Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 29 ❤️ (The Childhood Friend)

Babala: May mga salitang maselan sa mata ng mga taong hindi open minded.

Walang bastos. Wag lang isip bata.

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Every week ang update ko nito pero susubukan kang gawing every 3 days. hihi

Pa-promote ng new story ko ha? :))

Saying Everything is X (S.E.X)

Sana masuportahan niyo rin po. Salamat!

Hi silent Readers ❤️

Lovelots,
kyliiemichy ❤️

-----------------------------------------
Maddie's POV

Nang makapasok si Gavin sa kwarto ni Seb, at si Nikki sa kwarto ko ay binulungan ko si Seb na magusap kami sa terrace. Ilang sandali pa ay sumunod nga ito sa akin.

Malakas ang hangin sa labas ng nga sandaling iyon kaya naman ng kukuha ako sana ng jacket ay inabutan na ako ng maliit na comforter ni Seb.

"Thanks.", sabi ko dito saka siya tumabi sa akin. Isinandal nito ang ulo niya sa ulo ko.

"Nee chan, I really love her. I really love Nikki. Huwag ka namang magagalit sa kanya."

"Hindi ako galit Seb, pero alam mo naman sigurong para sa akin ay hindi maganda iyong narinig ko di ba?", paliwanag ko sa kanya at tumango ito.

"Pero Nee chan, gagawin ko ang lahat para pumayag si Mama. Hindi niya kami mapaghihiwalay."

"Seb, ibang usapan ang kasal. Paano kung madamay ang pamilya ni Nikki? You know Mama. She don't like Nikki's family. Paano kung patalsikin ang pamilya ni Nikki sa company nina Mama? Paano ang family ni Nikki? Kahit sila pa ang may pinakamalaking shares sa company, hindi lang naman sila ang may pera doon. Paano yung ibang stock holders na hawak ni Mama?"

"Nee chan, hindi naman iyon ang main company nina Nikki eh."

"Pero malaking pera nina Nikki ang mawawala kapag nangyaring patalsikin sila ni Mama sa company nila.", sagot ko.

"Hindi mangyayari iyon Maddie."

Pareho kaming napalingon sa may pintuan ng magsalita doon si Nikki.

"Nikki, naguusap kami ni Seb.", kalmadong sabi ko dito.

"Pero ako ang pinaguusapan niyo Maddie, at relasyon namin ni Seb ang nakataya dito. Bumabalik at paikot ikot lang ang pera Maddie, hindi mahalaga sa amin iyon ng pamilya ko dahil makakagawa kami ng paraan para makaipon ulit nun. Pero yung meron kami ni Seb, yung relasyon namin, kapag nawasak ng tuluyan ito ay mahirap ng ibalik. I'm here, with Seb, at alam kong ganoon din si Seb sa akin. Hindi kami susuko Maddie. Magtutulungan kami.", mahabang litanya ni Nikki.

Kitang kita ko sa mga mata ni Nikki ang determinasyon na meron siya. Hindi ito basta bastang matitinag lang ng kung ano at kahit na sino. Napailing ako at napabuntong hininga.

"Kakayanin niyo ng kayong dalawa lang iyan?", tanong ko sa kanilang dalawa.

Lumapit si Seb kay Nikki at hinawakan nito ang kamay niya saka sila nagtinginang dalawa at ngumiti. Nang ibalik nila ang paningin nila sa akin ay marahan silang tumango.

Sa katunayan, wala talaga akong balak na panghimasukan ang relasyon ng dalawang ito, ngunit batid kong kailangan kong alamin kung hanggang saan ang makakaya nilang gawin para lang isalba ang kanilang relasyon.

Sa huli ay napangiti nalang ako at lumapit sa kanilang dalawa para yakapin. Ipinaramdam ko ang suporta at pagmamahal ko sa kanilang dalawa ng sandaling iyon. Marahan kong tinapik ang kanilang mga balikat at saka ako ngumisi.

"Hoy baklang Gavin! Lumabas ka na diyan! Alam kong kanina ka pang nakikinig sa usapan namin!", sigaw ko.

Parehong napalingon si Nikki at Seb sa kusina ng sandaling iyon.

Sa totoo lang ay kanina ko pa siya nakitang pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Nung una ay hindi niya ata napansing nandoon kaming tatlo pero nang magsalita si Nikki mula sa pangalawang litanya nito ay nakita kong umupo ito sa sahig at nagtago.

"Ikaw talagang babae ka! Sabi ng huwag mo akong matawag tawag na bakla eh!", inis na sabi nito kaya naman bahagya akong natawa.

Lumapit siya sa amin at inakbayan si Seb at Nikki.

"Ang mga bata nga naman, puno ng pagibig ang nararamdaman.", litanya ni Gavin na nagpatawa sa aming tatlo. "Call me kapag kailangan niyo ako, hindi yung nagsosolo kayo dito! Tch!"

"Hindi ka naman kasi namin kailangan bebeloves eh.", nakangising sabi ko.

"Ang mean mo talaga sa akin bebeloves.", nakangusong sabi nito.

Ni minsan talaga ay hindi ako binigong hindi mapatawa ni Gavin. Kahit saang anggulo ko siya tignan ay napapangiti nalang ako. Kahit hindi ko man siya nakikita, maisip ko lang ang nagmamaktol niyang mukha, hindi ko na maiwasang mapangiti.

"Ses. Ang matampuhin kong bebeloves.", natatawang sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Matulog na kayo, matutulog na rin kami ni Nikki."

"Nee chan, palit nalang tayo ng partners.", nakangiting sabi ni Seb. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sapak gusto mo?"

"Nee chan naman.", maktol si Seb.

"Oo nga bebeloves, palitan nalang. Promise! Wala akong gagawing masama sa iyo! Ikaliligaya mo pa ang mga gagawin mo kapag nagkataon.", nakangising sabi ni Gavin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tigilan niyo akong dalawa. Manahimik kayong dalawa doon sa kwarto niyo. Tara Nikki.", sabi ko sabay hawak sa kamay ni Nikki at hinila ito papasok ng kwarto.

"Actually, okay lang sa akin Maddie. hihi"

"Ses. Umayos ka nga.", natatawang sabi ko kay Nikki saka ako nahiga sa kama at sumunod naman siya. Malaki kasi ang kama ko. King sized iyon, kaya naman okay lang na magtabi kami.

"Ang sarap main-love noh Maddie?", rinig kong sabi niya. Ipinikit ko na kasi ang mga mata ko ng sandaling iyon.

"Pero masakit ring masaktan. Sobra.", komento ko kaya naman niyakap ako ni Nikki.

"Given naman yun kapag nagmahal ka Maddie eh. Kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmamahal.", bulong nito.

Hindi ako masyadong nago-open ng ganun ganun lang kahit kanino. O sabihin na nating hindi lang talaga ako masipag magsabi ng nararamdaman ko. Mas gusto kong ako lang ang nagiisip ng mga bagay bagay na nay kinalaman sa akin sa mga taong importante sa akin.

"Kasama ba doon ang pagkakaroon ng insecurities?", wala sa sariling tanong ko.

"Si Maddie? Insecure? Seryoso? haha Kanino?", natatawang sabi ni Nikki.

"Tch. Never mind."

"To naman. Biro lang. Oo. Kasama na iyon kapag nagmamahal ka. Yung feeling mo kahit mukhang paa yung nalapit sa mahal mo, ikaseselos mo pa."

"Tss. Hindi iyon ang ibig kong sabihin Nikki. I mean, si Summer. Compare to her, wala akong laban."

"Excuse you?! Saang parte kang walang laban Maddie? Bukod sa height, saan pang banda?!"

"Tch! Ayun, height. Saka sexy siya."

"The heck?! Seriously?!", humagalpak ng tawa si Nikki.

"Nikki naman eh. Kasi naman, sabi noon sa akin ni Gavin mahilig daw siya sa sexy."

"But you're sexy Maddie."

"Yeah, sure. Whatever.", sarcastic na sagot ko.

"Hala! Oo nga!", bulalas ni Nikki.

Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga nalang.

"Maddie, stop thinking too much.. Let's sleep. Saka Maddie, minahal ka ni Gavin hindi dahil sa itsura mo, alam mong hindi siya ganun, okay?", sabi nito saka niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Gavin's POV

Gaya ng sabi sa akin ni Mama ay darating nga daw ang kababata kong si Trixie Blair Anne Sky.

'Tch! Nakakainis! Bully nanaman aabutin ko sa babaeng iyon!'

Mas matanda lang si Trixie ng dalawang taon sa akin. He treats me like a little brother. Spoiled ako sa kanya sa totoo lang, pero hindi ko kasi inaasahan ang pagbisita niya.

Nasa apartment ako ngayon at nagre-ready na magbalot ng gamit. Doon muna ako kina Madz. Ayokong maabutan ako dito ni Trixie.

Nang matapos ako ay mabilis akong naglakad papuntang pinto at agad na sinarado iyon saka umalis.

Gamit ang kotse ay agad akong dumiretso doon. Pagbukas ko ng pinto ng bahay nila Madz ay nalaglag ko ang bag ko na hawak ko sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko ng oras na iyon.

Nandito silang lahat. Si Nikki, Seb, Madz at..

Si Trixie!!

"What are you doing here?!", inis na sabi ko.

"Gavin!!!", nakangiting bulalas niya sabay tumakbo ito at yumakap sa akin.

Nakita ko pang nagtinginan sina Nikki at Seb at sabay silang lumingon kay Madz na hindi mababakasan ng reaksyon ang kanyang mukha. Mataman lang itong nakatingin sa amin ni Trixie.

Agad kong itinulak palayo si Trixie at naglakad ako papunta kay Madz.

"Bebeloves, it's not what it looks like.", nagaalalang sabi ko.

Paanong hindi ako magiging ganito? Kailan lang nung may nangyari about sa akin at kay Summer. Ngayon naman si Trixie.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Trixie dahilan para lingunin ko siya at samaan ng tingin.

"Gosh! You're making me laugh kid!", sabi ni Trixie sa akin.

"What are you doing here anyways?!", kunot noong sabi ko sa kanya.

"Well, Tita Belle gave me this address.", sagot ni Trixie.

"Hindi to ang address ng apartment ko."

"Uhmm, pwede bang magpakilala muna bago kayo mag-chikahan diyan? Kasi nganga pa rin kaming tatlo dito?", si Nikki.

"Ohh.. I'm Trixie. Gavin's childhood friend."

"Tch! Umalis ka na!", sabi ko.

"Hey! That's rude! Nasaan na ang cute at gwapong batang lalake na kilala ko? Huwag ka na mainis, kiss mo nalang ako ulit at kikiss din kita Gavin.", nakangiting sabi ni Trixie.

Nilingon ko si Madz ng sabihin niya iyon. Akala ko ay kukunot ang noo nito or magtataas ng kilay man lang pero, wala. Walang reaksyon ang mukha nito at matamang nakatingin lang kay Trixie.

Madalas na gawin namin iyon ni Trixie nung mga bata kami sa tuwing maiinis kami sa isa't isa. Halik lang naman iyon sa pisngi at wala ng iba.

"Tch! Hindi na ako bata Trixie! And you're in front of my girlfriend. Inside of her house, so get out!", inis na sabi ko.

"Heh? Girlfriend? Ayiie! Binata na siya. Haha akalain mong may girlfriend na ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko? hihi"

"What?", si Nikki at Seb.

"Bata pa ako nun!", sigaw ko.

"Ohh.. You're blushing!", si Trixie.

"Oo! Dahil sa inis! Kaya umalis ka na!", singhal ko sa kanya.

"Gav.. You're being rude."

Napatingin kaming lahat kay Madz ng magsalita ito. Tumayo ito at kinuha ang bag ko sa may pintuan at isinarado iyon. Ni hindi ko man lang pala naisarado iyon. Iniabot niya sa akin ang bag ko.

"Bumalik ka na sa apartment mo. Dito nalang siya magsstay. Kung ito ang binigay na address ng mama mo, ibig sabihin ay dito siya magsstay sa bahay ko.", kalmadong sabi ni Madz.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"You mad?", bulong ko.

"No."

"Di ka man lang nagseselos?"

"May dapat ba akong paselosan Gav?"

"Siyempre wala!", agad na sagot ko.

Itinulak niya ako palayo at nilapitan si Trixie. Magkasing tangkad lang ang dalawa.

"Hi. I'm Maddie. Ako ang may-ari ng bahay na to. And that guy is my brother Seb, and her girlfriend, Nikki. Mukha kasing walang balak na ipakilala ni Gavin ang mga taong nandito.", poker face na sabi ni Madz. Yan ang mukha niya nung una kaming magkakilala.

"Oh. You're Gavin's girlfriend?", nakangiting sabi nito.

"Sad to say, but yeah.", nakangiting sabi ni Madz kay Trixie.

"Yiiiiie!! Baby sister!! And you're a blonde!!", bulalas ni Trixie sabay yakap nito kay Madz.

Bakas sa mukha ni Madz ang pagkabigla dahil sa pagkakayakap ni Trixie.

"Hey! She's mine! No touch!", sabi ko sabay hila kay Madz. "Aw!", binatukan ako ni Madz.

"Kanina ka pang lalake ka ah! Pinabayaan na kitang sigaw sigawan siya kanina kaya umayos ka na. Kabaklaan mo!", singhal sa akin ni Madz kaya naman napaatras ako.

"Ikaw talagang babae ka! Tigil tigilan mo ako sa bakla na bakla na iyan ah!"

"Then stop acting like one!", nakangising sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ehh? You guys are so cute! Nakakaselos naman.", nakangusong sabi ni Trixie.

"Anong itatawag ko sayo? Ilang taon ka na?", si Madz.

"My whole name is Trixie Blair Anne Sky. You can all me anything you want, huwag lang ---Blair.", nakita ko ang saglit na pagbabago ng expression ng mukha ni Trixie ng sandaling iyon. "Oh, huwag mo ng tanungin ang age ko. hehe"

"Okay. Can I call Trixie then?"

"Ate Trixie."

"Nope. Don't want to. You look young. And-- you're so pretty.", nakangiting sabi ni Madz.

"Hoy Nee chan! Umandar nanaman yang pretty girls radar mo!", si Seb.

"Shut up!", nakangusong sabi ni Madz saka niya binuhat ang gamit na dala ni Trixie. "Tara sa kwarto.", yaya niya dito. "And Seb, magluto na kayo ng makakain. I'm hungry!"

Kasunod ni Madz na pumasok ng kwarto si Trixie.

Based on her expression a while ago, mukhang may problema ito. Lalo na banggitin niya ang pangalan niyang Blair.

'Anong problema nun? Di ba dapat nagtatrabaho siya ngayon?'

Inilapag ko ang bag na dala ko sa may sala saka ako pumunta sa kusina kung nasaan sina Seb at Nikki. Pareho itong naghahanda ng makakain ngayon.

"Kuya Gavin, ang ganda ganda naman nun. Saka totoo bang ninakaw mo yung first kiss niya? Bad ka.", si Nikki.

"First love mo siya noh?", si Seb.

"Pwedeng hinangaan ko lang siya?", sagot ko sa kanilang dalawa.

"Really? Ano attitude niya? Okay ba siya? Mabait?", si Nikki.

"Yep. She is. Kahit lagi niya akong binubully. Kahit napakadaldal niyan. Kahit nakapakasungit minsan. Maldita man madalas but i like her. She'll always be my big sister.", nakangiting sabi ko.

"Bully? Maldita? Maddie ba yan? Pwera sa madaldal. haha", si Nikki.

"No way! My Madz is one of a kind!", bulalas ko.

"She is. Don't even compare her to anyone.", si Seb.

"I won't and never will.", seryosong sabi ko.

Totoo ang nararamdaman kong iyon. Wala akong maikukumpara sa babaeng mahal ko. Oo, hinangaan ko si Trixie pero hanggang doon lang iyon.

Para sa akin, wala ng mas hihigit pa kay Madz.

Lumipas ang tatlong araw at nandoon pa rin tumutuloy sa bahay ni Madz si Trixie kaya naman araw araw rin akong nandoon.

Pagpasok ko ng bahay nila ay narinig ko ang piano.

'Madz? Ngayon ko lang siyang narinig tumugtog ng piano ah.'

Napangiti ako ng makita siya doon. Mukhang bagong ligo ito dahil nakapulupot pa sa tuwalya ang buhok niya at naka-bathrobe ito.

"Bebeloves..", sabi ko saka ko siya niyakap mula sa kanyang likuran.

"I'm not your girlfriend. Silly.", natatawang sabi ng boses na iyon.

Napalayo ako at nagulat ng marinig ko iyon.

"Trixie? I'm sorry. I thought you're Madz."

"It's fine. So, she knows how to play piano as well?", nakangiting sabi niya.

Maganda si Trixie. She has the most warmest smile I've ever seen. May hawig ito kay Lily Collins kaya naman kahit sinong lalake ay mapapalingon sa angking ganda nito. She's sexy too, and smart and witty kaya kapag kausap mo siya ay hindi ka maboboring na kahit dumaldal siya maghapon ay okay lang dahil lahat ng sinasabi niya ay may kabuluhan.

"Yeah.. She also knows how to play guitar. Nasaan nga pala sila?", nakangiting sabi ko saka ako sumandal sa gilid ng pinto.

"Naggrocery."

"Ahh..", maikling sabi ko dito.

"You found an amazing girl Gavin.", walang alinlangang sabi niya.

"I surely did.", nakangiting sabi ko saka ako napailing at napahawak sa batok.

"Ohh.. That smile. You're madly in love with her.", nakangiting sabi nito.

"I am.", binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Good for you.", sabi nito saka siya lumingon sa kawalan at matamang tumitig doon.

"How about you? Kamusta kayo nung Silver?"

"What about him? We're nothing. We're just friends. Friends with benefits.", natatawang sabi nito pero bakas sa boses nito ang lungkot.

"Friends with benefits?", nagtatakang tanong ko. Hindi ko gets kung anong benefits ang ibig niyang sabihin.

"Yep! Gets mo?", nilingon niya ako at doon ko nakita ang malungkot na mga mata niya. Nakangiti ito pero parang pilit. Mukha nga talaga siyang may dinadamdam.

"Nope."

"Ay. Ano ba yan. hehe We're FUBU."

"FUBU? Brand ng damit iyon ah?"

Tumawa ito saka siya umiling kaya naman napakunot ako ng noo.

"Inosente ka pa pala? Akala ko naman-- haha. Huwag mo ng tanungin.", natatawang sabi nito.

"Di nga Trixie?"

"Sssshhh! Bata ka pa!"

"No I'm not."

"Makulit ka talaga.", nag-make face na sabi ni Trixie.

"Dali na."

"Chismoso pa."

"Trixie.."

"F*cking buddy."

Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon. Hindi ako makapaniwalang manggagaling iyon sa babaeng hinangaan ko noon.

"What?! Seriously?!", bulalas ko.

"Yeah.", bumuntong hininga ito.

"Are you out of your mind?! Baliw ka na ba?! Bakit?!"

"Coz I fell in love Gavin.", sabi nito saka siya humarap sa piano at tumugtog. "Ang masaklap lang ay hindi niya ako gusto. Wala siyang gusto sa akin kahit anong gawin ko. Masyado na niya akong nasasaktan. Masyado na akong nagiging bulag sa pagibig. That's why I need to relax and think about things that needed to be done."

"But you're having sex! Pero wala siyang gusto sayo?! For petes sake!", bulalas ko.

"Hindi lang ako Gavin. Marami kami sa buhay niya."

"Stupid! Kailan ka pa naging tanga Trixie?! The last time that I checked on you, summa cum laude ka."

"Mula ng sundin ko ang puso ko Gavin.", sabi nito saka niya inihinto ang pagtugtog at humarap sa akin.

She's crying.

"Katangahan ba iyon Gavin? Tell me. You're madly in love right now right? So, what's the difference?!"

"The difference? Madz loves me. But that guy, he's using you!", inis na sabi ko.

"But I really love him! I really love him Gavin!", humahagulgol sa sabi nito kaya naman hindi ko napigilang lapitan ito at yakapin.

"Forget about him Trixie."

"I tried! A hundred times! Pero wala. Hindi ko magawa! Bakit ganoon? Tell me Gavin, hindi ba ako maganda? Hindi ba ako ganun ka-sexy? Masaya naman akong kasama di ba? Hindi man kami ganung kayaman, may pera naman kami. Mabait naman ako sa kanya, pwera nalang kapag nasa kama kami. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya, pero bakit ganun? Bakit?", sunod sunod na litanya niya.

'Anong pwera kapag nasa kama? Ano daw?'

"Sinabi niya ba ni minsan na mahal ka niya? Na may gusto siya sa iyo?", hindi ko na nagawang itanong ang nasa isip ko. Masyadong awkward.

"No. But I'm special to him. Importante daw ako sa kanya, dahil-- magkaibigan kami."

"Magkaibigan pero ginagamit ka niya sa kama?! Nanggagago ba siya?!", sigaw ko.

Naiinis na ako ng sandaling iyon. Hindi ko matanggap na may gumaganito sa babaeng minsang hinangaan ko at kahit papaano ay naging parte ng buhay ko.

"Hindi lang siguro ako sapat para sa kanya. Baka sa mga mata niya hindi ako kagandahan."

Bahagya akong lumayo sa kanya at lumuhod sa harap niya. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata niya.

"You're beautiful Trixie. You are.", sinserong sabi ko.

"If he doesn't like you nor love you, move on. Sometimes you really need to distance yourself from people. If they care, they'll notice. If they don't,--- Trixie, you know where to stand. Love isn't about begging someone to love you back. It's pathetic."

Sabay kaming napalingon ng sandaling iyon kay Madz nang magsalita ito sa likod ko.

"How dare you to call me pathetic?! Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon! Dahil hindi mo iyon nararanasan. Mahal ka ng taong mahal mo kaya madali para sa iyong sabihin yan.", galit na sabi ni Trixie.

'Woah! This is bad! Parehong war freak ang dalawang to!'

"Hey--", awat ko.

"Shut up!", sabay na sabi nilang dalawa. Pasigaw ang kay Trixie habang kalmado naman ang kay Madz.

"I know what you feel Trixie. Believe me or not. I once loved someone who never love me back.", si Madz.

'Ha? Sino?!'

"What do you mean?", tanong ko pero tinitigan lang ako ni Madz saka siya nagbalik ng tingin kay Trixie.

"Kapag masyado ka ng pagod, okay lang namagpahinga ka muna Trixie. Hindi masamang umatras muna sa laban. Nasa sa iyo kung lalaban ka pa rin o susuko nalang. Kung mag-iipon ka pa rin ng lakas para lumaban, make sure na lalaban ka hanggang sa manalo ka. Just don't do something so stupid na pati sarili mo sinasaktan mo na."

"But I really love him.", umiiyak na sabi ni Trixie.

"Then accept the pain. No one in this world wants to feel that, but it always demands to be felt. When you love, expect that you'll be hurt. And even though you know that, you always love anyways, so deal with it. Be strong right now Trixie, coz no matter what, that's the only choice you have.", sabi ni Madz saka nito hinawakan ang kamay ni Trixie at hinila papunta sa kwarto niya.

Napaupo ako sa upuan sa harap ng piano ng sandaling iyon. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Madz na minsan raw siyang nagmahal pero hindi siya minahal nito.

Imposibleng si Rain iyon at imposibleng si Lexis din iyon.

Kung wala sa dalawa, sino?

Napakamot ako sa ulo ng sandaling iyon at patuloy na inisip kung sino ang tinutukoy ni Madz.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro