Girl Meets LOVE - 34 ❤️ (Memories)
"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
A/N:
Hello guys! Thank you so much sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. ❤️
And, HAPPY 6k! Yey! hihi oo. ganitong bagay lang, ikinatutuwa ko na. Paano pa kaya pag nag-comment ka di ba? 😁
Anyways, salamat ulii! Kisses!
Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Gavin's POV
Ilang araw na ang nakalipas mula ng makalabas ako ng hospital. Ilang araw na rin akong nangangapa sa lugar kung saan ako nag-aral.
Ang Baguio.
Binisita ko ang college at hindi inaasahang marami palang nakakakilala sa akin doon.
Sa amin ni Maddie.
Kadalasang maririnig ko ay, 'oh nasaan yung asawa mo? -- oh nasaan yung maldita mong girlfriend? -- oh nasaan na ang master mo? -- aba! hindi mo ata kasama ang buhay mo ngayon? -- na mas lalong nakaragdag ng impresyon ko kay Maddie. Puro tawa, ngiti at pagsisinungaling ang sagot ko sa kanila dahil hindi ko sila maalala at wala silang kaalam alam sa nangyari sa akin.
Bawat sulok ng college ay nilibot ko. Ang gym. Ang mga naging classroom daw namin. Ang canteen. Ang ground field. Ang greenhouse.
I'm guessing that I had live my life full of amazing people with that girl, Maddie. Sa kanya lang ba umikot ang mundo ko sa loob ng apat na taon na iyon?
Napailing ako at napaupo sa may bench sa greenhouse. Mataman kong tinitigan ang mga bulaklak doon. I feel like I'm dreaming without my own identity. I feel like floating but still, I can feel my feet on the ground.
Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Maddie. She asked me if I wanted to break up with her but, I didn't. I don't even know why but there's something within me hesitates. Walang dahilan para hindi ko tanggapin iyon pero naisip kong, may magbabago ba kapag pinakawalan ko siya?
Or am I just being selfish?
And coward?
Pakiramdam ko kapag naputol ang ugnayan namin ay malabo kong malalaman ang buong pagkatao ko dahil sa kasama ko siya buong apat na taon. Siya at ang mga taong nakapaligid sa amin ang nakakaalam ng mga bagay bagay na may kinalaman sa akin. Sa aming dalawa.
That's why I chose to keep her.
Gusto kong malaman kung sino talaga ako bilang ako at kung anong klase akong tao. Yes, I can ask my mom but, she's not even around me all of those times. Nakwento na rin ata nito lahat ng naaalala niya mula nung pagkabata ko hanggang sa tumuntong ako ng highschool. Ngunit ng mag-kolehiyo ako ay pumunta ako sa Baguio para daw maging independent.
And I did. I survived.
Yun ang sabi ni Mama. Nakwento na rin nito ang pagkawala ni Papa. Hindi ko napigilang umiyak nang sabihin niya iyon sa akin. Pakiramdam ko noong araw na iyon ay yun ang araw ng pagkawala ng ama ko. Ang sakit sakit. Ang hirap hirap tanggapin. Ulit.
Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Inilapat ko kanang kamay ko sa puso ko at matamang pinakiramdaman iyon. It's beating. I'm still alive.
But I feel like, I'm dead.
Kung ganito lang naman ang nangyari sa akin, bakit hindi nalang ako namatay at nakasama ang Papa ko?!
But then, my mother's face suddenly flashed through my mind. Her warm smiles, that keeps on pushing me to move forward.
I'm sorry Ma. I didn't mean to think about that.
Napahilamos ako sa mukha ko at malalim na bumuntong hininga. Ang gulo gulo ng isip ko. Ang gulo gulo ng buong sistema ko. Parang isang maling galaw ko lang ay may hindi ako magandang magagawa na hakbang at malamang na pagsisihan ko habang buhay.
Kinapa ko ang bulsa ko at nakapa doon ang cellphone ko. Ngayon ko lang iyon bubuksan dahil kaka-charge ko lang nun kaninang umaga bago ako umalis ng bahay.
Pagka-on ko ng cellphone ay wallpaper naming dalawa ni Maddie ang lumabas.
I was smiling while looking at her, habang siya naman ay mahimbing na natutulog sa braso ko. Mukhang nakahiga kami sa kama ng sandaling iyon.
I gasped.
Did we already--? No way!
Umiling ako. Hindi. Baka naman nasa couch kami ng oras na iyan at nakatulog lang siya. Agad akong pumunta sa photos at tinignan ang mga larawan doon.
4 years ago photos.
It's all Maddie's face. Me, with her. Smiling. Laughing. With her. Gaya ko ay bakas rin sa mukha nito ang kasiyahan. Habang patuloy akong nag-i-scan ay napako ang pansin ko sa isang video. I played it.
"Madz!", tawag ko sa kanya sa video. Ako ang kumukuha ng video na iyon. She's baking cookies. She's wearing a pink apron with just a big white shirt under it. Mukhang maiksing shorts din ang suot nito kaya naman lantad ang mapuputing hita nito.
"Ano nanaman? Ang kulit mo!", kunot noong sabi niya habang bahagyang natatawa.
"Do you love me Madz?"
"Ses. Nakakarami ka na ah! Masyado ka ng kinikilig araw araw.", nakangising sabi niya.
"Ikaw talagang babae ka! Dali na!"
"Aba! Demanding pa talaga?!", nakataas na ang isang kilay niya ng sandaling iyon.
"Hehe. Dali na bebeloves! Kasi ako, mahal na mahal na mahal kita! Sobra!", mababakas sa boses ko ang sinseridad ng sandaling iyon.
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Maddie sa video. Ang simpleng pagngiti nito at pagkagat niya sa kanyang ibabang labi.
"I know.", nakangising sagot nito.
"Ikaw talagang babae ka! Kinikilig ka na nga't lahat lahat, papa-cool effect ka pa!", bakas sa boses ko sa video ang pagka-inis kaya bahagya akong napangiti.
Lumapit si Maddie sa camera at tumingin doon.
"I love you the most Gavin.", sabi nito habang matamis na ngumiti sa harap ng camera.
Iniharap ko ang camera sa aming dalawa saka ako sumenyas ng kiss sa kanya. Nginusuan niya ako sa video kaya naman ako ang humalik sa kanya ng sandaling iyon. She giggled. I laughed and tried to steal a kiss from her again.
I looked happy.
Nang mag-stop ang video ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bench saka ako nakangiting napailing.
She's so adorable. No wonder I fell for her.
Kriiiiiiiing!
Bebeloves calling..
'Sinong bebeloves?'
Napakunot ako ng noo ng sandaling iyon.
"Hello?", sagot ko doon.
"Gavin? Is that you?"
"Yeah. And you're Maddie?", paninigurado ko.
"Yeah. Nagdalawang isip ako kung tatawagan ka sa Bebeloves na number na naka-save dito sa phone ko kaya naman sinigurado ko muna na number mo nga yun doon sa phone ni Seb kaso sabi doon, Nii chan Gavin, which is weird.", mahabang litanya nito.
"Ohh. What's Nii chan and Nee chan anyways? Seb kept on calling me that and you."
"Nii chan means kuya daw, Nee chan is ate. Japanese words daw iyon.", paliwanang nito.
"Ahh. So bakit ka napatawag?", tanong ko.
"Nagtataka lang ako sa mga photos at videos na nakita ko dito sa phone ko. Puro mukha mo. Ikaw ata may-ari nito eh."
Nang sabihin niya iyon ay bahagya akong natawa dahil sa kabilang banda, mukha rin niya ang laman ng photos ko.
"Anong nakakatawa?", muling sabi nito sa kabilang linya.
"It's just that, puro mukha mo rin ang nandito sa phone ko.", sagot ko.
"Ganoon? Baka nagkapalit nga tayo. Teka, bakit ngayon lang pala kita nakontak? Nung isang araw pa ako kumukontak sayo eh. Okay ka lang ba?"
Nakaramdam ako ng kung ano na di ko magawang maipaliwanag ng mahimigan ko ang nag-aalalang boses ni Maddie.
"I'm good. Kanina ko lang kasi na-charge tong phone. Sorry.", nakangiting sabi ko.
"Sorry? What for? Oh siya. Pasensya na kung naabala kita. Ingat."
"Wait Maddie--", pagpipigil kong putol ng linya.
"Hmm?"
"Anong naramdaman mo nung makita mo yung mga videos? Saka ano palang klaseng mga video yan?", sunod sunod na tanong ko.
"I smiled. I looked happy. We looked happy. Madalas ay panay ikaw ang kumukuha ng video pero may isang video na ako ang kumuha."
"Anong nandoon sa video?", pag-uusisa ko.
"Err-- uhmm.. Nakakahiya."
"Maddie..", pangungulit ko.
"Hmmmm.. You, sleeping, ---- half naked, in my bed while saying my name.", naiilang na sabi nito.
Hindi ko mapigilang mapanganga ng sandaling iyon at mapatampal sa noo. I gasped.
"No way.", hindi makapaniwalang sabi ko.
"I know. Kung anong reaksyon mo ngayon, mas doble sa akin. To think na ako pa ang nagvi-video. Nakakahiya. I'm sorry Gavin."
"Where are you?", wala sa sariling tanong ko.
"Err- nasa bahay? Bakit?"
"Pupunta ako diyan. Anong address?"
Nang matanong ko ang address ay agad niya namang binigay iyon saka ako nagpaalam at ibinaba ang linya.
Dali dali akong naglakad papuntang kotse ng sandaling iyon at nag-drive papunta sa bahay nila.
'Did we really do that already? Damn it!'
Naiinis ako sa sarili ko ng sandaling iyon. Naiinis ako dahil hindi ko man lang maalala pati ang pangyayaring iyon.
'Ginusto ba naming dalawa iyon kung sakali? What if I forced her to did that with me?! Sh*t!'
Sari saring emosyon ang bumabalot sa akin ng sandaling iyon. Maraming tanong na bakit, paano, saan at kailan ang bumabagabag sa utak ko. Bahagya ko pang nasuntok ang manubela ng kotse ng sandaling iyon.
Damn it!
Mas naging mabilis ang pagpapatakbo ko pero maingat. Mahirap na muling maaksidente. Maraming tao ang nadadamay. Physically and emotionally. Alam kong matindi ring lungkot ang naramdaman nila ng maaksidente kami.
Nang ihinto ko ang sasakyan sa harap ng isang bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan. Nag-door bell ako sa harap ng gate na nandoon. Ilang sandali lang ay nay nagbukas nun. Parehas kaming ilang na napangiti sa isa't isa.
"Tuloy ka.", sabi nito.
Pagsarado niya ng gate ay hinawakan niya ako sa dulo ng tshirt na suot ko kaya naman nilingon ko siya.
"Alisin mo shoes mo, lagay mo doon.", sabi nito habang nakaturo sa isang maliit na cabinet na mukhang lagayan ng sapatos. Marahan akong tumango at sinunod siya.
Naka-medyas akong pumasok sa bahay nila. Pagpasok ko palang ng sala ay marami na akong bean bag chairs na nakita. Iba't ibang kulay iyon. Marami ring different angel figurines at kung ano ano pang cute na bagay ang nakapalibot sa bahay. It's so lady like home, girly.
"Doon tayo sa terrace. Maganda doon.", yaya sa akin ni Maddie kaya naman sinundan ko lang siya.
Pagkalabas namin sa isang pinto mula sa kusina ay agaw pansin agad ang view doon. Nag-aagaw na kasing ang dilim at liwanag ng sandaling iyon kaya naman medyo kulay kahel na may pagka-bughaw ang kalangitan. Nahagip din ng mga mata ko ang maliit na grand piano na nandoon.
"So, bakit ka pumunta dito?", panimula ni Maddie.
"Ahh. Patingin sana ako nung mga videos and photos mo. Pwede mo ring makita yung sa akin kung gusto mo.", sabi ko dito.
"Hmm. Okay.", kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya at iniabot iyon sa akin. Ganoon din ang ginawa ko ng sandaling iyon.
Sa totoo lang ay ibang Maddie ang nakita ko ng sandaling iyon. Nasanay kasi akong naka-hospital gown lang ito. Ngayon ay naka-sleeveless ito at shorts lang habang may manipis na puting cardigan ang nakapatong doon.
'Okay Gavin. Yeah, she's hot. Stop staring!'
Sinuway ko ang sarili ko ng sandaling iyon at pilit na nag-focus sa cellphone ni Maddie. Tinignan ko ang mga pictures at tama ang sinabi nito. Puro nga mukha ko ang nandoon. Naagaw ng pansin ko ang binanggit na video ni Maddie sa akin kanina, and she's right. Siya nga ang nag-vi-video ng sandaling iyon. I kept on calling her name and suddenly opened my eyes and grabbed her. Doon nag-stop ang video.
"Gavin, ang awkward. Promise.", rinig kong sabi ni Maddie kaya naman nilingon ko siya. Namumula ang mga pisngi ito. Paulit ulit rin nitong kinakagat ang ibabang labi niya
"I know. Maddie, sa tingin mo, uhm, alam mo na-- ginawa na natin?", naiilang na tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya ng sandaling iyon.
"Parehas tayo ng naiisip! Oh gosh!", di makapaniwalang sabi nito habang sapo ng kanang kamay niya ang ulo niya.
Umupo ako sa silyang nandoon ng sandaling iyon.
"What if I forced you?", nag-aalalang tanong ko.
"Or worst, what if it is ME not you. Damn!", bulalas niya.
"No. That's impossible.", natatawang sabi ko. Pilit kong pinapagaan ang mood. Mukha kasing hindi na mapakali sa Maddie ng oras na iyon. Nahihiya na rin itong tumingin sa akin.
"Tch! This is crazy! I feel awful!", malungkot na sabi nito. "Wala man lang akong maalala. Ni hindi ko masabi kung nakuha mo na ang pagkababae ko or something."
Umupo ito sa sahig at niyakap ang mga tuhod nito saka siya yumuko. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito.
Napansin kong hindi iyakin si Maddie. Minsan lang itong umiyak at hindi na naulit iyon. Sa palagay ko kung ibang babae ang nasa kalagayan niya ngayon ay madalas na itong umiiyak. But not her. She's actually stronger than I thought.
"Hey. It's okay. You're not alone.", sinserong sabi ko.
"It's embarrassing Gavin. Everything that's happening right now is too much. Ganoon ba ako kasama noon para maranasan ang ganitong bagay?"
"I guess everything happens for a reason Maddie."
"And what kind of f*cking reason is that Gav?!", bulalas niya.
Gav..
Gav...
Gav.....
Umulit ulit ang salitang iyon sa utak ko. It sounds familiar.
"What did you just called me?", tanong ko.
"Gavin?"
"No."
"Gav?"
There it is again. I felt a sharp pang in my heart. Suddenly I felt my chest tightened. Then my head hurts. Really hurts.
"Ugh!!!", daing ko habang sapo ang ulo ko. Napasabunot ako sa buhok ko ng sandaling iyon.
"Gav? Gav? Are you okay? Hey! What's happening?!", rinig kong sabi ni Maddie.
But my mind went blank and suddenly, all went black.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro