Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Price She Has to Pay

Lee kissed her hungrily. Dahil sa gulat ay hindi niya naagapang itikom ang bibig. Sinamantala iyon ng binata para sakupin ng dila nito ang loob ng bibig niya. Dapat tinulak niya si Lee. Pero ayaw sumunod ng katawan ni Georgina sa dikta ng utak. She found herself clutching his broad back instead.

A sort of haze settled on her consciousness. Nawala na sa isip ni Georgina na puwedeng may umakyat sa roof top at maabutan sila. Akala niya ay hihinto na ang binata nang humiwalay ang labi nito sa kanya. 'Yon pala ay para lang lumipat sa bandang leeg niya.

Muling napapikit si Georgina nang gumuhit ang init sa bahaging hinalikan ni Lee. Naalarma siya nang maramdaman ang kamay ni Lee sa loob ng damit niya.

"L-Lee...Leandro," naeeskandalong sinikap niyang humiwalay sa binata.

"Sshhh...no one will come up here."

As if to prove his point, Lee 's lips moved a little lower. Hindi na napigilan ni Georgina ang mapaungol nang palitan ng labi ng binata ang kamay nito sa dibdib niya. Parang basang apoy ang dating ng labi ni Lee.

Nanlalabo man ang utak, may narinig na pagtawa si Georgina. Ang katabing building ng resto bar ni Ivan ay isang maliit na hotel. Ang katapat na kuwarto ng rooftop ay may terrace. Mayamaya lang baka lumabas sa terrace ang occupant.

As much as her body burned for Lee, hindi siya exhibitionist. Pero malakas si Lee, hindi niya kayang paalisin. Kaya ang ginawa niya, hinatak niya ang buhok nito sa likod para mapilitan itong tumingin sa kanya.

"I'm talking about them," sabi niya sabay turo sa kabila.

Lee let out an annoyed sigh. "Istorbo."

Fingers shaking, Georgina fixed her top. Isinunod na rin niyang ayusin ang nagulong buhok. Si Lee naman ay walang imik na nagsindi ng sigarilyo, lagpas-lagpasan ang tingin. Georgina was grateful for the silence. Her body's response to him left her shaken. It only proved one thing; walang nagbago sa nararamdaman niya kay Lee.

"Do you still love me?" walang anu-ano'y tanong ni Lee. Parang nagtatanong lang kung ano'ng ulam nila mamaya.

"W-Why?"

"Sagutin mo ang tanong ko, Georgina."

"Is that important?"

Nilingon siya ni Lee. "Katawan mo lang ang kailangan ko. You ruined my chance to be happy with the only woman I love. You will warm my bed as a retribution. Don't entertain other ideas in your head."

Para siyang binagsakan ng tone-toneladang buhangin. "Don't worry, there's no lingering feelings left. And no, hindi ako papayag."

Ngumisi si Lee. "Then the whole world will know the real reason kung bakit hindi natuloy ang kasal ko kay Chantal."

Agad na namutla ang dalaga. "N-No. You c-can't do that."

"I can and I will. Wala nang mawawala sa akin, Georgina. Ano na lang kaya ang magiging reaction ng parents mo? Kahit si Chantal walang alam kung sino ka. In fact, kahit mga kaibigan ko walang alam na ikaw 'yon."

Except David.

"That's blackmail!" protesta ng dalaga.

Gumuhit ang galit sa mga mata ni Lee. "Gawain mo rin 'to, 'di ba? You're a scheming bitch!"

Natameme si Georgina sa outburst ni Lee. Magiging parausan lang siya? God! Nang ibigay niya ang sarili kay Lee noon, hindi niya inisip na mangyayari ang ganito ngayon. Kung puwede lang niyang ibalik ang nakaraan, kahit kapalit pa ay kaluluwa na niya.

"Now you got what you want, suffer the consequences. You'll stay at my place tonight."

"N-No. I have my own place. Please, hirap akong makatulog sa ibang bahay." She still have her nightmares. Lumalala 'yon 'pag hindi siya kumportable sa lugar.

"You'll get used to it," tanggi ni Lee.

She felt dread filling her lungs. Pilit niyang nilunok ang nabubuong bara sa lalamunan. Walang maitutulong ang pag-iyak so she might as well swallow her tears.

"O-Okay."

#

Nahilot ni Lee ang sentido. Nagkalat sa mesa niya ang mga blue prints ng plano para sa project. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya inaantok. Naka-ilang baso na rin siya ng scotch pero ayaw naman niyang makatulog sa kalasingan. Sinubukan niyang ibuhos sa trabaho ang atensyon para maiwasan ang pagsingit ni Georgina sa isip niya. It didn't work.

Revenge wasn't on his mind then. Pero nang muli niyang makita ang babae ay bumangon ang galit sa dibdib niya. He felt cheated two years ago. Ginawa niya ang makakaya noon para makaiwas sa bitag ni Georgina. Ayaw niyang maging isa sa mga laruan nito. Pero naisahan siya ng babae noong gabing 'yon. And in the midst of all the chaos that followed, she disappeared.

Now, what are you going to do with her?

Biglang tumunog ang doorbell. Isang haggard na James ang napagbuksan ni Lee ng pinto. Naka-business suit pa ito at bitbit ang satchel. Tuloy-tuloy na pumasok ang lalaki at pabagsak na naupo sa sofa.

"I'll make this short. Kailangan ko ng tulong mo para mabili ang lahat ng remaining properties na masasagasaan ng development." May inilabas na document si James mula sa satchel at inabot kay Lee.

Naka-highlight ang pangalan ni Georgina sa listahan. Takang napatingin ang binata kay James.

"I believe you're the right man for the job," sagot ni James sa tanong niya.

"Bakit ako?"

James smirked. "Considering your history with that woman, hindi ka mahihirapan."

May gumuhit na lamig sa batok ni Lee, tuloy-tuloy pababa sa likod. "W-What—"

"Come on, brother. Akala mo ba wala akong alam?" Umiling si James.

"I saw her name popped up nang mag-umpisa kaming bilhin ang mga properties dito. That was a year ago. I found out Gabriel Valdez bought two properties here in Boracay, one in Station Two and the other one is in Station Three. It was his birthday gift for his sister. I dig a little deeper at nalaman ko kung saan siya papunta noong gabing 'yon, based sa information na nakuha ng mga pulis sa GPS navigation system ng kotse ni Gabriel. Which brought me to your condo."

Hindi makapagsalita si Lee. Wala siyang lakas para pigilan ang bibig ni James. He was rooted on his spot, clutching at the document as if his life depended on it.

"Kitang-kita sa CCTV kung sino ang babaeng lumabas sa unit mo noon. Iisipin kong coincidence lang na kamukha siya ni Georgina. But considering the information from Gabriel's GPS, that's unlikely. Itutuloy ko pa ba?"

"P-Paano mong nalaman lahat ng 'to? Sira ang CCTV sa Crystal noong gabing 'yon."

"Marami akong kaibigan sa police, alam mo 'yan. Kilala ko rin ang may-ari ng security agency na nagpo-provide ng security sa Crystal Residences. Someone paid the officer on duty to cut off the feed that night. 'Di ko lang alam bakit hindi mo sinabi sa kapatid ko na si Georgina ang babaeng kasama mo noon," paliwanag ni James.

"Sino'ng humarang sa mga CCTV footage?"

"Hindi ko alam. Tinanggal na sa trabaho 'yong security personnel. Fortunately, head security lang ang may alam na may back-up camera ang lahat ng naka-install kung sakaling may masira. Walang monitor ang feeds ng back-up cam."

Shocked was an understatement. May kasabwat si Georgina sa isa sa mga kaibigan niya? Wala siyang alam na ka-close ni Georgina sa mga barkada niyang present nang gabing 'yon.

"I-I don't know what to say."

"Just take care of it for me, alright? Dad's been breathing down my neck," sabi ni James.

"I don't know, man."

"Kahit sabihin kong matutulungan kita sa kapatid ko?"

Nag-angat siya ng tingin. Hope fluttered in his chest like a dragonfly with broken wings. Simula noong maghiwalay sila ni Chantal ay hindi siya tumigil sa pag-asang mapapatawad din siya ng babae. Pagbalik niya sa Pilipinas pagkagaling sa Greece ay niligawan uli niya si Chantal.

"Really?"

Tumango si James. "I'll tell you a little secret. She's still in love with you."

"You're offer is tempting but no."

"Then, you leave me no choice. Sasabihin ko kay Chantal na si Georgina ang babaeng kasama mo nang gabing 'yon."

Kumuyom ang mga palad ni Lee. Hirap na nga siyang kunin uli ang loob ni Chantal. Lalo siyang mawawalan ng pag-asa. But the idea of exposing Georgina to save himself is unimaginable. Hindi matatanggap ng ego niya na magtago sa saya ng babae. Lalo na at kasalanan din niyang nagpadala siya sa libog ng katawan.

"You're blackmailing me?"

Kibit-balikat ang isinagot ni Jason sa kanya. "Sabihin na lang natin na gagawin ko ang lahat para matuloy ang project na 'to."

Asshole.

#

The last dying note of her screams woke her up. Nanlalaki ang mga mata ni Georgina habang nakatitig sa kisame. Pawisan na rin siya, hinihingal na parang galing sa matagal na pagtakbo. Iniwan niyang bukas ang lamp shade sa gilid ng kama dahil hindi siya makatulog na walang ilaw.

"Georgina?" Niyugyog siya ni Lee. Nag-focus ang mga mata niya sa binata at doon pa lang siya nahimasmasan.

"I-I'm okay."

"You sound as if you're being butchered."

"I-It's just a nightmare. Bumalik ka na sa room mo, I'm going back to sleep."

Hinatak ng dalaga hanggang dibdib niya ang kumot. Tinalikuran niya si Lee para mapilitan itong iwanan siya. Pero hindi nangyari ang gusto niya. Nanatili ang binata sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Kung iniisip mong maaawa ako sa 'yo para doon ka matulog sa bahay mo, think again. Tomorrow night, I'm coming for you."

The night he came for her would definitely go down her memory bank. Tinawagan siya nito kung anong oras siya makakauwi. Gumawa pa siya ng kung ano-anong dahilan para ma-delay ang pagsasara ng shop. Ang totoo, wala siyang kliyente nang araw na 'yon. Napilitan na siyang magsara pagkagat ng dilim.

Pagdating niya sa bahay ni Lee ay walang ilaw. Naka-on naman ang ilaw sa grounds pati na sa gate. Ang buong bahay lang ang madilim. Nagtaka siya. Umalis ba si Lee? Ang sabi nito ay maghihintay ito sa kanya. Nakapagtatakang walang sumalubong sa kanya kundi katahimikan.

Hindi na niya ini-on ang ilaw sa loob nang makapasok. Sapat na ang liwanag sa labas para makita niya ang dinadaanan niya. Diretso siya taas. Nang makitang may liwanag na nakasilip sa siwang ng pinto ay umahon ang kaba sa dibdib ni Georgina.

"Leandro? Bakit hindi mo ini-on ang—" Nabitin ang paghinga niya nang tuluyang mabuksan ang pinto.

Nakadapa sa kama si Lee at payapa ang paghinga. Isang lamp shade lang sa tabi ng kama ang ilaw. Nakatulog ang binata, hawak sa isang kamay ang cellphone. Pero hindi 'yon ang umagaw ng hininga ni Georgina kundi ang matambok nitong pang-upo na nakasilip sa pagitan ng kumot. The man is naked.

Kagat-labing isinara niya ang pinto. Maingat ang mga hakbang na ipinatong niya ang bag sa dresser. Saka niya nilapitan ang tulog na binata. She ignored his delectable tush, locking her eyes on his face instead. A few locks of his hair fell on his cheeks. Natukso siyang hawiin 'yon.

Saka naman gumalaw si Lee, nakatihaya na ito ngayon. Nabawi ni Georgina ang kamay, kinabahan baka magising ang lalaki. Pero mukhang tulog na tulog pa rin talaga ito. She backed away, only to find his blanket slipping away.

"Oh my god!" hindi niya napigilang bulalas nang makita ang ayos ng binata. Kanina ay pang-upo lang nito ang naka-expose. Ngayon ay crotch area na!

Tulog ang amo pero gising na gising ang alagad!

Mabilis siyang tumalikod. Ganoon pala ang hitsura noon? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw maalis sa isip niya ang image!

"Where are you going?" A rough voice drawled from behind. Bago pa siya makasagot ay dalawang braso ang pumulupot sa baywang ng dalaga. Tinangay siya pabagsak sa ibabaw ng mainit na katawan ni Lee.

"Leandro..."

"Hmm. Kanina ka pa ba?" tanong ng binata. He nuzzled her ear which sent tongues of heat to her nerves.

"K-Kararating lang. Let me go, kailangan kong magbihis. A-Amoy pintura pa ako."

Suminghot si Lee sa bandang leeg niya. Nanayo ang balahibo ni Georgina sa ginawang 'yon ng binata. "You still smell good to me."

"H-Hey!"

Parang wala itong narinig. Hinalikan siya nito. Kasabay nang pananakop ng dila nito sa bibig niya, nag-umpisang maglikot ang mga kamay ng binata. Pumasok ito sa ilalim ng suot niyang blouse. Napakislot si Georgina. His fingers were cool against her skin. Napapikit ang dalaga. Ramdam niya ang kahandaan ni Lee sa likod niya.

There's no stopping what is bound to happen. Habang lumilipas ang bawat segundo, unti-unting nabubuhay ang apoy sa loob ng dalaga. Iniwan ni Lee ang mga labi niya. Lumipat ito sa leeg niya, tumulay hanggang sa balikat. Abala pa rin ang mga kamay nito sa magkabila niyang dibdib. Para bang sinisiguro nitong magkapareho ang atensyon na ibinibigay nito sa dalawa.

"Leandro..."

Hindi kumibo si Lee. He just playfully bit on her shoulder. Saka siya nito binitiwan. Nagtatakang nilingon niya ito.

He smiled. "Come with me."

Tumayo ang binata, walang pakialam kahit wala itong damit. Siya naman, parang nahipnotismong napasunod lang sa lalaki. Sa banyo siya nito dinala. Pinuno nito ng tubig ang tub, tinimpla saglit bago siya binalikan.

"Come on, the water's perfect."

Napalunok ang dalaga. Iniiwasan niyang mapunta sa ibaba ng katawan ni Lee ang mga mata. Pilit niyang iniignora ang mga mata ng binata. Kahit hindi siya hawakan ni Lee ay para siyang namimilipit na hindi maintindihan.

"M-Mababasa ang damit ko."

"So? Hindi naman natin kailangan 'yan."

Humagod ang mga mata ng binata sa katawan niya. Lihim na napaungol si Georgina nang may mabuhay na apoy sa tuktok ng dibdib niya. Her nipples puckered with just his eyes raking her form.

Nainip na yata ang binata, humakbang ito palabas ng tub. Walang salitang siniil siya nito ng halik. He backed her against the wall. His adept fingers crept up her stomach, tracing each rib. Napasinghap si Georgina nang kagatin ng binata ang mga labi niya bago siya nito binitiwan.


**********

A/N: Bibitinin ko muna kayo, inaayos ko lang ang remaining chapters. ^_^ I promise na aaraw-arawin ko na rin ang update hanggang matapos.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro