Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

It Was Fated

Devonport is beautiful. Her aunt's house is built on Auckland's most beautiful beach, Cheltenham. Ang kuwartong ibinigay sa kanya ng tiyahin ay nakaharap sa dagat. Naging habit na niyang abangan sa terrace ng kuwarto niya ang pagsikat ng araw. She had peace and quiet. Lalo na at wala ang mga pinsan niya, nasa Australia nagtatrabaho.

She immediately informed her family back home about her condition. Noong una ay nagalit ang Kuya Gael niya. Nasorpresa pa siya dahil kabaliktaran ang reaction ng parents niya. Mas excited pa nga sa kanya ang mga magulang. Ganoon din ang reaction ng Lolo't Lola niya. Medyo nadismaya lang ng kaunti ang dalawang matanda nang sabihin niyang walang makakagisnang ama ang bata.

Needless to say, her family knew who's the father even without her confirmation. Kagaya niya, ayaw ni Gael na ipaalam kay Lee ang kondisyon niya. Iba naman ang opinyon ng mga magulang nila.

"Karapatan ni Lee na malaman ang tungkol sa magiging anak n'yo," sabi ng Mommy ni Georgina nang magkausap sila sa pamamagitan ng video call.

"Huwag na muna siguro, 'My. Makakagulo lang ako sa kanya. At saka, 'di ba nga ayaw n'yo sa kanya?"

"Ang akin lang, magulang din kami."

Umiling siya. "I don't want him to come to me just because we're having a child. Ipapaalam ko rin naman sa kanya pero hindi sa ngayon."

"What are your plans?" tanong ng Daddy niya.

Napangiti siya. "Marami, 'Dy. Sa dami ay hindi ko alam kung ano ang uunahin."

"Excited ka na?"

Tumango siya. Mula sa likod ng mga magulang ay sumulpot ang kapatid niya. "Hi, Kuya!"

"I'll be there in a month or two," walang pasakalyeng deklara ni Gael.

"Okay."

"Susunod na lang kami, anak. Bago magtapos ang second trimester mo," ang Mommy niya.

"Sige po."

Gael came to Devonport in her sixteenth week. May kaunting umbok na siya sa tiyan pero kung magsusuot siya ng maluwang na damit ay hindi pa naman halata. Tuwang-tuwa ang Lolo at Lola nila sa pagdating ng kapatid niya.

"Kung hindi pa nagbakasyon si Georgina dito, aba eh hindi kayo makakaisip na dumalaw," may halong pagtatampo ang boses ng Lola niya habang nakayakap kay Gael.

"Pasensya na ho, tambak lang ang trabaho."

"Kaya nga sabi ko blessing in disguise 'yang pagbubuntis ni Georgina. Kita n'yo Ma, dadalaw din sina Ate at Kuya. At magtatagal pa sila dahil hihintayin nilang manganak si Georgina," singit ng Tita Mildred niya.

"Baka nga ho hindi na makaisip na umuwi 'pag nakapanganak ako," sabi niya. "Hindi pa nga lumalabas 'to, excited na sila. Paano na lang kung karga-karga na nila." Hinimas niya ang maliit pang tiyan.

"Aba'y mas mabuti," ang Lolo nila.

Ngiti lang ang isinagot ni Gael. Nang mapagsolo sila ng kapatid sa lawn sa tabing dagat ay kinamusta siya nito.

"Heto, maayos naman. Healthy ang baby, Kuya."

"Regular naman ang punta mo sa doktor?"

"Opo. Mabait ang OB ko. Filipina rin siya na dito na nakapag-asawa. Kaya alagang-alaga ako."

"Mabuti. One week lang ang pwede kong itagal dito. Babalik na lang ako bago ka manganak," sabi ni Gael. Nasa dagat ang mga mata nito.

Pinagmasdan ni Georgina ang kapatid. Guwapo pa rin ang Kuya niya pero parang nag-mature itong bigla. Sa dami ng responsibilidad nito sa kumpanya, hindi na nakapagtataka 'yon. Dati rati ay tatlo silang naghahati sa trabaho. Ngayon ay solo ni Gael ang lahat.

"Kuya," hinawakan niya ang kamay ng kapatid.

Natigil ito sa pag-inom sa hawak na beer at nilingon siya. "O?"

"Sorry ha?"

"Sorry saan?"

"Sorry dahil hindi na kita natutulungan sa family business. Sinolo mo lahat mula nang mamatay si Kuya Gabriel," pumiyok ang boses ni Georgina pagkabanggit sa kapatid.

"Don't lose sleep about it. Naiintindihan ko naman."

"Pero sorry pa rin. At the rate you're going, I'm worried you might end up a bachelor for life."

"Okay lang. Di mo naman ako pababayaan, 'di ba?" Ginulo nito ang buhok niya.

Tumango siya. Tinapik niya ang impis na tiyan. "And I'll make sure this little one here will do the same for both of us. Pero kung may chance, mag-asawa ka. Iba pa rin 'yong may sarili kang pamilya."

"Okay, I won't be closing my doors."

Mayamaya ay nagring ang cellphone ni Georgina. Number ng clinic ng doktor niya ang nagpa-flash screen.

"Hello?"

"Hello, Georgina. It's Cathy from Dr. Rowe's clinic. I'm calling to remind you of your appointment at ten o'clock."

"Ah, yes. Thank you, Cathy. I'll be there."

"See you later, bye."

"Bye."

The time is fifteen minutes before nine. Marami pa siyang oras. Fifteen minutes lang naman ang layo ng clinic ni Dr. Patcicia Rowe.

"May appointment ka?"

"Yup. Samahan mo 'ko," parang batang ungot niya. "May schedule ako sa OB ko mamayang alas diyes."

Napatingin si Gael sa relo. "Alright. Bihis lang ako."

"Maaga pa naman."

"Just the same, mas mabuti na 'yong bihis na ako para aalis na lang tayo mamaya. I suggest you do the same."

Naiiling na sinundan na lang niya ng tingin ang likod ng kapatid.

#

"Boyfriend mo?" pabulong na tanong ni Dr. Rowe nang pumasok siya. Naiwan sa visitor's chair ang kapatid niya, nagbabasa ng magazine. Nang minsang lumabas ang babae para kausapin ang receptionist ay nakita nitong akbay siya ni Gael habang naghihintay.

"Kapatid ko."

"Ay, wrong number. Akala ko boyfriend mo. Hindi kayo magkamukha ha."

"Hindi talaga. He got his looks from our mother. Kay Daddy naman kami nagmana ni Kuya Gabriel," paliwanag niya.

"May isa ka pang kapatid? Sigurado gwapo rin."

Her smile was sad. "Oo. Sayang lang wala na siya."

"Oh. I'm sorry."

"Okay lang. Ano doc, kamusta ang baby?" pag-iiba niya sa usapan.

"Growing fast and healthy. Ituloy mo lang ang ni-recommend kong diet mo. Tapos 'wag kakalimutan ang vitamins. Tawagan mo ako agad kung may maramdaman kang kakaiba."

"Yes, doc."

Nang matapos sila ay hinatid siya ng doktor sa labas. Tamang-tama namang may dumating na delivery ng bulaklak at cake para kay Cathy. Birthday pala ng babae at sinorpresa ito ng asawa. Tinanggihan niya ang alok na cake. Pero hindi na siya nakatanggi sa picture taking.

Sinulit nila ang bakasyon na kapatid. Sa mga sumunod na araw ay wala silang ginawa kundi mamasyal at kumain. Until it's time to say goodbye to her brother. Sumama pa siya sa paghatid kay Gael sa airport.

Eksaktong twenty days nang nakabalik ng Pilipinas si Gael nang makatanggap siya ng tawag mula sa Mommy niya. Ibinalita nito sa kanya ang tungkol sa pagkakahuli kay James sa Cotabato.

"Ibig bang sabihin 'My, kailangan kong umuwi para sa hearing ng kaso?"

Wala pa man ay gusto na niyang magpanic. Ayaw niyang umuwi dahil siguradong magkikita sila ni Lee. Dalawa silang sangkot sa pangayayari nang gabing 'yon sa Boracay. Imposibleng hindi magtagpo ang mga landas nila sa korte.

Ayaw niya. O mas tamang sabihin na hindi pa siya handang makaharap si Lee. Lalo na at dala-dala niya ngayon ang magiging anak nila. She's scared how he would react to the news.

"Anak, walang hearing na magaganap."

"Po?" Napatayo siya. "Hindi pwedeng wala! Hindi basta-basta ang charge na attempted murder at abduction sa kanya, 'My. Nabayaran ba nila ang mga authorities kaya walang kaso?" sunod-sunod na hirit niya.

Nahulog sa sahig ang booties na kakabili lang niya. Paunti-unti siyang nag-iipon ng mga damit ng baby. Pwede naman siyang bumili ng isang bagsakan lang pero nag-e-enjoy siya sa pag-sho-shopping para sa anak niya. Isa pa, therapeutic ang dating sa kanya ng pamimili ng gamit ng bata.

"Walang hearing dahil walang suspect. Patay na si James."

"W-What?"

"Naaksidente ang police mobile na sinasakyan niya nang maaresto siya. Nabangga ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nila dahil nawalan ng preno. Dead on the spot si James at ang dalawa pang pulis na kasama. Isa lang ang nakaligtas."

Ni hindi niya magawang malungkot para kay James. "Sorry but I had to say this. Karma is a bitch and the bitch came for him. May he rot in hell."

"Georgina..." saway ng Mommy niya.

"Sorry, 'My. Tao lang."

"Alright. Siyanga pala, si Lee nagpunta—"

Pagkarinig sa pangalan ng binata ay agad niyang pinutol ang sasabihin ng ina. "Don't say it, 'My. Hindi ako interesadong marinig."

"Pero anak, baka—"

"Bye, 'My. I love you!" Saka niya pinindot ang end button.

She went for a walk by the beach after talking to her mother. Alas kuwatro pa lang ng hapon at mataas pa ang sikat ng araw. Safe din ang area kaya hindi siya nag-aalala kahit wala siyang kasama.

Alam niyang masama ang magtanim ng galit sa kapwa. Pero ano'ng magagawa niya kung hanggang ngayon ay kumukulo ang dugo niya kay James? Mapapatawad rin niya siguro ang lalaki, hindi lang sa ngayon. Ayaw din naman niyang mag-ipon ng galit sa dibdib. Ngayon pang magiging ina na siya, gusto niyang maging magandang example sa anak.

Nawili siya hanggang sa paunti-unting bumababa ang araw. She decided it's time to head back. Maliligo na rin siya para makatulong sa paghahanda ng hapunan sa Tita niya. Pero habang papalapit siya sa bahay ay may napansin siyang lalaking nakaupo sa swing na nakakabit sa isang puno sa lawn ng bahay. Doon siya madalas tumambay 'pag tinatamad siyang lumabas.

She squinted her eyes as she came closer. The guy's form is achingly familiar. Nakita niyang isinuklay ng lalaki ang isang kamay sa buhok nito. Georgina froze. Kinutuban na siya pero ayaw tanggapin ng isipan niya. Imposibleng matunton siya ni Lee doon. Pero parang si Lee talaga ang lalaki.

There is only one way to find out. Binilisan niya ang paglalakad. Ganoon na lang ang kaba niya nang makumpirma ang hinala. Si Lee nga ang lalaking nakaupo sa swing! Paano siya nito nahanap? Hindi siya naniniwalang kusang ibinigay ng pamilya niya ang kinaroroonan niya ngayon. Nakatalikod ang lalaki sa direksyon niya kaya hindi siya nito napansin.

Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. That's your Dad, little one.

Parang ayaw kumilos ng mga paa ni Georgina. Halo-halong pagkasabik, kaba at takot ang nag-aagawan sa dibdib niya. Sa huli ay wala siyang napagpilian kundi ang harapin si Leandro Zervos. Each step brought her closer to the man. The sand masked the sound of her footsteps until she's standing at arm's length behind his back on the grass.

"How did you find me?"

Si Lee ang inaasahan niyang magugulat. But the dark look on his face rooted Georgina to the spot. A vein on his forehead just beneath his hairline pulsed. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Lumipat ang pansin ni Lee doon. As if by miracle, the look on his eyes softened.

"Your picture."

"What picture?"

"'Yong kuha sa clinic ng OB Gyne mo." Tumayo si Lee at lumapit sa kanya. Hindi niya namalayang napaatras siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka?"

Umiwas siya ng tingin. "Ano naman sa 'yo ngayon? Wala kang pananagutan sa akin. Hindi sa 'yo to," tanggi niya.

Bigla siyang hinawakan ni Lee sa magkabilang braso. "Look at me. Damn it, Georgina!"

"Ano ba? Nasasaktan ako!"

Napamura ang binata pero nakinig naman sa kanya. She rubbed her shoulders. "You're not supposed to be here."

"I have every right to be here because that's my child. Kung hindi ko pa aksidenteng nakita ang picture mo, tatanggalan mo pala ako ng karapatan sa anak ko?"

"This is not yours!" tanggi niya.

"Sino'ng niloloko mo?" umiling si Lee. "Hindi ako naniniwalang ganoon lang kabilis mo ako pinalitan."

"Hah! Ang laki naman ng bilib mo sa sarili. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo."

Umangat ang kilay ng binata. "Gusto mo ng patunay na nagsasabi ako ng totoo?"

Umabante si Lee na dahilan para mapaurong si Georgina. Pero wala na siyang mapupuntahan dahil katawan na ng puno ang nasa likod niya. Nanuyo ang lalamunan ng dalaga lalo na nang ilapit ni Lee ang mukha sa kanya. Then the back of his hand caressed her cheek.

"Need I remind you how you burn each time we touch?" mapang-akit ang boses na bulong ni Lee.

Much to her dismay, her body recognized the familiar warmth. Nanayo ang balahibo ni Georgina sa braso lalo na nang dumako ang mukha ni Lee sa gilid ng leeg niya. Parang nilalandi ng hininga nito ang balat sa leeg niya. Kinakapos na siya ng hininga. She didn't noticed she has been holding her breath.

Biglang lumayo si Lee. "Breathe, Georgina. I'm not going to devour you."

Doon pa lang niya pinakawalan ang na-trap na hangin sa baga. Pakiramdam ng dalaga ay puro hangin ang laman ng utak niya, hindi siya makapag-isip nang maayos. Isang sumusukong buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Let's talk once and for all."

"Alright."

Kasabay ng pag-upo nilang dalawa sa damuhan, tuluyang nang bumaba ang araw. The lights on the lawn came alive, bathing the sorroundings with soft yellow glow. Mukhang mga alitaptap ang mga maliliit na ilaw na nakapulupot sa mga sanga at katawan ng puno.

"Saan mo gustong mag-umpisa?" tanong ni Lee.

"Start with how you found me."

"Aksidente lang. Hindi ko nga alam na umalis ka pala ng bansa."

The underlying bitterness in his voice made her breath hitch. "Hindi mo alam?"

Umiling si Lee. "Kaya pala hindi kita matiyempuhan sa bahay n'yo, wala ka naman pala talaga sa Pilipinas."

"Inabangan mo 'ko sa amin?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Sa kabilang pader to be specific. Halos magkampo na ako sa bahay nina Mrs. Tan. I have no idea you're here. Kung hindi dahil sa OJT namin na pamangkin ng OB mo, hindi ko malalaman na nandito ka."

"How?"

"It was fated."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro