IX. Fallout
Ivan gained popularity. Ilang sikat na authors ang nag-follow sa kanya dahil gwapo sya at maganda ang stories nya. Minsan, gusto kong ibunyag sa lahat na ako naman talaga ang nagsulat ng mga kwento nya pero kapag nakikita ko syang masaya, nawawala agad ang inis ko.
Naging okay na si Ivan maging sa school. He was almost the same guy I fell in love with.
Pero nagsimulang masira ang lahat nang baguhin nya ang profile niya. Noong una kasi, nakalagay doon na may girlfriend na sya. Ang background ng profile nya, picture namin. He changed the background picture. Selfie nya sa banyo. He changed his profile info. Pinalitan nya ng URLs ng mga social networking accounts nya.
Noong minsang may magtanong sa kanya kung break na raw kami, smiley lang ang isinagot nya. And when I confronted him, he just gave me this crap about protecting my privacy.
At ang pinakamalala, he unfollowed me.
Sweet sya sa totoong buhay, oo, minsan. Kapag kailangan nya ng update sa story nya. It wasn't like a relationship anymore. Unti-unti kong naramdaman na parang ginagamit nya lang ako.
He was already near his 100,000 mark while I was near 150K. Mas marami na syang followers kaysa sa'kin. That didn't bother me though. Ayos lang. I was just writing for release anyway.
Ang hindi ko lang matanggap ay nang may mag-offer sa kanyang publishing company to publish his story that I worked on.
He didn't even consult me before signing the contract. Hindi man lang niya tinanong kung ayos lang ba sa aking i-publish ang gawa ko under his name.
Ang masaklap pa, he didn't even mention me in his books.
When I confronted him, he got angry at me. I threatened to tell everyone that I was the one writing his novels.
"Ganyan ka na ba ka-selfish na ultimo maliit na bagay na ikaliligaya ko, gusto mo pang kunin? I can't play basketball anymore, Joan! This is all I have!"
And I felt guilty.
"Sana man lang kasi kinausap mo 'ko bago ka pumirma," dahilan ko sa kanya.
"Bakit? Gusto mo ng hati sa kita? Sige, bibigyan kita!"
Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko yun mula sa kanya. I don't care about the money. All I want is acknowledgement. Simpleng pasasalamat lang para sa mga ginawa ko para sa kanya. Yun lang.
Pero hindi niya ako pinagbigyan.
Eventually, I got a publishing deal of my own, sa kalabang pub house.
I broke up with him and told him that I will never write for him again. He didn't look worried at ilang linggo bago ko nalamang may iba na palang nagsusulat para sa kanya.
She was the girl who posted flirty messages on his message board a few months ago. They changed the ending of my story. They put their own spin to it.
It was kind of tacky and I felt insulted, dahil pinaghirapan ko ang unang bahagi ng mga istorya niya. May ilang nakapansin na parang nag-iba raw ang writing style niya. Ang dahilan ni Ivan, he just matured as a writer kaya siguro ganoon.
Gusto ko siyang murahin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong mapaaway. Malaki na ang fan base niya.
Naging best seller ang una niyang libro. The new girl who writes for him became his girlfriend but I know that eventually, she will lose him too.
Because in reality, he only loves himself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro