VIII. Rejuvenated
Naging kami pagkatapos noon. Sobrang saya ko. I couldn't write anymore because I was so happy. Finally, naging ideal na rin ang reality ko. Marami ang humihingi ng updates sa ilan kong pending stories pero wala akong maibigay.
Puro heartbreak stories kasi ang isinusulat ko sa site na iyon. Nang maging masaya ako, hindi ko na alam kung paano ipagpapatuloy ang mga iyon.
I wanted to write a new one but I was having second thoughts because it wouldn't live up to my name. I was 'heartbreakgirl', the girl who writes about heart aches and being broken. Broken people come to me for comfort. I couldn't just change that.
So I decided to make another account. Only, Ivan caught me. So I told him about the site and how it works. He was fascinated with the idea na kilala na ako sa site na iyon.
He said he wanted to try it out. Gumawa sya ng sariling account at nag-post ng sarili nyang story. Pero makalipas ang isang buwan, his reads remained ten and his votes, zero.
I was his only follower. Kahit ang kasikatan ko, hindi nakatulong sa kanya. Wala pa ring pumapansin sa story nya.
"Kahit online, nobody pa rin ako," he lamented.
I wanted to cheer him up so I gave him a new story that I was working on. I told him to post it on his account then I will promote it. I also deactivated my second account para hindi ako nalilito.
"Sure ka? Okay lang sa'yong hindi kita bigyan ng credit?"
"Okay lang."
Kagaya ng napag-usapan, sya ang nagpost at ako naman ang nag-promote. Eventually, he got noticed. Bihira lang kasi ang male writers sa site na iyon so kapag nakita nilang lalaki ang gumawa ng story, dinudumog nila kaagad.
Idagdag pa na ang gwapo ni Ivan sa display picture niya.
'Kuya, kayo po ba yung nasa DP nyo?' madalas kong mabasa sa message board nya. Hindi ko na lang pinatulan dahil mga bata ang nagtatanong.
Hindi ko naman alam na doon pala kami magkakasirang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro