Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

What Georgina Wants, Georgina Gets


The red had her instantly falling in love. Kakaapak pa lang ni Georgina sa showroom ay naka-focus na ang mga mata niya sa kotse. Pagbaba pa lang niya ng sasakyan ng kuya niyang si Gabriel ay parang may bumubulong sa kanyang lumingon. And there he was, beckoning at her like a seductive lover. Napahawak siya sa manggas ng polo ng kapatid.

"I want that one, kuya."

Napasipol si Gabriel. "Gusto ko rin."

"Kakabili mo lang kay Kiko last year," tukoy ni Georgina sa sasakyan nitong Bentley na gamit nila. Kung bakit Kiko ang pinangalan ng kapatid niya sa sasakyan ay hindi niya alam.

Gabriel scoffed. "Mas huli mong binili si Carmen pero heto ka at naghahanap ng naman ng kapalit niya. Wala pang isang taon ang Porsche Carrera mo."

"Hindi ko papalitan si Carmen, kailangan lang niya ng bagong kapatid," kontra ni Georgina.

"Sure. Whatever you say. Let's go get that car."

Agad silang nilapitan ng isang staff para mag-assist. Carlo ang nakasulat sa name plate na nasa dibdib nito. Tinuro ni Georgina sa staff ang kotse at malugod sila nitong sinamahan papunta doon. Pero nagulat na lang si Georgina nang biglang sumulpot ang huling babaeng gugustuhin niyang makasama sa iisang lugar.

"This one. I like this one," sabi nito, red nails flashing in contrast to her fair skin.

"Bitch," Georgina muttered.

She had nothing against Chantal Sanders. Kung hindi lang ito fiancee ni Leandro Zervos ay puwede silang maging magkaibigan ng babae. Georgina liked Lee first but he had eyes only for Chantal.

"Mukhang naunahan ka na, sis," komento ni Gabriel sa tabi niya.

"We have other models, Ma'am. You can look around baka may magustuhan kayo," alok ng staff.

Umiling si Georgina. "It's that car or nothing."

Tatalikod na sana siya nang may maisip. "Can you do something for me instead?"

"Ano po 'yon, Ma'am?"

"Just nod and say yes to whatever I say."

"Po?" halata ang pagkalito sa mukha ng staff.

"Georgina..." saway ni Gabriel. Agad na nakatunog ito na may binabalak siya.

"Shush brother. Dito ka lang, itong si Carlo lang ang kailangan ko."

Hinawakan niya sa braso ang nagtatakang staff na walang protestang nagpakaladkad sa kanya.

She stopped a couple of steps away from Chantal. Mag-isa nitong in-a-admire ang kotse. Sinadya niyang hintaying mapag-isa ang babae bago nilapitan.

"I see we have the same taste," komento ni Georgina.

"Georgina! Car shopping, too?" Bineso siya ni Chantal.

"Yes. Do you know I like this, too? Naunahan mo lang ako."

"Really? Pareho pala tayo."

"Oo, parehong-pareho tayo ng gusto. I wonder kung ano pang mga bagay ang pareho nating gusto."

"Hmm...art maybe? You're an artist and I heard you had an exhibit once. Sayang nga lang nasa UK ako that time. I was told you have such gifted hands." Pinilit gayahin ni Chantal ang mababang boses ni Lee. "Georgina Valdez's gift is wasted in the corporate world."

Georgina kept her face neutral. Nasorpresa siya sa sinabi ni Chantal. Ni minsan ay hindi siya tinapunan ng tingin ni Lee. Kung nilalapitan naman niya ang binata ay agad itong naghahanap ng excuse para makaalis. He avoided her like she's afflicted with something nasty.

Kunwari ay sinipat ni Georgina ang mga kuko. Ang totoo ay ayaw niyang salubungin ang tingin ni Chantal. "You and I are both living in a world where chasing our own dreams are just stuffs fairy tales are made of. We are puppets of our pre-planned lives because we're born with money."

"Truth!"

Umikot ang tingin ni Georgina sa paligid. Iniba niya ang usapan. "This is just between you and me, alright? They might fire Carlo here."

Tinaasan niya ng kilay ang nananahimik na si Carlo. Nang tumingin si Chantal sa staff ay sunod-sunod ang pagtango ng lalaki.

"What is it?" tanong ni Chantal.

"May parating na bagong model in two weeks. I'm gonna wait for it."

Namilog ang mga mata ni Chantal. Simula nang maging girlfriend ni Lee ang babae ay palihim niyang inalam ang lahat tungkol dito. Inisip niyang magiging advantage sa kanya ang malaman ang mga bagay tungkol sa kakumpitensya sa atensyon ni Lee. Over the years, she'd come to know what makes Chantal tick. Gaya niya, the woman has a capricious streak.

"Really?"

"Tanungin mo siya," ikiniling ni Georgina ang ulo sa direksyon ni Carlo.

Kitang-kita ni Georgina ang conflict sa mukha ni Chantal. Pinigil niya ang matawa lalo na nang tumango si Carlo. Satisfied, she smoothed down her hair at tinapik sa balikat ang babae.

"Mauna na 'ko," paalam niya kay Chantal.

"O-Okay."

Palihim niyang tinanguan si Carlo bago umalis. Pagdating niya kay Gabriel ay agad niya itong hinila palabas.

"Wag muna tayong umalis," sabi niya habang nakaupo sila sa loob ng sasakyan.

"Why? Hindi mo naman mabibili 'yong kotse dahil naunahan ka na ni Chantal."

"That car will fall into my hands, kuya."

"How?"

"Wait."

"What did you do, Georgina?"

"Nothing. I just made her do something without her knowing that she's playing according to my plan." Sumimangot siya. "Ewan ko ba. She's beautiful but stupid."

Wala pang sampung minuto ay nakita nila si Chantal na palabas ng show room. Hinintay muna ni Georgina na mawala ang sasakyan nito bago tinapik ang kapatid sa balikat.

"Come on."

"Stop manipulating people, Georgina. Not everything you want is meant for you. Puwede kang makasakit ng ibang tao dahil sa kapritso mo. Ngayon, kotse pa lang. Paano na lang kung in love ka na? Natatakot ako para sa 'yo thinking about the things you're capable of doing just to have your way."

"Yada, yada, yada," she rolled her eyes. "I achieve results dahil go-getter ako kuya, it works for our business. Nothing will change that."

Walang nagawa si Gabriel kundi ang sumunod sa kapatid.

#

Days swept by like an Olympic runner. She met Chantal again in a charity event. Sa pagkakataong ito, kasama na nito si Lee. He looked dashing in his tux. Kasama ni Georgina ang dalawang kapatid sa event na 'yon pero pakiramdam niya ay out of place siya. Her brothers are all Mr. Congenialities, kaliwa't kanan ang kausap which left her feeling like a wall flower. Unti-unti, nakakaramdam na siya ng pagkabagot.

"Labas muna 'ko. I'm bored," bulong ni Georgina sa kapatid na si Gael. Ito ang pinakamatanda sa kanilang tatlo.

"Alright. But don't be long. When these hoards of fine gentlemen clears up, comes the ladies. Wala akong pasensya sa mga chit-chat ng mga babae," bilin ni Gael.

Natawa si Georgina. May kaplastikan din sa katawan itong kuya niya. Ang problema lang, masyado itong mabait para prangkahin ang sino mang babaeng lumalapit. Akala ng mundo ay prinsipe ang mga kapatid niya. But the truth is, they're beasts, like her. And she loves these monsters.

Tinulak ni Georgina ang french doors palabas ng ball room. Maalinsangan sa loob pero dito sa labas ay nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.

"Tired of the glitz and glamor inside?"

Napalingon si Georgina sa boses. Mula sa dilim ay naaninag niya ang isang lalaking naninigarilyo. Handa na sana siyang tumakbo nang lumapit ito sa liwanag at nahantad sa kanya ang mukha nito.

"David fuckin' Climaco."

"Georgina bitchin' Valdez. Kamusta ka na? Ikaw lang talaga ang consistent sa mundo." Pinitik ni David ang hawak na sigarilyo. Tumalsik ito sa damuhan saka unti-unting namatay ang ningas.

"Consistent pa rin. I thought you're in Malaysia."

"Kakauwi ko lang. I had to," natawa nang mapakla ang binata.

Kumunot ang noo ni Georgina. "Bakit ka napilitang umuwi?"

Tumingin si David sa kanya. "'Di mo ba nabalitaan? Ikakasal na si Lee kay Chantal."

Para siyang tinamaan ng nuclear missile habang nagsa-sun bathing. "W-What?"

"Hindi ka ba nagbabasa ng newspaper? The announcement were all over the papers last week."

"N-No."

Nagbabasa naman siya ng newspaper pero hindi ang society pages. Hindi rin siya madalas magbabad sa internet. Either she was sleeping or painting when the news broke out. Wala rin siyang ka-close na mga kaibigan para may magtsismis sa kanya.

"Bukas ng gabi ang bachelor's party."

"W-When is the wedding?"

"Three months from now."

"Ang bilis yata?"

"Last year pa nagsimula ang preparation, formality na lang 'yong announcement nila. Ang totoo ay sa New York last year ago nag-propose si Lee, right when the ball dropped at Times' Square."

Marami pang sinasabi si David pero walang pumapasok sa tainga ni Georgina. Halu-halo ang nasa utak niya. Hindi man lang siya nagkaroon ng fair chance kay Lee. Akala niya kasi ay eventually maghihiwalay din ang dalawa. Hindi niya naisip na seryoso na pala talaga.

Isang tawa mula sa loob room ang umagaw sa pansin ni Georgina. Kay Chantal galing 'yon, hawak ni Lee sa baywang ang babae. May kausap ang dalawa na hindi mamukhaan ni Georgina dahil nakatalikod sa kanya.

When Lee looked up, their gazes met. Parang wala itong nakitang nagbawi rin ng tingin. Nang lumipat ang mga mata ni Lee kay Chantal ay gustong maiyak ni Georgina. Bakit hindi siya? She would give everything she has to have him look at her like she's his entire universe.

May kung anong sumipa sa dibdib ni Georgina. Ikakasal na si Lee. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya mapipigilan ang lalaki. Bumalik sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Gabriel. Siguro nga kailangan na niyang bumitaw. Kaya bukas, gagawin niya ang pinakahuling kagagahan niya sa buhay. Pagkatapos ay hindi na niya gugulihin si Lee.

"Help me crash his bachelor's party tomorrow night," sabi niya kay David.

"What? Sinasabi ko sa 'yo, Georgina, 'wag kang gagawa ng gulo."

"You will help me or else your power hungry step mom will get away with the money she embezzled from your company."

Namilog ang mga mata ni David. She answered him with a smirk.

"B-Bakit mo alam ang tungkol d'yan?"

"Malaking pera ang na-invest ko sa kumpanya n'yo. I bribed some people to make sure that my investment is protected. It led me to proofs of your father's real cause of death. Now, what can you do for me?"

Tumango si David. "I'll get you inside Lee's unit."

Ngiting tagumpay si Georgina.

#

"Remember, you have to get out pagkatapos ng performance. I'll give you the key to my unit, doon ka magbihis pagkatapos. As far as I'm concerned, wala akong kinalaman sa balak mo, okay?" muling bilin sa kanya ni David. Inilagay nito sa kamay niya ang susi. Nasa unit sila ni Lee ngayon, isang palapag lang ang layo sa unit ni David sa Crystal Residences.

"Sure."

"Wag mo akong ilalaglag 'pag nagkabistuhan, Georgina. Alam mong mainit ang dugo ni Lee sa 'yo. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang prank na ginawa mo noon kay Ashley."

Napasimangot si Georgina. Kaklase niya si Ashley noong college at ex-girlfriend ni Lee. Sa sobrang selos niya ay binuhusan niya ng maruming tubig si Ashley galing sa pinagbabaran ng mga brushes sa visual arts club. Wala itong kamalay-malay habang papasok sa CR pagkatapos ng PE nila.

"Medyo matagal kang maghihintay. Isi-save namin ang performance mo bilang regalo. May ibang performer bago ikaw at pagkatapos mo para ma-divert and attention nila. Isa pa, kailangan malasing muna si Lee bago ka magsayaw. Baka makahalata, alam mo naman 'yon. Kaya magtiis ka na muna d'yan."

"Ang dami mo namang bilin," reklamo niya.

"Ssshhh! They're here! Bilis! Magtago ka na."

Isinara na ni David ang pinto ng utility closet. Pinili ni David na doon siya itago malapit sa kusina para walang magkamaling magbukas. Isa-isang napalitan ng kulay pula ang kanina'y maliwanag na ilaw. Georgina's chest thundered when she heard Lee's laughter. Wala na talagang atrasan 'to.

She made sure all the knots in her bikini are secure. Pati na rin ang maskarang suot niya. Kailangan 'yon para hindi siya makilala ng mga lalaking mamaya lang ay makakapanood ng pagsasayaw niya.

Hay, Georgina. The things you do for love talaga.

Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin siya nakakalabas sa closet. Inaantok na rin siya. Mabuti walang lamok sa loob ng closet at hindi mainit dahil centralized ang aircon sa unit ni Lee. Kung hindi baka naligo na siya sa pawis. Maya-maya pa'y narinig niya ang pagbabago ng tugtog. Kasunod noon ang boses ni David. Iyon na ang cue niya. Georgina pushed the closet door open and stepped out.

Sinalubong siya ng mga catcalls ng mga lalaking naroon. Her skin crawled but she ignored it. Pinili niyang mag-focus kung saan naroon si Lee. She easily found him, sprawled on a bean chair like a king. Bukas hanggang kalahati ng dibdib ang puting polo nito, magulo ang buhok at namumungay ang mga mata.

Natuwa siya nang makitang halatang tinamaan na ang binata. Hindi na siya nito makikilala. But her steps faltered when his forehead creased. Nakilala ba siya? Kakakaba-kabang nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang poste sa gitna ng silid.

Nang hawakan ni Georgina ang poste ay lalong lumakas ang hiyawan at tawanan ng mga kaibigan ni Lee. Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita ni Georgina ang pasimpleng pag-alis ni David.

"Pare, dito ka sa gitna. Dapat malapit ka!" tudyo ng isang kaibigan ni Lee. Tatawa-tawang tumayo si Lee at hinatak ang kinauupuang bean bag chair.

"Now, let's see what you've got."

His raspy voice instantly turned her insides into goo. Nagsimula siyang magsayaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro