Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VII

KUNTENTONG nahiga si Georgina sa deck ng yateng inarkilahan ni Lee. They went sailing after they had both cleared their schedules. Marunong pala itong magaptakbo ng yate.

Naramdaman niyang may humarang sa araw na tumatama sa mukha niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya si Lee na nakatingin sa kanya, may hawak na dalawang wine glass.

"You're blocking my sun," nakangiting saway niya kay Lee nang iabot nito sa kanya ang isang kopita ng alak.

"I'm hotter than the sun."

"Ay totoo 'yan," sakay ni Georgina. Tatawa-tawang bumangon siya habang naupo naman sa tabi niya si Lee. Nakalugay ang mga paa nila sa gilid ng yate. Nasa likuran nila ang buong isla ng Boracay.

"So can I be your sun then?" walang ano-ano'y tanong ni Lee.

Hindi siya sanay na bumabanat ng kung ano ano si Lee. Pilit niyang pinaglabanan ang pagsikdo ng dibdib.

"No, you can't. Iba ang nagmamay-ari sa 'yo," she said.

"I'm just kidding." Lumitaw ang dimple ni Lee sa pisngi sa pagkakangiti nito.

Sabi na nga ba eh.

Mayamaya ay pareho silang nawalan ng kibo. Nagkasya silang dalawa sa pagtitig sa walang hanggang tubig-dagat. Tanging ang hampas ng tubig sa gilid ng yate at ang ihip ng hangin ang maririnig na ingay.

"Kuwento ka naman," basag ni Lee sa katahimikan.

"Ha?"

"Sabi ko magkuwento ka."

"Ano naman ang ikukwento ko? My life is boring."

"Anything. Your art, paboritong pagkain, things you hate, gusto mong gawin. Matagal na tayong magkakilala but I don't know anything about you."

"Gusto kitang i-paint," deklara ni Georgina.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Lee. "M-Me? Why?"

Nagkibit-balikat si Georgina. "I am an artist, I can't explain why. Ang alam ko, gusto kitang maging subject sa obra ko. I tried painting you but I can't seem too finish it. Parang may kulang."

"Really? When?"

"Since the first day na nagkita tayo. It sits in my studio, half done."

"'Yong may takip malapit sa bintana?"

"Oo."

Biglang tumayo si Lee. "Tara."

"Pumapayag ka?"

"Oo. Bilis na bago pa magbago ang isip ko."

Natawa si Georgina. "Hindi mo pa nga alam kung paano kita gustong ipinta."

"I don't care. If you want me naked, so be it," pilyong kinindatan siya ni Lee. As if on cue, nakita niya sa isipan ang eksaktong image ng binanggit ni Lee. To her horror, hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha.

"Uy, nagba-blush ang ale. Aakalain mong hindi pa niya ako nakikitang walang damit."

"Heh! Tigilan mo ako," namumulang iwas ni Georgina.

Napatayo na siya at balak nang layasan si Lee pero napigilan ng binata ang braso niya. Naroon pa rin ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Bakas pa ang ngiti sa mukha ni Lee habang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya.

When their lips met, Georgina closed her eyes and let herself get carried away. Naramdaman ng dalaga ang mga kamay ng binata sa likod niya, humahagod pataas at pababa sa balat niyang hindi natatakpan ng swimsuit.

May kakaiba sa halik ni Lee ngayon. He used to kiss her as if he can't wait to devour her. Pero ngayon ay parang may halong pag-iingat. Hindi siya sigurado at ayaw niyang umasa.

Baka nadala lang si Lee sa moment. Lately kasi maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nagagawa na nilang magbiruan.

"Sometimes I wonder..." bulong ni Lee sa kanya.

"What?"

Tinitigan lang siya ni Lee. Pero imbes na ituloy ang sasabihin ay ngumiti ito at umiling.

"Ano? Ang daya oh, nambibitin," reklamo ni Georgina.

Tinaasan siya ng kilay ng binata. "Solve na solve ka nga lagi sa akin."

"Perv!"

"Alright, let me show you how perverted I am."

Walang sabi-sabing binuhat siya ni Lee. Hindi na napiyok si Georgina. Lee's lips sealed her protests as his deft fingers loosened the knots of her bikini. The sun, the wind and the sea stood as the silent witnesses.

*****

GUSTUHIN man nilang magkasama lagi, may mga responsibilidad si Lee sa trabaho. Kaya kadalasan ay nagnanakaw ng oras si Lee sa gabi para harapin 'yon.

Binigyan niya si Lee ng susi sa bahay niya para hindi na ito mag-door bell 'pag dumarating sa gabi.

Ayaw ni Lee magdala ng trabaho sa bahay niya kaya umuuwi muna ito sa sariling bahay para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Dalawa hanggang tatlong oras lang itong nawawala pagkatapos ay bumabalik naman agad.

Nang gabing 'yon ay naabutan siya nito sa harap ng safe na nakatago sa likod ng isang painting sa kuwarto niya. Itinago niya ang ilang mahahalagang documents niya doon.

"You're back," sabi niya habang ibinabalik ang painting sa dating puwesto.

"Oo. What are you doing?" tanong ni Lee.

"Itinago ko lang ang mga importanteng documents. Mahigit three months na sa drawer ko 'yong ipinadalang titulo sa akin ng lawyer ni Kuya Gabriel, ngayon ko lang naisip na ilagay sa safe."

"Titulo?"

"Yes. Binili ni Kuya 'tong bahay at lupa, kasama na 'yong lupa doon sa Station Two pati ang building. Regalo niya sa akin sa birthday ko sana two years ago. Lately ko lang nalaman dahil hindi ko agad nabasa ang e-mail niya."

"It's in your name then?"

"Oo."

"I see. I didn't know may safe ka pala dito."

"I had it installed when I first move here. Kumain ka na ba?" tanong niya sa binata.

"Hindi pa. May dala nga akong pagkain, ininit ko sa microwave. Join me?"

"Okay."

*****

APAT na araw na lang matatapos na ang usapan nila ni Lee. Para sa araw na 'yon ay nagpasya si Lee na huwag na silang lumabas. Doon na lang daw sila sa bahay ni Georgina.

She happily obliged. Kahit sabihin pang araw-araw silang magkasama ng binata, parang kulang pa rin. She wanted Lee all to herself.

Pareho silang nakahiga sa kama; nakaunan si Georgina sa hita ni Lee habang nagbabasa. Ang binata naman ay busy sa paglalaro ng game sa mobile phone nito. Mayamaya ay parang nagsawa na si Lee, inagaw nito kay Georgina ang binabasang libro.

"Hey!"

"Talk to me."

Natatawang tiningala niya ang binata. "Ano'ng sumapi sa 'yo?"

"Boredom?"

"Ay malala ka na, boy."

Inasahan niyang tatawa din si Lee pero hindi nangyari. Nagtaka siya, bakit seryoso ang isang 'to?

"What's wrong?" naalarmang tanong niya sa binata.

Umiling lang ito, nakatitig sa magkahawak nilang kamay. Hindi pa yata nakuntento, hinalikan ni Lee ang palad niya. Noong unang beses na ginawa iyon ni Lee sa yate ay kinilig siya. But she knew better, walang bilang 'yon kay Leandro Zervos.

"Georgina, what if—"

Hindi naituloy ni Lee ang sasabihn dahil nag-ring ang cell phone nito. Kitang-kita ni Georgina ang pag-iisang linya ng kilay nito nang mabasa ang caller ID. Mabilis nitong dinampot ang cellphone bago pa man mabasa ni Georgina ang pangalan sa screen.

"Sagutin ko muna 'to," alanganin ang ngiting paalam ni Lee sa kanya.

Lumabas ang binata sa terrace. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Georgina si Lee sa kabila ng salaming pinto. Palakad-lakad si Lee, halatang tensyonado. Trabaho siguro, katuwiran niya sa isip.

The call was short. Ilang sandali pa ay bumalik na uli si Lee sa tabi niya. Halatang namamasyal ang isip nito kaya hindi na nagtanong si Georgina. She tried cracking jokes kahit alam niyang wala siyang talent. After a few tries, he smiled a little.

"Don't you miss your family?" walang ano-ano'y tanong ni Lee.

"Medyo. Regular naman kaming magkausap so it's alright. They'll be coming here once their schedule permits them to do so. Siguro mauuna sina Daddy since he's got a lot of time now that Kuya Gael is on the reins."

"Close kayo ng kuya mo?"

May kung anong pumiga sa dibdib ni Georgina pero agad niyang itinaboy ang damdaming nagtangkang mamuo. Tumango siya.

"It's always been the three of us. Bukod sa hindi ako nakahanap ng totoong kaibigan while growing up, bantay-sarado ako ng mga kuya ko. They just mellowed when I hit puberty, angst and all. Gusto ko ngang isiping sila ang nagpalaki sa akin. Sa sobrang busy ng parents namin, mas sila pa ang tumayong magulang ko."

"I wonder paano ka nagka-boyfriend with your brothers hanging around," yumugyog ang balikat ni Lee sa pagtawa.

"I-I never had one," mailap ang matang sagot ni Georgina.

"What?" gulat na bulalas ni Lee, "but what about those guys you were with?"

She shook her head. "Wala akong naging boyfriend. Manliligaw marami."

"Rumor has it para ka lang nagpapalit ng damit kung magpalit ng boyfriend."

"Ikaw na rin ang maysabi, tsismis." Huminga ng malalim si Georgina bago nagpatuloy, "Gawa ng mga binasted ko ang mga tsismis na 'yon. They must have thought it's okay to spread lies about me since hindi ako gumagawa ng paraan para itama ang tsismis. Men and their egos. I was a conquest for them, bragging rights goes to the guy na mapapasagot ako. Akala nila oblivious ako palibhasa hindi ako kumikibo. In their eyes, I'm nothing but a stupid, rich girl."

Hinaplos ni Lee ang buhok niya. "What about your brothers?"

"They would have burned down the whole school if I asked them to. The truth is, it doesn't bother me. Masyado akong busy noon." Sinundan 'yon ni Georgina ng mahinang tawa.

"Busy sa?"

"Pagpapapansin sa 'yo," pagtatapat ng dalaga. "God! I was so crazy about you then."

Saglit na natahimik si Lee. His finger were drawing invisible circles on her palm as if lost in thought. Napapikit si Georgina, savoring the soothing sensation his finger created on her skin.

"What about now?" he asked in a quiet voice.

Gerogina kept her eyes close. "Marami nang nagbago."

Muling nag-ring ang cellphone ni Lee. Dinig ni Georgina ang pagmumura ng binata pero hindi siya dumilat. Maingat na umalis sa Lee sa kama para sagutin ang tawag. Wala pang isang minuto ay bumalik ito sa tabi ng dalaga.

"Hey," pukaw ni Lee sa kanya.

"Hmm?"

"Aalis muna ako, may kailangan lang asikasuhin. Sorry ha, emergency lang."

Bumangon na si Georgina. She sat with her legs cross, smiling faintly at him. "Ano'ng oras ka babalik?"

She almost cringed when the question slipped from her lips. Tunog nag-iinarte siya kahit hindi naman dapat. Ano'ng karapatan niya, di ba? Kaso nasabi na niya, hindi na puwedeng bawiin. Kulang na lang sapakin niya ang sarili sa pagsisisi.

Lee smiled and gently pinched her cheek. "I'll be home by dinner."

He said home.

Pareho silang natigilan. Nagtama ang mga mata nila, hindi sigurado kung ano paano kikilos. Si Lee ang unang nagbawi ng tingin. Hinalikan siya nito sa noo bago tuluyang umalis. Naiwang nakatulala si Georgina.

What was that?

Binalikan niya ang binabasa at hindi namalayan ang paglipas ng mga oras. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom ay hindi niya maiisipang tumigil. Hindi siya nakapagluto dahil wala naman si Lee kaya nagpasya siyang kumain na lang sa labas.

Sa paborito niyang sea food restaurant sa mall nagpunta si Georgina. She ate with gusto, kinalimutan muna ang diet. Lately napapalakas ang kain niya dahil kay Lee. Binabawi na lang niya sa workout.

Patayo na siya nang makita ang pagpasok ni Lee. Huli na para umiwas dahil nagtama ang mga mata nila. Pareho silang nagulat nang makita ang isa't-isa pero ang lalong ikinagulat ni Georgina ay ang babaeng kasama ng binata.

Si Chantal ang sinasabi ni Lee na emergency?

Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Georgina. Bago pa siya makita ni Chantal ay tumalikod na siya para tumakas. It felt like that night again, she thought.

Para siyang kriminal na tinatakasan ang nagawang krimen. Pero saan siya pupunta? It would look odd kung iikot siya sa kabila samantalang ang lapit lang ng mesa niya sa pinto. Mahahalatang may iniiwasan siya.

Ladies' room ang nakita niyang solusyon. Mabilis na pumasok doon si Georgina at nagtago sa loob ng isang stall. Ngayon niya ramdam ang panghihinang kanina pa pilit na sumasakop sa buong sistema niya. Paulit ulit niyang nakikita sa isip si Chantal na nakakapit sa braso ni Lee.

Witnessing the happiness in Lee's face felt like someone put her heart into a blender and set it on high. Napayuko siya, pilit na nilalabanan ang pagtulo ng luha. Napatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng stall.

"A-Anong ginagawa mo?" pabulong niyang tanong, "this is the ladies' room!"

"Wala akong pakialam. We need to talk."

Umiwas ng tingin si Georgina. Bumalik na naman ang bara sa lalamunan niya. "Tungkol sa?"

"I'm sorry. Hindi ko alam na darating siya. Sabi ng caretaker ng bahay na inuupahan ko, emergency daw. 'Yon pala pakana ni Chantal, sinorpresa ako."

Natawa si Georgina. "Mag-ano ba tayo para magpaliwanag ka? It's none of my business kung sino ang kasama at ano ang ginagawa mo, Leandro. Malinaw sa akin na walang tayo. So don't worry, wala sa akin 'yon." She wished her fake bravado is convincing. Lalo pa niyang pinagbuti ang pagkakangiti.

Smile, Georgina. Smile as if you're the happiest person in the planet. Smile until you fake it, damn it!

"I-I..."

"Sige na, lumabas ka na. Distract her for me, please? It would be awkward 'pag nagkita kami. Maaaring wala siyang alam sa nangyari noon but I can't face her yet," pakiusap ni Georgina.

Walang nagawa si Lee kundi tumango. Nang tangkain nitong hawakan siya ay mataktikang umiwas si Georgina at binuksan ang pinto ng stall. Buti na lang walang tao.

"Mauna ka nang lumabas," sabi niya kay Lee.

"I'll see you later. Hintayin mo 'ko, sabay tayong mag-dinner."

Pakiramdam niya ay magka-crack ang mukha niya sa pagkakangiti. But she had to put up with the pretense.

"Alright."

Paglabas ni Lee ay tuluyang nag-unahan ang mga luha sa pisngi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro