Ghost Love
Malalim na ang gabi, madilim ang buong paligid at ang hangin ay pabugso-bugso ang lakas dahil sa lakas ng ulan. Nakatanaw ako sa may bintana, walang halong takot at kaba na nakatingin sa madilim na kalsada.
Habang nakadungaw, napansin ko ang isang anino sa hindi kalayuan. Dahil sa kuryusidad ay pinakatitigan ko ang anino at ako'y nabigla sa aking nasaksihan. Ito'y nakatingin sa aking kinaroroonan. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Hindi naman siguro ako niyon sasaktan hindi ba? Tanong ko sa aking isipan.
"What the fuck?" napamura ako at napatakbo sa aking higaan. Sa labis na takot, hindi ko na naisara ang aking bintana. Nagtaklubong ako, ramdam ko ang malamig na hangin na bumalot sa aking tabi. Kagat labi akong taimtim na nagdarasal na sana ay hindi iyon multo.
"Don't be scared..." sambit ng isang lalaki. Teka! Walang lalaki sa kwarto ko. Tsaka nagsasalita. Putangina! Bigla akong kinilabutan, halos lahat ng aking mga balahibo ay nagsitayuan.
" Ahh!Mama may multo!" pagsisisigaw ko. Alam kong walang makakarinig dahil patay na ang magulang ko. Omg! Posible kayang patay ang nagsasalita?
Naramdaman ko ang unti-unting paghila ng aking kumot at nanginginig akong umalis sa aking higaan patungo sa gilid. Nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano lumutang sa ere ang kumot ko.
Nagsumiksik ako. "S-Sino ka?! Maawa ka...ayoko pang mamatay," nauutal at nahihirapan dahil sa takot kong pagmamakaawa.
Hindi ko gaano makita ang kaniyan mukha dahil ngunit ang bulto ng kaniyang katawan ay matikas. Ako'y natulala nang itaas niya ang kaniyang medyo mahabang buhok.
"Huwag kang matakot, binibini." wika niya.
Ang gwapo niya tangina! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong multo. Umayos ako ng tindig. "M-Multo ka ba talaga? A-Ano at napadpad ka sa aking silid?" kuryusidad kong tanong.
Tila nalaglag ang aking puso nang siya ay ngumiti sa akin. Isang kakaibang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Naalala ko ang ganoong klaseng ngiti. Posible kayang si Ruzzel? Siya kaya ang lalaking una kong minahal? Pero iba na ang tindig ng lalaki maging ang kaniyag mukha. Iwinaglit ko sa aking naisip at ipinagsawalang bahala ito.
"Gusto ko lang ng tulong mo." saad niya. "Gusto kong makita 'yong taong mahal ko para makapagpaalam man lang." nakatitig siya sa akin habang sinasabi ang rason niya.
Mahal niya? Biglang sumikip ang dibdib ko. Tila bumalik ako sa aking nakaraan na pilit ko ng kinakalimutan. Hindi ako makapagsalita, napahawak ako sa aking dibdib.
Lumapit ito sa akin. Walang salita ang lumalabas sa aking bibig upang siya'y patigilin.
"H-Huwag...huwag..." nahihirapan kong sambit at bigla na lang tumulo ang aking luha nang mahawakan na niya ng tuluyan ang aking kamay.
"Huwag ka nang umiyak," usal niya. Hinahaplos nito ang aking pisngi, pumikit ako ninamnam ang bawat pagdampi ng kamay niya sa aking mukha.
Naalala ko, ganito siya tuwing umiiyak ako. Sa kung paano ako hawakan at haplusin sa mukha ng lalaki sa aking harapan ay ganoon rin sa akin si Ruzzel.
"Tahan na, babe. Masaya na ako sa kung nasaan ako..." mahinang sambit niya. Iniisip ko na sana siya nga ang Ruzzel na minahal ko.
Binuksan ko ang aking mata. Tanging mukha ni Ruzzel ang aking nakikita. "B-Babe..." nauutal kong sambit. "Miss na miss na kita! Ang daya mo...daya mo babe!" napayakap ako ng tuluyan sa kaniya. Niyakap niya ako pabalik. Umiiyak siya. Alam ko iyon.
"Patawarin mo ako, babe. Kung iniwan kita...kung hindi ko man lang sinabi sa iyo na may sakit ako..." He explained. "ayoko na rin kasing makita na nahihirapan ka dahil sakin, gusto ko na lang na maging masaya ka." dugtong niya.
I sobbed. "P-Pero sobrang sakit na, Ruzz. Gusto ko na lang makalimot pero pesteng puso! Ayaw kang kalimutan ng puso, Ruzz..." hagulgol ko. "Ikaw pa rin kasi, Ruzz... ikaw pa rin kasi ang mahal ng puso ko."
Humiwalay siya sa yakap sa akin. Ngumiti siyang muli. "Balang araw, babe. Konti na lang ang panahon ko...."
Naguluhan ako. "H-Hindi, huwag ka na ulit...umalis!" pagmamakaawa ko.
Umiling siya sa akin. "Roxy... listen to me. Hindi na ako pwede sa mundong ibabaw... Masaya na ako sa piling ng maykapal..." sambit niya. "Tandaan mo, mahal na mahal kita at babantayan kita palagi, Roxy. Alam kong magiging masaya ka sa piling ng iba kahit hindi na ako..." mahinang usal niya.
Unti-unting nawawala ang kaniyang kaluluwa, muli kong nasilayan ang kaniyang ngiti. Ngiti na talagang masaya na siyang iwan ako at handa na niyang harapin ang panibagong mundo na wala ako.
"M-Mahal rin kita, Ruzz. Kung iyon ang magpapalaya sa iyo, handa akong maging masaya para sayo..." nanghihinang sambit ko sa kaniya. "Mahal kita...sobrang mahal na mahal kita...k-kahit masakit na ang paraan ng pagmamahal ko... sa kadahilanang ayaw kang bitawan ng puso ko," patuloy pa rin na dumadaloy ang aking luha.
Unti-unti ko siyang pinakatitigan at unti-unti na rin naglalaho ang kaniyang kaluluwa sa mundong ibabaw hanggang sa hindi ko na makita pa ang kaniyang kaluluwa. Napaluhod ako sa sobrang sakit. "M-mahal...na mahal kita, Ruzz." tanging sambit ko sa hangin.
Kung iyon ang ikakasaya niya, na maging masaya ako sa piling ng iba, gagawin ko para sa kaniya. He will always have a special place in my heart. Hindi man kami ang pinagsama ng tadhana, alam kong meron pang darating na tao na habang buhay kong makakasama.
Pinaghiwalay man kami ng magkaibang mundo, mananatili pa rin siyang isang biyaya sa buhay ko hanggang sa ikamatay ko, wala na akong hihilingin kung hindi ang kaniyang kasiyahan sa bagong kaharian niya.
"Siya pa rin ang aking pipiliin sa susunod na habang buhay. Si Ruzz lang ang mamahalin ko." Bulong ko sa hangin na may ngiti sa labi.
The end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro