Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Birthday Gift

"G-Georgina?"

Namutla si Georgina. Mabilis itong tumayo ay ikinabit uli ang maskara. Sa isang iglap ay suot na nito ang roba. Noon pabalabag na bumukas ang pinto.

"Leandro! What the hell are you doing?!" Chantal screamed.

"C-Chantal!"

"Damn you, Lee! How dare you cheat on me!" tili ni Chantal.

Mabilis na kumilos si Georgina. Tinakbo nito ang pinto at nilagpasan ang nabiglang si Chantal. Parang noon lang nakabawi, kumilos si Chantal para sundang ang patakas na si Georgina.

"W-wait, I can explain!" Habol ni Lee sa fiancee. Hindi na niya naisip na wala siyang damit.

Tumigil si Chantal at dinuro ang binata. Basa ng luha pisngi nito. Humagod sa katawan ni Lee ang galit na mga mata ni Chantal.

"The wedding is off!"

#

Nanginginig ang kamay na binuksan ni Georgina ang unit ni David. Mabuti na lang at hindi na siya nasundan ni Chantal. Everything was beautiful until her mask came undone. Wala na, it's all over for her. Siguradong galit na galit sa kanya si Leandro. Siguradong malalaman din ni Chantal na siya ang kasama ng binata.

Kailangan niyang makaalis agad. Tinawagan niya si Gabriel pero hindi nito sinasagot ang cellphone. Nag-out of town trip si Gael kaya wala siyang choice. Sa pang-apat na subok ay narinig niyang tinanggap ni Gabriel ang tawag. Nakahinga ng maluwag si Georgina.

"Thank God! Bakit ang tagal mong sagutin?" mangiyak-ngiyak na sumbat niya.

"What's happening, Georgina?" tanong ni Gabriel sa pagitan ng pag-ubo. Nakalimutan niyang masama ang pakiramdam ng kapatid.

"N-Nothing. Pakisundo ako, please?"

"Nasaan ka ba?"

"Crystal Residences."

"Ano'ng ginagawa mo d'yan?" Mabuti na lang walang alam si Gabriel sa nararamdaman niya kay Leandro. 'Pag nagkataon ay ito pa mismo ang kakaladkad sa kanya sa tainga palayo sa lalaki.

"I'll call Mang Tony." Family driver nila ang tinutukoy ni Gabriel.

"No! Magsusumbong 'yon kay Daddy. Strike two na ako kay Dad, kuya. When I get strike three, baka totohanin na ni Dad na ipatapon ako sa branch natin sa Singapore."

Narinig ni Georgina ang paghugot ng hininga ni Gabriel. "Alright. Pero medyo matatalagan ako. Nakainom ako ng gamot kanina, it's making me drowsy. I can't drive fast."

"I'll wait."

Mahigit isang oras na siyang naghihintay pero hindi pa rin tumatawag si Gabriel. Ayaw naman niyang tawagan ang kapatid baka ma-dictract ito sa pagmamaneho. Kaya naghintay na lang si Georgina. Inaagaw na ng antok ang isip ng dalaga ng bumukas ang pinto.

"Georgina?" si David. "Bakit nandito ka pa?"

"D-David. I'm waiting for Kuya Gabriel."

"I see. Akala ko nakaaalis ka na."

"K-Kamusta siya?"

Umiling si David. "Malaking gulo ang ginawa mo. Hindi ko naisip na aabot sa ganoon. Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumayag sa plano mo."

Napayuko ang dalaga. "It wasn't planned, David. I wanted to kiss him goodbye, is all."

"D-Did you..."

She gave out a mirthless laugh. "What, had sex?"

Tumango si David.

"Yes."

"You're crazy."

"I guess I'm really fucked up here," turo ni Georgina sa ulo. "Kung matino ako, I wouldn't come up with that. But you know what's even more fucked up? I don't regret a single thing."

Noon nag-ring ang cellphone ni Georgina. Ang kapatid niya ang tumatawag.

"Hello, kuya. Are you there—who's this?" kinakabahang tanong niya. Pagkarinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya ay naluha si Georgina. Her phone clattered on the floor.

"Georgina?"

"Kuya...Hospital," parang wala sa sariling usal ni Georgina.

"Ihahatid kita."

Halos lumipad ang kotse ni David. Habang nasa biyahe ay tulala pa rin si Georgina, hindi makapaniwala sa nangyayari. Si David ang pinakiusapan niyang tawagan ang mga magulang para makasunod ang mga ito sa ospital.

Naghihintay sa kanya ang nurse na nakausap ni Georgina. Pagkatapos ibigay sa kanya ang cellphone ni Gabriel ay inihatid sila nito sa labas ng emergency room. Nasa loob ang kapatid niya at ginagamot ng mga doktor. Hindi pa sila nagtatagal sa pagkakatayo doon ay dumating ang magulang ni Georgina.

"Georgina!" tinakbo siya ng ina at niyakap nang makita siya nito. Nakasunod ang Daddy niyang mukhang bagong gising.

"What happened?" malat ang boses na tanong ng ama niya.

Sa pagitan ng pag-iyak ay isinalaysay ni Georgina ang nangyari. Sinadya niyang itago ang katotohanang kaya siya nasa Crystal Residences dahil sa kagagahan niya. Sinabi lang niya na may maliit na salu-salong inihanda si David at imbitado siya. Kinagat naman 'yon ng mga magulang lalo na't nariyan si David para magpatunay. Lalong nakaramdam ng guilt si Georgina.

Ilang sandali pa ay isinugod na sa operating room si Gabriel. Awang-awa si Georgina sa nakitang anyo ng kapatid. Cuts and bruises were all over his body. She never prayed harder than she did that moment.

Inabot din ng tatlong oras ang operasyon. Nang lumabas ang doktor na umasikaso kay Gabriel ay umasa silang positibo ang resulta. She should have known better from the way the man's shoulders sloped down in defeat.

"I'm sorry. He didn't make it. Masyadong intensive ang damage sa katawan niya at maraming dugo ang nawala. We did everything we could to save him."

Ramdam niya na may parang napunit sa dibdib niya. Gusto niyang sumigaw pero hagulgol ang lumabas sa labi ng dalaga. Nanlalambot na napakapit siya sa dingding. Unti-unting bumigay ang tuhod niya hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.

The next day, Gabriel's smiling face graced the society pages, along side the news of Lee and Chantal's broken engagement.

#

After eight months...

Nagising si Georgina sa ingay ng mga teen-agers na naghaharutan. Kunot-noong bumangon siya sa pagkakahiga sa duyan. Mataas na ang araw. Dalawang linggo na siyang nangungupahan dito sa barangay Napsan sa Puerto Princesa.

Sa loob ng walong buwan simula nang mamatay si Gabriel ay kung saan-saan na siya napadpad. Iniwan niya ng nakagisnang buhay sa Manila at nag-travel kung saan-saan. Una siyang napunta sa Cebu. Pagkatapos ay sa Tugegarao, Batanes, Benguet, Negros at itong huli ay sa Bohol.

Umiiwas siya sa mga kilalang tourist spots sa mga lugar na pinupuntahan niya. Mas gusto niya sa mga tahimik na barangay kung saan siguradong walang makakakita sa kanyang kakilala niya.

Nakita niyang kasama sa mga teen-agers ang binatilyong anak ni Aling Trudis, ang kasera niya. Sinutsutan ni Georgina si Jude.

"Pst! Jude."

Lumingon ang tinawag. "Ano po 'yon, Ate?"

"'Lika nga."

Lumapit naman ang mga binatilyo. Ngayon niya nalaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. May mga tattoo sa dibdib, braso at binti ang mga bata.

"What's that?" sita niya.

"Henna lang po 'te," sagot ni Jude at ipinakita sa kanya ang tattoo.

Actually, wala siyang pakialam kung magpa-tattoo man ng henna o totoong ink ang mga bata. Mas interesado siya sa artwork sa balat ng mga 'to. Malinis ang mga linya at pulido ang pagkakalapat ng tinta.

"Sino'ng gumawa?" tanong ni Georgina.

"Si Mang Rico po, 'yong nakatira sa kubo sa pinakadulo," sabi ni Jude. "Nag-ta-tattoo din siya 'te."

"Gusto mo din magpa-tattoo, Ate? Samahan ka namin," alok ng kasama ni Jude.

"Samahan n'yo na lang ako sa bahay niya"

"Sige po."

Sinundan niya ang tatlong bagets. Naabutan nila si Mang Rico na nagtatrabaho.

"Magpapagawa ka rin, Miss? Pili ka lang ng gusto mo d'yan," turo ni Mang Rico sa magkakapatong na catalogues.

"Hindi po," tanggi ni Georgina. "Gusto ko lang ho manood, kung hindi nakakaistorbo"

Tumango si Mang Rico. "Okay lang."

The man worked fast but his strokes are precise. Ang nakakabilib ay walang naka-guhit na anuman sa balat ng customer para maging guide nito.

Hindi nakatiis si Georgina. "How can you see the design if walang drawing guide?"

Ngumiti si Mang Rico. "May tinatawag na mind's eye, iha. Sa tanda kong 'to, hindi ko na kailangan 'yon, lalo na't kabisado ko lahat ang sarili kong disenyo na nasa catalogues na 'yan. Pero may mga customer akong specific ang mga gustong design, nagdadala sila ng mga sample images para maging inspirasyon. Doon ko na kailangan ng guide."

"Would you accept an apprentice?" biglang tanong ni Georgina. "Uhmm...you know. M-Mukhang marami kayong clients. I-I can draw, at least I can do that for you to save time. A-And—"

"Sabihin mo lang kung gusto mong matuto, iha."

"Ah...y-yes po," amin ni Georgina.

"Kitam? Mas magaan sa pakiramdam ang pagsasabi ng totoo, hindi ba?"

Napangiti siya. Right there and then, she decided she like the old man.

Simula noon ay regular nang nakikita si Georgina sa kubo slash workshop ni Tatay Rico. Sa loob ng kulang-kulang isang taon, naging pangalawang ama si Tatay Rico sa kanya. Pakiramdam ni Georgina ay sinapian ng kaluluwa ng Daddy niya ang matanda kung makapagsermon ito sa tuwing nagkakamali siya.

"Siyanga pala, George, may balak ka bang magpa-tattoo?"

"Pwede ho ba?" nangingislap ang mga matang tanong niya.

"Kung gusto mo ba eh, sige. Maupo ka na dito."

Kinuha muna niya sa estante ang skecth pad niyang naglalaman ng mga ideas niya bago naupo.

"May naisip ka na bang design?"

Ipinakita niya ang sketch pad sa matanda.

"Bakit tutubi?" tanong ni Tatay Rico.

"I somewhat saw my self in a different light, 'Tay. Nang mamatay ang kapatid ko at umalis ako sa amin, I realized a lot of things. Nakatulong ang paglalagalag ko."

Pahapyaw na niyang naikuwento kay Tatay Rico ang sob story niya. Noong una ay nag-aalangan pa siya pero natagpuan niya ang sariling tuloy-tuloy na nagsasalita. At least hindi na siya bumubunghalit ng iyak katulad ng dati sa tuwing naalala ang Kuya Gabriel niya. Naroon pa rin ang lungkot pati na ang kirot. But she found them all a little bearable.

"Sige. Pero ano'ng balak mo pagkatapos nito? Mabubulok ka na lang ba dito sa bahaging 'to ng Palawan? 'Wag mo sanang masamain pero sayang ang buhay. Bata ka pa, marami ka pang puwedeng gawin kaysa magmukmok dito."

"Sawang-sawa na kayo sa mukha ko, ano 'Tay," biro niya. "Aalis din ho ako. Dito lang naman ako nagtagal. If I haven't met you, baka wala na ako dito."

"Kung sabagay, baka nasa ibang lugar ang kapalaran mo. 'Wag mong kakalimutang tumawag o mag-text ah," paalala ni Tatay Rico.

"Siyempre naman po. Ang lakas n'yo kaya sa akin."

"Bola pa more."

Natawa si Georgina. Pati rin pala si Tatay Rico ay nahawa na sa mga teen-agers na madalas magmiron sa workshop. Pero nalulon ni Georgina ang tawa nang sumigid ang hapdi sa bandang leeg niya. Napasigaw siya sa magkahalong gulat at sakit.

"Tay naman! Mag-warning naman kayo 'pag ilalapat n'yo na sa beautiful at flawless skin ko ang karayom," mangiyak-ngiyak na reklamo ni Georgina. Ganoon pa man ay hindi siya gumalaw sa kinauupuan kahit gustong-gusto niya.

"Iyakin," tukso ni Tatay Rico.

"Hindi ako ready! Hindi ako na-inform! Tatay naman kasi."

"Tatay naman kasi," panggagaya sa kanya ng matanda. Hinaluan pa nito ng arte ang boses. Muling natawa si Georgina. Yumugyog ang balikat ng dalaga pero agad din siyang napangiwi nang kumirot ang leeg.

"Kukulayan ko 'yang balbas n'yo habang tulog kayo, 'Tay! In neon pink para kita sa malayo. Pagkagising n'yo, kamukha n'yo na si Barbie."

Tawa lang ang isinagot sa kanya ni Tatay Rico.

#

Mahapdi pa ang balat ni Georgina nang makabalik sa inuupahang kubo. Hindi na siya kumain dahil pinakain muna siya ni Tatay Rico bago umuwi. Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para i-update ito at mabawasan ang pag-aalala sa kanya.

Matapos ang pakikipag-usap sa ina ay naisipan niyang i-check ang personal e-mail. Simula nang mamatay si Gabriel ay hindi pa niya 'yon nabibisita kahit marami namang pagkakataon.

Puro subscription alerts lang ang laman ng e-mail niya. Binura niya lahat at mag-lo-log out na sana siya nang makita ang pangalan ni Gabriel. Birthday niya nang ma-deliver ang e-mail sa inbox niya.

Sis,

Alam kong matagal mo nang pinapangarap ang magkaroon ng isang lugar where you can be yourself, away from the maddening world we live in. Dahil birthday mo ngayon, 'eto ang regalo ko sa 'yo. Attached herewith is a copy of the documents of the property in your name. Do contact my lawyer, Atty. Dimaculangan.

He will arrange things for you para ma-meet mo ang katiwala sa bahay at sa building mo. I love you, sis. Happy birthday!

P.S. 'Wag kang basta lalayas, magpaalam ka sa amin.

Kuya Gabriel

Isang property sa Boracay ang binili ng Kuya Gabriel niya para sa kanya. Ang isa naman ay commercial space na may kasamang building. Hindi napigilan ni Georgina ang maluha. Namatay ang kapatid niyang puro siya ang inaalala.

Nang matuyo ang mga luha ni Georgina ay alam na niya kung saan siya susunod na pupunta. Gabriel gave her a gift, he wanted her to be free and spread her wings. Kaya kahit pasado alas siyete na ng gabi ay tinawagan niya si Atty. Dimaculangan. Nasa phonebook ng lumang cellphone ni Gabriel ang private line ng abogado.

"Hello?"

"Good evening, Attorney. Si Georgina Valdez po 'to."

Saglit na natahimik ang kausap niya sa kabilang linya. Narinig ng dalaga ang kaluskos ng mga papel at tunog ng paghatak sa isang upuan.

"And here I thought hindi mo na ako tatawagan."

"Kakabasa ko lang ng e-mail ni Kuya."

"It's alright. I've heard from your parents that you went on a vacation. I understand."

"Thank you. Gusto kong magpunta sa Boracay."

"Sige, tatawagan ko ang katiwala para makapaghanda sa pagdating mo. Kailan mo balak bumiyahe papunta doon?" tanong ng abogado.

"Bukas po."

"Alright."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro