George's Rage Two
Wag panghinaan ng loob dahil minsan ang buhay mapaglaro,
ang pag-ibig ay matalinhaga at ang bukas ay hindi tantiya.
Wag mawalan ng pag-asa, sa likod ng lungkot ay mayroong ligaya.
Tiis-tiis lang, makakamit mo timang biyaya.
~ Ms. J
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
George's Rage
"Pagkakataon"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
BAGO pa sumikat si haring araw sa silangan, pagkalipas ng libing ni Gina, isang binatilyo na may kaliitan at patpatin ang ngayon ay bumabagtas sa mismong kalsadang nag-iwan ng pait at lungkot para sa lahat ang ngayon ay patungo sa Hacienda Rosita.
Nakatungo ito habang naglalakad na akala mo ay naghahanap ng kung anong bagay na nawala nito sa mabato at maalikabok na daanan. Nag-angat lamang ito ng tingin nang marating ang isang katamtamang laki na bahay, ang bahay ng mga Mendoza. Ramdam sa tahimik na paligid ang kakulangan nito ng kislap.
"M-magandang araw po! T-tiyang Luning? T-t'yong Tacio?" Malakas at pumipiyok nitong sigaw.
Natigil sa pagtangis si Aling Luningning nang marinig ang hindi niya maintindihan na boses, lalaki ba ito o babae o nagpipilit na magkaroon ng boses dahil pagpiyok nito. Gayun pa man ay tumayo ang nagdadalamhating ginang ng tahanan. Wala namang magawa ang ginang dahil sa siya mismo ang tinatawag nito at ang asawa na wala ngayon sa bahay nila.
"T'yang Luning!! T'yong Tacio!!" Muling sigaw ng pumipiyok na tinig sa labas.
Dumungaw si Aling Luningning sa bintanang gawa sa pinagsamang kahoy, nipa, kawayan at pawid. Nakita niya ang parang binatilyong hindi pamilyar sa kanya.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Utoy?" Tanong niya dito mula sa bintana. Utoy ang tawag niya dahil mukhang hindi pa ito lubos na mama ngunit hindi naman batang-bata. Hindi agad nakapagsalita ang bisita dahil sa nerbiyos. Alumpihit ito.
"M=magandang araw po, T-tiyang. A-anak po ako ni Nicanor Mendoza, p-pinsan po siya ni T'yong Tacio. Ahmm... T-tumawag daw po ang... ang... mga Kuya Paolo na kailangan n'yo raw po ng pang-limang kamay dito sa hacienda." Pautal-utal nitong sabi. "P-pinapupunta po ako dito ni... ni... K-kuya Nikko." Patuloy ang pagkakautal na salita ng binatilyo. Natigilan at napaisip si Aling Luningning. Hindi niya kilala ang pinsan ng asawa na sinasabi ng binatilyong ito.
"Ay sandali nga, Utoy. Hintayin mo ako diyan sa baba at diyan tayo mag-usap." Bago pa man bumaba si Aling Luningning ay isinukbit muna nito ang gulok na nakasabit sa giliran ng pinto at itinali ito bewang.
"T-tiyang..." Napaatras ang binatilyo nang makita nito ang gulok na nasukbit sa tagiliran ng ginang at hawak pa nito ang puluhan.Napangiti si Aling luningning.
"Ano ang pakay mo, Utoy." Salubong ang kilay na turan ng ginang. Bahagyang ngumiti ang biantilyo.
Nagtaas ng kilay si Aling Luningning dahil sa ngiting bumahid sa labi ng bisita. Magandang ngumiti ang batang ito, kahawig ng ngiti ni Gina. Nang dahil sa naisip ay muli itong napaluha. Nag-alala ang bisitang kaharap na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala.
"T-tiyang, ako po si George, anak po ako ni Nicanor Mendoza, pinapunta po ako dito Kuya Nikko. T-tiyang, nakikiramay po pala ako sa inyo." Bahagyang napatda pa si Aling Luningning dahil sa pagluha ng binatilyong bisita. Pinanayuan siya ng balahibo dahil sa init ng palad nito na parang palad ni Gina.
"Nay! Sino po ang kausap n'yo?" Tanong ng mga bagong dating na sina Nicholas (Nikko), Paulino (Paolo), Markus (Mark), at Redentor (Dean). Nagkatinginan ang apat na bagong dating at ang binatilyo.
"Kuya..." Hindi na nakapagsalita pa ang magkakapatid. Nilapitan na lang nila ito at inakap.
"Nay, si George po yan, anak po siya ni T'yong Canor at T'yang Bining. Pinsan po ni Tatay na taga-ibayo. Wala na po kasi ang Tiyong at iba pa niyang mga kapatid kaya siya na lang mag-isa ang nakatira sa maliit na kubol na ginawa niya dahil binenta na ng mga kapatid niya ang bahay nila." Mabilis na salaysay ni Nikko, ang panganay sa apat. Kumalma naman kaagad ang kanilang ina dahil nandito na ang mga anak niya.
"Inimbitahan naming dumito na lang siya, Nay. Nag-iisa lang siya bukid na sinasaka dati ng T'yong dahil ayaw namang sumama niyang doon sa mga kapatid niya sa feeling taga-Maynila na." Dugtong ni Paolo." Salo ni Paolo. Matiim na tinitigan sila ng kanilang ina. Marahil ay tinatantiya kung nagsasabi ba ang mito ng katotohanan o nagsisinungaling lang, mahirap na.
Simula kasi nang may mangyaring krimen sa lugar nila ay parang naging matatakutin na ang lahat ng mga taga-rito, lalo na ang mga nakatatandang residente ng hacienda. Kung noon ay hindi sila nagkakandado ng mga bahay nila sa gabi, kahit na kapag aalis sila, ngayon ay kuntodo trangka na ang bawat isa.
Wala nang makikitang naglalakad lampas alas syete ng gabi sa kahit saang kalsada ng hacienda. May mga tanod na rin na naglilibot dito. Parang bigla ay nagising sila sa mga bagay na dati ay hindi nila pansin kaya naman lahat ng mga taga hacienda ay hindi lang maingat, paranoid na rin.
"Pasensiya na, Utoy at hindi ko kilala ang tatay mo. Hindi naman kasi kayo nadadayo dito at hindi rin kami napapadayo sa inyo." Paghingi ni Aling Luningning ng paumanhin sa binatilyo.
"Ayos lang po yun, T'yang. Hindi ko naman kayo masisisi, ayaw kasi ni Nanay na naglalapit sa kahit na kaninong kamag-anak, kaya namuhay po kaming malayo sa lahat. Pasensya na rin po." Paghingi din ng paumanhin ni George sa ginang.
Para namang nakaramdam ng awa ang ginang sa sinabi ng binatilyo at nainis sa Nanay nito na hindi naman niya kilala.
"O siya, sige. Iwan ko na kayo riyan. Kayo na ang bahala sa batang yan, Nikko." Saad nito sa mga anak.
Tahimik na tumalikod si Aling Luning at pumasok sa loob ng bahay. Ngunit bago ito tuluyang makapasok ng bahay, isang mapagmahal na tingin ang itinapon sa limang lalaki, kasama na ang binatilyong ngayon lang nakilala.
"Salamat sa iyong pagdating." Bigkas ni Luningning na tanging siya lamang ang nakarinig.
Hinila ng magkakapatid ang binatilyo sa di kalayuan sa bahay, malapit sa tumana bago doon kinausap.
"Bakit nandito ka na kaagad? Di ba sabi naman namin na kami ang susundo sa iyo?" Nanggagalaiting turan-tanong ni Nikko sa bagong dating. Galit man itong nagsasalita ay pinipilit na wag tumaas ang boses dahil sa takot na marinig ng ina.
"Kayo kaya ang maiwan sa kamalig na walang ilaw sa gabi at halos hindi makalabas sa araw? Tapos halos ayaw n'yo pa akong puntahan doon. Gutom na rin kaya ako." Mataray at padabog nitong sagot sa mga lalaki. "Nakakatakot sa gabi doon. Halos hindi ako makatulog dahil sa kaluskos ng kung ano-ano sa labas ng lumang kamalig na yun, tapos ang dami pang lamok." Naiiyak nitong sabi. Naawa naman ang mga lalaki.
"Bunso, pagpasensiyahan mo na ang mga Kuya ha, hindi lang namin kaagad maiwan ang Tatay at Nanay dahil nga nakaburol ka pa." May diin na sabi ni Mark dito. "Mabuti nga kahit papaano ay nakakapuslit kami kahit paisa-isa lang para kamustahin ka doon at dalhan ng kahit na merienda lang." Pag-aalo sa kanilang bunso.
"Bunso, hindi namin alam kung paano naming sasabihin sa Nanay at Tatay na hindi ikaw ang pinaglamayan namin, ni hindi nga namin alam kung sino ang babaeng yun." Napahilot ng sentido nito si Paolo.
"Bunso, hindi maganda ang ginawa mo. Paano kung nakilala ka ni Nanay?" Nag-aalalang tanong ni Dean sa kapatid.
"Hayaan mo na Kuya Dean, hindi naman ako nakilala ni Nanay. Pero yung tungkol doon sa bangkay, nabalitaan ko rin yun. Yan lang kaya ang usapan ng mga taong dumadaan doon sa kamalig na pinag-iwanan n'yo sa akin. Mabuti na lang nakita ko itong mga lumang damit na ito na nakasiksik doon sa likod ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka. Tapos nakita ko rin itong lumang sumbrero." Kwento ni Gina o mas mabuting tawagin natin sa bago niyang pangalan na George.
"Mayayari tayo nito sa mga Tatay eh. Paniguradong magsusumbong ang Nanay dun." Hapong napaupo si Dean sa tabi ni George, nagsisisi sa pagkunsinte sa kapatid.
"Paano na ito, Kuya? Paano kung hindi maniwala ang mga Tatay na ako nga si George eh huling kita pa natin kay T'yong Canor, eh walong taong gulang pa lang ako at walang anak si Tyong na George ang pangalan." Napapadyak pa ito. Napatirik ng mata si Paolo.
"At kahit naman siguro na masama ang ugali ni T'yang Bining, hindi naman siguro aabot sa isolation ng buong angkan nila ang nangyari." Salo ni Mark. Napapakamot na lang ang magkakapatid na lalaki sa problemang pinasok nila.
"Kuya, magtapat na lang kaya tayo kay Nanay at Tatay at sa boung taga hacienda. Hihingi na lag ako ng tawad at sasabihin ko ang totoong dahilan kung bakit umabot sa ganito. "Naiiyak sa sabi ni George
"Umayos ka nga, Georgina! Baka mamaya makita ka ni Nanay ang pagpadyak-padyak mo riyan. Pwede nating pagsinungalingan ang buong Hacienda Rosita pero nungka ang Nanay kaya mag-ingat ka na muna hanggang sa makahanap tayo ng paraan na sabihin sa kanila ang totoo." Saway ni Paolo sa kapatid.
"Tama si Pao, wag muna ngayon. Hindi ka pwedeng palaging maglalagi sa bahay dahil baka makilala ka ni Nanay. Si Tatay ay ayos lang pero si Nanay... mahirap maglihim doon." Sambot ni Nikko.
"Talagang mas mahirap magsinungaling sa Nanay." Sang-ayong sabat ni Dean. Napanguso si George.
"Bakit ba naman kasi sumabay pa ang babaeng yun." Talagang naiiyak na si George sa mga nangyari. Ang paglalayas niya ay humantong sa kanyang kamatayang hindi sinasadya.
Ngayong magkakaharap ang limang magkakapatid, kailangan na muna nilang pag-usapan kung ano ang pwedeng gawin. Hindi nila akalain na magiging ganito ang lahat. Wala naman sa plano nilang palabasing patay na ang kapatid.
Ang plano talaga ay aalis si Gina papuntang Manila kapag nag-deliver si Dean ng gulay sa Balintawak at sasama si Nikko para maipakilala ito sa kapatid ng matalik na kaibigang babae na ngayon ay nagtatrabaho sa banko sa Caloocan.
Yun nga sanang kinabukasan nun may delivery ng gulay na ibabagsak sa Balintawak Market, kaya lang kinabukasan sunog na labi ng babae ang bumungad sa kanila doon sa mismong lugar na dinaanan nila nung gabing yun para ihatid si Gina sa kamalig sa kanlurang bahagi ng hacienda kung saan kadalasan dumadaan ang truck na pang-deliver ng gulay at kung ano-ano pa.
Ang plano lang naman kasi talaga niya kaya niya yun nagawa ay lalayas dahil ayaw nga niyang magpakasal kay Rager ng ganun-ganun lang. Galit pa siya dito at silang magkakapatid lang ang nakakaalam.
Ang plano niya ay pahihirapan ang binata sa paghahanap sa kanya para matauhan. Hindi talaga nila akalain na magiging ganito ang lahat. Ang hirap talaga kapag ang pagkakataon ay hindi umayon sa gusto.
___________
End of GR 2: Pagkakataon
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.
The story may be the writer's original idea/creation, the photo used as a cover is not owned by the writer, so please be kind and be respectful to the original owner the media used and let's enjoy the story.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18
George's Rage
©All rights reserved
September 20, 2018
November 20, 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro