Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 32.1 ❤️ (Accidents Happen)

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

---------------------------------------------
Maddie's POV

"Congratulations to all nursing and ah basta! Lahat ng graduates!!", bulalas ni Hana.

Masaya ang naging graduation ceremony namin kaninang umaga. Nasa Angels Cafe kami ngayon at nagcecelebrate kasama ang lahat.

"Congrats Madz!!", si Mamsi. Siya ang kasama ko kaninang kumuha ng diploma ko.

"Thanks Mamsi. For everything!", nakangiting sabi ko saka ko siya niyakap.

"You're welcome! Awe! You're a woman now! Huhu nasaan na ang baby girl namin?", drama ni Mamsi.

"Ses. Mamsi, over na.", natatawang sabi ko.

Pinasarado ko ang Angels Cafe ngayon para naman tuluyan kaming makapagcelebrate. Hindi naman siguro kawalan ang pagsasara nito ng isang gabi lang.

"Bebeloves, tara. Roadtrip!", si Gavin.

"Road trip?", nagtatakang tanong ko.

"Yep! Sa bagong jeep ni Red.", nakangiting sabi nito.

"Ha? Eh, paano sila Mamsi?"

"Okay lang iha. Enjoy your night.", nakangiting sabi ni Mamsi.

"Salamat Mamsi.", si Gavin.

"Oo nga pala. Nasaan na Mama mo?", si Mamsi.

"May urgent meeting daw kaya bumalik rin agad siya sa office.", si Gavin.

"Hmm. Oh siya mag-ingat kayo.", si Mamsi.

Tinanguan namin pareho si Mamsi at hawak kamay na pinuntahan ang iba.

"Okay! Sinong sasama?!", bulalas ni Red.

"In kami ng Madz.", si Gavin.

"Sunod kami ni Seb. May pupuntahan lang kami saglit.", si Nikki.

"Kami rin ni Zane.", si Rain.

"Ah sige. Tatawagan nalang namin kayo.", si Red.

Tumango sila kaya naman kaming apat nina Hana, Red at Gavin ang nasa jeep ngayon.

"Woooo! Yeaaaahbaaaa! Graduates are here! In your face!!!", sigaw ni Red sa kawalan kaya naman nagtawanan kaming lahat. Nakatayo ito sa likod.

Si Gavin ang driver kaya naman dalawa kaming nasa harap at silang dalawa naman ni Hana sa likod.

Hindi ako makapaniwala sa narating naming magkakaibigan. Yes. I considered them as my friends as well. Important friends. Everything changed mula ng makilala ko si Gavin. Hindi niya alam kung gaano ako nagpapasalamat na naging ganito akong klaseng babae ngayon kasama siya, at sigurado akong malayo ang mararating namin ng magkasama.

Hinawakan ko ang kanang kamay ni Gavin na naka-rest sa may shift knob. Nilingon niya ako at nginitian saka niya hinalikan ang kamay ko.

Gavin never fails to amaze me and never changed the way he feels about me. Lagi niyang sinasabing mas minamahal niya ako araw araw. Sa araw araw na magkasama kami ay lagi niyang binabanggit ang future namin. Sa tuwing magsasabi ito ng mga pangarap niya sa aming dalawa ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"I love you my dearest.", nakangiting sabi nito sabay tingin sa daan kung saan kami tumatahak ngayon.

Nang madako kami sa park ay huminto si Gavin doon. Gusto raw kasi ni Hana na maglakad lakad muna.

"Ehh! Kinakabahan na ako sa board exam Madz!", bulalas ni Hana.

"Hindi ka nagiisa.", biro ko.

"Ehh! Ikaw pa! Tinatalo mo na nga kami ni Zane eh!"

"Haha! Sa duty naman iyon eh. Iba pa rin kapag exam na.", natatawang sabi ko.

"Ayiie! Ang galing ng bebeloves ko!", nakangiting sabi ni Gavin saka niya ako hinapit sa bewang at hinalikan sa noo.

"Mana sayo future psychologist.", biro ko.

Matalino kasi si Gavin. Hindi ko man lang alam na summa cum laude pala ito nung graduation nila kahapon. Oo. Hindi sabay ang graduation namin. Nauna sila bago kami.

"Oh siya! Tara! Balik road trip!", si Red.

"Okay!", sigaw naman ni Hana at Gavin samantalang ako ay natawa nalang sa kanila. Kung kailan kasi kami tumanda ngayon sila nagpakita ng pagka-wild nila.

Oh well, pagaaral ang priority kasi naming lahat.

Nang mabalik kami sa daan ay nagpalitan kami ng pwesto. Sina Jarred at Hana ang nasa harap habang kami ni Gavin ay sa likod. Masayang nagtatawanan ang lahat ng sandaling iyon.

"Red/Jarred!!!!!! May sasakyan!!!!", sigaw namin ni Gavin.

The next thing I know ay lahat kami ay nagsisigawan na ng sandaling iyon. Puno ng takot. Puno ng pangamba. Naging mabilis ang pangyayari. Nawalan ng control si Red sa manibela at nagpaikot ikot ang jeep sa daan.

The flashes of lights.

The different noises of horns from the cars.

The loud shifting noise from the wheels.

Yakap ako ni Gavin ng sandaling iyon. Nang huminto kami ay nanahimik ang lahat. Gumagalaw galaw ang jeep ng sandaling iyon. Dahan dahan kong nilingon ang bintana at nakita ang bangin.

"Sh*t!", I gasped. "Guys, walang gagalaw.", bulong ko.

"Ahhhhh!!!", sigaw ni Hana kaya naman mas lalong gumalaw ang sasakyan.

"Damn! Don't panic!", si Gavin.

"Dude!! Anong gagawin natin?!", si Jarred.

"Ahh. Ah, call. Yeah! Call everyone! Sabihin mo kung nasaan tayo. Go!", utos ni Gavin kay Jarred.

Dahan dahan namang kinuha ni Jarred ang phone niya sa bulsa nito at dali daling dumayal sa phone nito. Mukhang si Rain ang tinawagan niya at sinabi kung ano ang kalagayan namin ngayon.

"Madz! You're bleeding!", bulalas ni Hana.

"Wala to.", hinawakan ko ang noo ko. Kanina ko pa nararamdaman iyon pero binalewala ko lang. Tinitigan ko silang lahat kung okay lang sila. Mukha namang okay silang lahat.

"No. You're not okay.", nagaalalang sabi ni Gavin.

Nang hahawakan niya sana ako ay biglang gumalaw ang sasakyan dahilan para mapasigaw si Hana na lalong nagpagalaw sa sasakyan sa maipaliwanag na dahilan.

Napayakap na ako kay Gavin ng sandaling iyon.

The jeep fell off the cliff.

Screaming. Loud noises. More bloods.

Suddenly, everything went black.

Seb's POV

Nasa hospital kami ngayon at hinihintay na magising si Nee chan at Nii chan Gavin. Hindi malala ang natamo nina Jarred at Hana dahil sila ang nasa harap ng sasakyan. Sila Nee chan at Nii chan daw kasi ang nasa likod ng sasakyan na siyang naunang bumagsak at napalakas ang impact nito. Dalawang araw na ang nakalipas nang magising sina Jarred at Hana ngunit sina Nee chan at Nii chan ay limang araw ng in coma.

Pinuntahan ko si Jarred ng oras na iyon. Kasama nito ang mga magulang niya ng sandaling iyon.

"Jarred, pwede ba kitang makausap?", kalmadong sabi ko.

"Mom, Dad, kapatid po ng may-ari ng Angels Cafe."

Bahagya akong yumukod sa kanila para magpakita ng paggalang.

"Kami na ang humihingi ng paumanhin sa nangyaring aksidente iho. We're really sorry.", sabi ng Dad ni Jarred.

"Aksidente po ang nangyari.", pilit kong pinakalma ang sarli ko.

Alam kong aksidente ang nangyari pero nasaktan ang kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi pa nagkakamalay.

"Dad, Mom, kakausapin ko lang siya. Pwede niyo po bang iwanan na muna kaming dalawa?", si Jarred.

Nagtinginan ang mga magulan ni Jarred saka sila marahang tumango at lumabas ng kwarto. Pagkasarado nila ng pinto ay agad akong naupo sa upuan na meron sa tabi ng bed side table ni Jarred.

"Kamusta?", tanong ko dito.

"Seb. I'm so sorry. I'm really sorry!", nakayukong sabi nito habang pinanggigigilan ang kumot na hawak niya.

"Alam kong aksidente ang lahat at wala akong dapat sisihin Jarred. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay magising ang kapatid ko.", kalmadong sabi ko saka ako tumayo at tinapik ang balikat niya. "Mukhang ayos ka na. Pupuntahan ko pa si Hana. Maiwan na kita."

Nakakuyom ang dalawang kamao ko ng makalabas ako ng kwarto niya. Iniisip na sana kasama ako ng sandaling iyon para may nagawa ako o di naman sana pinigilan ko silang dalawa ni Nii chan Gavin na umalis.

Sana..

Pagpasok ko ng kwarto ni Hana ay mukhang okay na rin ito kaya agad rin akong nagpaalam sa mga magulang niyang nandoon at pati na rin sa kanya.

Si Nee chan at Nii chan ay nasa ICU ngayon at kritikal ang kalagayan. Pareho silang puno ng galos at sugat. Sa hindi malamang dahilan ay parehong silang malabo daw na magising sabi ng doctor sa pamilya ko at sa pamilya ni Gavin. Parehong nakabenda ang ulo nilang dalawa.

Oo. Nandito si Mama ngayon at nagbabantay kay Nee chan. Magkasama sila ngayon ni Tita Belle sa ICU. Walang single room na ICU ang bakante kaya naman pinagsama nalang ang dalawa ng sandaling iyon.

Panay ang iyak ni Mama ng sandaling iyon habang yakap siya ni Tita Belle. Mas matanda kasi si Tita Belle kesa kay Mama na siyang pilit na nagpapakalma sa kanya ng sandaling iyon.

Pagpasok ko ng ICU ay tumingin sa akin si Mama.

"Seb! Bakit? Bakit nangyari to sa ate mo? Bakit?!", paulit ulit na litanya iyon ni Mama. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Sa ugali ni Mama ay hindi mo talaga siya kakikitaan ng kahinaan, ngunit ng sandaling ito ay nakita ko kung gaano siya kahina. Kung gaano niya kamahal si Nee chan.

'Why doing this now?! Bakit hindi mo man lang pinakitaan ng ganyan si Nee chan dati?!'

Yun ang gusto kong sabihin ng mga sandaling iyon pero pilit kong pinakalma ang sarili ko at lumapit kay Nee chan. Hinawakan ko ang kamay nito saka ako umupo sa tabi niya.

"Hoy Nee chan! Alam kong gustong gusto mong matulog, pero huwag naman ngayon! Magrereview ka pa para sa board exam! Kayo ni Nii chan Gavin! Gumising ka na Nee chan! Ilang araw ka ng tulog! Gumising na kayo ni Nii chan Gavin! Masyado naman kayong nagsosolo oh!"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ni hindi ko magawang tumawa ng sandaling iyon. Ni hindi ko magawang ngumiti ng bukal sa puso ko. Ni hindi rin ako malapitan ni Nikki dahil sa gaspang ng ugali ko nitong mga nakaraang araw.

"Iho. Calm down.. Gigising silang dalawa. Huwag kang magalala. Sa pagkakakilala ko kay Maddie, malakas siyang babae. Nagawa niya ngang gabayan ka at si Gavin di ba? Don't worry.", si Tita Belle.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nang marinig iyon kay tita Belle at marahang tumango, saka ako bumaling kay Nii chan Gavin. Maraming pasa sa mukha si Nii chan Gavin kesa kay Nee chan. Mukhang pinilit pa nitong maprotektahan si Nee chan sa aksidenteng iyon.

Hinawakan ko ang kamay ni Nii chan Gavin ng sandaling iyon.

"Nii chan, magkasama kayo ni Nee chan noh? Saan nanaman ba kayo naglalakwatsa? Isama niyo naman kami at huwag iwan dito. Nakakatampo ka naman oh. Sinosolo mo nanaman kapatid ko.", napailing ako at bahagyang ngumiti.

Naniniwala akong gigising silang dalawa. Naniniwala akong walang magbabago. Naniniwala akong ngingitian nila akong dalawa at babatiin ng nakangiti.

If miracles do exist, God please. Let them woke up.

Let us all wake up from this nightmare.

TO BE CONTINUED..

A/N:

Part 1 palang po to. Nahahati po ito sa tatlong parts. :))

Maraming salamat sa pagbabasa!

Lovelots,
kyLiiemichy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro