George's Rage Twenty-two
Owtor''s Nowt: Ano? Relax na ba ang mga puso natin? Sana naman. Eto na sila. Alamin natin kung ano ang misteryong bumabalot sa katauhan ni Ava. He-he-he intense ba?
Any way, yung ibang mga readers diyan, wag naman masyadong harsh sa mga ibang mga writers, isipin nyong libre ito lahat. Magpasalamat na lang tayo sa mga nababasa natin. Ako di ko problema yanan ang hindi ko alam bakit hindi ko problema yan... Tama ba La Liga? Watty Pemily!! Wer na yu? Miss you na.
-------------------
MANILA.
Alas singko ng hapon ng dumating sila George, Rage, Cheska, Levi, Brennan at Lexi sa harap ng condo building no Rage. Nag-park na sila.
“Love, wake up. We're home.” Pabulong at malambing na panggigising ni Rage kay George. Nasa front seat sila. Siya kasi ang huling nag-drive.
“Home? As in Santo Tomas home?” Tanong nito, mukhang naalimpungatan. Dahil kagigising lang ay hilo pa ang utak at medyo disoriented ang asawa. Napapangiti si Rage sa tuwing sasabihin o isipin niya ang salitang asawa. Para siyang kinikilig na hindi niya mawari.
“Nope. My condo, our home.” Sagot niya dito na nakangiti pa rin.
Tumango na lamang si George at hinilamos ang kamay sa mukha para giisingin ang sarili. Pagkatapos ay tumuwid ng upo.
Nagsilabasan na rin ang iba pang mga kaibigan at nag-umpisang tahakin ang main lobby entrance nang salubungin sila ng security guard. Nagtataka man si Rage ay hindi ito nagpahalata.
“Sir Magnus…” Bungad nito na parang nagmamadali.
“Oh, Kuya Lando? Anong atin? Tanong niya dito.
“Sir, sa staff elevator na lang po daw kayo sumakay.” Simpleng sabi nito.
“Bakit, Kuya?” Tanong niya dito ng nagtataka.
“Si Sir Markus na lang po ang magpapaliwanag sa inyo.” Simpleng sagot ng guard.
“Ah sige po, Kuya Lando.” Tumango na lang ang gwardiya at napatiuna ng maglakad tungo sa likod ng kanilang gusali.
Tahimik lang silang anim na nakasunod sa lalaki. Magkahawak-kamay ang mga magsing-irog habang tinatahak ang pinto sa gilid ng building patungo sa staff elevator. Matiwasay silang nakarating sa palapag kung saan nandoon ang unit ni Rage.
“Salamat, Kuya Lando.” Pasasalamat niya sa paghahatid sa kanila. Yumukod lang muli ang lalaki bilang sagot sa kanya at nagpa-iwan na loob ng elevator.
Tahimik lamang ang kaibigan ni Rage at nakikiramdam. Batid nilang may hindi magandang mangyayari. Tahimik na tumipa ni George ang code sa keypad. Ilang saglit lang ay umilaw ito ng kulay berde, ibig sabihin ay pwede ng buksan.
“Kuya…” Nagulat si George. Sumalubong sa kanila ang nakangiti ngunit Nag-aalalang mukha ni Mark.
“Hi, bunso.” Bati nito sa kanya sabay halik sa kanyang noo at inakap siya nito.
“Oh, bay…” Babati pa sana si Rage ng makita ang mga taong nakaupo sa sofa niya. “Anong…” Nasurpresa yata sila sa mga taong nakikita nila. Ilang sandali pa ay may tumikhim sa likuran nila.
Umipod sila Brennan at Levi at mga kasintahan nito papasok sa loob ng unit ni Rage. Halos natulos si Rage at George sa kanilang kinatatayuan, ang totoo, si Rage lang. Kaya lang naman hindi makakilos si George ay dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Rage sa bewang niya na halos idikit na siya ng permanente ng asawa sa katawan nito. Asawa… hmmm. I like the sound of that. Takbo ng maharot niyang utak ngunit pinilit niyang iwaksi yun. Hindi niya kasi alam kung ano ang nangyayari.
“A-ava./A-anton?!” Malakas at sabay na sambit ni Nikko at Cecilia.
Flashback…
"Anton, you should go. Alone... without me." Pilit niyang pinakakalma ang kausap.
“Cel, why don't you just come with me? Hindi mo ba ako mahal?” Halos naiiyak na tanong ni Anton sa kanya.
“Anton, alam mong mahal kita kasi kaibigan kita eh, pero hindi ako pwedeng sumama sa iyo.” Seryoso ngunit malumanay na sagot ni Cecilia sa lalaki.
“Bakit? Dahil ba sa kanya?” Tanong nitong puno ng galit at sama ng loob. Hindi na alam ni Cecilia kung paanong ipapaintindi sa kanyang matalik na kaibigan na hindi pwede ang gusto nito. “Anton, kung noon ay pwede kitang samahan kahit saan mo gusto, hindi na kasi pwede ngayon, may boyfriend na ako eh at mahal ko siya, May girlfriend ka na rin at ikakasal ka na sa kanya.” Dugtong pa niya.
“Ah ganun! So, hahayaan mo na lang ako na maikasal sa babaeng yun dahil lang nagkaroon ka na ng boyfriend? Akala ko ba walang iwanan?” Saad nitong may halong panunumbat. Hindi na niya alam kung paanong kakausapin ang lalaki. Dati naman ay okay lang dito ang kasunduang yung ng mga magulang niya at ng mga kaibigan nito, pero ngayon ay iba na. Ano ang nangyari?
“Antonio Jose Beltran! Kelan ka pa naging isip-bata?!” Halos pasigaw na niyang tanong dito. “Akala ko ba mahal mo siya?” Dugtong pa ni Cecilia.
“Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Ava Marie. Pero Diyos ko naman, friendship, sa palagay mo ba mahal din ako nun? Kita mo naman ang ganda nun, ang sexy, matalino, lapitin ng lalaki. Take note puro pa makikisig at gwapo ang mga umaaligid sa kanya. Kahit yung pinsan mong si Magnus eh baka matalo pa ako nun kahit alam kong mag-bestfriend lang sila ni Insan Brennan at Ava. Ano ba naman ang panama ng mukhang nerd na ito.” Pagmamaktol nitong itinuturo ang sarili. Gustong matawa ni Cecilia dahil sa asal ng kaibigan. Oo nga at para itong isang nerd, well... Palaging naka-long sleeves, slacks, nakasalamin ng may kataasan grado, puro libro ang kaharap at masyadong malinis ang buhok na parang talagang isang nerd, pero gwapo naman ito. Maiihambing nga ito sa pinsan niyang si Rage, kaya lang kulang sa self confidence ang kaibigan.
“Insecure ka lang kasi hindi mo nakikita ang nakikita ko. Ikinukompara mo kasi sa iba ang sarili mo palagi. Pakiramdam ko naman may gusto rin sa iyo yun.” Kinutusan niya ito.
“Aray ko ha, namimihasa ka na. Hindi porke’t mahal kita ginaganyan-ganyan mo na lang ako.” Sinunggaban siya ng akap ni Anton. Lingid sa kaalaman nila nakapasok na pala si Ava at naabutan ang sinabi at ginawa ni Anton kay Celia.
“Mahal din naman kita eh, but you have to face this. Wag mo naman ipahiya ang mga parents mo.” Iniakap din niya ang kanyang mga braso kay Anton.
“Talaga? Loves mo ‘ko?” Tumango siya at matamis na ngumiti dito. Yun ang tagpong nakita ni Ava. At sa kanyang kinatayuan ay nakita niya kung paanong hinalikan ni Anton si Cecilia.
Ilang sandali pa umalis na si Ava na hilam sa luha. Sa paglabas niya sa apartment ni Cecilia ay nasalubong niya si Nikko. Hinablot niya ito dahil sa galit at sama ng loob at siniil ito ng halik. Natulos si Nikko sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya nakahuma dahil sa bilis ng pangyayari. Nang matuhan na siya ay malakas niyang itinulak si Ava na sanhi ng pagbagsak nito sa lupa. Luhaan itong tumayo, napahiya, ipinagpag ang sarili at galit niyang hinarap ang naguguluhang binata.
“Pagbabayaran nyo ang sakit na ginawa nyo sa akin!” Hindi man nakasigaw ay madiin ang bawat bigkas ng mga salitang namutawi sa labi ng dalaga at matalim ang mga titig na ibinato sa binata at ngumisi. “You think she loves you? Well, you are greatly mistaken! Pinaglalaruan ka lang niya katulad ng ginawa niya sa akin!” Tumalikod ito pagkatapos sabihin yun. Sumakay ito ng kotse at mabilis na pinaharurot yun. Naiwang naguguluhan si Nikko ngunit ipinagkibit balikat na lang niya yun. Nangako sa sariling hindi na mauulit yun.
End of Flashback…
“Well, happy reunion? I guess.” Napapantastikohang sambit ni Markus.
“Bakit kayo nandito?!” Madiing tanong ni Rage. Papalit-palit siya ng tingin sa mga nandun.
“Anong meron?” Inosenteng tanong naman ni George.
“Hindi mo ba siya kilala, bunso?” Tanong ni Markus sa kapatid na itinuro ang babaeng bagong dating, si Ava. Umiling lang si George at napakunot ng noo.
“Well, I guess since you guys are all here, might as well come in. Find a spot to sit down.” Utos ni Rage sa lahat. Iginiya niya si George sa pang-isahang upuan at pumunta ng kusina para kunan ng bottled water si George.
Nakitang niyang tumayo si Nikko at umupo sa armrest ng mahabang sofa at pinausog ang pinsan. Umupo naman si Mar sa tabi nito habang si Cheska ay sa kabilang dulo sa tabi ni Markus at umupo naman si Levi sa armrest katabi ng kasintahan. Inukopa naman ni Lexi ang isahang upuan at doon naman umupo si Brennan ang armrest sa kaliwang bahagi ni Lexi. Iniabot ni Rage ang tubig kay George. Kumuha naman ng upuan si Dean mula sa kusina at inilagay malapit sa inuupuan nila Rage.
“Okay, this exaggerated silence is annoying the hell out of me and it doesn’t answer my question? Why in world that you are all here in my unit?” Tuloy na tanong ni Rage. Ramdam ang pagkainis sa boses nito ng binata.
“Nandito ako para kay, bunso.” Sagot ni Markus.
“Ako din.” Sabat ni Dean. “Hindi ako sigurado kung bakit nandito yang nagpapaka-ex ni Kuya Nikko.” Turo niya kay Ava na ngayon ay nakayuko lang. Sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Dean. Kahit kelan talaga wala sa ayos ang binatang ito.
“Dean!!” Sabay-sabay na sambit ng mga kapatid sa pangalan niya. Wala palagi sa timing pero yun ang naging dahilan ng pagbubukas ng usapan kahit pare-parehong hirap.
“Well, totoo naman ah. Nang dahil diayn sa kanya nagkasira sila Kuya Nikko at Ate Celia. Tapos, hindi pa siya nakontento, sinagasaan pa niya si Magnus at si bunso.” Doon napatingin si Ava sa kanya.
“Teka… paanong nasagasaan ko si Magnus? What did I do?” Tanong nito. Nagkatinginan ang nandoon. Napatitig si George kay Ava. Kinikilala ito. Nanlaki ang mga mata ng mapagsino ang babae.
“YOU! It was you!”
--------------------
End of GR 22
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
11.12.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro