V. Words
I gave the site a try. I posted the whole story there. Kat became my first reader. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos noon. Para bang naisalin ko sa site na iyon ang sakit na nararamdaman ko. I continued writing for the school paper. Sinubukan kong magpasa ng novels pero ayaw nilang tanggapin. They told me na marami na silang contributors for the stories. Ang kailangan nila ay articles.
Kaya naman ang mga kwentong hindi nila tinatanggap ay inilalagay ko sa site. Pagkakapost ko ng isang story, log out na ako kaagad. Hindi na ako nagbabasa ng feedback dahil alam kong puro si Kat lang naman ang nagku-comment sa stories ko.
But one day, something strange happened. A stranger messaged me on Facebook, asking for an update on my story which was posted on the site. Nang bisitahin ko ang profile ko, nakita kong may iba na rin palang tao ang nagbabasa ng mga gawa ko.
Isang daan na ang followers ko noon. May ranking na rin ang stories ko. I sent my followers a message implying that I will try to update as soon as I can.
Dahil sa site na iyon, hindi ko na masyadong iniisip si Ivan. Dalawang beses ko ring na-miss ang deadlines ko para sa school paper. I was given a warning. Magpasa raw ako ng article kundi papalitan nila ako. Ayaw ko nang magsulat ng articles noon dahil puro kay Ivan lang naman ang gusto nilang ipasulat sa akin. Kapag walang laro, tungkol naman sa relationship ni Ivan ang dapat kong isulat. Every week kailangang mayroon akong isulat tungkol kay Ivan.
It was so draining that I eventually had to stop. I quit the school paper. I wrote on the site instead. A thousand votes became ten thousand. A hundred followers became 300.
Naging habit ko na ang magreply at magbigay ng advice sa mga followers ko. Halos araw-araw na rin akong nag-o-online para mag-update. The site was slowly becoming a huge part of my life and the funny thing is, Ivan's already fading in my head.
I used the heartbreak to write and I got an overwhelming response.
Pagkatapos ng halos isang taon, I reached my 100,000 votes. But the celebration was cut short when I heard the news.
Naaksidente raw si Ivan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro