Chapter VI
HE stared down at Georgina's sleeping form. She looked exhausted. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Lee ang sleeping pills na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa higaan.
Naalala niya ang pagbanggit ni Georgina noon na hindi ito makatulog sa hindi pamilyar na lugar. Ibig bang sabihin nito ay hindi nakatulog ni minsan si Georgina sa bahay niya?
Suddenly, he felt like an ass. Lumayo siya sa kinahihigaan ni Georgina. Sa mga nakasabit na paintings ng babae niya itinuon ang pansin. Georgina has always had gifted hands. Noong college sila ay madalas itong manalo sa mga contests na sinasalihan nito.
Pero imbes na fines arts ang kunin ng dalaga ay business course ang tinapos nito. Hindi man niya gusto ang babae, dati na siyang bilib sa talent nito.
Naagaw ang pansin niya ng isang canvas na may takip. Mukhang work in progress dahil nasa gitna ito, malapit din sa bintana kung saan nanggagaling ang natural light.
Wala siyang masyadong alam sa preferences ng mga artists pero minsan na niyang narinig na mas gusto nilang magtrabaho gamit ang liwanag ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit sa painting. Nagulat na lang siya nang matisod ang isang stool.
"L-Leandro?" Georgina's sleep-infused voice made him pause.
"H-Hey."
Naghikab ang dalaga. "What are you doing here?"
"Nothing. Tinatawagan kita pero di ka sumasagot. I'd like to invite you to lunch."
Surprise flashed across her face. "Oh. I'm sleeping and my phone's on vibrate."
"You haven't been sleeping since you came to my place," puna ni Lee.
"Sinabi ko, 'di ba? I get nightmares 'pag unfamiliar ang place. I woke up screaming my throat raw the first night. I compensate for the lost here during the day."
"With the help of sleeping pills?"
"It's been prescribed. Wanna see my doctor's prescription?" sarkastikong balik-tanong ni Georgina. "Nasunod ang gusto mo. Leave me alone and my pills."
"You are not going to use these anymore." Kinuha niya sa mesa ang bote ng sleeping pills at itinapon sa pinakamalapit na basurahan.
"Bakit ka ba nangingialam?!"
"Hindi ka magiging dependent sa gamot na 'yan para lang makatulog!"
"For god's sake, Leandro! Kailangan ko 'yon! Pwede ba, 'wag kang nangingialam!" Bumaba sa higaan si Georgina para kunin ang bote sa basurahan pero hinarang ito ni Lee.
"No, you don't. From now on, doon tayo sa bahay mo. That is, kung okay lang sa 'yo. Hindi ko alam na seryoso pala ang kondisyon mo. I thought it's just one of your excuses. I don't want to intrude, you being an artist and all that," malumanay na paliwanag ni Lee.
Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag. Nang matitigan niyang mabuti ang mukha ni Georgina ay nakaramdam siya ng sundot ng konsensya. Walang make-up ang babae kaya bakas ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito.
Sa araw-araw na naman kasi na nagigising siya ay lagi siyang nauunahan ni Georgina. Nakaligo at nakabihis na ito sa tuwing nagmumulat siya ng mga mata. Kayang itago ng concealer ang mga eyebags ng dalaga.
"I-I see. I d-don't mind at all."
"Great. So, lunch?"
Napatingin si Georgina sa relo. She frowned and shook her head. "May client ako. I'm afraid it's a no. But thanks for the invite."
"Okay. Text me when you're done for the day, sabay na tayong umuwi. I better get back to work."
"S-Sige."
Tumalikod na siya para umalis pero agad na nagbago ang isip niya. He turned back and grabbed her by the waist. Nagulat si Georgina, muntik nang mawalan ng panimbang kung hindi lang niya hawak ito.
"M-May nakalimutan ka ba?" nauutal na tanong ng dalaga.
"Yes, nakalimutan ko 'to."
His head swooped down to capture her lips. Parang tuod na nakatayo lang si Georgina. Hindi ito kumikilos o gumaganti ng halik sa kanya. Tumigil si Lee at tinitigan ang dalaga.
"I'm beginning to doubt myself here," bulong niya.
"W-What?"
"Hindi ka na yata apektado ng halik ko."
Umangat ang kilay ni Georgina. Unti-unting nagkahugis ang isang ngiti sa mga labi ng dalaga. Lee shivered when the look in her eyes changed. Nang ilapit ng dalaga ang labi sa tainga niya, he instantly grew stiff.
Oh, boy.
*****
THAT night, Lee fell asleep in her bed. Dahan-dahang bumangon si Georgina at inabot ang robe na nakasampay sa likod ng upuan. Ngayong nasa sariling bahay na siya, dapat wala na siyang problema sa pagtulog.
Pero kakatwang hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Mabuti pa si Lee, mahimbing na ang pagkakatulog nito.
Tatalikod na sana si Georgina para lumabas ng kuwarto nang marinig niya ang tunog ng vibration ng cellphone sa bedside table.
Nang lumingon siya ay cellphone ni Lee ang umiilaw. Alam niyang hindi siya dapat makialam sa private affairs ng binata pero hindi niya ma-resist ang hatak ng curiousity.
Against her better judgment, nilapitan niya ang cellphone ni Lee na ngayon ay tumigil na sa pagvibrate. Pero agad niyang pinagsisihan ang desisyon. On Lee's screen, Chantal's name flashed. Hindi naging handa si Georgina sa pagtadyak ng kung ano sa dibdib niya. Sa lakas ay napaatras si Georgina habang hawak ang dibdib.
Masakit pa rin pala ang selos. Akala niya ay wala nang communication si Lee at ang dating fiancee nito. She's so stupid for thinking otherwise.
Nag-umpisang manlabo ang mga mata niya kaya mabilis siyang tumalikod para lumabas. Ni hindi na niya naalalang mag-ingat sa pagkilos baka magising si Lee sa ingay.
Dinala siya ng mga paa niya sa terrace ng kuwarto; nakaharap 'yon sa dagat. Baka makatulong ang hanging dagat para pakalmahin siya.
Bakit ba siya apektado eh, alam naman nilang pareho ni Lee na no-strings attached lang ang relasyon nila? Hindi porke gusto siyang kasiping ni Lee gabi-gabi sa kama ay automatic may lisensya siyang mag-inarte.
Hindi ka girlriend, you're just his fubu.
"Georgina?" Lumabas si Lee mula sa kuwarto, boxer shorts lang ang suot. The rise and dips of his lean body was visible under the light of the moon. Magulo ang buhok nito at medyo malat pa ang boses.
"G-Go back to sleep," sabi ni Georgina.
"Bakit ka ba nandito?" pabulong na tanong ng binata sabay yakap sa kanya mula sa likod.
Napapikit ang dalaga. Kung tatanungin siya kung ano ang pinakapaborito niyang moment sa buhay niya, masasabi niyang ito 'yon. For once in their fucked up set-up, pakiramdam ni Georgina ay puwede siyang mag-ilusyon na mahal din siya ni Lee.
Puwede siyang mag-ilusyon na may halong pagsuyo ang bawat dantay ng kamay ng binata sa kanya, na higit sa pisikal na pangangailangan ay kailangan siya ni Lee sa tabi nito.
"My bladder woke me up," nakapikit pa rin na palusot ni Georgina.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong uli ng binata.
Hinawi ni Lee ang robe niya sa balikat. Then his dark head dropped, planting butterfly kisses on her shoulder blade. Umaakyat ang halik ni Lee mula balikat niya papunta sa gilid ng leeg at pagkatapos ay babalik uli sa balikat. Paulit-ulit na ginagawa 'yon ng binata habang naghihintay na magsalita siya.
Georgina found it hard to breathe. Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago sumagot. "Nawala ang antok ko."
Lee smiled against the skin on her neck. "Gawan natin ng paraan 'yan."
His free hand snaked inside her robe, cupping her between the thighs. Napakislot si Georgina, his fingers were cool against her heat.
"Damn. You're naked," his voice sounded as if he's in pain. Pagkatapos ay iniharap siya ni Lee at mainit na hinalikan sa labi.
Ramdam niya ang pag-abante ni Lee kung kaya napaatras ang dalaga. Nakakadalawang atras pa lang siya nang buhatin siya ni Lee at ikinalang ang mga binti sa baywang nito.
She wasn't even aware that he turned and walked to the part of the terrace slightly hidden from prying eyes. She found herself half-sitting on the railing, half straddled against Lee.
He fumbled for the knot in front of her robe. In seconds, he freed himself from the confines of his boxers. Napalunok si Georgina nang malantad ang kahandaan ng binata.
"Don't tell me..."
Inilapit nito sa tainga niya ang bibig saka bumulong. "No screaming, aight?"
Lee followed his warning with a hard thrust. Nakagat ni Georgina ang labi para pigilan ang gustong kumawalang ungol sa lalamunan. Nang magsimulang gumalaw si Lee ay napasubsob siya sa leeg ng binata to muffle her moans.
Their skin were slick with sweat. Sa bawat ulos ni Lee ay napapaungol si Georgina, humihigpit ang kapit sa braso nito. Para siyang sasabog na hindi niya maintidihan.
May namumuong bola ng apoy sa kaibituran niya, palaki nang palaki habang dumidiin at bumibilis ang galaw ng kapareha. Hindi na yata niya kaya, may mahigpit na pakiramdam na naiipon sa bawat hibla ng laman niya.
"L-Le...Leandro," tunog-pakiusap tawag niya kay Lee.
"Not yet, sweet thing. Not yet," pahingal na sagot ni Lee.
"P-Please..." She felt so wanton for begging but she didn't care.
Biglang inilayo ni Lee ang katawan sa kanya. Pakiramdam ni Georgina ay pinagdamutan siya ng binata. Her hands met air sa pagtatangkang pigilan ang lalaki.
Binuhat siya ng binata at dinala sa loob ng kuwarto. Hindi na nito isinara ang pinto sa terrace at nagmamadaling pinadapa siya sa higaan.
Then, he parted her legs and buried himself into her depths. Pareho silang nagpakawala ng magkasabay na ungol. Muling bumilis ang kilos ng binata. Hindi na kayang pigilan ni Georgina, sasabog na siya.
"L-Leandro..damn it!"
Three fast strokes and she came undone. She screamed her release on the mattress and screamed some more when Lee delivered his last deep and hard stroke. Lee followed. Dinig niya ang paulit-ulit na pagmumura ng binata habang mahigpit na hawak ang balakang niya.
Habol ang hiningang bumagsak sa tabi niya si Lee. Siya naman ay parang naging tubig ang mga buto, hindi siya makagalaw sa pagkakadapa. Nang magtama ang mga mata nila ay pareho silang natawa.
"Thank you," sabi ni Lee.
Tumaas ang kilay ng dalaga. First time niyang narinig 'yon kay Lee. Karaniwang pagkatapos nilang magsiping ay babangon ito para manigarilyo o kaya naman ay tatalikuran siya para matulog. Tipong wham, bam! Thank you, ma'am.
"For what? Great sex?"
"You don't have to say it as if having sex with me made you feel dirty," banayad na saway sa kanya ni Lee.
Pagak ang tawang kumawala kay Georgina. "But sex is the only reason that keeps us together."
"Yes, but---"
"I get it, I really do. Don't worry, it's not as if I love you. Alam ko rin naman na hindi mo pa nakakalimutan si Chantal. Pero, hanggang kailan tayo ganito?"
"Saan naman galing ang tanong na 'yan?" lukot ang noong tanong ni Lee.
"Naisip ko lang, paano kung magkabalikan kayo ni Chantal? At ako, what if I fall in love? Paano kung 'tong set-up natin ang maging dahilan para masira ang chances natin to be happy?"
"So what do you propose?"
Umiwas ng tingin si Georgina. Biglang naging interesante ang bed cover niya. "Itigil na natin 'to."
Why dont' we stop habang may lakas pa ako para bumitaw?
Bumangon si Lee sa pagkakahiga. Sinundan ng tingin ni Georgina ang lalaki, parang wala itong pakialam na wala itong suot. He put on his discarded jeans and lighted a cigarette.
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Georgina kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki ng mga sandaling 'yon kaya naghintay siya.
"I'm pursuing Chantal," pagtatapat ni Lee, "hindi ako tumigil sa panunuyo sa kanya kahit noong umalis ako ng Pilipinas para mag-isip."
"O-Okay?"
Tumingin sa kanya ang binata. "I just thought you should know."
Hindi kumukurap na sinalubong ni Georgina ang mga mata ni Lee. She forced herself to speak in a bored manner.
Galingan mo ang pag-arte, Georgina. Give him a performance worthy of an Oscar.
"Walal akong pakialam, Leandro. Sabi mo nga, there's nothing that binds us. Ang gusto kong malaman, hanggang kailan ko pagbabayaran ang kasalanan ko sa 'yo?"
"Why, nagsasawa ka na ba?"
She rolled her eyes. Carrying a serious conversation with him is like extracting a healthy tooth.
"Ingat ka. I might think ayaw mong mahiwalay sa 'kin. Baka mamaya niyan, mahalin mo na 'ko."
He scoffed. "You wished."
Napakurap siya. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. Bago pa siya madala sa emosyong bumabalot sa dibdib niya ay ngumiti siya, kulang sa sigla.
"Totoo, pinangarap ko 'yan noon. But I've outgrown my delusions when my brother died. And if he's alive, malamang napalo na 'ko ni Kuya Gabriel sa ginagawa nating 'to. So please Leandro, tigil na natin 'to ha? I want to move forward. I'm trying to turn a new leaf here in Boracay."
Hindi niya mabasa ang mukha ng binata. The only indication he heard her was a tick below his left eye. Maya maya ay tumango si Lee.
"One week then we're done."
Isang linggo na lang siyang magpapakagaga. Pagkatapos ay wala na. Puwede na niyang ilibing sa nakaraan si Lee, ang kabaliwan niya dito at lahat na.
Hindi para sa kanya si Lee. Siguradong may nakalaan naman para sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay mahalin ang sarili while waiting for that person she's destined with.
Tumango si Georgina. Since it will be their last week, susulitin na niya. Iipunin niya lahat ng magagandang alaala.
"Why don't we clear our schedules? Let's spend the whole twenty four seven together."
Noon lang napangiti si Lee. "Sure."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro