
Girl Meets LOVE - 1.1 ❤️
Maddie Hart
"Huwang! Gising! Huwang! Gising! Huwang! Huwang! Huwang!"
Hindi ko iyan pangalan, alarm clock ko iyan. Peste. Anong oras na ba?!
Hinanap ko ang cellphone sa tabi ng unan ko para tignan ang oras.
7:15 am
"Oh shet!!!!"
Nagmadali akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo. After 10 minutes natapos din ako. 7:30 ang klase ko kaya late ako nito.
"Nyeta! Anong nangyari sa alarm clock ko ng 5:15?!" galit na galit kong sabi sa sarili ko.
First year college na ako ngayon at ito ang second week ng klase, meaning, may lessons na. Nursing ang kursong kinuha ko kaya naman, pahirapan ito. Sigurado.
Nang makalabas ako ay nakita kong malinis ang daan at wala pa masyadong pang tao. Malamig ang simoy ng hangin at sagad ito hanggang buto. Naghihintay ako ng jeep nang makita kong may lumapit sa aking lalake. Umurong ako para magkaroon kami ng malawak na distansya. Maya maya ay dumating na ang jeep. Pagsampa ko ng jeep ay bigla akong nadulas. Nakapikit na ako ng biglang may yumakap sa bewang ko dahilan para hindi ako tuluyang masubsob. Hahalik sana ako sa pathway ng jeep kung hindi ako niyakap ng kung sino mang iyon. Tumingin ako sa kanya.
"You okay?" tanong ng lalake. Tumango ako at agad niya naman akong pinakawalan ng makita niyang kumapit na ako sa right side na upuan.
Umayos naman ako at tuluyang pumasok sa loob ng jeep para maupo. Buti nalang walang tao sa loob ng jeep ng mga oras na iyon at mukhang kami ng lalaking ito ang unang pasahero. Umupo siya sa harap ko.
"Salamat." nakayukong sabi ko.
'Ang tanga! Ang tanga lang Madz! Ang tanga! Kailan ka pa naging lampa?!'
Iniabot ko ang bayad ko sa driver saka ulit lumipat sa pinakadulo ng jeep malapit sa babaan.
Hindi na sumagot ang lalaking sumagip sa katangahan ko. Inilabas ko ang ipod ko saka ako namili ng playlist.
Now playing: Jeepney by Spongecola
Maya maya ay dumami na ang studyante sa loob ng jeep. Isa isa silang nakipag-siksikan sa loob. 10 minutes pa bago ako makarating sa school.
'Psh! Come on! I'm super late na! Huhu kaasar naman tong earphones na to, bakit ba masakit sa tenga?!'
Tinanggal ko ang earphones at saka ko inayos iyon.
"Ang gwapo gwapo niya talaga. Grabe! Sana doon nalang ako tumabi!"
"Malandi lang antey?! Haha pero super gwapo niya nga talaga noh?!"
"Ngayon ko lang siya nakita dito, baka 1st year college. Bagay pa sa kanya yung uniform. Yiiie!"
Tinignan ko ang mga babaeng nagsisitilian sa tabi ko. Tumingin sila sa akin.
"Hindi lang kayo ang nandito sa jeep, baka gusto niyong idaan yan sa bulungan?" saka ko sila inismiran at ibinalik ang earphones ko sa tenga ko. Nakita ko namang nainis sila sa akin at tatarayan pa sana ako nung isang babae pero bigla akong pumikit at yumuko. Hawak ko ang sintido ko.
'Damn! Migraine! Leche! Bakit ba kasi ako late nagising ngayon!!'
Maaga kong inaalarm ang phone ko dahil laging sumasakit ang ulo ko kapag naliligo ako kaagad pagkagising. Idagdag pang ang iingay ng mga katabi ko nung alisin ko ang earphone ko. Super very as in bad mood ako ngayon. Puro kamalasan ang nangyayari ngayong umaga. Huwag naman sanang maging buong araw.
Late na late na talaga ako ng makarating ako sa school. Naiinis ako kaya naman pumunta nalang ako sa Angel's Cafe. 7:30 to 8:30 kasi ang first subject kong iyon kaya naman nagpasya akong huwag nalang pasukan. 8 am na kasi ng makarating ako dito sa town. Ang next na klase ko ay 9:30 am pa.
'Buti nalang minor subject lang. Psh!'
Pagpasok ko ng cafe ay dumiretso ako sa may bar counter. Maganda ang ambiance ng cafe na iyon dahil very classy ito at patok na patok ang taste lalo na sa mga college students. Kapag umaga naman ay marami ring dumadayong office workers at iba pang mga nagtatrabaho sa umaga para bumili ng kape. Kilala ang kape ng Angel's Cafe. It's the warmest and most aromatic drink you can put to your face and love to take a deep breath when the cup gets near, and exhale as you sip so as to bring the hot humidity all around your eyes and upper face.
'Wow! English! Haha'
But yeah. Maraming nagkakagusto sa coffee dito. Hindi man ako coffee lover, actually I'm a tea lover, pero nung matikaman ko yung chocolate coffee nila. Heaven! Konti lang ang nasa loob ng cafe that time. Mas maraming gustong sa labas umupo. Maganda rin naman kasi doon. Mahangin at tahimik kapag umaga.
"Ohayou gozaimasu ojou-sama." nakangiting bati sa akin ni Carlo.
-Ohayou gozaimasu ojou-sama is a japanese words means Good morning miss/lady/princess-
"Morning." walang reaksyong bati ko.
Si Carlo ang pinaka-mabentang server sa mga kababaihan dito. Gwapo. Matangkad. Maputi. Maganda ang ngipin lalo na kapag nakangiti ito. Ma-appeal. Sexy rin ito dahil kitang bakat na bakat ang mga muscles niya sa uniform na suot niya. Part time worker siya dito sa umaga hanggang hapon at nag-aaral naman siya sa gabi. Mahalay ba ako magdescribe? Hindi ah. Dahil yan talaga ang itsura niya.
"Bad morning?" takang tanong niya at umupo siya sa harap ko.
"Hmm. Halata ba? Haaaaay! Nakakainis kasi, hindi ko alam kung anong nangyari sa phone ko at biglang late na nag-alarm. Tapos kanina sa jeep muntik pa akong sumubsob. Buti nalang talaga nahawakan ako nung lalaking iyon. Tsk tsk. Tas pagdating ko dito sa town, late na. Psh! Kaya di na ako nakapasok sa 1st subject ko. Buti nalang minor lang iyon." mahabang paliwanag ko saka siya tumango tango.
"Okay. Wait here."
Close friend ko si Carlo. Mas matanda lang siya ng isang taon at 6 months. Naging mas close ko siya nung magsimula siyang magtrabaho dito. Kaya niya kasing i-handle ang katarayang meron ako. Lalo na ang demands ko. Mabait kasi ito at hindi masyadong palakibo. Ayaw na ayaw ko kasi ng madaldal lalo na kapag nagmomoment ako. Ilang sandali lang ay nakita ko ng pabalik si Carlo sa kinauupuan ko at may dala itong cup of, di ako sure kung coffee or tea.
"Here, your favorite. With whipped cream pa yan, para mawala yang bad morning mo. Hehe"
'Chocolate coffee with whipped cream! Yay!'
"Thanks." nginitian ko siya.
"You gonna come later?" tanong niya. Kumuha din siya ng bread at cookies. Kinakain niya ngayon yung tinapay dahil alam niyang cookies ang gusto ko.
"Yea. Sayang sweldo."
"Hmm. May bago daw ah."
"Bagong?"
"Bagong magwowork dito tapos makakasama mo daw ata siya sa gig."
"Hmm. Okay."
"Not interested? Hehe"
"Nah. What for?" humigop ako sa hawak kong coffee.
'Heaven talaga!'
"Gwapo daw eh."
"So?"
"Malay mo type mo."
"Carlo, napapalibutan na ako ng mga gwapo. Ikaw, si Charles, si Keropi, si Jarred. Actually, wala naman kayo dito sa Angel's Cafe kung wala yang mga mukhang yan."
"Ouch ha!" sabi niya habang tumatawa.
"Haha. Just saying. Kasi lahat naman ng mga nakakapasok dito may itsura. At kung sinasabi mong gwapo yung bagong papasok, hindi na ako magtataka. Haha kayo lang naman kasi ang dahilan ng mga nagpupuntahang customers dito. Especially girls. Hehe bilib din ako kay Mamsi, haha"
"Hmm. At isa sa amin wala kang type." nakangiting sabi niya.
"Bata pa ako. Haha charot. Wala, di ko pa feel ang mga boys. Friends lang ang pwede. No more than that." nakangiti kong sagot sa kanya.
- charot means joke -
Tumawa lang siya at nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. About sa school niya, sa work at sa mga ibang part time job niya.
Naglalakad na ako papunta ng school. 9 am na so may 30 minutes pa akong maglakad. Sobra sobra pa, kaya naman mapapa-aga ako ng pasok. Marami ng studyante ang nasa loob ng campus. Napadaan ako sa bulletin board at tinignan kung may audition na ang dance squad ng school na ito. Last week ko pa kasi hinihintay iyon. Ilang sandali lang ay may tumabi sa aking lalake. Medyo umusog ako para bigyan ng malaking distansya ang pagitan namin. Hinahanap ko pa rin ang extra curricular activities dito. Maya maya lang ay nakita ko iyon sa gitna kaya lumapit ako. Napansin kong lumapit din ang lalake pero hindi ko na ito nilingon. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan iyon.
Napalingon ako sa lalake ng sabay pa kaming i-picture ang announcement about sa dance squad audition.
"We meet again." sabi niya habang nakangiti.
Hindi naman ako sumagot at tinignan ko ang phone ko. Malinaw na ang kuha nun kaya naman umalis na ako.
'6 pm. Cool. Wala na akong klase that time. 9pm pa naman ang gig ko. Yes!'
Pagkarating ko ng campus ay agad na tumunog ang bell. May mga klase na lumabas mula sa room na gagamitin namin ng tumunog ang bell. Maya maya pa ay isa isa ng nagsipasok ang mga kaklase ko sa room na iyon, siyempre pati ako. Pumwesto ako sa pinakalikod na upuan na kapag nakaharap ka sa board ay nasa kaliwa ako. May bintana kasi doon at makikita mo ang nasa labas. Naka-earphones pa rin ako ng nga oras na iyon at ilang sandali lang ng dumating ang instructor. Inalis ko ang earphones at agad na inilagay yun sa bag.
"Good morning class. I'm Miss China, and I will be your permanent adviser for the whole semester."
Gaya ng ibang eskuwelahan ay nagsimula ng mag-discuss, at sumunod ang post quiz, at discuss and then post quiz, saka ito naulit lang sa iba ko pang subjects na major. Sa minor naman ay puro discussions lang at pagpapasa at sulat ng kung ano anong needed information about sa students at instructors.
5:30 ang last na class ko kaya naman napagasyahan kong pumunta na ng gym. Doon kasi gaganapin ang audition ngayong araw na to.
'Buti nalang naka-jeggings ako ngayon at P.E tshirt. Kung sinuswerte ka nga naman.'
Nasa gym na ako at nakita kong may mga nag-aayos ng floor mats. Malaki ang gym kaya naman kapag binuksan mo ang pinto nun ay lilingon silang lahat sayo. Nakita kong nakatingin sila sa akin at tila nagtatanong ang mga mata. Nilapitan ko naman ang isa sa kanila.
"Excuse me? Saan ang registration para sa audition?" tanong ko sa babae na nakatingin sa akin. Ibinaba niya ang floor mat na hawak niya saka siya lumingon sa akin at ngumiti.
"Nakikita mo iyong lalaking iyon? Sa kanya ka humingi ng form." sabi niya sabay turo sa lalaking nasa bench at nag-aayos ng mga papel.
"Thanks." sabi ko saka ako umalis.
Papalapit na ako sa lalake na kanina ay itinuro sa akin nung babae nang biglang may nadapa sa harap ko. Napahinto ako at tinulungan iyon. Isang maliit na lalake. Mas matangkad kasi ako kaya nasabi kong maliit siya. Hinawakan ko ang braso niya saka siya hinila pataas. Pinagpagan niya ang damit niya saka niya hinawakan ang siko niyang namumula.
"Salamat." sabi niya at pilit pa itong ngumiti. Tinanguan ko naman siya at dumiretso na ako sa lalaking kanina pa nag-aayos ng papel. Nakita kong naka-earphones ito kaya naman, kinatok ko ang lamesa na nasa harap niya. Lumingon naman ito at inalis ang earphones niya.
"Yes?"
"Dito daw yung registration area?"
"Dance audition?" tanong niya at tinanguan ko siya. "Ahh. Ito oh, paki-fill up nalang." sabi niya habang may iniabot na papel.
Tinignan ko naman iyon saka ako nag-kunot noo.
'Psh! Daming alam!'
Umupo ako sa bench na malayo naman sa inuupuan nung lalake kanina. Isa isa kong sinagutan ang mga tanong doon. Nang matapos ako ay ibinalik ko ang papel sa lalake at saka niya ako sinabihang maghintay nalang para sa gagawin mamaya. Maya maya lang ay isa isa ng nagdatingan ang iba pang mag-oaudition. 15 minutes nalang at magsisimula na ito kaya naman tumayo ako sa bench at saka nag-stretch.
'It's been a long time my dear.'
Ilang sandali pa ay nagtawag na ang member ng dance squad at isa isa kaming binigyan ng numbers. Number 5 ako.
"Tatawagin nalang namin yung number na mabubunot namin. Hindi porket ikaw ang number 1 ibig sabihin ay ikaw ang unang magpeperform, bubunot kami dito," pinakita niya ang box, "kapag tinawag kayo ay agad kayong pumunta dito sa harap para magpakitang gilas. Good luck dancers." saka ito tumalikod at umupo sa may bench. Maya maya ay may lumapit sa amin.
"Hi, I'm JP. You can call me coach or sir JP. Ako ang choreographer dito at ako rin ang humahawak sa dance squad na ito. Oh, and here's your captain. Siya ang pinaka-leader ng squad. Introduce yourself Kyle." pagpapakilala niya. Nagpalakpakan naman ang mga kasama kong mag-o-audition.
"Hi, I'm Kyle. You can call me Kyle or Kuya Kyle kung mas matanda naman ako sa inyo. Hehe"
"Hi Kuya Kyle!!!" tilian ng mga babae. Napalingon naman ako sa kanila at napa-iling.
"Hehe. Active ang first year girls ah. Hehe anyways, kapag may gusto kayong malaman about sa squad, just ask me. Thank you. And meet my co-captain, siya ang hahawak sa girls."
"Hello. I'm Casey. You can call me Casey or anything you want. Hehe welcome sa dance squad."
Nagpalakpakan naman kami at nagsisipol sipol pa ang mga lalake. Nagulat kami ng may biglang pumito ng malakas, dahilan para lahat kami ay mapatakip ng tenga at mapalingon sa kanya.
'Oh, yung nadapa kanina.'
Nakita kong sumulyap siya sa akin at ngumiti. Agad ko namang iniwas ang paningin ko.
"Balik na sa bench guys, tatawagin nalang namin ang mga numbers niyo."
Isa isa naman kaming bumalik doon.
"Let's start with number 12."
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro