Tailpiece One
Owtor''s Nowt: Wow! Number 15 on Short Story out of 1.74K stories... That's a lot to be at that rank. Thank you guys. Best early Christmas present. You guys are awesome. 😍😍
“RAGE, Love. Pwede bang kausapin mo 'yang panganay mo?” Malambing ngunit may diin na sabi ni George.
“Magnum Rager.” Kalmado at seryoso nitong pagkuha ng pansin ni Rage sa panganay na anak.
“Yes, Dad?” Itinaas nito ang mukha at naiilang na tumingin sa ama at ina.
“What was your Mom’s talking about?” Eto ang kinatatakot ng mga anak niya sa kanya, yung pagiging kalmado nito, masyadong kalmado. Yun bang tipong panatag at banayad na alon tapos biglang taas nito at bigla na lang aatake at pagkatapos ay mag-iiwan ng kahindik-hindik na pinsala, ganun ang tingin nila sa tuwing magiging seryoso ang ama nila. Malambing at mapagmahal ito, sobra, pero sa lahat ng ayaw nila na magalit talaga ito dahil nagalit ang Mommy nila. Talagang mayayari silang lahat.
“I don’t know, Dad.” Sa totoo lang hindi niya talaga alam ang ikinagagalit ng mommy nila.
“You don’t know? O ayaw mo lang sabihin sa akin, because you don’t want me to know? Hindi magagalit ang mommy n'yo kung wala kayong ginawa na ikagagalit niya.” Kalmadong saad ni Rage. Napayuko si Magnum. Naisip niya, maaaring nalaman na ng mommy niya ang ginawa niya sa school. Tenth grade si Magnum Rager at ninth grade naman si Magnolia Reese, parehong eskwelahan sila ng pinapasukan.
“Dad, please don’t get mad at Kuya. He was just protecting me, if that’s what Mommy was talking about.” Mabilis na saad ng kapatid na kapapasok lang sa kusina. Hindi marunong magsinungaling si Reese kaya tuloy-tuloy ito sa pagsasalita.
“What are you talking about?” Tanong ni Rage sa dalawang anak na nasa harapan niya ngayon.
“Dad, napaaway po si Kuya kahapon sa school kasi naman po napakahambog naman nung lalaking yun!” Singit naman ng kapapasok lang na si Gea Maggi at nakasunod naman ang kakambal nitong si Geo Magus, parehong eighth grade sa kaparehong eskwelahan ng mga kapatid.
Apat na ang anak nila na magkakasunod na tatlong taon. Hindi man lang naghintay si Rage na maagwatan ang mga anak. Sabi nga niya, ayaw niyang mag-aksaya pa ng panahon. Sabi niya, mahaba na ang anim na taong sinayang nila dahil lang sa pareho silang hindi nag-isip ng tamang paraan para magkaayos.
Dalawang taon pagkatapos nilang maikasal ay nagbuntis si George. Akala na nga nila hindi na ito magbubuntis, pero simula nun, halos taon-taon niya kung buntisin ang asawa. Natigil lang ng manganib ang buhay nito sa panganganak sa kambal.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong Rage kay Gea.
“Daddy, you should have seen how scared Ate Magnolia when that boy grabbed her by the waist and he was trying grope her.” Walang prenong kwento Gea. “Aw, Geo! Bakit ka ba nangungurot!” Singhal nito sa kakambal. Pinandilatan siya ng mata ni Geo.
“Who is this boy, Magnum.” Baling nito sa panganay. Tahimik itong nakayuko, humugot ng malalim na paghinga bago nagsalita.
“He was a nobody, Dad.” Panimula ni Magnum. Papasok ng kusina si George kaya tumigil siya sa pintuan para makinig. Alam niyang may hindi sinasabi ang anak sa kanya, kahit na sinabi na ni Nicky sa kanya ang naging dahilan ng suntukan na nangyari sa parking lot ng university kung saan pare-parehong nag-aaral ang magpipinsan. College na si Nicky kaya siya ang palaging driver ng mga ito. “He was one of those transferee from the states thinking that everyone and everything wearing a skirt will fall for him.” Matiim ang bagang nitong dugtong. Laglag ang panga ni George sa narinig.
“Dad, it is not Kuya Rager’s fault. Be mad at me and not with Kuya, kasi tinulungan lang naman po niya ako eh.” Naiiyak na sabi ni Magnolia. Tahimik lang naman ang kambal, ngunit nakikita ni Rage na may hindi maganda ang iniisip si Geo, ito kasi ang pinakapilyo sa lahat ng anak niya kasama ang pangatlong anak ni Cecilia at Nikko, si Niccolai; pangalawa na anak ni Levi at Cheska, si Atom; pangalawa na anak ni Brennan at Lexi, si Hunter. Magkakaklase ang mga ito kaya walang takot si Gea dahil konsintidor ang kambal, ang pinsan at ang dalawang kaibigan. Napailing na lang siya.
“I won’t, I promise, sweetheart. Magnum, I need to know the name of this boy.” Napansin ni Rage na nakatayo sa pinto ang asawa at umiiyak. Alam niya kung bakit ito ganun. “I need you and Nicky to go with me to the office of the Dean to discuss this matter.” Tumango lamang ang panganay at inakap ito ng kapatid. Lumapit na si George sa kanila bitbit ang attachè case ni Rage.
“I’m sorry, Kuya. You got in trouble because of me.” Nakaramdam ng awa si Magnum sa kapatid, gayun pa man ay masaya siya dahil nagawa niyang ipagtanggol ang kapatid dahil yun ang tama. Naipagtanggol niya ito na hindi kinailangan ang tulong ng mga kaibigan niyang sila Nuetron at Savage, mga anak ni Levi at Cheska.
“It’s okay, Princess. As long as nandito si Kuya, walang babastos sa iyo.” Ngumiti si George dahil sa pagmamahal na ipinapakita nito sa kapatid.
“Magnum… the name?” Si Rage.
“His name is Chaos.” Simpleng sagot ni Magnum. Hindi nakapagsalita pa si Rage dahil pumasok na ng kusina si George.
“Magnum, honey. I’m sorry dahil nagalit si mommy sa iyo. Ayaw lang kasi ni Mommy ang napapaaway ka eh. I am glad that you stood up for your sister and you fight for what is right, but that doesn’t mean na tama pa rin ang ginawa mong makipag-away.” Hinaplos ni George ang pisngi ng panganay. Kamukhang-kamukha ito ng asawa niya kaya nanghihinayang siya na mamantsahan ang gwapo nitong mukha.
“It’s okay, Mom. I know what I did and how I reacted towards the matter is wrong, but I will not let anybody hurt any of my family, because I will do it again. The truth, I won’t even bother to pay attention to him kahit na ganun ang ginawa niya kay Reese but when he raised his hand to slap her, that I couldn’t pass. It’s bad enough already that he manhandled my sister, tapos sasampalin pa niya si Reese? Nope. I can’t let that happen. Over my dead body, Mom.” Nakita ni George ang determinasyon at galit sa mga mata ng anak, kaya umakyat ang galit sa kanyang ulo dahil na rin sa narinig. Mabilis pa sa pagkurap ng mata ni Rage ang paglabas ni George sa kusina, hinablot ang susing nakasabit sa key hanger sa gilid ng pinto at tuloy-tuloy na lumabas ng pinto. Nagkatinginan silang mag-aama panandalian bago nakahuma ang isa sa kanila.
“Uhm… Dad, I think Mom will go on a full Gabriella Silang mode.” Si Gea ang nagsalita. Nagkatinginan silang muli at parang mga langgam na binuhusan na tubig at pilit na umaalagwa para hindi malunod. Nagpulasan sila isa-isa palabas ng kusina diretso sa garahe, sunod-sunod na sumakay SUV nila at sinundan kung saan patungo si George.
“Magnum, call your Tito Levi, Tito Mark and Tito Brennan. Tell them to meet at the Dean’s office NOW!” Utos ni Rage sa anak.
“Okay, Dad.” Mabilis na sagot ni Magnus.
“Kuya, Rager, I’ll call Tito Mark.” Presinta ni Magnolia.
“Kuya, I’ll call Tito Brennan.” Mabilis na presinta ni Geo.
“Do I need to call Tito Nikko, too? Kuya Nicky was there yesterday and saw the whole thing.” Sabat na matabil na si Gea.
“Yes, sweetie, you do that. We need someone to control your Mom. But please, do not call your Tito Paolo. Dadagdag lang yun sa gulo.” At sinunod nga ng mga anak ang utos niyang pagtawag sa mga Tito ng mga ito.
“Dad, Kuya Nicky texted. Mom is wreaking havoc in our school. Tita Lexi is already there to oversee what is happening and Dad…” Pabitin na sabi ni Magnum. Kinakabahan si Rage dahil alam niya ang kakayahan ng asawa niya. Siya ang may pangalan na Rage pero alam niyang ang asawa ang may tinatagong “rage”.
“Dad… Mom got a hold of Chaos' ear.” Napapangiwing sabi ni Magnolia Reese. Itinext sa kanya ng kaklase na nakakita sa ginawa ng Mommy niya.
“Oh gosh. I feel bad for the boy now.” Naiiling niyang sabi. Nangingiti na lang siya. He loves her in any way possible.
“Dad, wag masyadong ngingiti, sobrang lalim ng dimple eh.” Panunukso ng panganay.
“Shut up, boy. You will be like this, too, when you find the one, and for me, your Mom is the “ONE”.” Wala na ngang naisagot ang anak niya. Nag-high five na lang mga ito maliban kay Gea.
“Yeah, we know. You are George's Rage at under ka ni Mommy.” Malakas na tawanan ang sumabog sa loob ng sasakyan. Bagay na gustong-gusto niyang naririnig kahit na may mga hinaharap silang problema at pagsubok.
--------------------
End of GR Tailpiece One
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
11.19.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro