Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VIII

KAHIT masama ang loob ay naghanda siya ng dinner. Ang huling text sa kanya ni Lee ay kanina pang alas sais at ang sabi nito ay papunta na.

Pero malapit nang mag-alas otso ay wala pa rin ang binata. Malamig na ang pagkain, tunaw na rin ang yelo sa wine bucket.

Sa inis ay ni-lock niya lahat ng pinto, sinigurong naka-double lock para hindi makapasok si Lee. Pagkatapos ay ini-off niya lahat ng ilaw sa baba at umakyat sa kuwarto. Kung darating man si Lee ngayong gabi, sa labas ito matutulog.

Iniwan niyang bukas ang lamp shade sa tabi ng kama at ini-off ang cellphone para hindi siya ma-contact ni Lee. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw siyang dalawin ng antok kaya bumangon siya at hinanap ang sketch pad.

Muntik na niyang itapon ang sketch pad nang maalalang puro si Lee ang laman noon.  Ganoon pa man, hindi niya magawa. Parang may sariling isip ang mga kamay niya na nagpatuloy sa pagguhit hanggang sa mabuo ang imahe ni Lee. 

Mahigit dalawang oras na siya sa ginagawa nang makarinig ng boses galing sa labas. Bukas ang pinto ng terrace niya kaya hindi imposibleng marinig niya. Noong una ay nag-alangan pa siya pero nang magsalita uli ay nasiguro niyang si Lee nga ‘yon.

“Georgina! Open the door, damn it!”

Ang una niyang plano ay ‘wag pansinin ang binata. Pero umulan ng maliliit na bato sa terrace, nagtalsikan pa ang iba papasok sa kuwarto niya at ang iba ay tumama sa salamin ng pinto.

“Georgina!”

“Damn it!” sumusukong bulalas niya. Bumaba siya para pagbuksan ang binata. Nangangamoy alak ito nang mabungaran niya, gulo ang buhok at namumungay ang mga mata.

“You reek of alcohol!” reklamo niya. Pumasok si Lee at ito na mismo ang nagsara ng pinto.

“Hindi ako lasing.”

“Okay,” nasabi na lang niya. Nagpatiuna siya ng lakad, kasunod niya si Lee. Natigil ang lalaki nang makita ang nakahain sa mesa.

“Aren’t you gonna yell at me?”

She stopped. “For what?”

“Hindi ako nakarating sa oras ng usapan natin.”

Nagkibit-balikat siya. “It happens. Chantal ‘yon eh. Ano’ng laban ng dinner sa chances mong magkabalikan kayo? At least alam mo ang priorities mo. True, naiinis ako kaya ko ni-lock ang pinto. Ilang beses na kitang tinext at tinawagan di ka sumasagot.”

Tinalikuran niya si Lee. Mabilis namang nakahabol sa kanya ang binata at naabutan siya nito sa pinto ng kuwarto niya.

“Mag-usap nga muna tayo,” sabi nito.

She smiled weakly and gave him a pat on his cheek. Pakiramdam niya pagod na pagod siya.

“Magpahinga na lang tayo, lumalalim na ang gabi.”

“Tumatakas ka na naman,” parungit ni Lee nang tatalikod na sana siya.

“I’m not. Malapit na rin namang matapos ‘to, bakit hindi pa natin paagahin?”
“What do you mean?”

Nilingon niya si Lee. “Let’s consider this as our last night. Nandito na si Chantal.”
“B-But…”

Mabilis niyang nilapitan ang binata at hinatak sa kamay. “I have yet to paint you,” sabi niya, a naughty glint on her eyes, “naked.”

She saw confusion flashed in his eyes sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Tinodo niya ang pag-arte. Matatapos na lahat ngayong gabi. Bukas, kailangan nang mawala ni Lee sa buhay niya.

Sinulit niya lahat ng natitirang oras. Naging sunod-sunuran si Lee sa lahat ng gusto niyang pose. Halos puno na ang sketch pad niya nang tuluyang mangawit si Lee. Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa katawan nito at dahan-dahang tumayo. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang pinapanood ito sa paglapit sa kinauupuan niya.

“I gave you plenty to work on. Now, get rid of this. Sinasayang mo ang natitirang oras na magkasama tayo,” sabi nito at inagaw sa kanya ang hawak na sketch pad.

“L-Leandro…” pabulong na sambit niya nang itingala ng binata ang mukha niya. The way he looked at her made her knees weak.

“It’s Lee,” mahinang pagtatama nito sa kanya. He licked his lower lip as he gazed down into her eyes.
“L-Lee.”

“Don’t forget this,” bulong ng binata bago sinakop ang labi ni Georgina.

Her eyes instantly closed when the warmth of his lips flooded her system. Napasinghap siya nang bumaon sa buhok niya ang mga daliri ng binata, his teeth biting down on her lower lip. Wala sa loob na napakapit siya sa batok ni Lee.

“And don’t forget how you made me feel.”

Nagdidiliryo na yata siya, kung ano ano ang naririnig niyang sinasabi ni Lee.

*****

KINABUKASAN, wala na si Lee nang magising siya. Tanging ang bakas ng ulo at amoy nito sa katabing unan ang palatandaang magkasama sila kagabi. Agad siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib pero pinilit niya ang sariling ‘wag isipin ‘yon. Tapos na ang pagbabayad niya kay Lee. Moving on is the next best option.

Bago siya umalis papunta sa shop niya ay tinawagan muna niya si Ruben para maayos ang ipina-cancel niyang schedule. Pero hindi na niya ma-contact ang katiwala. Kung sabagay may natitira pang dalawang araw. Nag-text na lang siya baka sakaling mabasa din nito.

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ni Georgina sa stool habang nililinis ang mga brush niya nang marinig niya ang pagtunog ng chimes sa baba. Baka si Ruben lang na nabasa ang text niya kaya sumunod dito.

“Good morning.”

Sa gulat ay nabitiwan ng dalaga ang hawak. Bumagsak sa sahig ang pinagbabaran niya ng mga brush niya at kumalat sa carpet.

“W-What are you d-doing here?” gulat na tanong niya kay James. Ito ang pinakahuling taong inasahan niyang makikita niya sa Boracay.

“Dinadalaw ka?” nakangiting sagot nito.

“Don’t play games with me, Sanders. Imposible namang nandito ka para magpa-tattoo?”

“Hindi ka pa rin nagbabago, masungit ka pa rin.”

Kung naiinis siya kay Chantal dahil ito ang mahal ni Lee, mas ayaw niya sa kapatid nitong si James. The man’s creepy vibe is too strong.

“Look, stop wasting my time, okay? Sabihin mo na kung ano ang ipinunta mo dito.”
Parang nakakalokong sinuyod siya nito ng tingin. Pero sandali lang nangyari ‘yon dahil naagaw  ang atensyon nito ng painting na nasa likod ni Georgina. Nang sundan niya ng tingin kung saan nakatutok ang mga mata ng lalaki ay mabilis na tinakpan ni Georgina ang canvas. Gumuhit ang isang ngiti sa mukha ni James.

“Interesting. Hanggang ngayon pala hindi ka pa nakaka-get over kay Lee.

Totoong nagulat siya. Kung paano nito nalaman na may pagtingin siya kay Lee ay hindi niya alam. Baka sa kapatid nito? Alam ni Chantal na halos sambahin niya ang lupang nilalakaran ni Lee.

“Kung wala kang sasabihin, umalis ka na.”

“Okay, I’ll cut the chase. Here.”

Inabot ni James sa kanya ang isang brown envelope. Katulad ng nakita niyang nakaipit sa rack ng catalogues niya sa baba, may logo ito ng Plata Estates.

“Aanhin ko ‘yan?”

“Bakit hindi mo tingnan?”

Para matapos na ay tinanggap niya ang brown envelope. Binasa niya ang nakasulat sa documents na laman nito. Sumulak ang galit sa dibdib niya nang maintindihan kung ano ang sinasabi niyon. Si James ang may-ari ng Plata Estates!

“This is fake!”

“No, it’s not. Pirmado mo ang deed of sale na nandiyan.”

Nalilitong hinanap niya ang sinasabi ni James. Mukhang pirma nga niya ang nasa deed of sale. Pero paanong nangyari ‘yon? Hindi niya binebenta ang iniregalo sa kanya ng kapatid niya!

“Wala akong pinirmahang ganyan!”

Tumaas ang kilay ni James. “Come one, Georgina. Nasa akin lahat ng mga dokumento, kasama na ang titulo nitong lupa.”

Imposible! Nasa safe niya sa bahay ang document na sinasabi ni James. “Tulog ka pa yata? I suggest you go back to sleep, Sanders. Mukhang malala na ‘yang ilusyon mo.”

A knowing smile lit his features. “Bakit hindi ka umuwi at tingnan mo? Sa safe mo daw galing ‘to, sabi ni Lee. Humingi ako ng tulong sa kanya dahil matigas ang ulo mo. Siyempre, pumayag siya. Knowing Lee, gagawin niya lahat para magkabalikan sila ng kapatid ko. Kaya nga niya tinanggap ang project na inalok ko sa kanya kahit wala na siya sa Sanders Dev.”

Napaawang ang bibig niya sa pagkabigla. Pakiramdam ni Georgina niratrat siya ng AK-47.

“A-Ano’ng ibig mong sabihin?”

“He’s the project in charge. Anyway, I’ll give you two days to vacate my property. I’ll leave your copy here. Good day, Georgina.”

Iniwan siya nitong tulalang nakatitig sa papel na ipinatong nito sa stool. Hindi makapaniwalang binasa uli niya ‘yon. Pero kahit ano’ng gawin niyang basa ay iisa ang sinasabi nito; naibenta na niya ang property sa Plata Estates sa halagang limang milyon.

Ano sa tingin mo ang tunay na dahilan kaya lumapit si Lee sa ‘yo? Siyempre tutulungan nito si James dahil kay Chantal. Front lang niya ‘yong magbabayad ka raw kuno ng kasalanan mo. Ikaw namang si tanga, nauto. Na-two in one ka, girl.

Umiiyak na nilakumos niya ang papel. Walang itinira si Lee sa kanya, kinuha nito lahat!

Damn you, Leandro!

*****

PILIT niyang ibinabalik ang atensyon sa kuwento ni Chantal and yet, he find himself thinking about Georgina. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili.
He should be happy now that Chantal is here. But he feels hollow instead. Kung kailan naman mukhang malaki ang pag-asang magkabalikan sila ng ex-fiancee, doon naman parang  hindi siya sigurado.

“Lee, are you listening? Kanina ka pa nakatitig d’yan sa cellphone mo,” puna ni Chantal na nanunulis ang nguso. Halatang nagtatampo na ang babae.

“Sorry, medyo distracted lang. May hinihintay kasi akong report,” palusot niya.

Sumingamot ang babae. Nalukot ang maliit na mukha nito. Chantal is cutely posh. ‘Yong tipo ng babaeng mukhang babasagin na kabaliktaran ni Georgina. The latter posses such swag and easy confidence that makes her ten times more attractive.

Wala sa loob na naipilig niya ang ulo. Stop comparing them, damn it!

“Something’s on your mind.”

“Work.”

“Hmm.”

Nagulat na lang siya nang mag-vibrate ang cellphone. Pangalan ni Georgina ang nag-flash sa screen.

Meet me at my house. ASAP.

Hindi nag-iisip na napatayo si Lee. “I have to go.”

“What? Hindi ka pa nakakakain.”

Hindi pa nga niya nababawasan ang pagkaing nakahain sa harap niya. Mula nang dumating si Chantal sa isla ay palagi itong nagpapasama sa kanya kung saan. Ngayon ay nasa isang open cafe sila nagmemeryenda.

“I’m sorry. Importante lang talaga.” Iyon lang at umalis na si Lee, hindi na narinig ang paulit-ulit na pagtawag ni Chantal.

Bukas ang pinto nang makarating siya sa bahay ni Georgina. Nakailang tawag na siya sa babae pero walang sumasagot. Wala din ito sa kuwarto nito sa itaas kaya bumaba siya para hanapin sa ibang parte ng bahay. He found her in the kitchen, staring at nothing outside the window facing the beach.

“Georgina?”

“How could you do this to me?” walang buhay ang boses na tanong ng dalaga. Nagtaka siya. Ano ba ang pinagsasabi nito?

“Hindi kita maintindihan.”

Noon humarap ang dalaga. Nagulat si Lee nang makita ang namumugtong mga mata nito. By instinct, lalapitan na sana niya si Georgina pero umiwas ito agad. Parang may higanteng kamay na dumakot sa dibdib niya. Gusto niyang damayan ang babae kung ano man ang pinagdadaanan nito pero tinanggihan siya.

“Hindi mo maintindihan?” she scoffed. “Alam mong importante sa akin ang huling regalo ng kapatid ko. I thought, in some way brought by our twisted circumstances, we’re sort of friends. Hindi pala. Palabas lang pala ang lahat para mabilog mo ang ulo ko!”

“What are you talking about?”

“Oh please! Stop acting innocent! Ikaw ang nagbigay kay James ng titulo ng lupa, na kinuha mo sa safe ko kuwarto!”

“What?” litong tanong niya.

“Ikaw lang ang nakakaalam tungkol sa safe ko sa likod ng painting, Leandro. Nang magising ako kaninang umaga na wala ka na, I didn’t think it was odd. Ayaw ko sanang paniwalaan si James but my documents are missing!”

“And you believed him? Wala akong kinalaman sa pagkawala ng mga papeles mo, Georgina.”

“Don’t fucking lie to me, damn you! That was my brother’s gift, Leandro. Kuya Gabriel gave this to me dahil alam niyang unti-unti akong namamatay sa mundong ginagalawan ko. This and that property Plata Estates is after was meant to be my haven. Hindi lang ang lupang ‘yon ang kinuha mo sa akin, pati na rin ang huling alaalang iniwan sa akin ng kapatid ko!”

Nagtagis ang mga bagang niya sa pagbuhos ng emosyon ni Georgina. Oo nga at hiniling ni James ang tulong niya pero hindi siya pumayag sa gustong mangyari nito. Ang balak niya ay unahan ang lalaki sa pagsasabi kay Chantal tungkol sa nangyari noon.

He wanted to start with a clean slate with Chantal. Pero nagkagulo-gulo nang lahat nang ma-involve siya kay Georgina. Sa bawat araw na lumilipas ay nawala sa isip niya ang planong pagtatapat kay Chantal. Georgina simply occupied his whole being day in and day out.

Ang balak niya sana ay sa pagbabalik na lang niya sa Maynila siya magtatapat. Pero bigla namang sumulpot si Chantal sa Boracay na walang pasabi. Mukhang wala pa namang alam si Chantal dahil wala itong nababanggit. Kilala niya ang babae, hindi ito matatahimik kung sakaling alam na nito. Agad-agad itong magtatanong sa kanya, o kundi man ay aawayin siya.

“Maniwala ka man o hindi, inosente ako sa ibinibintang mo. ‘Wag kang mag-alala, gagawan ko nang paraan para maibalik sa ‘yo ang ninakaw ni James.”

Nagpupuyos ang loob na iniwan niya si Georgina. Gustong-gusto niyang sugurin ngayon din si James pero kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang mag-isip ng mga susunod na gagawin kung gusto niyang talunin si James sa laro nito. And Chantal is the first piece on the board that he has to deal with.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro