakit nangyayaring may ganito akong nararamdaman ngayon.
'This feeling.. What is this?'
TO BE CONTINUED..
Lexis sa multimedia. :)
Don't forget to like our Facebook PAGE!
*Maddie Hart Fuentabella
*Gavin Mahone Cavalier
*Girl Meets Love
Thanks Guys! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro