Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Girl Meets LOVE - 28 ❤️ (The Siblings)

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Super tagal ng update. Gosh! huhu See you next chapter! Oh by the way, may bago akong story..

Saying Everything is X (S.E.X)

Sana masuportahan niyo rin po. Salamat!

Hi silent Readers ❤️

Lovelots,
kyliiemichy ❤️

-----------------------------------------

Seb's POV

"Ano namang sabi ni Mama ng tanungin mo iyon Rey?", tanong ko.

Kasalukuyan akong nakikipagusap sa katiwala namin sa mansion. Wala pang nakakaalam ng balitang may fiancée daw ako. Maski si Nee chan. Nang malaman ko iyon ay kinausap ko si mama, pero hindi niya ako pinayagan tulad ng nangyari kina Nii chan at Nee chan. Ngayon ay naghahanap ako ng solusyon sa problemang ito ng magisa.

Ayoko ng ipaalam pa kay Nee chan ang mangyayari sa akin. Hindi na importante kung maging masaya ako o hindi. Basta masaya si Nee chan ay okay na ako.

Kaso si Nikki. Anong gagawin ko kay Nikki? Paano kong ipapaliwanag ang plano kong paglayo at pagiwan muna sa kanya?

Nakaramdam ako ng galit at lungkot ng mga sandaling iyon.

Importanteng tao kasi ang nakatakdang fiancé ko sa kompanya nina mama. Kumbaga pangalawang biggest stockholder ang mga magulang ng fiancée ko daw.

'Naguguluhan na ako. Paano kong matatakasan ito?!'

"Ang sabi niya ay para sa iyo rin daw ang gagawin niyang iyon. Hindi daw po kayo nababagay ni Miss Nikki.", si Rey.

Nung una palang talaga ay ayaw na ni mama sa pamilya nina Nikki. Ito ang kinakabahala ko ng maging kami.

Ngunit nakapagdesisyon na ako. Gamit lahat ng perang ipon ko ay lalayo ako at magtatago. Hindi ko kayang magpakasal sa ibabang babae maliban kay Nikki. Para sa akin ay siya na ang babaeng papakasalan ko.

'Paano ko tong sasabihin kay Nikki? Siguradong malulungkot siya. At masasaktan ko nanaman siya ng sobra.'

Napabuntong hininga ako. Hindi ako sigurado sa desisyon ko pero may iba pa bang paraan?

"Sir Seb, ano pong gagawin niyo?", si Rey.

"Hindi pa ako sigurado Rey. Kailangan ko ng plan B at plan C. Plan A palang ang meron ako. Kung si Mama ang pagtataguan ko ay kailangang walang nakakaalam.", seryosong sabi ko.

Kriiiiing..

Gavin Nii chan calling..

"Hello?-- hihiram? -oo, sige lang Nii chan. Busy ako-- bye.", tumawag si Nii chan para humiram ng kung ano.

Pagkalapag ko ng phone sa mesa ay naisip ko ang sitwasyon nina Nee chan at Nii chan. Kapag nawala ako magiging okay pa rin ba sila?

'Ahhhhh! Ayokong lumayo!!!! Someone! Please! Help me!'

Hindi ko mapigilang sunod sunod na mapabuntong hininga. Tumayo ako at nagpaalam kay Rey.

"Mauuna na ako Rey. Kailangan ko mapag-isa."

"Sige po Sir Seb. Magiingat po kayo. Sana makaisip pa kayo ng ibang paraan para sa gagawin niyong hakbang. Ingat ho."

Tinguan ko siya saka ako umalis.

Nasa highway na ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga sandaling iyon.

Magdidilim na ng matagpuan ko ang sariling nasa tapat ng apartment nina Nikki.

Papaandarin ko na sana ang kotse ng biglang bumukas ang gate dahilan para mapalingon ako doon. Lumapit ito sa akin at kinatok ang bintana ko. Pinabababa niya ako. Sinunod ko iyon.

Si Nikki.

"Seb? Hon! Bakit ka nandiyan? Kanina ka pa ba? Hindi ka naman natawag na pupunta ka?", sabi nito saka siya humalik sa pisngi ko.

"Ahh, napadaan lang ako hon."

Tumahik siya at mataman akong tinignan.

"Anong problema Seb?"

Natigilan ako ng sandaling iyon.

Sasabihin ko ba sa kanya? Maiintindihan niya ba? Papayag ba siya sa desisyong gagawin ko? Pero malulungkot siya at alam kong masasaktan ko siya. Dapat ko ba talagang ipaalam?

Hinawakan ni Nikki ang magkabilang pisngi ko saka ako marahang hinalikan nito sa labi at niyakap.

"Seb.. Tell me about it. Please. Alam kong may gumugulo sa iyo. Iintindihin ko. Promise. Kahit ano pa yan.", sabi nito habang nakayakap sa akin.

Maliban kay Nee chan ay si Nikki lang ang nakakakilala sa akin ng ganito.

Bahagya ko siyang inilayo sa akin at siniil ng halik ang mga labi niya. Ilang sandali pa ay isinandal ko siya sa kotse at pinaliguan ng halik ang buo niyang mukha, leeg, tenga at sa ibabaw ng dibdib nito.

"Seb.. Ahhh..", ungol niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagapangin ang kamay ko sa iba't ibang parte ng katawan niya habang nilalaro ko ang aking bibig sa kanyang leeg at ibabaw ng kanyang dibdib.

Gusto kong mapasaakin ngayon si Nikki. Gusto ko siyang angkinin.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagpasok ng mga kamay ko sa loob ng tshirt niya ng hawakan ni Nikki ang mukha ko at pilit itong iniharap sa kanya.

"Not here.", sabi nito.

Karga karga ko siyang dinala sa apartment habang hinahalikan.

Nang ibaba ko siya sa sofa ay bahagya akong nag-pull back.

"Si Rain?", tanong ko.

"Na kina Zane."

Pagkasagot niya nun ay agad ko siyang hinalikang muli. Saglit akong tumigil at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Bakas doon ang hiya, kaba, takot at pagmamahal niya sa akin.

"Seb, we can do this later. Sabihin mo muna kung anong problema? Bakit nararamdaman kong mawawala ka nalang bigla? Bakit Seb?", naiiyak na niyang sabi.

Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos iyon. Hinawakan niya ang kamay na iyon at bahagyang hinalikan.

Hindi ko kayang iwan ang babaeng mahal ko. Ayokong umalis. Ayoko. Ayoko ring iwan si Nee chan.

Yumuko ako saka isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nagsimulang pumatak ang luha ko. Naramdaman ata iyon ni Nikki dahil nanatili itong nanahimik at niyakap ako.

Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Kung masamang panaginip man ito, gusto ko ng magising.

"Seb, hon, everything will be alright. I'm here. Hinding hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari."

Sa sinabi ni Nikki ay mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Paano kung ako ang mangiiwan Nikki? Paano kung--

Iniangat niya ang mukha ko at hinalikan ang nga mata kong may luha.

"Tell me everything Seb.", demand niya. Sa salita niyang iyon ay para akong nakaramdam na kailangan ko iyong sabihin sa kanya. "Kung may bagay man akong kailangang malaman sa taong mahal ko, yun ay ang dahilan ng mga luhang yan.", pagpapatuloy niya.

Alam kong masasaktan ko siya pero kailangan niyang malaman ang lahat.

"Nikki, I'm getting engage."

Parang kumalma ang mukha niya ng marinig iyon kaya naman nagtaka ako.

"Yes you will."

"Ha? Naiintindihan mo ba ako?"

"Yep. Sa akin ka lang mae-engage Seb."

"What?!", nagugulahang sabi ko.

"Psh! Hindi mo pa man kasi to dapat malaman eh.", nakangusong sabi niya.

"Ang ano?"

"Surprise ko dapat to sa birthday mo."

"Ha?"

Naguguluhan na talaga ako sa reaksyon ni Nikki at sa mga sinasabi nito.

"Psh! Akala ko naman may malala ka ng problema. Akala ko naman lalayo ka or something..", sabi nito saka iniayos niya ang damit niyang bahagya ng nakataas hanggang dibdib niya.

"Hey! Nagkakaintindihan ba tayo? Mae-engage ako! Sa iba!"

"Iba? Bukod sa maiden name na gamit ni mama na pangalawa sa may pinakamalaking share sa kompanya ninyo, meron pa ba? Ang alam ko kasi si tita Arci ang nangunguna. Then pangalawa kami."

"Wait-- what now?!"

"Kailan ka pa naging slow Seb?", nakataas kilay na sabi nito.

Natigilan ako at binuo ang bawat sinabing litanya ni Nikki.

"Ikaw yun?! Ikaw ang fiancée ko?!", napatayo ako habang sinisigaw iyon.

"Ay hindi hindi. Psh! Slow ka talaga. Kahit kailan.", naiiling na sabi niya.

"Eh bakit hindi alam ni mama na family niyo iyon? I mean, sinabi niyang hindi ka makakabuti sa akin."

"Kasi yung kapatid ni Mama ang pinapapunta ng parents ko kapag may mga meetings in general. Alam mo namang hindi lang iyon ang hawak namin diba? Saka sa Japan ang main company namin. Seb.. Ilang taon na tayong magkakilala! Grabe ka ah!!", naiinis na paliwanag niya.

Napaupo ako sa sahig sapo ang noo ko. Napahilamos ako sa mukha ko at nakaramdam ng kasiyahan.

Yung mga drama ko kanina, yung mga plan A plan A na nalalaman ko, biglang, boom! Nawala!

Nanatili akong nakaupo doon habang nakayuko. Nakalagay ngayon ang dalawa kong kamay sa batok ko.

'I felt relief. Sobra! Thank God! Ang bait bait niyo po talaga sa amin ng kapatid ko. Salamat po!'

Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko kaya naman napa-angat ako ng ulo at matamang tumingin kay Nikki.

"Okay ka na?", nakangiting tanong niya.

Tinanguan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"How the hell na nangyari iyon?", nagtatakang tanong ko.

"Well, kung hindi kita nadaan sa pagpapacute ko at pagiging stalker ko, planado na ang lahat. Para sa akin pa rin ang bagsak mo, sa ayaw at sa gusto mo.", natatawang sabi niya.

"Haha! You're creepy! Baliw ka talaga!", natatawang sabi ko.

"Tseh! Love yun! Love!", nakangusong sabi niya.

"Yeah yeah..", natatawa pa ring sabi ko saka ko siya hinalikan sa labi.

"Hindi ka na nag-iinit? Pwede na tayong pumunta sa bahay niyo? May usapan kami ni Maddie na magbake ngayon eh."

Binatukan ko siya ng marinig ko ang word na 'nag-iinit'.

"Aw!", sabi nito sabay hawak sa ulo niya.

"Kababae mong tao, yang pananalita mo, ayus ayusin mo nga!", suway ko.

"Hindi mo kailangang manakit!", sabi nito sabay batok rin sa akin.

Nauwi sa habulan at gantilan ang batok na iyon, ngunit hindi ko na siya ginantihan pa. Nakuha ko na rin ata ang pagiging brutal ni Nee chan. Napailing tuloy ako.

"Tara na! Namimiss ko na cookies ni Maddie.", yaya nito.

Tumango ako at umayos. Ilang sandali pa ay malapit na kami sa bahay.

Higit 30 minutes rin ang tinagal ng byahe bago kami nakarating ng bahay. Nasa pintuan na kaming dalawa ni Nikki ng may marinig kaming ungol habang nagaalis kami ng sapatos. Nagtinginan kaming dalawa at parehas na inilapit ang tenga sa may pinto.

"Lower.. Yeahh.. Harder Madz!"

Nagkatinginan ulit kami ni Nikki at bahagyang naglakihan ang mga mata namin. Si Nikki naman ay napatakip sa bunganga niya.

"Madz, ahh!! Slow down! Damn it! That hurts!"

Nagmadali akong magalis ng sapatos habang si Nikki naman ay tinapik ako sa braso at sinensyasan ng, saglit lang.

"Ahh! Yeah.. Like that.. Harder Madz! Now a little bit faster.. Yeaah! Ahhh!!"

'Final blow?! Shit!'

Nang tignan ko si Nikki ay pulang pula na ang mukha nito habang pinipigilang tumawa ng malakas.

"Okay! Your turn. Ako naman diyan Gav! Make sure na magugustuhan ko.", malambing ngunit demanding na sabi ni Nee chan. Oo. Boses iyon ni Nee chan.

"Okay. That's it. Tama na.", sabi ko kay Nikki saka ko binuksan ang pinto.

Nakita ko ang mga bean bags na nakakalat sa sala. May nakalatag doon na comforter. Nakadapa si Nee chan doon habang minamasahe ni Nii chan.

"Minamasahe?!!", bulalas ko.

Nagtinginan si Nii chan at Nee chan saka nagbalik ang tingin sa aming dalawa ni Nikki. Si Nikki na pinipigilang tumawa kanina ay humahagalpak na sa tawa ngayon.

"The best ka kuya Gavin!! Hahahaha!!", sabi ni Nikki habang sapo ang tiyan nito.

"Ha?", bakas sa mukha ni Nii chan na naguguluhan ito sa sinabi ni Nikki.

"Kanina niyo pa ginagawa iyan?", tanong ko.

"Hindi naman. Mga 10 minutes before kayong pumasok ng magpamasahe sa akin si Gav.", sagot ni Nee chan.

"Ang galing ni bebeloves!", nakangiting sabi ni Nii chan habang nag-thumbs up pa.

Napangiwi ako at napa-face palm.

"Halata ngang magaling si Maddie! Hahaha!!!", si Nikki. Alam kong double meaning ang ibig sabihin nun nang tumingin siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

I shrugged her off saka ako umupo sa isa sa mga bean bag chair doon.

"Sa susunod Nii chan hindi mo kailangang umungol ng ganoon kapag minamasahe ka ni Nee chan. Tsk.", naiilang na sabi ko.

"Ha?", inosenteng tanong ni Nii chan kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

"Never mind.", tipid na sagot ko. Nakita kong nagtinginan si Nii chan at Nee chan na mukhang nagtataka pa rin sa sinabi ko saka sila sabay na tumingin kay Nikki na nagkibit balikat lang sa kanila. Lumapit sa akin ito at yumakap.

"Ganoon ka din ba in the future hon?", bulong niya sa akin dahilan ng pamumula ng mukha ko dahil sa hiya.

"Kasasabi ko lang kaninang yang mga words mo Nikki ah!", pabulong ding suway ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako saka siya lumapit kay Nee chan at Nii chan.

'Tsk! Kapag ako talaga hindi nakapagpigil kanina! Ikaw Nikki! Tsk!'

Napailing nalang ako saka bumuntong hininga.

Nasa kalagitnaan kami ng pagbebake ng mapagkwentuhan ni Nee chan at Nikki na fiancé ko na siya.

"Anong sabi ni Mama?", nahimigan ko ang kaba sa boses ni Nee chan.

"Hindi alam ni tita Arci na sa akin engage si Seb. Kapag dumating na sa puntong kailangan ng malaman, gagawa kami ng paraan.", nilingon ako ni Nikki at nginitian kaya naman nginitian ko rin siya saka ako tumingin kay Nee chan.

Mataman akong tinitigan ni Nee chan. Mukhang sinasabi nitong kailangan naming magusap.

"Maddie, you're scaring Seb. Haha!", sabi ni Nikki dahilan para bumalik ang tingin nito sa kanya.

"Normal niya ng mukha yan Nikki. Haha!", si Nii chan.

"Kuya Gavin, that's rude.", suway ni Nikki kaya naman hindi na namin napigilang tumawa. Ngunit bakas sa tawa ni Nee chan na fake ito.

"Hey.", sabi ni Nii chan kay Nee chan saka nito hinalikan sa noo si Nee chan. "I love you."

Nginitian siya ni Nee chan saka ito hinalikan sa pisngi.

Napangiti ako. Hindi ko akalaing magiging ganito sina Nee chan at Nii chan matapos ng nangyari sa kanila.

Nang matapos naming magbake ay isa isa kaming dumiretso sa banyo para maligo. Nauna si Nikki, sumunod si Nii chan, ako, at si Nee chan.

Pinahiram ko ng damit si Nii chan Gavin at binigyan ng bagong boxer shorts. Mahilig kasi akong mangolekta ng iba't ibang kulay at design kaya marami akong bago. Mukhang ganoon din ang ginawa ni Nee chan kay Nikki dahil suot na nito ang pajama ni Nee chan.

Nikki's POV

Pagkalabas ko ng kwarto ni Maddie ay mataman akong tinitigan ni Seb, dahilan para lumapit ako sa kanya.

"What? Masyado ba akong maganda ngayon?", biro ko.

"Yeah. Saka naalala ko lang nung sabihin ko sa sarili kong tulad ni Nee chan ang gusto kong maging girlfriend."

"And?"

"And, hindi ko napansin na ang tagal ko na palang kasama ang babaeng iyon.", sabi niya saka niya ako niyakap.

Ako na may sweet na boyfriend. Ako na talaga.

"Magtatagal naman tayo Seb di ba?"

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng takot, pero minsan lang naman. Sa tinagal tagal ko kasing hinabol habol si Seb, paano nalang kung bigla siyang magsawa?

"Don't you trust me?", bulong sa akin ni Seb.

"I do.", nakangiting sabi ko.

"Wait! No! Why?! -Ma! No! I don't want to! No! Not Trixie!!!", sigaw ni kuya Gavin kaya kami napatingin sa kanya.

"What?", tanong ni Maddie

"Tch! Trixie is coming. My childhood friend.", nakabusangot na sagot ni kuya Gavin.

"So? Anong meron?", si Maddie.

"Yeah.. What's the problem about that Nii chan?", si Seb. Nakayakap pa rin ito sa akin.

"She's my nightmare!!!", bulalas nito.

Napakunot ako ng noo habang si Maddie naman ay nagtataka dito. Nang tignan ko si Seb ay wala itong reaksyon at nakatingin kay Maddie.

Mukhang may kailangan silang pagusapan ni Maddie. Actually, kilala ko na masyado si Maddie para maramdamang ayaw nito ng narinig niya kanina tungkol sa amin ni Seb.

Bahagyang hinila palayo ni kuya Gavin si Maddie at nagusap ang mga ito.

"What's up with that?", si Seb.

"I don't know.", sagot ko saka ako humarap sa kanya. "I think Maddie is mad about the engagement thing."

"I know. I'll talk to her later."

"But why?", pagtataka ko.

"You know Nee chan. Pagdating kay mama ay alam nating nirerespeto niya pa rin yun."

Umiling ako saka ako yumakap kay Seb.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Si Maddie pa rin kasi ang pinaguusapan. Kahit best friend ko siya ay kapatid niya si Seb. Mali ata ang desisyon kong hindi ipaalam kay tita Arci. Nakakalungkot naman.

"Hey. Don't be sad.", bulong sa akin ni Seb.

Marahan akong tumango at pilit na inisip na magiging okay ang lahat.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro