We Meet Again
Gabriel bought her a charming cottage nestled in the last stretch of Station Three's white beach. Binansagang "Old Bora" ang Angol Point. Mas tahimik doon kumpara sa ibang bahagi ng Boracay. Kadalasang tambayan ito ng mga locals at expats tuwing weekend.
Ang isa pang binili ni Gabriel ay nasa Station Two, ang tinatawag na party central ng isla. May kasamang two-storey building ang lupang nakapangalan kay Georgina.
Isang linggo mula nang dumating siya ay nakaalis na sa building ang dating nangungupahang nagnenegosyo ng ukay-ukay. Ni-refund na lang niya ang balanse. Mabuti na lang at monthly ang renewal ng lease kaya hindi siya nahirapang paalisin.
Agad niyang ipina-renovate ang building. Mabilis magtrabaho ang mga tauhang nakuha ng katiwala niyang si Ruben. Malayong kamag-anak pala nito si Atty. Dimaculangan. Sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan ay operational na ang shop niyang pinangalanan niyang Inked by George.
Sa unang tatlong buwan ay medyo mahina ang negosyo. But she didn't mind. Nag-eenjoy pa nga siya dahil marami siyang oras para magpinta. This is the life she wanted, at ibinigay ni Gabriel 'yon sa kanya. Sa unang pagkakataon simula nang mamatay ang kapatid, Georgina found peace.
Isang araw pagbaba ni Georgina mula sa second floor ay pumasok si Ruben kasunod ang dalawang lalaki. Akala niya ay customer dahil sa una ay patingin-tingin ito sa mga artworks niya sa dingding. Inusyoso din ng isa ang mga catalogue ng designs niya na naka-display sa rack.
"Yes, po?" hindi nakatiis na tanong ni Georgina.
Lumingon ang mas matangkad sa dalawa. Semi-kalbo ang buhok nito, malaki ang katawan. Mas mukhang bouncer sa club. Sabay silang lumapit kay Georgina at ngumiti.
"Ikaw ba ang may-ari ng lupa at building na 'to?" tanong ng mukhang bouncer.
"Opo."
"Binibili namin ang mga property dito, Miss..."
She noted he called her Miss. Hindi pa nga nito alam kung single siya o hindi.
"Valdez," she offered.
"Miss Valdez. Kasama ho kasi sa proposed development plan ng kumpanya namin ang bahaging 'to."
"So?"
"Gusto naming bilhin ang property n'yo."
Umiling si Georgina. "I'm not selling my property, gentlemen."
"Name your price, Miss Valdez."
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. She didn't like his tone.
"I don't want your money." Pinaningkitan ni Georgina ng mga mata ang dalawang lalaki. Tumalikod na ang dalaga nang muling magsalita ang isa.
"Magkano, Miss Valdez? Ten million? Fifteen?" pilit pa rin ng lalaking may balbas.
Naalibadbaran na si Georgina. Alin ba sa sinabi niya ang hindi nito maintidihan? Pero kahit naiinis na siya ay nagpigil pa rin ang dalaga.
You promised to be a better person, Georgina. Hinga lang ng malalim.
She put on her fakest smile. "Please, just go away and make yourselves extinct."
"Babalik kami bukas, Miss Valdez. Please think about it."
Doon na napatid ang pasensya ni Georgina. "Ten billion and my land is yours."
"T-Ten billion?" Sabay na napamulagat ang dalawang lalaki.
"Akala ko ba name your price?"
"Maliit lang naman 'tong property mo," reklamo ni Kalbo. She decided to tag them as Kalbo and Balbas para madali.
"Take it or leave it." Hah! Akala n'yo ha.
"Can't we negotiate?" hirit ni Balbas.
"Ruben!" Naghalo na ang tili at inis ni Georgina. "Please, throw these low-born peasants sa labas!" Maarteng pinaypayan niya ang sarili gamit ang dalawang kamay.
"Yes, ma'am!" Pigil ang tawang pinagtutulak ni Ruben ang dalawa palabas ng shop.
Pero ipinaglihi yata sa adobe ang mga lalaking nagpunta sa shop ni Georgina. Dahil nang sumunod na araw ay bumalik na naman ang mga ito. Buti na lang nasa labas si Ruben kaya hindi nakapasok sa shop niya sina Balbas at Kalbo para mang-istorbo. May kliyente pa naman siya at ayaw na ayaw niyang naiistorbo habang may ginagawa.
Habang tumatagal ay paunti nang paunti ang mga taong dumadayo sa kanila. Kung hindi lang siya fully booked sa buong buwan ay wala na talagang pumapasok sa shop niya. Kaya naisipan niyang utusan si Ruben na magmasid-masid at makibalita.
"What?"
"Yon ang sabi, ma'am. Kalat na nga daw sa buong Station Two na magsasara na itong district dahil nabili na ng Plata Estates ang karamihan sa mga lupa."
Tumaas ang kilay ni Georgina. Bago sa pandinig niya ang Plata Estates. "Sino'ng developer?"
"Sanderland po."
Sa narinig ay nakaramdam ng kaba ang dalaga. It has been more than two years. Kamusta na kaya siya? Ang huling balita niya kay Lee ay umalis ito ng Sanderland.
"A-Ah." Dati nang mainit sa Boracay pero lalo yatang uminit ngayon. "I'll be outside. You're in-charge while I'm gone."
"Opo."
Paglabas niya ng shop ay sinalubong siya ng mainit na hangin. Lalong nagpawis ang mga palad ng dalaga kasabay ng pagguhit ng pawis sa likuran niya.
Crap! I left my sunnies upstairs.
Hindi puwedeng hindi niya suot 'yon 'pag ganitong matindi ang sikat ng araw. Minsan na siyang nagkamali na lumabas ng bahay na wala 'yon, kinagabihan ay inatake siya ng migraine.
"So, you've been holing here all these times."
My ears are just playing tricks on me.
Hindi iilang beses niyang inakalang si Lee ang naririnig niya sa mga napuntahan niyang lugar. Imposibleng nandito si Lee. Leandro Zervos is not the beach kind of guy. Mas gusto nito ang umakyat ng bundok at wild water rafting. Kaya imbes na lingunin ang nagsalita ay di-nis-missed 'yon ni Georgina.
"Running again, Georgina?"
Natigilan ang dalaga. His voice is too clear to be an illusion. Hindi niya magawang pihitin ang door knob ng pinto. Nanatili siyang nakahawak doon na parang nadikit na ang kamay niya. Natatakot siyang lumingon kasabay ng pagkabuhay ng kaba sa dibdib niya.
Just then, a light breeze blew from behind. Hindi 'yon ang nagpalakas ng kaba sa dibdib ni Georgina kundi ang amoy na hatid ng hangin. It was the smell of pine, wood musk with a hint of cigarette. Iisa lang ang nagmamay-ari ng ganoong amoy, noon at ngayon.
The first time she smelled him, she wanted to bottle his scent. Naisip pa nga niya na lalo siyang yayaman kung posible niyang maisabote ang amoy at ibenta. Maraming babae hindi lang sa Pilipinas ang sigurado niyang ma-ho-hook.
Dahan-dahan siyang umikot. "Lee," she whispered.
"Hello, sweet thing. Ang tagal mo akong pinagtaguan," nakangising sabi nito.
Walang binago ang dalawang taon kay Lee. Medyo nabawasan lang ito ng timbang pero guwapo pa rin. Pinanuyuan siya ng lalamunan sa titig ni Lee.
Oh my god!
#
Hindi mapigilan ni Lee na hagurin ng tingin si Georgina. Her skin looked like silk under the afternoon sun. Her mile longs legs are on display, making it hard for him to focus on her face. Sino'ng mag-aakalang nandito lang pala ito sa Boracay? Buti tinanggap niya ang alok ni James na maging consultant sa bagong project ng Sanderland.
Naghiwalay man sila ng kapatid ni James na si Chantal, hindi nagbago ang samahan nila ng lalaki. For old time's sake daw. Siguro dahil hanggang ngayon walang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Chantal. Umoo na lang siya kahit kontento na siya bilang consultant sa construction firm na pag-aari ng pamilya ng Mommy niya.
Kasunod ng paghihiwalay nila ni Chantal ang pag-re-resign niya sa Sanderland. He went to Greece to think. Kung may dapat siyang ipagpasalamat sa paghihiwalay nila ni Chantal, 'yon ay ang napasaya niya ang pappous o lolo niya sa pamamalagi niya doon. Isang taon din siyang nawala.
Georgina kept popping in his thoughts while he was away. Nang magbalik siya sa Pilipinas ay aaminin niyang medyo ni-look forward niya ang muli nilang pagkikita. Pero bigla itong nawala. Walang makapagsabi kung saan nagpunta ang babae.
"W-What do you w-want?"
Lee did a double take nang tuluyang humarap si Georgina. Naka-pony tail ang buhok nito kaya kitang-kita niya ang makulay na tutubi sa leeg ng dalaga. Bigla siyang pinagpawisan and felt uncomfortable. He's not even into inked women for god's sake!
"You," wala sa loob na lumabas sa bibig niya.
"M-Me?"
He shook his head, that came out wrong. "Ibig kong sabihin, kailangan kitang makausap."
"I-I don't think we have something to talk about. Excuse me, busy ako." Bago pa mabuksan ni Georgina ang pinto ay napigilan na ni Lee.
"Oh, come on, Georgina. Stop with the act," bumaon ang mga daliri niya sa kalambutan ng braso ng dalaga. Inilapit ni Lee ang bibig sa tainga nito. "Magbabayad ka sa pagsira mo sa relasyon ko kay Chantal. Now, sumama ka sa akin kung ayaw mong ma-witness ng mga tao dito kung ano parusang gustong-gusto kong ibigay sa 'yo."
Nagkataong nag-conduct siya ng occular inspection sa site kahapon nang marinig niya ang usapan ng dalawang tauhan ng Plata Estates na may-ari ng proyekto. Nang tanungin niya ang dalawang lalaking mas mukhang goon kaysa realtors ay laking gulat niya nang malamang si Georgina ang pinag-uusapan ng mga 'to.
Ang mas ikinagulat pa niya ay ang kaalamang may-ari ng tattoo shop ang babae. Malayong-malayo ang mundong 'to sa pinggalingan ni Georgina. Pasimple niyang kinausap ang mga lalaki at nakuha ang eksaktong address ng shop ng dalaga.
Aalalayan pa sana niya si Georgina sa pagpasok sa itim na 4x4 truck niya pero naunahan na siya ng dalaga. Pabagsak nitong isinara ang pinto, naiwan siyang nakatanga. Napakamot na lang si Lee sa ulo. May temper din pala 'to. Hindi naman niya kasi binigyang pansin si Georgina noong mga panahong baliw na baliw ito sa kanya.
Eh, ngayon? Gusto ka pa rin ba niya?
"Where are we going?" walang kangiti-ngiting tanong ni Georgina nang makapasok siya sasakyan.
"Some place where we could talk," sagot niya at pinaandar ang sasakyan.
"Is one hour enough?"
Natawa si Lee. Is this woman for real? "It will take longer than that."
"Bummer," she muttered saka sumandal sa upuan.
#
Pakiramdam ni Georgina ay nalipat sa batok niya ang araw. Naka-on naman ang aircon sa sasakyan ni Lee pero hindi sapat para pigilan ang pamamawis niya. She'd been trying to act unaffected. Pero ang totoo ay gusto niyang tumalon palabas ng sasakyan.
"You look good," komento ni Lee na nagpalingon sa kanya.
"Y-You too."
"So, tattoo. Kailan pa?"
"Ha?"
"That dragonfly on your neck?"
"L-lately lang."
Tumango si Lee. Nasa daan na nakatutok ang mga mata nito. Base sa dinadaanan nila ay nasiguro ng dalaga na sa Station Three sila papunta. Hindi nagtagal ay tumigil sila sa isang sa maraming resto bar sa tabing dagat. Dahil alas tres pa lang ng hapon, wala pang masyadong tao.
"Come on."
Walang salitang sumunod si Georgina. Naghihintay si Lee sa kanya sa entrance ng resto bar. Paglapit niya ay nagulat siya nang dumikit sa likod niya ang palad ng binata.
"Kaklase ko sa high school ang may-ari nito."
"I see."
Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isang lalaking kasing-tangkad ni Lee. Balbas sarado ito, nakasuot ng shades. Nakasilip sa bukas na polo nito ang maskuladong dibdib. Naka-shorts lang din ang lalaki kagaya ni Lee.
"Pare, ang aga mo ah."
"Ivan, meet Georgina Valdez. This is Ivan Lacsama, may-ari nitong resto bar," pagpapakilala ni Lee.
"Nice meeting you, Georgina." Nakangiting nag-alok ng kamay ang lalaki pagkatapos tanggalin ang suot na salamin. Umakyat ang tingin nito sa mukha niya, tumigil nang kaunti sa leeg. "Nice ink."
Tipid ang ngiting tinanggap ni Georgina ang kamay ni Ivan. "Thanks. Nice meeting you, too. "
"Saan mo ipinagawa?"
"This is my master's handiwork. I had it in Palawan."
"Master?" takang singit ni Lee.
"My teacher. I learned the craft from him."
"Marunong ka? Wow. Can you redo mine?" tanong ni Ivan. Inililis nito ang manggas ng polo at nalantad ang kumukupas nang image ng ahas sa braso nito.
"Sure. We'd have to arrange a schedule first. Pero, I don't do house calls ha. Punta ka na lang sa shop ko."
"Walang problema. I'll give you my number para mapag-usapan natin."
Bago pa man makapagpalitan ng contact numbers sina Georgina at Ivan ay humarang na si Lee.
"We came here to talk. Mamaya na 'yan," mahinang saway ng binata kay Georgina. Pagkatapos ay hinarap nito ang kaibigan. "Can we use the roof deck?"
Nakita ni Georgina ang pag-angat ng isang kilay ni Ivan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa kanila ni Lee. Dahan-dahang nagkahugis ang ngiti sa labi ni Ivan bago tumango.
"Follow me."
Dinala sila ni Ivan sa rooftop ng resto bar. Off limits pala ang lugar na 'yon sa mga customers. Doon ini-entertain ni Ivan ang mga kamag-anak, personal na kakilala at kaibigan. Kalahati ng space ay may bubong kung saan may malalaki at kumportableng sofa.
"Thank you, pare."
"I'll leave you two to your...errr...conversation."
Nang makaalis si Ivan ay namagitan sa kanilang dalawa ni Lee ang katahimikan. Si Georgina ang unang kumilos para maupo sa isa sa mga sofa doon. Inakala niyang pipilian ni Lee ang katapat na upuan pero kung saan siya naupo ay doon din naupo ang lalaki. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay sinunggaban siya ni Lee sa braso. Halos magdikit na ang ilong nilang dalawa ng binata.
"W-What are you doing?" kabadong tanong ni Georgina.
Lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga nang ngumisi si Lee. Gone was the well-behaved schoolboy image na ipinakita nito kanina sa sasakyan. Ang Lee na kaharap niya ngayon ay parang leon na handa nang gawing hapunan ang nahuli nitong biktima. Aaminin niyang nakaramdam siya ng takot sa pagbabago ng mga mata nito.
"Punishing you. I promised, didn't I?"
Her stomach dropped when she was the cruel glint in his eyes. "L-Lee."
"Leandro, Georgina. It's Leandro for you. Now, say it!" Niyugyog siya nito.
"L-Leandro."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro