Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

No Escape

"Shhh. Don't cry."

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Lumapit si Gael at pilit siyang hinatak palayo kay Lee.

Hindi siya pumayag, kusa siyang yumakap sa binatang lugmok pa rin sa sahig, trying her best to protect him from her angry brother.

"No!" tanggi niya.

Inubos niya ang lakas sa pagkakakapit kay Lee. Once she let go of him, no one could tell what her brother would do. Kailangan niyang protektahan si Lee kahit na anong mangyari. She braved bullets for him before, she would protect him from her brother now.

"Damn it, Gael! You're hurting her! Stop!"

"Gael, Georgina! Ano'ng nangyayari dito?" Hangos na pumasok ang Daddy niya kasunod ang Mommy niya. "Mr. Zervos? What are you doing here?"

Noon pa lang siya tinigilan ng kapatid. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Lee at paghaplos nito sa likod niya. Iyak siya nang iyak habang nakasubdob ang mukha sa dibdib ng binata. Masakit ang braso at balikat niya pero binalewala niya iyon.

"Shhh...tahan na," alo sa kanya ng binata. Naramdaman niyang kumilos si Lee para tumayo, tangay siya. Ilang sandali pa ay maayos na silang nakatayong dalawa kaharap ang buong pamilya niya. His arm were around her protectively.

"Magpaliwanag ka, Mr. Zervos. Bakit ka nandito sa loob ng kuwarto ng anak namin?" usisa ng Daddy niya.

"Pasensya na ho kayo, Sir. I just ran out of options. Gusto ko lang naman siyang makausap. Kaso ayaw akong pagbigyan ng anak n'yo."

"Hindi ako makakapayag na mabilog mo na naman ang ulo ng kapatid ko!" Akmang manunugod uli si Gael pero napigilan ng Mommy niya.

"Your sister is an adult. Kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya. If she wants to be with me, labas ka na doon," madilim ang mukhang sagot ni Lee.

Tumikhim ang Daddy niya. Napatingin silang lahat dito.

"Bumaba na tayo at doon mag-usap."

"Dad!" protesta ni Gael.

"Come on, son. Don't let your fist do the talking."

Sa sala sila nagtipon-tipon. Hindi pa rin siya binibitiwan ni Lee. Kalmado na rin ang Kuya Gael niya pero hindi natapos ang mga matatalim na tingin nito sa binata. Ang Daddy na nila ang namagitan.

"We know that Georgina is an adult. Wala rin kaming karapatang saklawan kung sino ang gusto niya. But we are her family, we only wanted the best for her. And right now, we don't think ikaw 'yon Mr. Zervos," sabi ng Daddy ni Georgina.

"D-Dad—" agaw ni Georgina pero pinigil siya ng ama.

"Stay out of this, honey. Please."

"Hindi na namin kailangan ng manghuhula para malaman kung ano ang namagitan sa inyo noon. O kahit ngayon," dugtong ng Mommy niya. "Pasensya ka na pero sa tingin namin eh walang mabuting maidudulot ang ugnayan ninyong dalawa."

"To put it simply, malabo sa amin kung ano ba ang kapatid ko para sa 'yo. And we don't appreciate you taking advantage of her feelings to keep her by your side," si Gael.

"Until we are sure what she means to you, hindi ka pwedeng lumapit kay Georgina. She's our only daughter, Mr. Zervos. She may be a grown woman but for us, she's a fragile crystal that should be handled with care."

"Kaya sana maintindihan mo kung bakit namin kayo pinaglalayo. Hindi namin mapagkatiwalaan ang damdamin ng anak namin. Nakikiusap ako bilang isang ina. Kung hindi mo kayang mahalin si Georgina, pakawalan mo siya."

Walang naisagot si Lee. Napayuko lang ang binata, nasa sapatos nito nakatuon ang tingin. Parang gustong maiyak ni Georgina nang unti-unting lumuwag ang hawak nito sa kamay niya. Hanggang sa tuluyan siya nitong binitawan. She could only bite her lower lip to keep herself from sobbing.

His voice came like a croak. "I understand."

"Maraming salamat," ani Mr. Valdez. "Inaasahan kong lalaki kang kausap, Mr. Zervos. Paglabas mo sa pamamahay namin, hindi na kayo pwedeng magkita ni Georgina. Maiwan na namin kayo."

Mahigit five minutes nang wala ang mga magulang at kapatid niya. Hindi pa rin nagsasalita si Lee, parang malalim ang iniisip. Siya ang hindi nakatiis. Georgina cleared her throat.

"So...I guess this is where we say our good byes?"

Again, he nodded his head. Georgina kept on biting her lower lip to keep the tears at bay. Tumingala siya sa kisame saka humugot ng malalim na paghinga.

"Aren't you going to tell me something? Nag-akyat pader ka pa tapos hindi mo rin naman pala sasabihin." Making him talk is like extracting a healthy tooth. Ang hirap hugutin ng mga salita galing kay Lee.

"I don't think it matters anymore." Tumayo ito. "Alis na 'ko."

Ganoon lang? Pagkatapos ng lahat-lahat? Pero wala siyang lakas loob na sabihin 'yon. Sa mga panahong hindi niya nakikita si Lee ay inisip niyang baka posibleng makalimot siya. Tatangayin lang pala ng hangin ang effort niya sa sandaling magdikit sila. Ganoon siya karupok.

Muling napalunok si Georgina. Siguro nga, ito ang mas makakabuti sa kanya. "Ingat ka."

"Goodbye, sweet thing."

#

Tatakas na naman siya. Wala na nga yata siyang alam gawin kundi tumakas sa tuwing tinatalo siya ng kalungkutan. But this time, she's leaving the country. Imposible na talaga sa kanya ang ibalik ang buhay sa normal. Kahit saan siya mapunta ay parang nanadya ang pagkakataon, lagi silang pinagtatagpo ni Lee. She felt like dying each time their eyes meet across the room. So near yet so far.

Hindi siya pinilit ng pamilyang bumalik sa trabaho. At dalawang buwan na rin ang nakalipas mula noong magpunta si Lee sa bahay nila. Pagkatapos noon, ilang beses na rin silang nagpang-abot sa mga gatherings sa social circle nila. Maliit ang mundong ginagalawan nila ng binata. And watching him from afar is too much for her.

Napansin ng Mommy niya ang kawalan niya ng ganang kumain. "Bakit hindi ka magbakasyon?"

"Na naman?" Natawa siya. "Okay lang ako, 'My."

"Kailangan mo yata ng change of scenery, anak. How about New Zealand? Matagal-tagal ka na ring hindi nakakadalaw sa Lolo't Lola mo."

Napaisip siya. Mayamaya ay ngumiti. "Sige, 'My."

"Tawagan ko ang Tita Mildred mo. Kailan mo balak umalis?"

"Two days from now," mabilis niyang sagot. She thought the sooner, the better.

"Okay."

Isang araw bago siya umalis, dinalaw niya si Gabriel. Nagpaalam siya sa kapatid. Humingi na rin siya ng tawad dahil nawala sa kanya ang regalo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli si James at ang mga kasama nito.

Si Gael ang naghatid sa kanya sa airport. Hindi na sumama ang mga magulang niya dahil biglang sumama ang pakiramdam ng Daddy nila. Pagdating doon ay nag-check in kaagad si Georgina. Dalawang oras pa bago ang flight niya.

"Let's get you some caffeine," aya ni Gael sa kanya.

Pagtayo niya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit siya sa kapatid na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Okay ka lang?"

Ipinilig ni Georgina ang ulo. "Wala 'to. Bigla kasi ang pagtayo ko," sabi niya.

"Are you sure?" Sinalat ni Gael ang noo at leeg niya. "Hindi ka naman mainit. Kumain ka ba bago umalis ng bahay?'

Umiling siya. "Wala akong gana."

"That must be it. Come on, no coffee for you. Breakfast ang kailangan mo."

Tama ang kapatid niya. Bumuti ang pakiramdam ni Georgina nang makakain. Naubos niya ang breakfast set na inorder ng kapatid para sa kanya. Napailing na lang si Gael dahil wala siyang itinira.

"Gutom na gutom ka siguro. Simot o."

"Lately kasi parang may mali sa panlasa ko," pagtatapat ni Georgina habang iniimom ang orange juice.

"Buti naman bumalik na ang gana mong kumain."

"Mukhang tama si Mommy. Kailangan ko ng bagong environment."

Mabilis na lumipas ang mga oras. Mayamaya pa ay narinig na nilang in-announce na ang flight ni Georgina. Sabay silang tumayo ni Gael.

"Mag-iingat ka. Susunod ako 'pag naayos na ang schedule ko."

"Pati ba naman sa New Zealand, babantayan mo ako Kuya?" kunwari ay reklamo niya.

Kinurot ni Gael ang pisngi niya. "Oo, baka makatagpo ka ng Leandro Zervos version 2.0 doon."

Sumimangot siya. "Wala na 'yon."

"Is you say so. Pero di nga, gusto ko rin dumalaw kina Lolo at Lola. Nagtatampo na sa akin si Lolo, tatlong taon na kaming hindi nagkikita. Baka bawiin 'yong mana ko," natatawang sabi ni Gael.

She gave her brother a tight hug. "Bye, Kuya."

"Enjoy your vacation."

Via Cairns ang biyahe niya papuntang Auckland. One hour before the plane touched down, nakaramdam si Georgina na masama ang pakiramdam. Kahit walang panlasa ay pinilit niyang kumain ng crackers dahil kumulo ang tiyan niya. Parang may malalaking alon sa loob. But eating proved to be a bad decision. Hindi nagtagal ay masama na ang tiyan niya. Takbo siya sa toilet. Kasasara lang niya nang ilabas niya lahat ng nakain.

Paulit-ulit siyang naduwal hanggang sa wala na siyang ilabas kundi puro laway. It took her a while before she regained her strength to keep upright. Naghilamos siya at lumabas na parang walang nangyari.

"Are you alright, Ma'am?" tanong sa kanya ng stewardess na naabutan niya sa labas ng cr.

Ngumiti siya sa babae. "Y-yes, I'm okay. It must be something I ate."

"We can contact the control tower upon approach if you need medical attention."

Pinakiramdaman niya ang sarili. Medyo nabawasan na ang pag-alon sa tiyan niya pero nanatili ang pagkahilo. Hindi siya sigurado kung anong nangyayari sa kanya. Mas mabuti na nang makasiguro para maagapan kung ano man ang problema sa kanya.

"Yes, please. Thank you."

"You're welcome, Ma'am. I'll escort you to your seat."

"Thanks but I think I can manage," tanggi ni Georgina.

"No, Ma'am. I insist."

Wala na siyang nagawa dahil bigla siyang gumewang sa pagkakatayo. Napasandal siya sa balikat ng stewardess at hinayaan itong alalayan siya pagkatapos niyang sabihin dito ang seat number niya. Nagpasalamat siya sa babae matapos siya nitong maiupo.

Paglapag ng eroplano sa Cairns Airport ay may ground staff na agad umalalay sa kanya. Sinamahan siya nito sa clinic para mapatingnan sa doktor. Pero habang naglalakad papunta sa clinic ay palala nang palala ang pagkahilo ni Georgina. Wala sa loob na nakapakit siya sa balikat ng katabing staff. Pakiramdam niya ay nakasakay siya sa carousel at iniikot-ikot siya nang mabilis.

Dumilim ang paningin ni Georgina. Unti-unting tumiklop ang tuhod niya. Naagapan siya ng ground staff bago pa humampas ang ulo niya sa sahig. Sa nanlalanbong diwa ay dinig niya ang nagpa-panic na boses ng staff kasabay ng pagtapik nito sa pisngi niya. Oddly enough, her last thoughts were of Lee before she lost consciousness.

"Lee?"

Itinulak niya ang pinto. Napansin niyang nasa cottage niya sa Boracay siya. The wind gently blew on her lace curtains. Malaki ang pagkakabukas ng mga bintana. Maliwanag na maliwanag ang paligid dahil sa sikat ng araw. Matitingkad din ang mga kulay ng mga bagay, parang TV na naka-maximum ang vividness.

Mula sa taas ay narinig niya ang pababang yabag. It was followed by multiple yappings and a masculine laugh. Lumitaw si Lee sa itaas ng hagdan, kasunod ang apat na tuta. Kumunot ang noo niya. Kailan pa siya nagkaroon ng mga aso sa bahay?

Malapad ang pagkakangiti ni Lee pagkakita sa kanya. "There you are."

Pinanood niya ang binatas sa pagbaba nito sa hagdan. Kasunod ng lalaki ang apat na tuta na parang nakikipaghabulan dito. Lee skipped the last step to get to her. Niyakap siya ng binata pagkatapos ay binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.

She's confused. "Saan galing ang mga tuta? Bakit mo dinala dito sa bahay?"

Tinitigan siya ni Lee na para bang may nasabi siyang mali. "Sa 'yo 'yan, iniregalo ko sa 'yo dahil madalas kang walang kasama sa bahay dahil sa trabaho ko. Nakalimutan mo na?"

Ano naman kung madalas siyang mag-isa? Given na 'yon dahil solo lang siyang namumuhay sa Boracay. Lalo siyang nalito. "Regalo? Hindi ko pa birthday."

"I know it's not your birthday, sweet thing. Hindi naman 'yon ang okasyon kaya kita niregaluhan n'yan."

"Eh, ano?"

Bilang sagot ay kinuha ni Lee ang kamay niya at idinikit sa kanang kamay nito."Last week was our first year wedding anniversary."

Nanlaki ang mga mata ni Georgina. On her ring finger is a platinum wedding band, a feminine version of the ring on Lee's finger.

"She's coming around."

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Dalawang mukha ng mga estranghero ang nabungaran niya, isang doktor at isang nurse.

"W-Where am I? What h-happened?"

Ang babaeng doktor ang sumagot. "You're in a clinic called The Airport Doctors. You passed out on your way here. But don't you worry, Ma'am. You have a clean bill of health."

Tinulungan siya ng nurse na makabangon. Hindi na siya nahihilo at wala na rin ang masamang pakiramdam sa tiyan niya. Para lang siyang nagdahilan.

"Are you sure it's not food poisoning or the sort? My stomach was churning and I felt dizzy in the plane."

Ngumiti ang doktor. "It's normal for a pregnant woman to feel those symptoms. You're eight weeks underway."

A sudden coldness hit her core. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Her mind raced. Binilang niya ang mga araw noong huling may mangyari sa kanila ni Lee. Binalikan niya lahat, naghanap siya ng mga posibleng signs na magpapatunay sa sinabi ng doktor. The way her pallet seemed to take a drastic change. Walang lasa ang lahat ng pagkain sa kanya. Kahit ang mga paborito niyang dish ay kaya na niyang isnabin.

Akala niya dahil depressed lang siya. Georgina suddenly burst into tears.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro