Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III. Brokenhearted

I realized that I was already hopelessly in love with Ivan when he made this grand gesture for Maria one rainy afternoon. Bali-balita sa school na nag-away ang dalawa over the weekend and I couldn't help myself.

I don't gossip but I am all ears when it comes to him. Sabi ng marami, break na sila. Umasa naman ako.

Then in the middle of our class, narinig namin ang malakas na ingay sa field. Pumailanlang ang kantang All Of Me ni John Legend, and despite the rain, it was loud and clear. It was very loud actually. Our professor had to stop the lecture dahil hindi na kami magkaintindihan.

Lumabas kami ng classroom at dumungaw sa field, na nasa tapat lang ng building namin.

Ivan was standing there, with huge speakers behind him and a huge heart over his head. Nasa ilalim ng naka-set up na tent ang mga ka-team niya habang siya naman ay basang-basa sa ulan. Sa harapan niya ay may nakalatag na mga bato na may pinturang kulay puti. They form the words 'MARIA, PLEASE FORGIVE ME'.

Narinig ko ang malakas na tudyuan na nanggagaling sa kaliwa ko. Nasa same floor pala si Maria ng mga oras na 'yon. She was crying as they cheer for her. Lalong lumakas ang sigawan nang tumakbo palayo si Maria.

Mukhang nalungkot si Ivan nang mag-walk out ang girlfriend niya. He dropped the heart on the grass, his shoulders slumped. Pinatay ng mga ka-team niya ang tugtog. Natahimik din ang mga nanunuod. Bakas sa mukha nila ang panghihinayang.

Nang akala ko ay tapos na ang palabas, may biglang sumigaw. Then the crowd erupted in cheers. It was like a scene from the movies. We saw Maria running towards Ivan. His face lit up. He opened his arms to welcome her.

Lalong lumakas ang hiyawan nang hawakan ni Maria ang tigkabilang pisngi ni Ivan at saka siya nito hinalikan.

I felt that heart-wrenching pain the instant their lips met. Nanlabo agad ang paningin ko.

"Umiiyak ka ba?!" gulat na tanong ng kaklase ko.

I quickly wiped my tears away. "Nakakaiyak kasi! Ang romantic!" dahilan ko.

Sumang-ayon naman ang ilan kong kaklase na noon ay naiiyak na rin. Hindi ko lang masabi sa kanila na nasasaktan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro