Girl Meets LOVE - 1.2 ❤️
Maddie's POV
Nagpakitang gilas naman ang lahat ng nag-audition at lahat sila ay talagang may talents. Hindi ko na pinanood ang iba at hinintay ko nalang tawagin ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng gym. Malawak talaga iyon at green ang kadalasang makikita mong kulay doon. Green and white.
"Number 5!!"
"Number 5!!"
Napalingon ako. Agad naman akong tumayo ng pangalawang beses na palang tinawag ang number ko. May microphone doon sa gitna ng floor mat. Doon ako dumiretso at humingi ng sorry.
"Okay lang. So, your name is Maddie Hart? Foreigner ka??" tanong ni Coach.
"Half Coach."
"Ahh, nice name. So sa anong genre ka mahusay?"
"Street dance and Ballroom dancing coach."
"Okay. Show us your talent Miss Hart."
Pinatugtog nila ang Naughty Girl By Beyonce. Napangiti ako dahil sinayaw ko na iyon back when I was in high school. Nagsimula akong tumalikod saka ko biglang iniharap ang half upper body ko. Nagsimula ako sa slow dance. Then a sexy dance. Actually, yung mismong intro dance ni Beyonce sa music video niya ang ginawa ko at nilagyan lang ng ibang moves. The song was perfect and I know that my moves are perfect. The song is about a naughty girl who's feeling sexy and wanting someone to caress her body. And i did that. Nang mapunta sa chorus ay bumilis din ang galaw ko. Facial expressions. Timing. Rhythm. Dynamics. I love dancing and dancing helps me to express myself. Sa pagsasayaw mo rin maipapakita kung anong pagkakaintindi mo sa isang kanta. A slow dance. A sexy dance. A modern dance. Every types and kind of dancing is heaven para sa akin. Pero ang pinakagusto ko ay street dance kasi pwede mong paghalu-haluin ang lahat ng uri ng sayaw na gusto mo.
'Tatapusin ba nila yung kanta? Psh! Bakit sa iba hanggang chorus lang.'
Malapit ng matapos ang kanta. Nag-split ako at umupo ulit saka umikot habang hawak ang mga binti ko, yun na ang finale and pose. Nagpalakpakan ang lahat ng nandoon at ganoon rin sina Coach JP, yung captain at co-captain. Tumayo naman ako at nag-bow sa kanila.
"Wow! That was amazing! Incredible! Perfect!" bulalas ni coach saka ako nag-bow ulit.
"Gaano ka na katagal na dancer?" tanong ni co-captain na si Casey habang naka-ngiti pa ito.
"Since I was in 6th grade." hinihingal na sagot ko.
"Thank you Maddie, hintayin mo nalang ang announcements after ng ibang kasali." sabi nung captain na si Kyle.
Tumango naman ako at nag-bow ulit saka bumalik sa kina-uupuan ko kanina.
"Hi! Ang galing mo naman po, para kang si Chachi Gonzales kung sumayaw ate." sabi sa akin ng isang babae na nag-audition din ata. Nakangiti ito sa akin.
"Salamat." pagkasabi ko nun ay kinuha ko ang ipod ko saka nagpatugtog pero mahina lang para marinig ko ang announcement mamaya.
Isa. Dalawa. Tatlo. Walo pa ang pinatapos na mag-audition. Maya maya ay tumayo sina Coach JP. Pero natigilan sila ng biglang bumukas ang pinto ng gym. Napatingin silang lahat doon maliban ako. Dahil sa floor mat ako nakatingin. Ang cute kasi ng mga color. Rainbow.
"Sir!!!! Sorry po pero pwede pa po bang mag-audition?!" malakas at hinihingal nasabi nung lalake habang lumalapit sa kanila. Tumingin ako sa kanya.
'Siya nanaman?!'
Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaking iyon at ang lalake kanina sa jeep at sa may bulletin board ay iisa. Napangiwi tuloy ako.
"And, who are you? At bakit ka late? Malinaw ata ang nakapaskil sa bulletin board na 6pm ang call time for auditions." sabi ni coach. Pero hindi galit ang tono niya. Nakangiti pa ito.
"Sorry po. Major subject ko po kasi yung last subject ko at nagquiz pa po kami kaya late po ako."
"Worth it ba kapag pumayag kami na makita ang talent mo kahit late ka?" sabi nung Casey.
"Yes. Coz no matter what, I will do my best." sabi nung lalake.
Nagsitanguan naman sina coach at bumalik sa kinauupuan nila kanina. Lumakad na papunta floor mat ang lalake at nasa tapat na siya ng microphone.
"Name?" tanong ni coach sa kanya.
"Gavin Mahone po sir."
"Go Gavin! Kyaaaaah!" hiyawan ng mga naka-upong babae sa tabi ko. Napapikit naman ako dahil hindi ko inaasahan yun.
Masakit kaya sa tenga!
"Age?" pagpapatuloy na tanong ni Coach.
"18 years old po."
"Sa anong genre ka mahusay?"
"Po?"
"Modern dance? Street dance? Ba-"
"Ahh. Ballroom dance po at modern dance."
"Okay. Show it to us."
Tumugtog ang Miss Independent by Ne-yo. Pinanood ko siya. Nag-robot dance siya noong una pero yung sa kanya ay mas swabe. Mas astig. Mas may dating. Meron sa mga galaw niya ang hindi mo maipaliwanag na tila nanghihikayat iyon na panoorin siya. Patuloy pa rin sa hiyawan ang mga babaeng katabi ko, pero ni hindi ko man lang naalis ang paningin ko sa lalakeng nagngangalang Gavin. It's flawless. Lahat ng galaw niya ay limitado pero eksakto. Yung mga sumasayaw sa WOD (world of dance) competition, ganoon siya kahusay. Maya maya ay tumingin siya sa akin. Nagulat ako ng magtama ang mata namin. Unti unti siyang lumapit sa akin at hinila ako patayo saka ako ibinaba sa floor mat. Sinayawan niya ako at nagpa-ikot ikot pa sa akin. Hindi naman ako nakapag-pigil at sinabayan ko ang galaw niya. Nginisian ko siya.
'Hah! Akala mo hindi kita masasabayan?! Psh! Nagkamali ka ng kinuha.'
Chorus. Umakbay siya sa akin at dahan dahan na pinadulas ang kamay niya sa braso ko. Inikutan ko naman siya at saka ako gumiling. Maya maya ay parang ballroom dancing na ang nangyari. Sa ending, hinila niya ang isa kong kamay at napa-ikot naman ako, kaya ngayon ang ay naka-yakap siya sa akin at naka-cross arm namang naka-akap ako sa sarili ko. Nag-enjoy ako. He's a very good dancer, at mahahalata mong professional ang bawat hawak niya sa katawan ko habang sumasayaw.
"Thanks." bulong niya ng matapos ang kanta.
Agad namang nagpalakpakan ang mga nandoon. Kung kanina sa akin ay super lakas na palakpak lang, ngayon ay may standing ovation pa. Pinakawalan niya ako at saka kami nag-bow.
"Do you know each other?" tanong ni captain.
"No." sabay naming sagot. Pagkasagot ko ay nag-bow ako saka bumalik sa bench kung saan ako naka-upo.
"Then how did you guys do that?" bulalas ni coach. Kitang kita pa rin sa kanyang mga mata ang pagka-mangha.
"Dance first. Think later. It's the natural order. And dance is the hidden language of soul." sagot nung Gavin.
"What?" tanong nung Casey.
"Isinayaw namin ang music." sagot ulit nung Gavin habang nakangiti pa rin ito.
"Then why her?" tanong nung Kyle.
"Coz I know na siya lang ang nakaka-appreciate ng sinasayaw ko kanina at naiintidihan ang bawat galaw ko. Hindi siya sa mukha ko nakatingin kundi sa galaw ng katawan at paa ko. Nakita ko rin na her feet was moving with the music, so I grabbed her and make her dance with me." mahabang paliwanag niya at napanganga naman ako, pero saglit lang iyon.
Nakita kong na-amuse sina coach sa kanya at ganoon din ang mga babae at lalaking kasama ko sa audition. Pati ang mga members ay napangiti din sa sagot niya. Samantalang ako, parang walang paki-elam at nagtatanong lang sa sarili ko.
'Paano niyang nakitang ginagalaw ko ang mga paa ko sa beat ng kanta?'
Nagtataka pa rin ako kaya napahawak ako sa baba ko. Natuon ulit ang paningin ko sa floor mat. Hindi ko malaman kung bakit, pero gustong gusto kong kunin ang mga floor mat na iyon.
"Lahat ng nag-audition, come here guys." tawag ni coach kaya naman iniangat ko ang paningin ko at tumayo sa kinauupuan ko.
Lumapit ako at ang lahat ng nag-audition sa floor mat. Napapitik ako sa hangin ng may maalala ako.
'Aha! Yung day care center nina Tasha! Haha sabi na eh, kaya pala kanina pa kita tinitignan.', sabi ko sa sarili habang nakangiting nakayuko at nakatingin sa floor mat.
"Sa lahat ng nag-audition, thank you. Sa mga hindi makukuha, mag-ensayo pa kayong mabuti. Alam ko balang araw ay may igagaling pa kayo, at sa mga makukuha, congratulations." panimula na sabi ni coach.
"Lahat ng tatawagin ko ay pumunta sa kanan." sabi nung Kyle. "Number 16, 11, 6, 22, 1, 15, 10 and 3."
Nagpunta naman ang mga tinawag sa kanan. Nakikinig ako pero sa floor mat pa rin ang atensyon ng mata ko.
"And the last two, Miss Maddie and Mister Gavin, come here." sabi ni coach.
Nagpalakpakan ang lahat ng tawagin kami. Pumunta kami sa kanan nung Gavin pero nakita kong nakatingin si coach sa amin.
"I said come here." turo niya sa tabi niya.
"Ahh." narinig kong sabi nung Gavin.
Parehas kaming lumapit kay coach.
"Pwede ng umalis ang mga hindi natawag. Salamat. Try again next sem." nakangiting sabi ni coach sa mga hindi nakuha.
"You like our mats?" rinig kong sabi nung Casey. Tinanguan ko siya. "Hehe. Ako ang namili niyan, ang lamig sa mata noh? Parang gusto mong sumayaw ng sumayaw ng sumayaw. Hehe" sabi niya ulit at tumango naman ako ulit.
9 pm. Angels Cafe
"Oh, bakit late ka ata?" tanong ni Mamsi. Nakasunod naman si Beks sa kanya.
Si Mamsi ang kasalukuyang humahawak ng Angels Cafe. Siya ang manager dito. Si Beks naman ang assistant manager. Parehas silang silahis pero hindi mo masasabi sa unang tingin dahil naggagwapuhan ang mga ito, pwera nalang kapag kinausap kana nila.
"Nag-audition ako Mamsi."
"Ng?"
"Sayaw."
"Pasok ba naman??" sabat ni Beks.
"Of course naman! Ako pa ba? Sisiw!" pagyayabang ko kunwari.
Nagtawanan naman kami at saka nagpaalam sila na mag-aayos ng gamit. Konti pa lang ang tao ng mga oras na iyon ng tignan ko ang loob ng cafe.
Kriiiiing!
Nakita ko ang phone ni Mamsi sa counter at nagriring ito.
"Mamsi!! Phone mo!"
Tumakbo naman pabalik sa akin si Mamsi at kinuha agad ang phone.
"Oh. Hi sweetie! Hehe-- ha? Malelate ka? Okay. -- sige sige. --- hmm! Ayos lang. Okay." narinig kong sabi ni Mamsi sa phone. Nagtaka naman ako kung sino yun.
"New boylet Mamsi?" panunukso ko sakanya.
"Haha. I wish. Bagong worker dito. Makakasama mo mamaya sa gig. Ay! Ang gwapo gwapo ng batang iyon. Waging wagi ang face!! At body!!"
"Lahat naman ng kinukuha mong worker Mamsi eh."
"Iba to. Hihi mas gwapo pa kay Carlo mo."
"Anong 'mo'? Haha kaibigan ko lang iyon. Parang sina Keropi. Mamsi talaga oh!" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Haha. Ewan ko ba sayong bata ka. Ke-ganda ganda mo eh ayaw mo ng fafa! Napagkakamalan ka tuloy na tibo na nagtatago sa mapormang damit pambabae."
"Sakit lang sa ulo at bulsa yan. Haha yan lagi sinasabi mo tuwing may boylet ka eh. Kaya never mind nalang Mamsi."
"Iba naman yung sa akin. Gaga!"
Nagtawanan ulit kami. Malapit na mag-9:30 kaya naman pumunta na ako sa likod para makapag-ayos. Nag-palit ako sa banyo ng damit at doon ay hinanap ko ang maskara na gagamitin ko saka ako bumalik ng locker room. Nagmamaskara kasi ako bago mag-perform para hindi ako makilala ng mga instructors na minsan ay napapadaan dito. Ayoko ma-issue sa department namin. Mahirap na. Kaya naman ako, ang mga workers dito, si Beks at si Mamsi lang ang nakakaalam ng pagmumukhang ito kapag nasa stage na at kumakanta. Yep. Singer ako sa gabi. Malaki din ang bayad sa akin kaya naman pinagpatuloy ko ang raket na to every night. Pang-shopping din iyon ng sapatos at kung ano ano pang pamporma. Kinuha ko ang maskara at sinuot iyon. Kinakabit ko ito ng biglang may nagbukas ng pinto. Napalingon naman ako at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
TO BE CONTINUED..
Don't forget to like our Facebook PAGE!
*Maddie Hart Fuentabella
*Gavin Mahone Cavalier
*Girl Meets Love
Thanks Guys! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro