Chapter IX
TUMUPAD si Lee sa sinabi nito. Paggising niya kinaumagahan ay nakita niya ang nawawalang titulo sa bedside table niya, kasama ng spare key na binigay niya kay Lee. May nakadikit na post-it note na may sulat-kamay ng binata.
As promised, ‘yon ang nakasulat. Aaminin niyang nakahinga siya nang maluwag pero hindi pa doon nagtatapos ang problema niya. Kailangan niyang gawan ng paraan ang pekeng deed of sale na may pirma niya. Hihingi siya ng tulong sa abogado ng Kuya Gabriel niya.
Pagkaalala sa abogado ay pumasok sa isip niya si Ruben. Hindi na siya nakapag-follow up call dahil sa mga nangyari. Pero ganoon na lang ang pagtataka ni Georgina dahil naka-off pa rin ang cellphone ng katiwala niya. Saan ba ‘to nagsuot?
Pupuntahan na lang siguro niya sa bahay nito. Malapit lang naman ang bahay ni Ruben sa bahay niya, kaya niyang lakarin. Tamang-tama exercise na rin. Sa labas na rin siya kakain ng breakfast, wala siya sa kondisyong magluto. Pagkatapos niyang maligo ay umalis na ng bahay si Georgina.
“Ay mam, mag-iisang linggo na hong hindi umuuwi si Ruben. Sabi bakasyon daw niya. Pero noong isang gabi ay umuwi siya, kumuha lang ng mga gamit. Pagkatapos ay umalis agad, parang nagmamadali,” sabi ng kapitbahay nitong nagpakilala bilang Myrna.
“Ha? Bukas na matatapos ang bakasyong binigay ko sa kanya ah.”
“Ewan ko po, mam.”
“Sige, maraming salamat po.”
Something’s fishy. Hindi man lang nagpaalam sa kanya si Ruben kung gusto nitong mag-extend ng bakasyon. At bakit kailangan nitong kumuha ng mga gamit? Unless may pupuntahang malayo.
Bumalik si Georgina. “Aling Myrna, kung hindi ho nakakahiya pwede ho ba nating pasukin ang bahay ni Ruben? Titingnan ko lang ho kung may mga damit pa siyang natitira. Hindi ho kasi nagpaalam sa akin na mag-e-extend siya ng bakasyon.”
“Naku, trespassing ‘yan, mam.”
“Importante lang po talaga.”
Tinitigan siya ng babae. Maya maya ay tumango ito. “Sa akin iniiwan ni Ruben ang susi ng bahay niya, ako kasi ang naglalaba para sa kanya. Teka lang, kukunin ko.”
Ilang sandali pa ay napasok na nila ang bahay ni Ruben. Diretso sila ni Aling Myrna sa kuwarto ng lalaki. Pagbukas ni Georgina sa cabinet ay napatunayan niyang tama ang hinala niya. Wala nang natirang damit si Ruben kahit isa.
Ang tanong ngayon, bakit umalis si Ruben na hindi nagpapaalam? Okay naman sila. Maayos ang pasahod niya sa lalaki, minsan sobra pa nga dahil ito ang ginagawa niyang utusan sa kung ano-ano.
Paglabas nila ni Aling Myrna sa bahay ay may mga lalaking nakatambay sa tapat na tindahan. Nagulat pa silang pareho ni Aling Myrna nang sutsutan siya ng isa sa mga tambay. Abot hanggang balikat ang buhok nito, payat at walang pang-itaas. Namukhaan niya itong isa sa mga isinama ni Ruben noong nagpapagawa pa lang siya ng shop niya.
“Mam, si Ruben ba ang hanap mo?” tanong ng lalaki.
“Ayan mam, mga barkada ni Ruben ‘yan. Baka sila may alam,” sabi ni Aling Myrna.
“Isa ka sa mga trabahador noong pinapagawa ko ang shop ko, ‘di ba?”
“Yes, mam..”
“Hindi ko kasi siya ma-contact. Hindi naman siya nagpasabi na may pupuntahan siya.”
“Naku, hindi na ho babalik dito ‘yon. Nakadelihensya ng malaki eh. Asensado na ang gago,” tatawa-tawang sabi nito.
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. “P-Paanong nakadelihensya?”
“Noong isang linggo yata ‘yon, may na-i-close daw siyang deal. Malaki daw ang komisyon niya sa pinagbentahan ng lupa. Ang daming pera ng hinayupak.”
Parang humigpit ang anit ni Georgina sa narinig. “N-Naikuwento ba niya kung sino-sino ang mga ka-deal niya?”
“Ano daw, Planta istit.”
“Gago, Plata Estate. ‘Yon ang namimili ng mga lupa sa Station Two, ‘yong magpapatayo ng malaking mall na kakalaban sa mall doon,” singit ng isa pang tambay.
Halos mabingi na si Goergina sa lalong pagbilis ng tibok ng puso niya. Ayaw i-entertain ng utak niya ang posibilidad pero hindi niya puwedeng balewalain ang mga narinig. Noon naman parang tuksong bumalik sa isip niya ang brown envelope pati na ang maraming pinapirmahan sa kanya ni Ruben.
Her stomach dropped. Gaano ba kalaki ang posibilidad na naisingit ni Ruben sa mga ‘yon ang deed of sale ng lupa niya sa Station Two? At kabisado din ni Ruben ang lahat ng sulok ng bahay niya. Hindi imposibleng alam nito ang safe sa likod ng painting.
Lastly, what are the odds that the five million stated in the deed of sale landed on Ruben’s hands? Nakagat ni Georgina ang pang-ibabang labi.
Oh god! The deed of sale bears my legit signature.
Tulirong bumalik sa bahay niya si Georgina. Napagbintangan niya si Lee na walang kinalaman. Pero masisisi ba siya ng lalaki kung naniwala siya kay James? Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na puwedeng involved si Ruben.
But you owe him.
Kahit walang kasalanan, ginawan ni Lee ng paraan para maisauli sa kanya ang nawawalang titulo. The most she could do is to thank him. Kaya pikit-matang nag-dial si Georgina. Pero ring lang nang ring ang cellphone ng binata. Nanlumumong naibaba niya ang cellphone. Malamang ayaw siyang kausapin ng binata. Kung siya man ang nasa posisyon ito, ganoon din ang mararamdaman niya.
Padalos-dalos ka kasi, sisi niya sa sarili.
Frustrated na napadapa siya sa kama. Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi puwedeng basta na lang siya maupo doon at hayaan si James na makuha ang property niya. Kailangan niya ng professional opinion. Doon pumasok sa isip niya si Atty. Dimaculangan.
Hindi naman nabigo si Georgina. Kahit paano ay nakakita siya ng pag-asa nang makausap ang abogado. Hindi na lang muna niya sinabi dito ang nagawa ni Ruben hangga’t hindi pa natatagpuan ang lalaki.
Inabot sila ng abogado ng halos tatlong oras sa video conference. Nang matapos silang mag-usap ay ramdam ni Georgina ang pananakit ng likod at batok.
“Thank you, Attorney.”
“Walang anuman, iha. Asikasuhin mo na agad ‘yong mga binanggit ko sa ‘yo.”
“Opo. Maraming salamat po ulit.”
“Sige. Nga pala, kamusta naman si Ruben? Hindi ka ba binibigyan ng problema?”
“A-Ah, si Ruben po? O-Okay naman,” kandabulol siya sa pagdadahilan.
“Mabuti. ‘Yong huli naming pag-uusap kasi magpapaopera daw sa liver ang nanay niya. Kako ‘wag siyang magbibisyo dahil siya ang compatible donor. Hindi naman maaasahan ang mga kapatid dahil mga lasenggo. Nag-ambag na nga rin ako sa pampaopera ni Lucinda pero kulang pa rin. May pamilya rin naman kasi ako.”
“Ah. Wala kasi siyang nababanggit. Sana nakapag-abot ho ako kahit paano.”
“Ma-pride din kasi ‘yon. Malamang nahihiya sa ‘yo kaya hindi nagsabi. O paano, kailangan ko nang umalis. May kausap pa akong kliyente,” paalam ng abogado.
“Sige po. Salamat ulit.”
Ano ba ‘tong nangyayari sa kanya? Nahilot ni Georgina ang sentido, bigla kasi ng pumitik sa banda doon. Nagsabay-sabay na ang iniinda niya sa katawan. Kaya siguro natukso si Ruben sa alok ng Plata Estate ay dahil nangangailangan ng malaking halaga.
Hindi biro ang perang magagastos sa operasyon, kasama na ang post-operation care para sa pasyente. At hindi pa doon nagtatapos ang lahat, hindi na puwedeng magtrabaho ng mabigat ang sino mang naoperahan sa atay. Kung hikahos sina Ruben sa buhay, siguradong pati ang ina nitong may sakit ay nagtatrabaho rin sa kabila ng karamdaman.
Somehow, hindi niya magawang magalit kay Ruben. Naiintindihan na niya kung bakit nagawa ‘yon ng lalaki. At kung magkita man uli sila, hahayaan na lang niya ito. Marami siyang pera, hindi niya panghihinayangan ang limang milyon kung makakatulong naman ito para madugtungan ang buhay ng nanay ni Ruben. She just wished he came to her instead.
Ilan pa ba ang kagaya ni Ruben na mabuting tao pero napipilitang gumawa ng masama para sa pamilya? Kung maglustay siya ng pera noon ay ganoon lang. Ni hindi niya inisip na para sa ordinaryong taong kagaya ni Ruben, ilang buhay na ang kayang isalba ng kapritso niya.
Palubog na ang araw nang mag-text si Lee sa kanya. Muntikan na siyang masubsob sa pagmamadaling buksan at basahin ang text nang makita niya ang pangalan ni Lee sa screen. But it wasn't what she expected. It was an image of an unconscious and bloodied Lee. Nakatali ang binata at may busal sa bibig.
Pero hindi pa doon natatapos ang sindak ni Gerogina. Kasunod ng image na 'yon ay ang isang text na nagdulot ng panlalamig sa sikmura niya.
Bring all the documents or you'll never see him again. I'll send you the location by midnight. ‘Wag kang magsusumbong sa mga pulis kung ayaw mong tuluyan ko na agad si Lee.
Nabitawan ni Georgina ang cellphone. Nanlalabo ang mga matang mabilis siyang kumilos. Hindi na siya nag-isip at inipon lahat ng mga documents na may kinalaman sa lupang habol ni James.
Nang matapos ang ginagawa ay palakad-lakad siya sa kuwarto. Kailangan niya ng tulong pero kanino naman siya lalapit? Wala siyang masyadong kakilala dito sa Boracay. Si Ruben lang lagi ang kasama at nag-aasikaso sa mga bagay na kailangan niya.
Si Ivan!
Nabuhayan siya ng pag-asa. Kaibigan ni Lee si Ivan, siguro naman ay hindi nito papabayaan ang kaibigan na mapahamak. Hindi siya sigurado pero walang mawawala kung susubukan niya.
Bahala na, sabi niya sa sarili habang paalis ng bahay.
Pagdating ni Georgina sa restobar ni Ivan ay marami na ang mga customer. Hindi niya makita ang lalaki kung kaya’t nagtanong siya sa nagdaang waiter.
“Si Sir Ivan? Nasa rooftop po siya, nag-di-dinner. Puwede ko ho bang malaman ang pangalan nila? Off limits po kasi ang mga customer doon unless kaibigan o kapamilya kayo ni Sir.”
“Pakisabi si Georgina, magkasama kami ni Lee Zervos nang magpunta kami dito last time. Please, importante lang. Kailangan ko kamo ng tulong niya.”
“Sige po, Ma’am. Upo ho muna kayo saglit, aakyat lang ako para ipaalam kay Sir.”
“Maraming salamat.”
Hindi nagtagal ay bumalik ang waiter kasunod si Ivan at ang pinakahuling babaeng inasahan niyang makikita niya doon. Namutla si Georgina nang magtama ang mga mata nila ng babae. Walang bakas ng pagkagulat ang mukha ni Chantal. Hindi rin ito ngumingiti habang nakatingin sa kanya.
“Georgina, hi. What brought you here?” tanong ni Ivan.
“I-Ivan…”
“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ni Chantal.
“Do you know each other?” si Ivan.
“School mates noong college,” sagot ni Chantal.
Napalunok si Georgina sa nakikitang animosity sa mukha ni Chantal. Pero hindi siya nandito para kay Chantal kundi para kay Lee.
“Lee has been abducted,” nanginginig ang boses na pagtatapat niya kay Ivan.
“What?!” sabay na bulalas nina Ivan at Chantal.
“T-That’s impossible! Kanina lang ay magkasama kami. Nagpaalam lang siyang lalabas. Kaya nga ako nauna dito because we planned to have dinner with Ivan.”
Kumirot ang dibdib ni Georgina sa kaalamang magkasama ang dalawa. Her chest felt heavy with the knowledge that they’re together making plans like what she and Lee used to do for the past weeks. Pero pinilit niyang itaboy ang nararamdaman.
Think of Lee, utos niya sa sarili.
Nagpalinga-linga si Ivan sa paligid at pagkatapos ay hinawakan si Georgina sa braso. “Let’s talk upstairs.”
Walang kibo siyang sumunod kay Ivan, ganoon din si Chantal. Pagdating sa rooftop ay ikinuwento ni Georgina ang lahat ng nangyari at kung paano nadamay si Lee. Siyempre hindi na niya ikinuwento ang naging set-up nila ng binata. Lalo na’t kaharap lang nila si Chantal.
“No, you’re lying! Hindi magagawa ang kapatid ko ‘yon,” tanggi ni Chantal.
“Then why don’t you ask your brother kung nasaan niya dinala si Lee? Or better yet, keep your mouth shut and see for yourself. Sumunod ka mamaya at tingnan natin kung sino ang nagsasabi ng totoo.”
“Walang dahilan si Kuya James para gawin ‘yon!” May diin ang boses ni Chantal.
“Hindi mo ba naisip na malamang ay nag-iipon ng puntos ang kapatid mo?”
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Chantal.
“Wala kang silbi sa pamilya mo unless you marry someone from the elite. You blew your chances when you broke up with Lee. Bigla, hindi ka na paborito ng Daddy n’yo dahil napurnada ang merger ng Sanders Dev at kumpanyang mamanahin ni Lee sa Mommy niya. What’s left for your brother to do is magpakitang gilas para bumango uli kayo sa Daddy n’yo. Sa dami n’yong magkakapatid from different mothers, maraming pagpipilian si Julian Sanders para umupo sa President’s chair.”
“I don’t think I’m following you,” sabi ni Chantal.
Georgina rolled her eyes. “Lame brain. What I am trying to say is, the proposed mall is one of the biggest projects of Sander’s Dev this year. Gagawin ni James ang lahat para mag-push through ang project to solidify his position. Lalo na at kaliwa’t kanan ang naisasarang deal ng half-sister n’yong si Denise under Sander’s Pharma. Idagdag pa ang kapatid n’yo ring si Charles who saved Sander’s Publication from bankruptcy.”
“That’s a good motive,” sabi ni Ivan.
“Of course, it is. Considering their mother is nothing compared to Denise or Charles’ mothers na galing sa maimpluwensyang pamilya.”
Namula si Chantal sa galit nang mabanggit ‘yon. “Y-You!”
Hindi natuloy ang pagsampal sana sa kanya ni Chantal dahil nasalo niya ang kamay nito. With deadly calm, she dropped the woman’s wrist.
“At anong klaseng girlfriend ka? Hahayaan mo na lang ang kapatid mo na gawan ng masama ang boyfriend mo?” parungit ni Georgina.
“We can’t pull this off without you, Chan.”
“I’d like to help but…”
“No buts. It’s either yes or no,” singit ni Georgina. “Ano?”
“Y-Yes. Tell me what to do.”
Nakahinga nang maluwag si Georgina nang magsimula na silang magplano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro