Everything Was a Ploy
Nawili siya sa pagbabasa at hindi namalayan ang paglipas ng mga oras. Kumukulo na ang tiyan niya. Hindi siya nakapagluto dahil wala naman si Lee. Sa labas na lang siya kakain.
Sa paborito niyang sea food restaurant sa mall nagpunta si Georgina. She ate with gusto, kinalimutan muna ang diet. Lately napapalakas ang kain niya dahil kay Lee. Binabawi na lang niya sa workout.
Patapos na siya nang makita ang pagpasok ni Lee. Huli na para umiwas dahil nagtama ang mga mata nila. Pareho silang nagulat nang makita ang isa't-isa. Pero ang lalong ikinagulat ni Georgina ay ang babaeng kasama nito.
Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Georgina. Bago pa siya makita ni Chantal ay tumalikod na siya para tumakas.
Sa Ladies' Room siya pumunta. Mabilis na nagtago si Georgina sa loob ng isang stall. Ngayon niya ramdam ang panghihinang kanina pa pilit na sumasakop sa buong sistema niya. Paulit ulit niyang nakikita sa isip si Chantal na nakakapit sa braso ni Lee.
Witnessing the happiness in Lee's face felt like someone put her heart into a blender and set it on high. Napayuko siya, pilit na nilalabanan ang pagtulo ng luha. Napatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng stall. Hindi pala niya na-i-lock.
"A-Anong ginagawa mo?" pabulong niyang tanong, "this is the ladies' room!"
"Wala akong pakialam."
Bigla siya nitong siniil ng halik. Ang traidor niyang katawan, agad-agad na bumigay. Maging nang pumasok ang kamay ni Lee sa damit niya ay hindi siya nagprotesta.
Darang na darang na siya sa apoy ni Lee nang tumigil ito. He swiped a thumb on her lower lip after dropping what seemed to be a last kiss.
"Mag-usap tayo mamaya."
Umiwas ng tingin si Georgina. Bumalik na naman ang bara sa lalamunan niya. Pinilit niyang pasiglahin ang boses, sinamahan pa niya ng ngiti.
"Ano pa bang pag-uusapan natin? It's none of my business kung sino ang kasama at ano ang ginagawa mo, Leandro. Wala sa akin 'yon."
She wished her fake bravado is convincing. Lalo pa niyang pinagbuti ang pagkakangiti. Smile, Georgina. Smile as if you're the happiest person in the planet. Smile until you fake it, damn it!
Napahugot ng hininga si Lee. "Okay. Mas mabuti na nga sigurong 'wag na lang nating pag-usapan."
"Sige na, lumabas ka na. Distract her for me, please? It would be awkward 'pag nagkita kami. Maaaring wala siyang alam sa nangyari noon but I can't face her yet," pakiusap ni Georgina.
"I'll see you later. Hintayin mo 'ko, sabay tayong mag-dinner."
Pakiramdam niya ay magka-crack ang mukha niya sa pagkakangiti. But she had to put up with the pretense.
"Alright."
Paglabas ni Lee ay tuluyang nag-unahan ang mga luha sa pisngi niya.
#
Kahit masama ang loob niya ay naghanda siya ng dinner. Ang huling text sa kanya ni Lee ay kanina pang alas sais at ang sabi nito ay papunta na. Pero malapit nang mag-alas otso ay wala pa rin ang binata. Malamig na ang pagkain, tunaw na rin ang yelo sa wine bucket.
Sa inis ay ni-lock niya lahat ng pinto, sinigurong naka-double lock para hindi makapasok si Lee. Pagkatapos ay ini-off niya lahat ng ilaw sa baba at umakyat sa kuwarto. Kung darating man si Lee ngayong gabi, sa labas ito matutulog.
Iniwan niyang bukas ang lamp shade sa tabi ng kama at ini-off ang cellphone para hindi siya ma-contact ni Lee. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw siyang dalawin ng antok kaya bumangon siya at hinanap ang sketch pad.
Muntik na niyang itapon ang sketch pad nang maalalang puro si Lee ang laman noon. Ganoon pa man, hindi niya magawa. Parang may sariling isip ang mga kamay niya na nagpatuloy sa pagguhit hanggang sa mabuo ang imahe ni Lee.
Mahigit dalawang oras na siya sa ginagawa nang makarinig ng boses galing sa labas. Bukas ang pinto ng terrace niya kaya hindi imposibleng marinig niya. Noong una ay nag-alangan pa siya pero nang magsalita uli ay nasiguro niyang si Lee nga 'yon.
"Georgina! Open the door, damn it!"
Ang una niyang plano ay 'wag pansinin ang binata. Pero umulan ng maliliit na bato sa terrace, nagtalsikan pa ang iba papasok sa kuwarto niya at ang iba ay tumama sa salamin ng pinto.
"Georgina!"
"Damn it!"
Bumaba siya para pagbuksan ang binata. Nangangamoy alak ito nang mabungaran niya, gulo ang buhok at namumungay ang mga mata.
"You reek of alcohol!" reklamo ni Georgina. Pumasok si Lee at ito na mismo ang nagsara ng pinto.
"Hindi ako lasing."
"Okay," nasabi na lang ni Georgina. Nagpatiuna siya ng lakad, kasunod niya si Lee. Natigil ang lalaki nang makita ang nakahain sa mesa.
"Aren't you gonna yell at me?"
She stopped. "For what?"
"Hindi ako nakarating sa oras ng usapan natin."
Nagkibit-balikat siya. "It happens. Chantal 'yon eh. Ano'ng laban ng dinner sa chances mong magkabalikan kayo? At least alam mo ang priorities mo. True, naiinis ako kaya ko ni-lock ang pinto. Ilang beses na kitang tinext at tinawagan di ka sumasagot."
Tinalikuran niya si Lee. Mabilis namang nakahabol sa kanya ang binata at naabutan siya nito sa pinto ng kuwarto niya.
"Mag-usap nga muna tayo," sabi nito.
She smiled weakly and gave him a pat on his cheek. Pakiramdam niya pagod na pagod siya.
"Magpahinga na lang tayo, lumalalim na ang gabi."
"Tumatakas ka na naman," parungit ni Lee nang tatalikod na sana siya.
"I'm not. Malapit na rin namang matapos 'to, bakit hindi pa natin paagahin?"
"What do you mean?"
Nilingon niya si Lee. "Let's consider this as our last night. Nandito na si Chantal."
"B-But..."
Mabilis niyang nilapitan ang binata at hinatak sa kamay. "I have yet to paint you," sabi niya, a naughty glint on her eyes, "naked."
She saw confusion flashed in his eyes sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Tinodo niya ang pag-arte. Matatapos na lahat ngayong gabi. Bukas, kailangan nang mawala ni Lee sa buhay niya.
Sinulit ni Georgina lahat ng natitirang oras. Naging sunod-sunuran si Lee sa lahat ng gusto niyang pose. Halos puno na ang sketch pad niya nang tuluyang mangawit si Lee. Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa katawan nito at dahan-dahang tumayo. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang pinapanood ito sa paglapit sa kinauupuan niya.
"I gave you plenty to work on. Now, get rid of this. Sinasayang mo ang natitirang oras na magkasama tayo," sabi nito at inagaw sa kanya ang hawak na sketch pad.
"L-Leandro..." pabulong na sambit niya nang itingala ng binata ang mukha niya. The way he looked at her made her knees weak.
"It's Lee," mahinang pagtatama nito sa kanya. He licked his lower lip as he gazed down into her eyes.
"L-Lee."
"Don't forget this," bulong ng binata bago sinakop ang labi ni Georgina.
Her eyes instantly closed when the warmth of his lips flooded her system. Napasinghap siya nang bumaon sa buhok niya ang mga daliri ng binata, his teeth biting down on her lower lip. Wala sa loob na napakapit siya sa batok ni Lee.
"And don't forget how you made me feel."
Nagdidiliryo na yata siya, kung ano ano ang naririnig niyang sinasabi ni Lee.
#
Kinabukasan, wala na si Lee nang magising siya. Tanging ang bakas ng ulo at amoy nito sa katabing unan ang palatandaang magkasama sila kagabi. Agad siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib pero pinilit niya ang sariling 'wag pakaisipin 'yon. Tapos na ang pagbabayad niya kay Lee. Moving on is the next best option.
Bago siya umalis papunta sa shop niya ay tinawagan muna niya si Ruben para maayos ang ipina-cancel niyang schedule. Pero hindi na niya ma-contact ang katiwala. Kung sabagay may natitira pang dalawang araw. Nag-text na lang siya baka sakaling mabasa din nito.
Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ni Georgina sa stool habang nililinis ang mga brush niya nang marinig niya ang pagtunog ng chimes sa baba. Baka si Ruben lang na nabasa ang text niya kaya sumunod dito.
"Good morning."
Sa gulat ay nabitiwan ng dalaga ang hawak. Bumagsak sa sahig ang pinagbabaran niya ng mga brush niya at kumalat sa carpet.
"W-What are you d-doing here?" gulat na tanong niya kay James. Ito ang pinakahuling taong inasahan niyang makikita niya sa Boracay.
"Dinadalaw ka?" nakangiting sagot nito.
"Don't play games with me, Sanders. Imposible namang nandito ka para magpa-tattoo?"
"Hindi ka pa rin nagbabago, masungit ka pa rin."
Kung naiinis siya kay Chantal dahil ito ang mahal ni Lee, mas ayaw niya sa kapatid nitong si James. The man's creepy vibe is too strong.
"Look, stop wasting my time, okay? Sabihin mo na kung ano ang ipinunta mo dito."
Parang nakakalokong sinuyod siya nito ng tingin. Pero sandali lang nangyari 'yon dahil naagaw ang atensyon nito ng painting na nasa likod ni Georgina. Nang sundan niya ng tingin kung saan nakatutok ang mga mata ng lalaki ay mabilis na tinakpan ni Georgina ang canvas.
"Hanggang ngayon pala hindi ka pa nakaka-get over kay Lee."
Kung paano nito nalaman na may pagtingin siya kay Lee ay hindi niya alam. Baka sa kapatid nito? Alam ni Chantal na halos sambahin niya ang lupang nilalakaran ni Lee.
"Kung wala kang sasabihin, umalis ka na."
"Okay, I'll cut the chase. Here." Inabot ni James sa kanya ang isang brown envelope. Katulad ng nakita niyang nakaipit sa rack ng catalogues niya sa baba, may logo ito ng Plata Estates.
"Aanhin ko 'yan?"
"Bakit hindi mo basahin?"
Para matapos na ay tinanggap ni Georgina ang brown envelope. Binasa niya ang nakasulat sa documents na laman nito. Sumulak ang galit sa dibdib niya nang maintindihan kung ano ang sinasabi niyon. Si James ang may-ari ng Plata Estates!
"This is fake!"
"No, it's not. Pirmado mo ang deed of sale na nandiyan."
Nalilitong hinanap niya ang sinasabi ni James. Mukhang pirma nga niya ang nasa Deed of Sale. Pero paanong nangyari 'yon?
"Wala akong pinirmahang ganyan!"
Tumaas ang kilay ni James. "Come one, Georgina. Nasa akin lahat ng mga dokumento, kasama na ang titulo nitong lupa."
Imposible! Nasa safe niya sa bahay ang document na sinasabi ni James. "Tulog ka pa yata? I suggest you go back to sleep, Sanders. Mukhang malala na 'yang ilusyon mo."
A knowing smile lit his features. "Humingi ako ng tulong kay Lee. Knowing him, gagawin niya lahat para magkabalikan sila ng kapatid ko. Kaya nga niya tinanggap ang consultancy sa project na 'to kahit wala na siya sa Sanders Dev."
Napaawang ang bibig niya sa pagkabigla. Pakiramdam ni Georgina niratrat siya ng AK-47.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
"He's the project consultant. Anyway, I'll give you two days to vacate my property. I'll leave your copy here. Good day, Georgina."
Kahit ano'ng gawin niyang basa ay iisa ang sinasabi ng document; naibenta na niya ang property sa Plata Estates sa halagang limang milyon.
Ano sa tingin mo ang tunay na dahilan kaya lumapit si Lee sa 'yo? Siyempre tutulungan nito si James dahil kay Chantal. Front lang niya 'yong magbabayad ka raw kuno ng kasalanan mo. Ikaw namang si tanga, nauto. Na-two in one ka, girl.
Umiiyak na nilakumos niya ang papel. Walang itinira si Lee sa kanya, kinuha nito lahat!
Damn you, Leandro!
#
Pilit niyang ibinabalik ang atensyon sa kuwento ni Chantal. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili. He should be happy now that Chantal is here. But he feels hollow instead. Kung kailan naman mukhang malaki ang pag-asang magkabalikan sila ng ex-fiancee, doon naman parang ayaw na niya.
"Lee, are you listening? Kanina ka pa nakatitig d'yan sa cellphone mo," puna ni Chantal na nanunulis ang nguso. Halatang nagtatampo na ang babae.
"Sorry, medyo distracted lang. May hinihintay kasi akong report," palusot niya.
Sumimangot ito. Chantal is cutely posh. 'Yong tipo ng babaeng mukhang babasagin na kabaliktaran ni Georgina. The latter posses such swag and easy confidence that makes her ten times more attractive.
Wala sa loob na naipilig niya ang ulo. Stop comparing them, damn it!
"Something's on your mind."
"Work."
"Hmm."
Nagulat na lang siya nang mag-vibrate ang cellphone. Pangalan ni Georgina ang nag-flash sa screen.
Meet me at my house. ASAP.
Hindi nag-iisip na napatayo si Lee. "I have to go."
"What? Hindi ka pa nakakakain."
Hindi pa nga niya nababawasan ang pagkaing nakahain sa harap niya. Mula nang dumating si Chantal sa isla ay palagi itong nagpapasama sa kanya kung saan. Ngayon ay nasa isang open cafe sila nagmemeryenda.
"I'm sorry. Importante lang talaga."
Bukas ang pinto nang makarating siya sa bahay ni Georgina. Nakailang tawag na siya sa babae pero walang sumasagot. Wala din ito sa kuwarto nito sa itaas kaya bumaba siya para hanapin sa ibang parte ng bahay. He found her in the kitchen, staring at nothing outside the window facing the beach.
"Georgina?"
"How could you do this to me?" walang buhay ang boses na tanong ng dalaga.
Nagtaka siya. "Hindi kita maintindihan."
Noon humarap ang dalaga. Nagulat si Lee nang makita ang namumugtong mga mata nito. Lalapitan na sana niya si Georgina pero umiwas agad ito. Parang may higanteng kamay na dumakot sa dibdib niya. Gusto niyang damayan ang babae kung ano man ang pinagdadaanan nito pero tinanggihan siya.
"Hindi mo maintindihan?" she scoffed. "Alam mong importante sa akin ang huling regalo ng kapatid ko. I thought, in some way brought by our twisted circumstances, we're sort of friends. Hindi pala. Palabas lang pala ang lahat para mabilog mo ang ulo ko!"
"What are you talking about?"
"Oh please! Stop acting innocent! Ikaw ang nagbigay kay James ng titulo ng lupa, na kinuha mo sa safe ko kuwarto!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro