Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XII

PAGDATING sa kuwarto ay mabilis niyang ini-lock ang pinto. Mahirap na baka may pumasok. Pagkatapos ay hinarap niya ang binata na ngayon ay abala sa pag-uusyoso sa mga gamit niya.

"Dito ka lang, pagbalik ko magkaliwanagan nga tayo. Naguguluhan ako sa 'yo sa totoo lang."

"Ako rin, gulong-gulo sa 'yo. Nabaril ka lang, ang laki ng ipinagbago mo. I feel that you don't like me anymore."

Dinuro niya ang noo ni Lee. "Huli ka na sa balita, matagal na kitang hindi like. Bago pa man tayo nagkita sa Boracay, nakalimutan na kita." She heard her inner self scream like a mad woman for that lie. Bakit ba? Naghabi na siya ng kung ano-anong kasinungalingan, panindigan na niya.

Isang malalim na paghinga ang isinagot ng binata. "Sinungaling talaga 'yang bibig mo. Mabuti pa katawan mo, honest."

"Aba't—-"

"Sshh." Hinarangan ng hintuturo ni Lee ang mga labi ni Georgina, tuloy hindi niya nadugtungan ang sasabihin. "Sige na, bumaba ka na. Baka sakaling kapag nakakain ka na, maging totoo ka sa nararamdaman mo."

"Hin—"

"Ang kulit!"

Hinatak siya ng binata palapit. Then their lips instantly met and locked, familiar with each other's taste. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Lee na makatakas dahil hinawakan siya nito sa likod ng ulo.

Georgina is floating, the powers of gravity inexistent against the power of the man kissing her. Lalo siyang namlambot nang hapitin pa siya nito sa baywang at ilapit pa sa katawan nito. He felt so warm. Nalasing siya sa epekto ng halik ng binata, nakalimutan na niya ang lahat ng bagay sa paligid maliban sa lalaking kahalikan niya ngayon.

Her eyes were half-close when he pulled away, his own gaze hooded as his thumb caressed her swollen lips. Hindi pa siya nakakababa sa high na dulot ng halik ni Lee kaya mukha siyang ewan.

"I'll be waiting."

"D-Doon ka sa closet ko m-maghintay, b-baka may pumasok bigla."

"Where's your closet?"

Itinuro niya ang pinto sa tabi ng bathroom. Pero bago pa man makakilos si Lee ay narinig ni Georgina ang mga yabag papalapit sa kuwarto niya. Hindi na siya nag-isip, siya na ang kusang humatak sa braso ng binata at mabilis niyang binuksan ang closet tangay si Lee. Saktong kasasara lang niya ng pinto nang marinig niya ang boses ng kapatid.

"Georgina?"

Paglingon niya ay nakaupo na si Lee sa stool sa harap ng vanity table niya at inuusyoso ang mga nakapatong doon. Sinenyasan niya ang binata na manahimik. Lumunok muna siya bago sumagot.

"Po?"

"Are you in there?"

"Nagbibihis lang, Kuya. Susunod na po ako."

Sa lahat ng pagkakataong puwedeng matumba ang mga bote sa ibabaw ng vanity table niya, 'yon pa talaga ang napili ng pagkakataon para mangyari. Nasagi ni Lee ang isang bote ng pabango niya at nagkaroon ng domino effect sa mga katabi nito.

Pakiramdam ng dalaga ay umakyat ang dugo sa ulo niya. Hindi magkandaugaga ang binata sa pag-aayos sa mga natumbang bote kaya lalong umingay. Kung wala lang ang kapatid niya sa labas ay malamang nagtitili na siya sa inis. Pero wala siyang nagawa kundi pandilatan at ambaan ng kamao si Lee.

"Georgina? Okay ka lang d'yan? Open the door now!"

"No need, Kuya. Nasagi ko lang ang isang bote sa table kaya natumba," kagat-labing palusot niya.

"Hindi ka nasugatan? Baka may nabasag."

"Hindi po."

Kakaba-kabang naghintay siya sa isasagot ng kapatid. Nakapagtatakang hindi agad sumagot ang Kuya Gael niya. Nang sa inaakala niyang sasabog na ang dibdib niya sa kakahintay, narinig niya ang boses ng kapatid.

"Sige."

Para siyang tinakasan ng lakas nang marinig ang papalayong yabag ng kapatid. Pagkatapos ay nilapitan niya si Lee at sinapok.

"Aray! Bakit ba?"

"Nagtanong ka pa? Muntik nang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko sa sobrang kaba dahil sa pagiging clumsy mo. Diyos ko! Itinaon mo pa talagang nasa labas lang ng pinto si Kuya Gael! Gusto mo bang mabugbog? Matalino ka naman, hindi ka nag-iisip!" sermon niya sa binata.

Imbes na patulan siya ay nanunuksong ngumiti si Lee. "Concerned ka sa akin, ayaw mong mabugbog ako ng Kuya mo? I'm touched."

Akmang mananapok uli pero nasalo ni Lee ang kamay niya. "Hey, tama na ang isa. Hindi ko alam na bayolente ka pala. Pero hindi bale, bugbugin mo man ako babawian na lang kita ng matinding pagmamahal."

Naningkit ang mga mata niya sa pagkakatitig kay Lee. "Ano ba talaga ang totoong ipinunta mo rito?"

"Ikaw. Sinabi ko na sa 'yo na gusto kong mag-usap tayo."

She crossed her arms in her chest. "Sige, mag-usap tayo. Ano pa ba ang hindi mo nasasabi, ha?"

"Nasabi ko na sa 'yo na na-mi-missed na kita," sabi ni Lee.

"Libog lang ng katawan ang dahilan n'yan. Madaling solusyunan, may Chantal ka naman. Next,"

"Hey! Mas marunong ka pa sa nakakaramdam ah. Walang kinalaman si Chantal dito, nananahimik na 'yong tao dinadamay mo."

"Ah so hindi siya involve dahil hindi niya matugunan ang pangangailangan mo? Naubusan ka na ba ng babae? Sorry but I am not available anymore. Maghanap ka na lang ng iba, pasensya ka na kung nagpagod ka pang pumunta dito."

Parang nauubusan ng pasensya na napabuga ng hangin si Lee. "Walang kinalaman si Chantal dito dahil wala kaming relasyon. Iniisip mo bang nagkabalikan kami? You're wrong."

Hope flickered in her chest but she suppressed it. Tinaasan niya ng kilay ang binata.

"Hindi umubra ang diskarte mo sa kanya para magkabalikan kayo? Tsk. Don't tell me kinakalawang ka na, Leandro."

"Hindi ko itinuloy ang panliligaw sa kanya. I realized I don't feel the same way for her anymore. Ngayon ako nagpapasalamat kung bakit todo ang pakipot niya noon. Kung nagkataong tinanggap niya ako agad, eventually ay magsisisi ako. I think this is bound to happen."

Gusto niyang sawayin si Lee, na tigilan na nito ang pagtitig sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito. Kasi hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, hindi niya maiwasang umasa. Hindi rin nakatkatulong sa plano niyang kalimutan ito ang pagkakalapit nila ngayon. The way his kissed made her feel kept playing in her mind.

"Don't you want to ask me why?" mahinang tanong ni Lee. Tumayo ang binata at sa paghakbang nito ay napalapit pa sila lalo sa isa't isa.

"W-Why?"

"Because I am already in love with someone else," sabi ng binata. Hinawi nito ang ilang buhok na nalaglag sa gilid ng mukha niya. He then framed her face in his hands.

"L-Leandro..."

"I have never known fear so great it rendered me useless until the night you were shot. Nang bumagsak ka sa katawan kong duguan, it felt like my heart stopped. Takot na takot ako noon, Georgina. I'm so scared na sa susunod kong paggising wala ka na sa mundong 'to. Hindi ka pa puwedeng mamatay dahil hindi ko ka nasasabi sa 'yo mahal kita."

"T-This is a j-joke, r-right?"

"Why would I joke about loving the most wonderful, sexy, funny, brave and feisty woman who turned my world upside down? The past two months I nearly went insane, kulang na lang i-admit ako ng mga magulang ko sa asylum. Wala akong tulog na maayos, hindi rin ako makapagtrabaho."

She shook her head, still in denial. "B-Bakit mo sinasabi lahat ng 'to?"

"Isn't it obvious? Gusto kong mahalin mo uli ako, gaya ng dati. Gusto kitang ligawan kaso ayaw ng Kuya Gael mo. Ilang beses na akong nakiusap sa kanya, I even went to his office to ask to see you. I asked for my parents' help but there's nothing they can do. Suportado ng mga magulang mo ang kapatid mo," nakalabing reklamo ni Lee.

"A-Are you sure na hindi libog 'yan? Baka naipagkamali mo lang sa pagmamahal. I know you, Leandro. You're insatiable," hirit niya.

"Letter "N" lang ang diperensya ng puso sa puson. Pero alam na alam ko ang pagkakaiba ng nararamdaman ng dalawa. Dahil noong inilayo ka na ng pamilya mo sa akin, ito 'yong masakit," turo ni Lee sa tapat ng puso.

"Paano ako nakakasigurong hindi mo ploy ito to get me into your bed again?"

"Give me a chance."

Pareho silang nagulat nang biglang bumukas ang pinto. "Sinasabi ko na nga ba!"

Bago pa sila makakilos ay nakapasok na si Gael. Si Lee agad ang pinuntirya nito at binigyan ng isang suntok sa panga. Bumagsak si Lee sa carpeted na sahig at susundan pa sana ng kapatid niya kung hindi lang naiharang ni Georgina ang katawan.

"Kuya, tama na!"

"Umalis ka d'yan, Georgina!" Pulang-pula ang mukha ng Kuya niya.

"Ako ang nagpapasok sa kanya! It's all my fault, so don't hurt him!"

"Itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking 'yan, wala kang mapapala sa kanya!" sikmat ni Gael.

"Alam ko. Pero wala ka pa ring karapatan na saktan siya. Ako ang nagpakagaga sa kanya, hindi niya hiningi dahil kusa kong ginawa." Bumaba ang boses niya.

"Pinagsamantalahan niya ang damdamin mo!"

"No, he didn't!" pilit niya.

"Georgina, it's okay. Tama na," bulong sa kanya ni Lee.

Naluluhang tinitigan niya ang binata. Putok ang labi nito at nag-uumpisa nang mangitim ang gilid ng bibig kung saan tumama ang kamao ng kapatid niya. Without thinking, she touched his face with trembling hands. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha ng dalaga.

"I'm sorry."

Umiling si Lee. Ngumiti pa rin ito sa kabila ng sakit na nararamdaman.

"I'll be okay as long as I have you. Kaya kitang ipaglaban, hindi kita isusuko. So please don't cry. It hurts me more than your brother's punch."

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Lumapit si Gael at pilit siyang hinatak palayo kay Lee.

Hindi siya pumayag, kusa siyang yumakap sa binatang lugmok pa rin sa sahig, trying her best to protect him from her angry brother.

"No!" tanggi niya.

Inubos niya ang lakas sa pagkakakapit kay Lee. Once she let go of him, no one could tell what her brother would do. Kailangan niyang protektahan si Lee kahit na anong mangyari. She braved bullets for him before, she would protect him from her brother now.

"Damn it, Gael! You're hurting her! Stop!"

"Gael, Georgina! Ano'ng nangyayari dito?" Hangos na pumasok ang Daddy niya kasunod ang Mommy niya at si Mae. "Mr. Zervos? What are you doing here?"

Noon pa lang siya tinigilan ng kapatid. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Lee at paghaplos nito sa likod niya. Iyak siya nang iyak habang nakasubdob ang mukha sa dibdib ng binata. Masakit ang braso at balikat niya pero binalewala niya iyon.

"Shhh...tahan na," alo sa kanya ng binata. Naramdaman niyang kumilos si Lee para tumayo, tangay siya. Ilang sandali pa ay maayos na silang nakatayong dalawa kaharap ang buong pamilya niya. His arm were around her protectively.

"Magpaliwanag ka, Mr. Zervos. Bakit ka nandito sa loob ng kuwarto ng anak namin?" usisa ng Daddy niya.

"Pasensya na ho kayo, Sir. I just ran out of options. I love your daughter that's why I asked permission to see her. I need to tell her how I really feel pero hindi n'yo ho ako binigyan ng chance."

"Hindi ako makakapayag na bilugin mo ang ulo ng kapatid ko!" Akmang manunugod uli si Gael pero napigilan ng Mommy niya.

"Ang hirap sa 'yo, hinusgahan mo ako agad," ganti ni Lee.

"Ano ba talaga ang intensyon mo para sa anak namin, Mr. Zervos?" malumanay na tanong ng ginang ng tahanan.

"Malinis ho ang intensyon ko kay Georgina, Mrs. Valdez. Handa ho akong pakasalan siya kahit ngayon din kung 'yon ang paraan para patunayan 'yon sa inyo," diretsong pahayag ni Lee.

Ikinagulat ni Georgina ang narinig. Bigla siyang natigil sa pag-iyak at tiningala ang binata.

"You're kidding, right?"

"I'm ready to marry you any time, just say a word and it shall be done."

"S-Sigurado ka?"

"Yes," walang gatol na sagot ng binata.

Tumikhim ang Daddy niya. Napatingin silang lahat dito.

"Bumaba na tayo at doon mag-usap."

"Dad!" protesta ni Gael.

"Come on, son. Don't let your fist do the talking."

*****

MAAYOS na nagkausap ang dalawang panig. Sa wakas ay pinayagan ng mga magulang niya si Lee na makadalaw sa kanya. Natapos ang mala-presong set-up na ibinigay sa kanya ng Kuya Gael niya dahil doon. Pero hindi nito inalis ang mga bodyguards niya.

Napasimangot na lang si Georgina, wala na siyang magawa. Ganoon pa man ay parang gumaan ang dibdib niya. Puwede na siyang lumabas, 'yon lang may bantay pa rin. But it's better than being cooped up inside their house.

Iniwan na sila ng pamilya niya sa sala habang ginagamot niya ang sugat ni Lee. Nailang siya sa ginagawang pagtitig sa kanya ng binata kaya diniinan niya ang bulak.

"Aray! Dahan-dahan naman. Ang bigat ng kamay mo."

"Tigilan mo kasi 'yan," saway niya.

"Ang alin?"

"'Yan. Don't look at me like that."

"Like what?"

Diniinan uli niya ang bulak pero parang walang naramdaman si Lee, hindi man lang umaray. Nag-iinarte lang ba 'to kanina?

"Like I'm the center of this damned universe!" nakairap na sagot niya.

"But you are the center of my universe. You are my sun."

Ramdam niya ang nagbabantang pag-iinit ng mukha. Ano ba yan, tinablan siya ng ganoong kakornihan? Malala na nga yata ang tama niya. Umiwas siya ng tingin.

"Ang corny mo."

"In love eh."

His words made her shiver as goosebumps invaded her arms and legs. "Tumigil ka sabi eh! Nakakapangilabot ka na Leandro."

Somehow, inasahan niyang gagantihan siya ng pabirong banat ni Lee pero hindi nangyari. Sa halip, bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya dahilan para mapaatras siya.

Gulat na gulat siya dahil seryosong-seryoso ang mukha nito, wala man lang bahid ng kahit na anong uri ng ngiti. He advanced and she retreated. Dalawang beses nilang ginawa hanggang sa dumikit na ang likod niya sa arm rest ng sofa.

"L-Leandro..." mailap ang mga matang sambit niya sa pangalan ng binata.

"Look at me, Georgina," utos nito sa mahinang boses, parang bulong lang. May kung anong panghalina ang boses ng binata para mapasunod siya. She found herself slowly raising her chin to meet his eyes.

"I love you," deklara ng binata nang magtama ang mga mata nila.

She had never seen him look at her with tender eyes until that moment. Unti-unting nabuhay ang damdaming pilit niyang itinatago kay Lee. Gustuhin man niyang umiwas ng tingin ay hindi niya magawa. Her soul was bared as he looked deep into her eyes, stripping all of her layers one by one. Then, a lone tear trickled down her face.

Sinalo iyon ng hintuturo ni Lee. Sa sandaling dumikit ang daliri ng binata sa balat niya ay para silang sinapian ng kung anong magic. Georgina then closed her eyes. Para silang puppet na kinokontrol ng isang insivible na kamay. Nagdikit ang mga noo nilang dalawa, Lee's lips hovering above hers.

"I love you," he whispered.

Words failed Georgina. Pero hindi iyon nakapigil sa kanya para sagutin si Lee. She let her palms glide up his arms, meeting at his neck. Nagmulat siya ng mga mata para titigan ang binata. Walang nagbago sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Happiness flooded her heart, filling it up until she's almost close to bursting.

"I loved you first."

"So? Hihigitan ko 'yon. Pero kailangan muna nating ibalik 'yong nawalang pagmamahal mo sa akin para fair."

Napakagat-labi siya, pigil ang ngiti. Walang kasiguruhan sa mundo. Wala rin siyang assurance na hindi magbabago si Lee. Pero siguro panahon na para sumugal siya uli, gaya noong pagsugal niya sa gabi ng bachelor's party nito.

She will never know unless she tried. Ayaw niyang magsisi sa huli. Masaktan man siya, at least masasabi niya sa sarili na sumubok siya.

"Hindi naman nawala, nagpahinga lang."

Namilog ang mga mata ni Lee. "Y-You mean...y-you're s-still in love with me?"

Napangiti siya sa sarili. Bakit ba ngayon lang niya nakita 'yon? Sa piling ng lalaking ito, she can already see a better version of herself. Gaya ng ipinangako niya sa namayapang kapatid, babalik siya bilang bagong Georgina.

"Oo. Pinilit ko lang itago kasi naman ang alam ko si Chan—"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi. Lee silenced her with his lips and she can do nothing but melt in his arms. Kung saan man naroroon ang Kuya Gabriel niya, sigurado siyang malapad ang ngiti nito. Because finally, she's truly happy.

"Marry me," bulong ni Lee sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Isn't it too soon?"

"Hindi na ako makapaghintay. Gustong-gusto ko nang makasama ka. I don't think makukuntento ako sa ganito. I want to spend each night in your arms and wake up each morning with you next to me. I want little Georginas running around the house in the next two years, too."

"Hoy, anak agad?" nandidilat na bulalas niya.

"Kaya nga gusto na kitang pakasalan agad. Sa tindi ang pagka-missed ko sa 'yo, baka mauna ang baby," nakangising sagot ni Lee.

"Sinapian ka na naman!"

"Sige na, please?"

"Hindi ganoon kadali maghanda ng kasal, ano ka?"

"Mabilis lang 'yan, marami akong pera. We can make it happen in a month," apela ni Lee.

"Six months!"

"Masyadong matagal," reklamo ng binata. "Three months."

"Four," sabi niya.

"Deal."

"Kausapin mo ang parents mo, ako na ang bahala kina Mommy."

"Yes!" Tuwang-tuwang niyakap siya ng binata.

The next day, she brought him to her brother's resting place. Pormal niyang ipinakilala si Lee bilang boyfriend at nagkuwento siya nang nagkuwento hanggang sa mauwi siya sa pag-iyak. Lee didn't say anything, tahimik lang siya nitong niyakap at inalo. When her tears dried, she traced Gabriel's name on the marker with a smile.

"I'll take care of your sister, Gabriel. I promise I'll love her and make her happy until my last breath. Bibigyan ka rin namin ng maraming pamangkin, my first born son will be named after you. Para 'pag nagkita tayo, 'di mo ako masapak gaya ng ginawa ni Gael," sabi ni Lee sa puntod ng kuya niya.

Umihip ang malamig na hangin. Nagkatinginan sila ng binata at parehong natawa. She's glad Gabriel approved. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg ni Lee.

"Sabi mo kagabi, I am your sun?" nakangiting tanong niya.

"Indeed you are."

"And you are mine," deklara niya.

Ngayon, tapos na siyang mabuhay sa paninisi sa sarili. She's going to live for herself, for Lee and for the wonderful future they're going to build together.


WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro