Girl Meets LOVE - 4 ❤️
A/N:
Ehh kasiiii...
Nag-update na si maxinejiji ng H.I.H!!!
Super happy ako ngayon!!
Hinahabol ko ang mga puso ni Deib!!!
Sobrang namiss ko ang TAGSEN!
Super adik ako sa H.I.H
Uwaaaaahh! (>o<)//**\\(>o<)
Kaya ako naman mag-aupdate. Hihi ;)
-- kyLiiemichy
-----------------------------------------------
Maddie's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama dahil gabi nanaman. It's been 6 months nung last akong binisita ni Seb.
'Wala akong magawa. Pesteng sembreak. Ang boring! Ako kaya bumisita sa kanya sa Manila? Teka, tawagan ko nga.'
Agad kong hinanap ang phone ko at kinontak si Seb. Sinagot niya naman agad yun.
"Nee chan? May problema?" si Seb sa kabilang linya.
"Nasaan ka ngayon?"
"Nandito kay Mama, nagpapatulong siya sa akin eh. May--"
"Ahh. Nevermind. Sige."
Agad kong pinutol ang usapan.
'Psh. What do you expect? Siyempre na kay Mama siya. Haaaaay.'
Ilang sandali lang ay nag-ring bigla ang phone ko. Si Coach JP ang tumatawag. Sinagot ko naman iyon.
"Hello coach?" sabi ko.
"Maddie. May outing tayo this weekend, pero friday tayo magkikita kita. Pupunta tayong Pagudpud. Attendance is a must okay? Sa school tayo magmimeet. 8am sharp. Itetext kayo ni Kyle para sa mga dapat dalhin at kung ano pang mga detalye."
"Ha? Ah eh coach.."
"See you this Friday. Bye."
Napabuntong hininga ako ng mga sandaling iyon at matamang tinignan ang phone ko.
"Ni hindi man lang ako pinag-salita?" naiiritang sabi ko.
Ayoko ng mga outing outing na yan. Hindi nga ako sumama sa mga kaklase ko nung mag-aya sila bago mag-sembreak.
Hindi ako makatulog. Naiisip ko nanaman yung napag-usapan namin ni Lexis. Lokong iyon, tinamaan ata ng bongga sa bagong girlfriend niya. Balak atang inggitin ako.
FLASHBACK sa D.C (Devils Club)
Kasama ko si Lexis ngayon. May ibabalita daw kasi siya sa akin.
"Madz, ang ganda ganda niya. Alam mo ba yun?" naglalakihang mga mata ni Lexis ang nakita ko kahit madilim ang paligid. Nasa VIP room kami kaya naman hindi masyadong maingay sa lugar na iyon. Kapag lumabas ka naman ay sobrang ingay.
"Ses. Lahat naman ng mga naging gf mo. Anong bago? Mas magugulat ako kapag pangit. Haha" biro ko. Nakita ko naman siyang ngumuso at tumungga ng beer.
"Pero nanghihinayang pa rin ako sa naging relasyon natin." tumingin siya sa kisame at sumandal sa upuan.
"Hmm. Bakit naman? Mas okay ng pakawalan kita kaysa naman nagkukunwari akong okay ang lahat at nasasaktan kita." seryosong sabi ko saka ako sumandal din sa upuan.
Magkaharap kami ngayon at may maliit na mesa sa gitna ng upuan namin. Pabilog kasi iyon.
"Pero hindi pa rin kita mapakawalan Maddie. Nasasaktan pa rin ako." alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ako tumingin sa kanya.
"Lex, hindi naman natin maiiwasan na may masaktan di ba? Alam kong kahit ilang beses akong mag-sorry sa iyo eh wala pa ring magagawa yun para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo." tumingin ako sa kanya. "Lex, magsstay ako sa tabi mo hanggang makahanap ka ng babaeng tatanggapin ka ng buong buo, sinusunod ko ang gusto mo dahil alam mo naman kung gaano ako nagi-guilty na nasaktan kita." bumuntong hininga ako. "Kung ipagpapatuloy natin to, mas hindi mo ako makakalimutan at mas masasaktan ka lang." nakita kong seryoso ang mga tingin niya ng sandaling iyon.
"Haaaah! Maddie, Maddie! Bakit ba kasi kita pinatulan?" nagkamot ulo pa siya.
"Sira ulo! Peste. Seryosong seryoso ako eh." nakangusong sabi ko.
"Haha. Ayoko gawing awkward eh. Haha Maddie, sapat na sa akin ang kaibigan kita ngayon. Nung una palang sinabi mo naman na sa akin eh diba? Na hindi mo alam kung sigurado ka sa tayo.", tumingin ulit siya sa kisame at sumandal, saka kinuha ang bote ng beer at itinungga iyon. "Wala naman akong balak tumino noon ng maging tayo eh, haha pero iba ka, pinaramdam mong mahalaga ako sayo, ipinaramdam mong tanggap mo ako, at ipinamukha sa akin na hindi lahat ng babae ay pareparehas." tumingin siya sa akin. "Kasalanan kong sineryoso kita. Hindi dahil sinabi ni Seb at Carlo na huwag kang saktan, sarili kong desisyon iyon. Baka kasi sakaling magtagal tayo at maging tayo na talaga, pero ang nangyari eh, nagtagal nga tayo pero hindi naman naging, haaay, tapos ako yung sinaktan mo. Ang daya lang talaga. Ni hindi ka man lang nabihag ng kagwapuhan ko. Hehe" sabi niya habang mapait na ngumiti sa akin. Nagbabanta na rin ang mga mata niyang ilang sandali pa ay may babagsak ng luha doon.
Nakaramdam nanaman ako ng guilt. Ng awa.
"Stop it Lex, ayokong makaramdam ng awa sa iyo." seryosong sabi ko.
"Pero Maddie,"
"Lex, i'm so sorry. Sorry." sabi ko at yumuko. Nakaramdam ako ng tapik sa ulo ko at hinimas iyon. Umupo siya sa tabi ko.
"Don't worry. Hindi ko sinasadyang mag-complain ulit, nakakamiss ka lang talaga maging girlfriend. Hehe ang swerte ng lalaking mamahalin mo kapag nagkataon.", sabi niya. Iniangat ko naman ang ulo ko. "Maddie, huwag mo kasing pigilan ang sarili mong magmahal. Alam ko ang pinagdaanan mo pero hindi yun sapat para pigilan ang puso mong magmahal.", ngumiti siya. "Masarap magmahal Maddie, at kung meron man akong hindi pinanghihinayangan ngayon, yun ay yung nagmahal ako, at ikaw yung minahal ko. Sayang nga lang hindi ako yung lalakeng may hawak ng susi diyan sa sarado mong puso."
Hindi ko napigilang humagalpak sa tawa. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.
"Masyado naman tagalog kasi eh. Hahahahahaha" sabi ko.
Marahan niya akong binatukan.
"Abnormal ka talagang babae ka!" sabi niya habang nakangiti.
END OF FLASHBACK..
"Hindi rin ako nagsising pumayag na maging girlfriend mo Lexis." nakangiti kong sabi.
Nang makilala ko kasi si Lexis ay super playboy ito. Then we met. Siyempre, naging flirt din siya sa akin noon pero nagsimula ang lahat dahil sa isang deal.Kapag daw naging kami, lahat ng babae na nakapalibot sa kanya ay iiwan niya, so pumayag ako. Gwapo naman kasi talaga si Lexis kaya naman dagdag pogi points na iyon. Mabait rin siya at talaga namang gentleman. Pero nababalitaan ko pa rin na marami pa ring babae ang umaaligid sa kanya, kaya naman nag-effort akong maging mabait na gf and at the same time, maldita. Super proud ako lagi noon kapag sinasabi kong bf ko si Lexis at makikitang ganoon din siya. Saka ko aawayin ang mga babae at pasasaringan ng kung ano ano.
Pero bigla akong natakot. Nangamba. Dumating kasi yung time na seryoso na talaga siya sa akin at sinasabi niya na sa akin ang future na gusto niya kasama ako.
Yun ang alam kong hindi ko kayang ibigay sa kanya. Kaya naman bigla bigla nalang akong hindi na nagparamdam kay Lexis. Hindi totoong nagsawa ako, ang totoo, natakot ako. Ayokong matali. I want my freedom. At mas mahal ko pa rin talaga ang sarili ko.
Kaya naman nung may ipakilala sa aking babae si Lexis na manager daw nila sa basketball ay nakahanap ako ng way para tapusin ang lahat. Nagpakilala ako as his Ex-girlfriend. Nakita ko noon ang gulat sa mga mata ni Lexis, nasaktan ko siya. After that, nag-usap kami ng maayos at nagkaroon ng deal. Na maging bestfriend niya hanggang mahanap niya ang babae na mamahalin niya ulit at kaya siyang tanggapin.
Super bait ni Lexis. Yan lang ang masasabi ko. Sa sobrang bait niya ay ayaw niyang magalit sa akin at inintindi lang ako. Tanong ko noon, ganoon ba talaga ang nagagawa ng love? Walang nakakaalam sa kung ano ang tunay na nangyari sa amin. Si Seb, ilan lang ata ang alam niya na galing daw kay Lexis. Si Carlo, ang alam ata eh, dahil sa pagkababaero niya kaya kami nag-break. Sina Mamsi naman ang alam eh, ako ang iniwan. Hay buhay. Parang life. Para sa akin kasi, kapag mas maraming nakakaalam, mas maraming mangingielam, kaya naman nagdecide kami ni Lexis na tumahimik nalang.
Napa-iling ako at maya maya lang ay nakaramdam na ng antok.
OUTING WITH DADS (Drexel Academy Dance Squad)
Naghihintay ako ng taxi ngayon.
Sinubukan kong hindi sumama, pero..
FLASHBACK
Sa phone--
"Coach hindi po ba talaga pwede ang hindi sumama?"
"Anong dahilan Maddie?" si coach.
"Pupunta sana po ako sa kapatid ko." pagsisinungaling ko.
"Isama mo nalang ang kapatid mo."
"Eh andoon po si mama." pagsisinungaling ko ulit.
"Okay lang."
"Coach naman.."
"Wala ka ng madahilan? Maddie, 6months na kitang nakilala at mahilig kang magpalusot. Tsk. Tsk. Sumama ka na nak." sabi niya, at naglalambing na ito. Kapag tinawag kana niyang nak or anak, nako, hindi ka na makakahindi.
END OF FLASHBACK
Napabuntong hininga naman ako. Ang tagal ko ng naghihintay ng taxi.
"Bumili kaya ako ng sasakyan?, ah, mahal masyado. Hmm. Motor kaya? Ah! Motor!" bulong ko sa sarili ko.
Maya maya nang may makita akong taxi ay pinara ko ito at agad naman tong huminto. Sasakay na ako ng may sumigaw sa pangalan ko. Napalingon naman ako sa gawing iyon.
"Madz!! Madz! Pasabay please?!! Malelate nako!" hinihingal na sabi ni Gavin.
Hindi naman na ako humindi at napa-iling na lang. Umurong naman ako paloob sa back seat or passenger seat ng taxi para maka-upo siya.
"Yan lang ang dala mo?" sabi niya sabay turo sa gamit na dala ko. Training bag ang dala ko. Sakto lang iyon para dalhin ang lahat ng sinabi sa akin ni Kyle na dalhin.
"Hmm." sagot sa kanya saka ako tumingin sa bintana. Sumandal ng maayos at nagcrossed arms.
"Wow! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng isang bag lang ang dala kapag outing. Hehe" rinig kong sabi niya pero pumikit nalang ako.
Sanay na ako sa kadaldalan at kakulitan niya.
"Madz, excited ka ba? Ako excited. Hehe sana pwede kong isama si Summer kaso sabi ni coach bawal outsider."
'Ha? Bakit okay lang na isama ko si Seb saka mama nung kausap ko si Coach? Psh! Sabi na eh. Alam niya na atang gumagawa ako ng palusot. Loko ka coach!'
"Madz Madz! Gusto mo?" sabi niya. Nilingon ko naman siya at inalok ang isang bag ng Lindt chocolate.
My favorite chocolate. Napangiti ako.
Kukuha na sana ako ng bigla niyang bawiin ang plastic bag. Napakunot noo naman ako at napanguso.
"Haha! You like this?" nanunuksong sabi niya.
"Psh. No." saka ako sumandal ulit at lumingon sa bintana. Naasar ako.
Tumawa siya at narinig kong nagbukas siya ng isa.
"Oh, say 'ahh'.." sabi niya habang handa na siyang isubo sa bibig ko ang chocolate.
I want it.
Hindi ko napigilang mapanganga at agad na isinubo ang chocolate. Nakita ko namang nagulat siya.
Napangisi ako.
"Thanks." sabi ko saka ako ngumiti.
Magiging good mood na ako buong araw. I love chocolates. They make me feel happy. Sumandal naman ako uli saka pumikit habang nginunguya ang chocolate.
Gavin's POV
What just happened?
Napahawak ako sa dibdib ko saka huminga ng malalim. Agad din naman akong kumalma. Napailing ako.
'Haaah. Kaya naman pala niyang ngumiti ng ganoon eh. O baka dahil lang dito?'
Tinignan ko ang hawak kong plastic ng Lindt chocolate.
"Penge ulit ako mamaya, saka bukas tas bukas ulit." sabi ni Madz. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti nanaman siya. Ngiti na laging dahilan para matigilan ako at matulala sa di malamang rason.
"Huy! Okay ka lang? Masakit ba dibdib mo? Nahihirapan ka bang huminga?" sunod sunod na tanong niya. Pero poker face pa rin ang mukha niya.
"Akala ko ba nursing student ka?" biro ko. Ginawa ko iyon para maiwaksi ang pagkakatulala ko sa ngiti niya.
"Ha?" nakakunot noo niyang tanong.
"Kasi di ba, dapat mas warm at gentle ang mga pagtatanong na iyon?" sabi ko habang bahagyang tumatawa.
"Ay ganun? Okay. Ulitin natin." sabi niya saka lumapit sa akin. "Kunwari, patient ka talaga ngayon." seryosong sabi niya saka siya huminga ng malalim at bahagyang yumuko. Maya maya pa ay iniangat niya na ang kanyang ulo. Iba na ang ekspresyon ng mukha niya. Ibang iba.
Napaka-amo nun. Akala mo parang anghel kung makatingin. At kitang kita mo sa mga mata niya ang pag-aalala.
'Kunwari.'
"Sir, okay lang po ba kayo?" inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napalunok naman ako. "Sir, ngayon naman po namumula kayo, kanina masakit po ata ang dibdib niyo. Pwede ko bang malaman kung anong nararamdaman niyo?" malumanay na sabi niya.
'Damn it! I can't speak!'
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nakita kong lumayo naman siya at sumeryoso. Hinawakan niya ang noo ko.
"Huy! Ano ba? Seryoso! Anong nangyayari sayo? Kanina hawak mo dibdib mo, ngayon naman pulang pula ka! Huy!!!" sabi niya habang tinutusok tusok ang balikat ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya. "Leche! Hoy! Gavin! Sapakin kaya kita ng magsalita ka?!!!" sigaw niya.
Natauhan naman ako at napakurap. Huminga ako ng malalim. Limang beses kong ginawa iyon.
"Ang brutal mo naman." biro ko.
"Kasi abnormal ka! Bigla ka ba namang hindi magsalita tapos nakatulala?! Idagdag mo pang nakahawak ka sa dibdib mo tas sobrang pula ng mukha, tenga at leeg mo?! Nanggagago ka ba?" sabi niya at halatang galit talaga siya.
"Sorry. May naalala lang ako." seryosong sabi ko.
"Adik ka! Pero okay ka lang talaga?" sabi niya at nagcrossed arms na ito.
"Yep." nginitian ko siya.
"Kadamutan mo lang eh noh? Sabihin mo lang kung ayaw mo akong bigyan ng chocolate. Psh!" nakangusong sabi niya.
"Haha! Ang girly mo palang mainis. Haha" humagalpak ako ng tawa. Sapo ko ang tiyan ko.
"Babae ako. Abnormal! Anong tingin mo sakin? Lalake?" sarcastic na sabi niya.
"Medyo. Hehe ang cool kasi ng aura mo, minsan nakakalalake ka na nga eh."
Hindi naman na ito sumagot saka siya bumuntong hininga. Napangiti na lang ako.
Anim na buwan ko ng nakakasama si Madz pero naa-amaze pa rin ako sa ugali na meron siya. Paiba iba yun, depende sa mood niya, sa taong kausap niya, sa kinakain niya at sa mga nakapaligid sa kanya. In short, weird siya at may pagka-bipolar.
Pero hindi siya yung taong walang pakielam sa paligid niya lalo na kapag kailangan nila ang tulong niya. Oh, and she don't like people.
'Hindi ko nga lang alam kung bakit. Buti nga naging maayos ang pakikisama ng dance squad sa kanya.'
Katulad ko, nung una ay marami ring may ayaw sa attitude niya pero unti unti rin namin siyang nakilala at natanggap. Lalo na ni Coach. Kung barahin niya ito ay parang barkada lang pero ganoon din naman kasi si Coach JP sa kanya.
"Manong, dito nalang po sa tabi. Siya po magbabayad." sabi niya saka ako nginisian.
"Ha? Hoy! Hati tayo!" habol kong sabi sa kanya pero nakababa na ito at nakita kong sinalubong na siya ni Casey. Inis ko namang iniabot ang bayad sa driver.
"Ang ganda ganda naman ng girlfriend mo iho, bagay na bagay kayo. Hehe" si taxi driver.
"Nako. Hindi ko po siya girlfriend. Mas maganda pa po sa kanya ang girlfriend ko. Hehe" sabi ko habang hinihintay kong ibigay niya ang sukli.
"Ganoon ba iho? Pero bakit ata kakaiba ang titig mo sa kanya?" sabi ni manong taxi driver. Nabigla naman ako. "Iho, kung may nobya ka pala eh, ngayon palang layuan mo na siya." seryosong sabi nito.
Pagkababa ko ng taxi ay napa-isip ako.
"Imposible. Si Summer lang ang nag-iisa sa puso ko." nakangiting sabi ko.
"Gavin! Ang tagal mo! Ikaw nalang hinihintay!" sigaw sa akin ni Kyle.
"Andiyan na." dali dali naman akong tumakbo palapit sa kanila.
Nasa bus na kami ngayon at nagkakasiyahan ang lahat. Si Kyle ang katabi ko. Nakasundo ko na rin kasi ito mula ng makasama ko siya sa isang sayaw kasama si Casey at Madz.
"Uy. Gusto niyo?" si Casey. Nakahawak siya ng pringles at inaalok kami ni Kyle. Nasa bintana ako, kaya naman si Kyle ang kinalabit niya.
"Sige lang." sabi ko.
Maya maya ay tumingin si Casey kay Kyle at nagngitian ang dalawa.
"Ahh.." nakanganga si Kyle at tila naghihintay na subuan siya ni Casey.
"Ano ka ba, nandiyan si Gavin oh. Di ka man lang mahiya." namumulang sabi ni Casey at tinapik pa ang balikat ni Kyle.
"Okay lang iyan." nakangiting sabi ni Kyle. Maya maya ay sinubuan na siya ni Casey.
"Casey, gusto mo tabi nalang kayo?" alok ko sa kanya.
Ngumiti naman siya.
"You sure??"
"Hmm." nakangiting sabi ko. Tumayo naman ako at lumipat sa upuan niya.
Nakita ko si Madz na naka-earphone at mahimbing na natutulog. Nakabalot ito ng jacket at bahagyang nakasandal ang ulo niya sa may bintana.
Umupo ako sa tabi niya saka ako naglabas ng sandwich. Hindi ako nag-almusal kanina kaya naman nakaramdam ako ng gutom.
Nang matapos ko iyon ay nagpasya akong umidlip na muna. Ilang oras din kasi ang byahe papuntang Pagudpud.
"Uy. Gisingin niyo na." rinig ko.
"Kayo na manggising!" rinig ko ulit.
"Eh, baka magalit si Madz. Alam niyo naman yan."
Hindi ko na napigilang imulat ang mga mata ko. Nakita ko sina Gab, Sachi, Hero at Britney. Nakatingin sila sa akin at nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita. Nakita kong lumilingon din sila sa katabi ko. Nilingon ko ito at nagulat ako sa ayos naming dalawa.
Naka-akbay ako kay Madz habang siya naman ay himbing pa ring natutulog. Nakasandal pa ang ulo nito sa balikat ko. Pero ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit ako naka-akbay sa kanya.
"Gavin, nandito na tayo. Ikaw na manggising kay Madz, una na kami. Bye!" sabi ni Sachi at dali dali silang nagsitakbuhan pababa ng bus. Nakita kong nagtatawanan ang mga ito bago pa makababa.
Dahan dahan kong iniangat ang ulo niya at dahan dahan ko ring inialis ang kamay ko. Narinig kong umungol siya kaya naman natigilan ako.
'Huwag ka munang gumising. Please!!'
Marahan ko ulit iniangat ang ulo niya at dali dali kong hinila ang kamay ko. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito.
'Buti nalang tulog mantika. Hehe'
"Madz. Uy Madz, nandito na tayo." tawag ko sa kanya. Umungol ulit siya. "Madz!" tawag ko ulit.
Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Tumayo naman ako at inayos ang aking sarili.
"Tara na, andoon na silang lahat sa baba." yaya ko sa kanya pero parang wala pa rin ito sa sarili.
Kinuha ko ang supot ng Lindt chocolate sa bag ko at nagbukas ng isang piraso.
"Ahh!" utos ko kay Madz, ngunit tinignan niya lang ang kamay ko. Kaya naman hinawakan ko ang mukha niya saka ko siya pinanganga ulit. Para naman itong bata na naghihintay na masubuan kaya napangiti ako.
Iniligay ko sa bibig niya ang chocolate saka ko inayos ang gamit ko. Nang lingunin ko siya ay mukhang okay na ito.
"Tara." yaya ko sa kanya.
Tumayo naman ito at saka sumunod sa akin. Bahagya akong natawa ng makitang para itong bata kung kumilos ngayon. Pagkababa ko ng bus ay bumungad sa akin ang banayad na simoy ng hangin at ninamnam iyon.
"Aray! Ano ba? Bakit bigla bigla ka nalang humihinto?" maktol na sabi sa akin ni Madz. Nabunggo kasi ito sa likod ko.
"Hala! Ikaw tong bumunggo sa akin. Tumingin ka kasi sa nilalakaran mo." sabi ko.
Tinignan niya naman ako ng masama at saka niya nasapo ang noo niya.
"Pasensya na, hang over." sabi nito.
"Hang over?" takang tanong ko.
"Sa byahe." sabi nito saka naglakad papalayo.
Napakamot ako sa ulo ko nang hindi ko nakuha ang gustong sabihin nito. Ilang sandali pa akong nanatili doon para damhin ang masarap na simoy ng hangin. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang dagat at papalubog na araw. Gusto ko mang tumagal doon ay hindi pwede dahil hinihintay na ako nina coach.
Dumiretso na ako kung saan nandoon ang iba pang mga kasama ko. Maya maya ay may lalaking naghatid sa amin kung saan kami tutuloy.
Dalawang family suite ang kinuha ni Coach. Ocean view ang makikita mo doon. Hiwalay ang girls sa boys kaya naman dalawa ang kinuha ni coach. Kaming mga lalake ang unang inihatid sa kwarto kaya naman nakita ng mga girls ang suite namin. Sampu kaming lalake at kasama na si coach doon. Samantalang walo naman ang mga babae. Marami rin kasing hindi nakasama sabi sa akin ni Kyle dahil daw nasa probinsya pa ang mga ito.
Maya maya ay ang mga girls naman ang inihatid sa suite nila.
"Ang ganda dito dude! Nga lang wala masyadong tao ngayon noh? Bakit kaya?" si Gab.
"Regular season kasi dude." sagot ni Hero.
"Wala masyadong chicks!" si Grey.
Tumawa naman kami. Isa isa na naming iniayos ang mga gamit namin. May mga nag-shower na dahil magkikita kita daw kaming lahat mamayang 7 pm para magdinner.
Hannah's Resto
Hinihintay na namin ang mga babae ng mga sandaling iyon. Nauna kaming mga lalake sa resto dahil kasama namin si Coach. Nag-order na si Coach ng mga pagkain bago pa magsidatingan ang mga babae.
Saktong ala-siete ay nagdatingan na ang mga babae. Ilan sa kanila ay naka-swim suits na. May naka-two piece at one piece, saka may suot na malaking bandana. Ngunit nang mapalingon ako kay Maddie ay naiiba ang suot nito. Nakita kong naka-maong shorts na maikli si Madz at naka-suot lang ito ng sando. Hindi ko naiwasang mapatingin sa bandang tiyan nito at bahagyang napangiti ng makitang hindi na kalakihan ang parteng iyon.
Isa isa silang nagsi-upo.
"So dapat ikaw naiiba Maddie?" biro ni coach.
"Wala akong bandana na ganyan kalaki coach. Sinabi ko na kay Kyle yun." si Madz.
"Haha. Oh siya. Guys, again, congratulations!!" panimula ni coach.
Nanalo kasi ang cheering squad at ballroom dancers sa nakaraang contest na sinalihan namin. Matapos nun ay pinangako ni coach na ititreat niya kaming lahat. Ang hindi ko lang inaasahan ay ganito ka-engrandeng treat ang ibig niyang sabihin.
"Sa pagkaka-alam ko walang 18 years old below sa inyo di ba? Kaya lahat kayo ay may wine. Hehe Anyways, i'm so proud of you guys. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kaproud ngayon dahil kayo ang mga dancers ko." si Coach. Tumayo pa ito habang nagsasalita. "Sa mga bagong members, isa lang ang masasabi ko, wow! Wow kasi, hindi ko ini-expect na ganito ang level ng performance na ipapakita niyo sa amin. Salamat.", nakangiting sabi ni coach. "So, let's enjoy the rest of the night. Cheers!" sabi niya habang iniangat ang wine glass.
Lahat naman kami ay kinuha ang wine glass na nasa table at itinaas iyon.
"Cheers!!" kaming lahat.
Naging maingay ang dinner na iyon. Napuno ng tawanan, asaran, at tuksuhan ang mesa na kinakainan namin.
"O maiba ng topic, si Gavin at Madz.. May chika daw." si coach.
Napa-ubo ako nang marinig iyon at hindi ko napigilang hindi lingunin si Madz na wala namang reaksyon ng sandaling iyon.
"Awe. Affected much Gavin? Hihi" si Casey.
"Ah. Hehe may girlfriend po ako." nakangitng sabi ko.
"Ha?!!!" lahat sila pwera si Madz na nakatutok sa pagkain.
Napakamot ako ng ulo at nakaramdam ng hiya.
"What the heck?! Eh ano yung nakita namin sa bus kanina?" bulalas ni Gab.
Napa-lunok ako. Tumingin ako kay Madz pero nakita kong nakatingin na rin siya sa akin.
"Parehas kaming tulog, hindi ko sinadya yun." seryosong sabi ko.
"Ang alin?" si Madz. Napatingin naman lahat sa kanya at saka sila bumaling ulit sa akin.
Napalunok ulit ako.
"Ah, kasi kaninang tulog ka, tayo, medyo nakasandal ka sa balikat ko, tapos naka-akbay ako sayo." paliwanag ko. Nakita ko naman ang mga nakakalokong ngiti sa ibang member ng dance squad.
"Hmm." sabi ni Madz saka ulit ipinagpatuloy ang pagkain.
Saka lang lumuwag ang paghinga ko ng makitang balewala lang kay Madz iyon.
"Wala ka man lang reaksyon Madz?" si Britney. Kitang kita dito ang nakakalokong ngiti nito. Tinignan siya ni Madz saka ngumisi.
"Loyal yan sa gf niya. Mga loko kayo. Huwag niyong inaasar, mamaya umiyak yan." si Madz.
"Hoy! Anong umiyak?!" inis kong sabi sa kanya.
"Sabi ko sa inyo eh, kayo kasi." sabi ni Madz. Nagtawanan naman silang lahat. Nakita kong ngingisi ngisi lang si Madz.
Nagpatuloy lang ang panunukso, kulitan at asaran hanggang sa matapos kaming kumain.
Alas-nuwebe na ng makarating kaming mga lalake sa suite. Lahat kami ay busog na busog at isa isang nagsi-higa sa kama.
"Grabe. Ang dami kong nakain." si Hero.
"Oo nga eh. Ang sarap nung inihaw na pusit!" si Gab.
"Dati niyo na bang ginagawa to?" tanong ko sa mga dating members.
"Yep! Nung last, sa hundred islands naman kami." si Kyle.
"Captain! Gf mo ba si Casey?" si Grey. Pag-iiba niya ng usapan.
"Bakit? Type mo? Haha" si Kyle.
"Haha. Hindi, napansin ko lang close kayo." si Grey.
"Hindi pa. Pero malapit na. Hehe" si Kyle.
"Hoy ikaw Gavin! Langya ka dude! Akala talaga namin may something kayo ni Madz." si Laurence.
"Wala. Imposible yun. Gaya ng sabi niya kanina loyal ako kay gf. Hehe" sabi ko.
"So, single siya? May pag-asa tayo dude!" sabi ni Hero at nakipag-appear pa kay Grey.
"Hep hep! Akin na siya. Wala ng gagalaw." sabat ni Gab.
"Ulol. Ako ang type nun. Haha" si Laurence.
Tumayo naman sa pagkakahiga si Ricky. Kanina pa ito tahimik at nakikitawa lang. Old member ito ng DADS. Kasabay ni Kyle.
"Excuse me, nauna ako sa kanya. Haha" si Ricky.
"Pucha! Lahat na kayo kay Madz. Haha" si Ash. Kasabay rin ni Kyle. Old member.
"Bukod kasi kay Casey, siya ang pinakamaganda eh. Haha" si Dan.
"So si Casey ko ang pinakamaganda?" si Kyle.
"Si Madz." sabay sabay na sabi nung pito.
Sina Hero, Gab, Grey, Ash, Ricky, Dan at Laurence.
Natawa naman ako habang kumunot noo naman si Kyle.
"Haha. So lahat kayo ang target si Madz?" tanong ko.
"Ah ako, si Sachi. Pero crush ko talaga si Madz, kaya lang out of reach eh." si Ricky.
"Tama ka diyan tol. Haha kaya sa akin si Britney. Hehe" si Ash.
"Eh kayo?" turo ko sa limang natitra.
"Ako kay Angel. Hehe maldita kasi si Madz, actually takot ako sa kanya. Haha mahirap siyang kausapin, kaso kakaiba talaga ang ganda niya." si Dan.
"Sinabi mo tol. Tapos curvy siya. Malaman ba, hindi payat. Parang masarap akapin!" sabi ni Hero habang akap akap nito ang unan.
"Masarap nga ba akapin Gavin?" si Gab. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ng mga ito.
"Mas sanay ako sa sexy. Haha" biro ko.
"Sexy naman siya. Malaman lang. Coca cola nga siya eh." si Grey. Natawa naman kami ng mag-sayaw pa ito na animo may hawak na 8oz coca cola bottle na pagkalaki laki.
Si Madz lang ang patuloy na pinag-usapan ng mga lalake hanggang isa isa na kaming makaramdam ng antok.
Meanwhile, sa Girls Suite.
Maddie's POV
"Maddie, akala talaga namin kayo ni Gavin. Hihi" si Casey.
Ito ang ayaw ko kapag oras na ng tulugan. Chismisan.
"Akala niyo lang iyon." sabi ko.
"Eh girls, ano bang rating niyo sa mga boys? Para sa akin, si Gavin ang pinaka-gwapo at hot. Ehhhhh!!!" si Britney.
"Sa akin si Kyle." nahihiyang sagot ni Casey.
"Alam na naming sa iyo si Kyle Casey. Haha" si Angel.
"Si Gavin ang pinakagwapo talaga, tas super hot. Then si Kyle, then Gab. Sila ang top 3 ko. Hihi" si Kim.
'Walang wala ang boys ang mga yan sa boys namin sa A.C'
Napailing ako at napangiti.
"Sa akin, si Gavin talaga. Kaso may gf na. Huhuhu" si Laura.
"Kaya nga. Tapos tuwing practice, ang hot hot niya. Pati kaninang dinner. Haaaaay! Nakakaloka!" kinikilig na sabi ni Jam.
"True that! Yung abs niya, yung biceps! Grrr! Yummy!!" si Sachi.
"Eh ikaw Madz, sinong crush mo sa boys?" si Kim.
"Wala." agad kong sagot saka pa ako nag-inat inat dahil bored na ako sa pinag-uusapan nila.
"What?!" sabay sabay nilang sabi. Sina Casey, Angel, Kim, Laura, Jam, Sachi at Britney.
"Ang o.a niyo." sabi ko.
"Babae ka ba Maddie?! How come wala kang crush sa mga boys?! Actually lahat sila ay gwapo at yummy, pinaka at mas nga lang si Gavin, hihi tas sasabihin mong wala kang crush???" bulalas ni Angel.
'Ses. Ang tagal ko na kasing napapalibutan ng gwapo. Punta kayo ng A.C ng malaman niyo. Psh!'
"Eh sa wala eh. Hindi ako interesado." sabi ko.
"Wow ha! Ang ganda mo! Ikaw na! Mahalin ang sarili! Wagi yan!" si Britney.
"True that! Embrace yourself! Kiss yourself! Make love to yourself! Ewww!" maarteng sabi ni Sachi.
Nagtawanan naman kaming lahat. Narealize kong okay rin pala ang ganito. Huwag nga lang sanang madalas. Pero okay kasama tong mga babaeng ito. I like the atmosphere at mahahalata mong walang plastikan. Napangiti ako.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro