Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 43 ❤️ (Fling)

A/N:

Naiinis ako sa chapter na to! Nahirapan ako ng bongga! Buti nalang tinulungan ako ng beb ko! Haha Salamat Johanna Mae Comahig! 😘❤️

Comments guys! Kisses! 😘

Lovelots,
kyLiiemichy
---------------------------------------------
Gavin's POV

Ilang araw na akong tinatarayan ng babeng nagpapawala sa aking katinuan. Hindi man lang kami magka-usap ng matino kaya tuloy hindi ko rin masabing gusto ko siyang ligawan.

Nakakainis.

Nakakainis na hindi.

Nakakainis kasi lagi niya akong tinatarayan at iniismiran pero sa tuwing pasimple siyang ngingiti o tatawa, biglang mawawala yung pagkainis ko. Yung nilalambing ko siya pero panay ang layo niya. Yung nagpapa-cute o pa-gwapo pa ako kaso parang wala lang sa kaniya.

Napailing ako ng oras na iyon. Nasa office ako ngayon habang sina Maddie at Rex naman ay nakatambay doon at tahimik na naglalaro. Mataman lang akong nakatingin sa kanila at hindi na namamalayang napapangiti ako.

"Sir, ang ganda po pala talaga ni Miss Maddie. Di ba po sila yung may-ari nung Fuentabella's Forves Industries?", secretary ko.

"Yeah.", sagot ko dito. Nagdala ito ng kape sa desk ko. Si Shelly. Shelly is actually pretty and sexy. At kung hindi ako nagkakamali ay nagpaparamdam ito na may gusto ito sa akin.

"Ahh Sir, girlfriend niyo na po ba?", nahihiyang tanong niya.

"Nope."

"Sabi ko nga..", nang-aakit na sabi nito habang bahagya niyang idinidikit ang dibdib nito sa braso ko.

"Yes, but do you mind?", kunot noong sabi ko sabay tingin sa dibdib nitong napakalusog. Napalunok naman ako ng di oras sa nakita kong iyon.

She's wearing a very fine yet fitted office work outfit and enough to expose her big boobs and those sexy thighs.

'Lalake din ako! Damn it!'

"Kahit titigan mo maghapon yan Sir okay lang po.", inilapit nito ang mukha niya sa tenga ko. "Kahit po hawakan niyo, okay lang Sir.", nang-aakit na sabi nito na mas lalong nanghihikayat sa pagkalalake ko.

Shelly is very witty, and clever. She knows how to handle me well kaya nga siya ang kinuha kong secretary.

"Excuse me. Kung maglalandian kayo, aalis na muna kami ni Rex bago kayo magsimula.", pukaw ni Maddie saka ito tumalikod at lumabas ng opisina.

"Shit!", bulalas ko saka ko bahagyang itinabi si Shelly at tumakbo palabas ng opisina para habulin si Maddie.

Nang makalabas ako ng pinto ay nakita kong nakikipagtawanan ito kay Rex. Sinundan ko lang ang mga ito hanggang sa makalabas sila ng kompanya.

'She actually don't care about that huh?!'

Nakaramdam ako ng panlulumo. Akala ko pa man din ay magseselos ito at maiinis.

"Maddie!", sigaw ng isang lalake kaya naman napalingon ako doon.

"Carlo.. Kanina ka pa? Sorry natagalan. May kausap si Gavin kaya di ako agad nakapagpaalam.", nakangiting sabi dito ni Maddie.

Mas lalo akong nakaramdam ng panlulumo ng sandaling iyon. Tumalikod ako at dali daling bumalik sa aking opisina.

Nitong mga nakaraang araw ay madalas na magkasama sina Carlo at Maddie. Sa tuwing tatanungin ko naman kung anong ginagawa nila ay hindi nito sinasabi dahil wala naman daw sa akin kung anong ginagawa nila. Kapag ganoon ang sagot nito ay hindi nalang ako nakakapagsalita at aakyat nalang sa kwarto ko para matulog.

Pagsarado ko ng pinto ay nandoon pa rin si Shelly at matamang nakatingin ito mula ng makapasok ako. Pagkaupo ko ng swivel chair ay kumandong ito sa hita ko.

"You like her huh?", nakangising sabi nito.

"Get off of me."

"No.", sabi nito saka niya ako hinalikan.

Dali dali kong inilayo ang mukha niya sa akin.

"What are you doing?!", bulalas ko dito.

"I'm kissing you silly.", sabi nito saka ako muling hinalikan at sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nakaiwas.

'I don't like this, but damn! It feels good!'

"Ohh.."

Someone gasped.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ng sandaling iyon kaya naman napatayo ako at natulak si Shelly.

"Maddie..", I gasped.

"Sorry to disturbed you and her doing that--", nakita ko ang pagka-ilang nito. "--uhh. You know what, magpapaalam nalang ako. Baka ma-late kaming umuwi mamaya. Huwag mo na kami hintayin ni Rex. Bye."

"Wait!", sigaw ko dito ng tatalikod na sana ito.

"Hey let's go.", si Carlo. Kasunod lang pala nito si Maddie at karga karga rin nito si Rex.

"You gonna say something to her bro? Mahuhuli kami sa byahe eh.", si Carlo. Sinamaan ko ito ng tingin kaya naman napakunot ang noo nito. Mukhang natutulog na si Rex sa braso nito.

Lumapit ako kay Maddie saka hinawakan ang braso nito at hinila sa private room ko.

"Hey! Bitawan mo ako!", pagpupumiglas ni Maddie.

Nang makarating kami doon ay padabog kong sinarado ang pinto saka siya nilapitan at kinorner sa pader.

"W-what?!", bakas sa mukha nito ang inis.

"Where are you going?! At bakit ba lagi mong kasama ang lalaking yun?! This time, ayusin mo ang sagot mo!", naiinis na sabi ko sa kanya.

Oo. Naiinis ako. Nang-gagalaiti rin ako sa galit. Ayoko siyang nakikita kasama ang ibang lalake lalo na Carlo na iyon, dahil kung maaalala ko ay sila ang pinaka-close ng magka-kilala kami ni Maddie noon.

"Pwede ba Gavin, huwag kang umasta na parang may namamagitan sa atin!", kunot noong sabi nito.

Natigilan ako sa pagkakahawak sa kamay niya saka ito pinakawalan.

That made me feel a sharp pang of hurt in my heart. Hindi ko alam na magagawa pala akong masaktan ng ganoon dahil lang sa salitang binitawan nito.

"Why? Why do you have to say that? Hindi pa ba halatang gusto kong ibalik ang meron sa atin noon?", nanlulumong sabi ko.

"Gavin ano bang noon? Ano bang ibig mong sabihing noon? Ano nga ba talaga tayo noon?!", mas lalo akong natigilan at hindi nakasagot sa mga tanong niya. "Gavin bakit mo ba to ginagawa? Iniiwasan na kita. Hangga't maaari binabalewala ko lahat ng mga pinaparamdam mo. Hindi mo alam kung gaano ko tinitiis na hindi makaramdam ng saya sa tuwing guguluhin mo ang buong sistema ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na kasing masaktan. Nakakapagod din. Araw araw ko nalang kayong nakikitang naglalandian nung secretary mo. Ang sakit sakit nun Gavin. Pinaalam ko naman sayo dati ang nararamdaman ko di ba? Irespeto mo naman yun. Hindi yung harap harapan mong pinamumukha sa akin na kaibigan lang ako at wala akong balak makaramdam ng selos o inis o galit. Masyado na akong nasasaktan Gavin. Masyado na akong nahihirapan. Hindi kita pinipilit na magustuhan ako Gavin, alam mo yan.", naluluhang sabi nito pero pinipigilan nitong tumulo ang nagingilid na luhang iyon sa kanyang mga mata.

Ramdam ko ang hinanakit nito ng sandaling iyon na mas lalong nagparamdam sa akin ng kalungkutan. Hindi ko na alam ang gagawin para hindi masaktan ang babaeng mahal ko.

Ano bang ginagawa kong mali? Ano nga ba?!

"Alam mo naman sigurong walang namamagitan sa amin ni Shelly di ba?", kunot noong sabi ko.

"Wala? Wala? Oh come on Gavin! Akala mo ba hindi ko kayo madalas nahuhuling naghahalikan dito sa opisina niyo?! At hindi lang ako ang nakakakita nun, maski si Rex. You know what? You're a jerk!", galit na sabi nito saka niya ako tinulak ng pagkalakas lakas dahilan para mapaatras ako.

"But I'm a guy, and she's the one who--"

Itinaas ni Maddie ang kamay niya sa mukha ko dahilan para mapatigil ako.

"Yes. You're a guy Gavin. You are. Given na iyon. Pero ang matinong lalake ay hindi basta bastang papayag na halikan ng kung sino sino. Halata namang interesado ka sa secretary mo Gavin kaya mo nagagawang magpahalik.", umiiling na sabi nito.

"No I'm not!", tanggi ko at hindi ko na mapigilan ang pagkunot ng noo ko ng sandaling iyon. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Ikaw ang tinitibok nito Maddie. Ikaw lang."

"At ang secretary mo ang laman ng isip mo at pinagnanasahan mo? Tch! You're such a piece of crap then Gavin! You're the lowest!", galit na sabi nito saka niya hinablot ang kamay niya at binuksan ang pinto doon saka ito umalis kasama si Carlo at Rex.

Napasuntok ako sa pader ng sandaling iyon.

Masisisi mo ba ako? Masisisi mo bang si Shelly lagi ang nasa tabi ko ng sandaling iyon na wala siya? Masisisi mo ba akong natutuwa ako sa ugali ni Shelly na pinapakita niya sa akin? Masisisi mo ba akong gusto ko ang pagka-aggressive nito? Masisisi mo ba akong, lalake lang ako at naaakit sa tukso?

'Damn it!'

Ilang segundo ko ng pinagsususuntok ang pader sa office ng sandaling iyon hanggang sa lumapit sa akin si Shelly at niyakap ako nito mula sa aking likuran kaya naman humarap ako dito at inilayo ito.

"Stop this! You're ruining everything!", naiinis na sabi ko sa kanya.

"No I'm not. Gusto mo rin tong ginagawa natin Gavin!", singhal niya.

"Sorry. I'm sorry but I love her, so please. Just stop. Mahina ako sa mga babaeng kagaya mo."

"Alam mong hindi yan ang rason Gavin. Kung hindi nagbalik yang anak ng Fuentabella's Forves Industries na yan ay okay na tayo eh. Alam kong may gusto ka sa akin at hindi mo maitatanggi yan!", sigaw niya.

"No! Wala akong gusto sayo Shelly! Alam mo yan! Alam mo namang bago mo pa ako nilapitan ay sinabi ko na sa iyong isang babae lang ang may hawak ng puso ko!"

"But still, bumibigay ka sa tuwing lalapitan kita.", nakangising sabi nito. "Kaya ibig sabihin ay hindi rin magtatagal yang narardaman mo para sa kanya."

Sinuntok ko ang pinto ng sandaling iyon dahilan para magitla ito at bahagyang umatras.

"Don't you dare speak to me like that Shelly! Hindi mo alam ang nararamdaman ko!", tiim bagang kong sabi dito.

"At mas lalong hindi mo alam ang nararamdaman ko! Nagpagamit ako sa iyo Gavin! Nagpagamit ako!", umiiyak ng sabi nito.

"At alam mong ikaw ang kusang lumapit sa akin at nilandi ako!!", sinamaan ko na siya ng tingin ng sandaling iyon.

Napahawak ako sa mukha ko ng bigla akong sinampal ni Shelly. Malakas iyon at talaga namang ramdam ko ang hapdi na dulot nun.

"Sana nung una palang Gavin tumanggi ka na. Walang nanlalandi kung walang magpapalandi! You're the worst! Kaya pala hindi ka na niya magawang matanggap dahil ganyan ka!", sigaw nito saka siya lumabas ng opisina.

At ngayon ay dalawang babae pa ang nasaktan ko. Wow! Just wow!

Napahilamos ako sa mukha ko ng sandaling iyon. Pakiramdam ko napakalaki ng pagkakamaling nagawa ko.

Kaya ba ako hindi pinapansin ni Maddie sa bahay kapag nilalambing ko ito dahil napapansin niya kami ni Shelly?

'Damn it! Sinabi nalang sana niya! Malay ko ba?!'

Ang alam ko ay walang pakielam sa akin si Maddie. Ang alam ko ay balewala lang sakanya ang pagpapa-charming sa akin ni Shelly. Maliit na bagay na akala ko hindi big deal sa babaeng mahal ko ngunit nagkamali ako.

Isang napakalaking pagkakamali nanaman para masaktan siya.

Malalim akong napabuntong hininga ng oras na iyon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Kriiiiing!

Red calling..

"Hello?", sinagot ko ang cellphone ko na nagring mula sa bulsa ko.

"Ang tamlay ah? Basted ka nanaman kay Madz? haha"

"Ulul! Mas malala! Tangna dude! Nasaktan ko nanaman siya!", sabi ko dito.

Inis na inis ako sa sarili ko ng sandaling iyon. Hindi pala inis, galit. Kung pwede lang sunod sunod kong suntukin ang mukha ko ay ginawa ko na.

"Gago ka talaga! Nasaan ka?! Pumunta ka dito sa Bandits! Dali!", sabi nito saka niya binaba ang linya.

Bandits is actually a pub. Kailan lang naitayo iyon malapit sa Devils Club.

Tumayo ako at dali daling nag-out sa opisina. Tinungo ko ang kotse ko na nasa parking lot at humarurot papunta sa Bandits.

Ilang minuto pa ang nagdaan ng bago ko narating ang pub. Pagpasok ko doon ay marami ng tao. Live band kasi ang tumutugtog doon at hindi ko maitatangging magagaling ang mga ito.

Simula ng maitayo ang Bandits ay naging tambay na kami doon ni Red kasama sina Keropi at Charles, pati na rin si Seb kapag free ito at hindi kasama ang girlfriend niyang si Nikki.

Nang makita ko si Red ay kasama nito si Charles at Keropi. Mukhang tatlo ang mabubugbog sa akin ngayon.

Sumalampak ako sa couch ng sandaling iyon. Couch ang upuan namin dahil nasa VIP area kami. Tago iyon at medyo madilim kaya naman lagi naming pinarereserve ito sa tuwing tatambay kami doon.

"Anong nangyari?", tanong ni Charles sabay abot sa akin ng bote ng beer.

"Tss. Si Maddie--"

"Alam namin!", sabay sabay nilang sabi.

"At si Shelly.", dagdag ko.

"What?!", sabay sabay ulit nilang sabi ngunit sa pagkakataong iyon ay binatukan nila ako.

"Akala ba namin past time mo lang ang babaeng iyon at alam niya iyon?!", si Keropi.

Oo. Alam nila ang tungkol kay Shelly dahil nakukwento ko rin ito sa kanila. Maliban kay Seb.

"Oo nga. Malay ko bang iba na pala ang dating kay Maddie ng mga simpleng gestures namin."

"Nakanang! Anong gestures?! Yung pang-lalandi niya sayo?! Gago! Siraulo!", sigaw sa akin ni Red.

"Tch! Kaya nga ayun. Ang sabi ni Maddie pinagnanasahan ko daw si Shelly at mukhang hindi siya naniniwalang mahal ko siya."

"Sinong babae ang maniniwala sa iyo kapag sinabi mong mahal mo siya habang nagugustuhan mong may lumalandi sayo?", kalmadong sabi ni Charles.

"Dude! Lalake ako! Alam niyo naman ang ibig kong sabihin!", kamot ulong sabi ko.

"Yeah yeah. Sure. Pero bumalik na si Maddie kaya dapat tinigilan mo na iyon. Saka kawawa naman yung Shelly dude.", si Keropi.

"Ramdam ka namin dude. Nung pinakita mo nga sa amin yung Shell di ba makalaglag panga lang? haha Kahit sino naman maaakit sa babaeng ganoon mag-ayos. Bakat lahat eh!", si Red.

"Tch! Anong gagawin ko?! Nasaktan ko nanaman siya!", inis na sabi ko.

"Ipaliwanag mo.", si Charles.

"Paano?", kunot noong sabi ko.

"Anong paano? Sira ka ba? Kapag alam mong may mali ka, kailangan mong gumawa ng hakbang para itama ito. Sa tingin mo, ano ang dapat mong gawin ngayon Gavin? Alam mo ang sagot. Huwag kang magtanga tangahan. Naduduwag ka nanaman.", seryosong sabi ni Charles. Kapag pangalan ko na kasi ang tawag nito at hindi na dude, pre, pare o tol, seryoso na ito.

Kunot noo akong nag-isip ng sandaling iyon saka ako napabuntong hininga.

Ano nga ba?

"Nakanang! Naging vice pres lang ng kompanya nila naging tanga na sa pag-ibig!", si Red. Sinamaan ko ng tingin ito.

"Sige nga, kung ikaw anong gagawin mo? Kala mo kung sino to!", singhal ko sa kanya.

Hinimas himas nito ang baba saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ako pa! Expert ako diyan! Ilang taon ko bang pinagtiisan si Hana?", natatawang sabi nito.

"Oo. Kulang nalang maghalumpasay ka sa harap niya para lang sagutin ka!", natatawang sabi ni Keropi.

"Ulul! At least, mahal na ako ngayon ng babeng mahal ko, eh kayo? Single kayo! Single!", pang-aasar nito kay Charles at Keropi habang tinatawanan siya.

"Oh siya, let's hear it from the master!", natatawang sabi Charles kaya naman nakitawa na rin ako. Kahit kailan kasi ay joker tong si Red. Siya na yata ang clown sa barkada.

Bahagya pang tumikhim si Red at tila pomormal ang ayos kaya naman mas lalo kaming natawa. Hindi kasi bagay. Ngunit sinamaan niya kami ng tingin lalo na ako kaya pilit kaming kumalma at hinarap ito. Ilang sandali pa ay mataman niya akong tinitigan.

"Maging tunay kang lalaki Gavin. Tunay na lalaki na kayang panindigan yang sinasabi mong pagmamahal mo kay Maddie. Drop Shelly out of your life! Stop hurting Maddie, and don't make it difficult for the both of you. Stop being a boy! Be a man for the girl you Love!", mahabang litanya nito.

Mahabang litanya na nagpamangha sa aming lahat. Lalo na sa akin. Para bang sinampal ako sa katotohan ng sandaling iyon.

Am I acting like a boy?!

"Wooo! Tangna! Ang lalim! Shet pare! Hugot!", si Keropi.

"Wow! I'm actually impressed.", si Charles.

"May english yun mga tol! Nahirapan ako doon! Kaya bayaran mo tong VIP ngayon at tong mga beer Gavin!", baling sa akin ni Red kaya naman napailing nalang ako at napangiti.

Ngunit tama si Red. Dapat ko ngang patunayan ang nararamdaman ko para dito. Hindi lang sa gawa, kundi pati na rin sa salita.

Kailangan naming mag-usap ng masinsinan.

TO BE CONTINUED..

Don't forget to like our Facebook PAGE!

*Maddie Hart Fuentabella

*Gavin Mahone Cavalier

*Girl Meets Love

Thanks Guys! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro