Chapter X
ISANG malawak na niyugan sa masukal na bahagi ng isla ang location na sinasabi ni James. Gaya ng gusto ng lalaki, mag-isa siyang pumunta sakay ng scooter niya.
Ginamit niyang guide ang cellphone niya para matunton ang eksaktong lugar. Isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at nipa ang naaninag ni Georgina sa liwanag ng buwan.
Pinatay niya ang scooter at bumaba. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa madilim na kubo. Mukhang walang tao, ni kaluskos wala siyang naririnig. Pero may pakiramdam siyang may nagmamasid sa kanya.
"Marunong ka naman palang tumupad sa usapan." Lumitaw si James mula sa pinagtataguan nito.
"Where is he? Dala ko na ang kailangan mo."
Humalakhak si James. "All this in the name of love? Wow! Lee should be flattered."
"Masyadong malikot ang imagination mo."
Itinaas ni James ang magkabilang kamay. "Masyado kang defensive, nahahalatang in love ka pa rin kay Lee." Sinundan nito ng isa pang tawa ang sinabi.
Hindi kumibo si Georgina. Naghahalo ang galit niya kay James at takot para kay Lee.
"Nasaan si Lee!"
"Relax. I'll take you to him. Akin na muna ang mga documents."
"O, isaksak mo sa baga mo!" Hinampas niya sa dibdib ng lalaki ang hawak na envelope. Balewalang natawa lang uli si James kahit napaatras ito sa pagkakahampas niya.
"Come on." Hinawakan siya ni James sa braso at kinaladkad. Pilit na humahabol si Georgina sa laki ng mga hakbang ng lalaki.
Mahigit fifteen minutes siguro silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang malaking bodega. Doon siguro nilalagay ang mga produkto ng niyugan. May dalawang lalaking nagbabantay na nagbukas sa kanila ng pinto matapos kumatok ni James ng apat na beses.
Malaki ang bodega at maraming laman. Katunayan ay parang pader ang mga patong-patong na sako ng koprang bumungad kay Georgina. Maliwanag sa loob dahil may ilaw, kabaliktaran ng kubo kanina.
"Kamusta ang bisita natin?" tanong ni James.
"Gising na boss. Pinaliguan namin gaya ng bilin n'yo." Nagtawanan ang mga ito pati na rin si James.
"Good," tuwang tumango si Lee. Itinulak siya nito pasulong. "Lakad!"
Sa likod ng sako-sakong kopra ay naroon si Lee. Nakatali ang binata sa isang poste sa gitna ng bodega, may busal sa bibig at duguan ang harap ng damit nito. Wala itongsuot na sapatos.
"Leandro!" sindak na tinakbo ni Georgina si Lee. Nag-angat ito ng ulo nang marinig siya, paulit-ulit na umiiling.
Una niyang tinanggal ang busal sa bibig ni Lee. Hindi na niya napigilan ang maluha nang makita ang mukha nito. Halos magsara ang isang mata, sugatan ang gilid ng labi at nangingitim ang pasa nito sa bandang panga. May natuyong dugo rin sa noo ng binata, malapit sa hairline nito.
"Oh, god! Are you alright?"
"Y-You shouldn't b-be here!"
"Hindi ka niya matiis eh," singit ni James na nanonood sa kanila. "May kailangan ka pang gawin para sa akin, Georgina."
"W-What? Tumupad ako sa usapan, James!"
"I'm afraid I lied," sabi nito. Naupo ito sa upuang inilagay ng isa sa mga tauhan nito. Sumunod ay naglagay din sila ng maliit na mesa sa harap ni James. "Come here."
"'Wag kang papayag kung ano man ang hinihingi niya," pigil sa kanya ni Lee.
Tinitigan niya ang binata, para siyang sinasakal sa nakikitang paghihirap nito. Hindi niya kaya. So she turned and slowly walked towards James. Nagbingi-bingihan siya sa sinasabi ni Lee.
Kung kailangan niyang maging manikang de susi kung 'yon ang gusto ni James, so be it. She realized upon coming here that she would do anything for Lee.
"This document states that you sold your land to me out of your own free will," nakangising tinulak ni James palapit sa kanya ang ilang papel kasama na ang ballpen.
Asshole.
Sandaling tinitigan ni Georgina ang papel pero wala naman siyang maintindihan sa nakasulat doon. Ang tanging nakikita niya ay duguang mukha ni Lee.
"Don't do it!" Narinig niyang sigaw ni Lee.
She bit her lip, tears flooding her eyes once more. 'Pag ginawa niya 'to ay hindi na niya mahahabol si James sa korte. Tuluyang mawawala sa kanya ang huling regalo ng Kuya Gabriel niya.
"O baka naman kailangan mo pa ng motivation para pumirma? Boys, mag-exercise nga muna kayo."
Sabay-sabay na nilapitan ng apat na lalaki si Lee. Napasigaw si Georgina nang sabay na undayan ng suntok ng mga lalaki ang binata.
"Stop it! I'll sign the damned papers!" tili ni Georgina.
"Tama na 'yan," agad na utos ni James.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Georgina ang ballpen. Mabilis niyang pinirmahan lahat ng dapat pirmahan. Ibinato niya kay James ang ballpen.
"Ayan!"
Hindi na nakita ni Georgina ang pagsenyas ni James sa mga kasama. Nagulat na lang siya nang bigla siyang hawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Ang isa naman ay lumapit sa likuran niya na may hawak na lubid. Tinakpan ng isang lalaki ang bibig niya. Nanlaban siya pero walang nagawa ang lakas ng dalaga.
"Hindi ko natatandaang sinabi kong pakakawalan ko si Lee. Ang sinabi ko, dalhin mo dito ang mga kailangan ko kung gusto mo pa siyang makita," ngising-demonyo si James. "Itali n'yo silang mabuti at dalhin sa yate para maitapon sa dagat."
*****
NAWALAN siya ng malay sa bugbog. Nagising lang siya nang parang may bumagsak na mabigat sa katawan niya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasiguro niyang hindi na siya nakatali sa poste. Nakahiga na siya sa sahig, at si Georgina ang sinalo ng katawan niya. Katulad niya ay nakatali na rin ang dalaga.
"James! You son of a bitch! Leave her out of this!"
"I'm afraid that's impossible, bro. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ko kayo paghihiwalayin. In fact, magkasama kayo hanggang impyerno." Nawala ang ngiti sa mukha ni James. "You'll both pay for what you've done to my sister!"
"Is this all for your ridiculous revenge?!"
"Well, part of it. Pero walang nakakatawa sa kahihiyang binigay mo sa pamilya ko. Those elite snobs have always looked down on us because our mother is just a secretary. Despite that, Chantal has always been Dad's favorite. Pero nagbago lahat nang 'yon nang hindi matuloy ang kasal n'yo! Now, we're reduce to begging for scraps of his attention and my position in the family corporation is in danger!" labas-litid na tungayaw ni James.
"We have nothing to do with your family drama!" ganting sigaw niya. His heartbeat raced, nearly exploding with the thoughts running through his head.
"Tama ka. But you and Georgina made matters worst. Kaya dapat lang na mawala kayong dalawa para matahimik na ang kapatid ko. Sa una lang siya malulungkot but I'm sure she'll get over you soon. Marami namang mas bagay sa kanya. Like David, for instance."
"David Climaco?"
"Hindi mo alam? David is in love with my sister for years, bago pa naging kayo ni Chantal. Anyway, that's another story for another day. Wait, hindi na nga pala kayo sisikatan ng araw." Sinundan 'yon ni James ng halakhak.
Pagkatapos ay itinayo na silang dalawa ni Georgina ng mga tauhan nito at sapilitang kinaladkad. Umiiyak ang dalaga pero wala silang magawa. Sigaw siya nang sigaw na pakawalan ng mga ito ang babae pero walang nakinig.
"Patahimikin n'yo nga 'yan, nakakarindi ang ingay," utos ni James.
Nasa dalampasigan na sila. His fear suddenly spiked up. 'Pag nakapasok sila sa yate ay game over na. Magiging pagkain na lang sila ng mga isda sa dagat ni Georgina. Alam niyang walang silbi pero ginawa pa rin niya.
Nasalabid ang paa ng isang lalaking may hawak sa kanya. Bumagsak ito kasama siya at ang isa pang lalaki sa kabila niya. Pagkakataon na niya. Kinagat niya ang braso ng isang lalaki at inipit ang leeg ng isa sa mga binti niya. Naghalo ang sigaw ng sakit at mura ng mga ito.
May humatak sa kanya pero hindi na niya alam kung sino. All he can think of is to make things hard for them. Parang narinig niya ang boses ni Georgina pero hindi siya sigurado. Kasunod noon ay may humampas sa kanya sa batok.
Pakiramdam niya ay umikot ang paligid, kumalat ang kirot sa buong ulo niya. Unti-unti siyang nanghina. Apat na mukha ang lumitaw sa line of vision niya.
"Tatlo kayo hindi n'yo kayang pigilan?!" galit na sermon ni James sa mga kasama.
"Sori, boss."
"Where's Georgina?!"
"Nandito, bossing!"
Mula sa di-kalayuan ay narinig niya ang isang boses na parang hinihingal. He tried turning his head toward the voice and he saw Georgina being dragged by her hair. Nang makalapit sa kanila ang lalaki ay itinulak nito ang dalaga. Sumubsob sa buhangin si Georgina malapit sa kanya. Wala na ang tape sa bibig nito.
"L-Leandro..." she sobbed. Red tinged his vision when he saw her face. Putok ang gilid ng labi nito. Galit na galit siya hindi lang kay James kundi pati na rin sa sarili. Wala siyang magawa para iligtas ang dalaga.
"Tuluyan na natin dito, boss. Pahirapan pa ipasok sa yate ang mga 'yan saka natin itapon sa dagat," sabi ng lalaking kumaladkad kay Georgina.
"Mabuti pa nga. Sakit sa ulo pa natin 'to. Akin ang baril," utos ni Lee.
Pareho silang natulala ni Georgina. They're literally sitting ducks, waiting for the hunter to fire his gun. Suddenly, every sound grew muted. Ang tanging naririnig niya ay ang pag-iyak ni Georgina at ang malakas na kabog ng dibdib niya. Napausog siya palapit sa babae. They're dying tonight.
It's over.
Napapikit siya. Nang umihip ang hanging-dagat ay nanuot sa ilong niya ang amoy ni Georgina. She smelled of lavender. Despite his imminent death, he smiled to himself. It's a pity he would die without holding her in his arms for the last time.
"Bago ka nga pala magpaalam, may regalo ako sa 'yo."
Napadilat siya sa narinig.
"That woman bribed David to sneak her in your bachelor's party."
"No. That's not possible. There is nothing she can offer to make him betray me," tanggi niya.
"Ow? Siya lang naman ang nagbigay ng mga ebidensya kay David para maipakulong ang step mother niya. David confessed Georgina provided him with air-tight evidences to prove that his father didn't die by accident. Although how Georgina managed to do that is beyond me."
Gulat siya sa narinig. Pero importante pa ba 'yon? Mamamatay na sila.
"Tapos ang kuwentuhan. Say bye bye, kiddos."
James fired.
*****
HE expected the bullet to hurt but there was no pain. Sa halip, katawan ni Georgina ang sumalo sa balang para sa kanya. Nanigas ang katawan niya when it sinked in what she did.
"Georgina!"
Ngumiti si Georgina. But her smile turned into a grimace. Then she coughed blood, it spilled on his blood caked shirt. Unti-unting pumikit ang dalaga hanggang sa nawalan na ito ng malay. Napakurap siya, hindi makapaniwala.
His eyes blurred. "Georgina?" parang tangang ulit niya.
Walang sagot mula sa dalaga. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Biglang nawala sina James pati na ang mga tauhan nito. Naririnig niyang dumami ang mga boses at sigawan. May mga putukan at habulan pero nanatili siyang nakatulala sa maputlang mukha ng babaeng nakaunan sa dibdib niya.
Gusto niyang hawakan si Georgina pero hindi niya magawa dahil nakatali siya. He looked like an idiot watching her life slowly bleed away. His tears finally fell. May kung anong mabigat sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. Ang alam lang niya, ang sakit sakit.
"Lee! Lee! Where are you?"
Bigla siyang natigil sa pag-iyak nang mabosesan ang tumatawag.
"Chantal?" Paano sila nito natunton? "Over here! Help!"
Hangos na dinaluhan siya ni Chantal. "Lee! Oh my god!"
"H-Help her f-first," tukoy niya sa walang malay na si Georgina.
"Shit! She's been shot! Tulong!" Boses ni Ivan ang sunod na narinig niya.
Kahit nagtataka siya kung bakit naroon ang dalawa ay hindi na siya nagtanong. Wala siyang panahong magtanong dahil kailangang madala agad sa ospital si Georgina.
Now that they're safe, para siyang lobong tinakasan ng hangin. His knees buckled, no longer strong to support his weight. Napakapit siya sa balikat ni Chantal. Unti-unting inagaw ng dilim ang diwa niya hanggang sa ang huli na lang niyang narinig ay ang nagpapanic na boses ng babae.
*****
HE slipped in and out of consciousness. Minsang nagising siya ay nakita niyang ibinababa sa ambulansya si Georgina. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid, mabibilis ang kilos at lahat ay mababakasan ng tensyon sa mukha.
Nang muli niyang idilat ang mga mata ay nasa isang kuwarto na siya. Nanlalabo pa rin ang paningin niya pero malinaw niyang narinig ang usapan ng mga nakapaligid sa kanya.
"Nakatakas si James, hindi pa nahuhuli ng mga agents. Pero 'wag kang mag-alala, patuloy ang manhunt sa kanila," boses ni Ivan, hindi nga lang niya mamukhaan kung sino ang kausap.
"W-What a-about Georgina?" tanong niya.
"Lee! 'Wag ka munang gumalaw, kailangan mo pang magpahinga," pigil sa kanya ni Chantal sa tangka niyang pagbangon.
Parang wala siyang narinig. Kailangan niyang malaman kung ano na ang lagay ni Georgina. But the pesky tubes attached to him restricted his movements. Iritableng pinagtatanggal niya ang mga 'yon.
"Lee! Help me, Ivan!"
"Calm down, bro."
"I need to see Georgina!"
"She'll be okay. Hindi mo pa rin naman siya makakausap, her surgery's still on going," malumanay na paliwanag ni Ivan.
"I need to-" Nakaramdam siya ng pagkahilo, para siyang kandilang unti-unting naupos. Kung hindi siya naagapan ni Ivan ay baka sumubsob siya sa sahig.
"Get the nurse, Chantal!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro