Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Twenty-One

Otor's Nowt: Masyadong busy ang life. Bakit? Kasi buhay po tayo at may trabaho, pamilya at yun po ang realidad. Mahirap pong mabuhay sa pantasya na lang palagi, pero minsan kailangan natin yun para ma-relax natin ang ating mga isip at puso. Kaya nga minsan masarap managinip kahit gising, mangarap. Kadalasan sa panaginip at pangarap ang nagkakatotoo, katulad ni Rage. Nanaginip. Nangarap. Nagkatotoo. Not bad, di ba?

Hayaan nyo na muna ang typo, kahit na antok na antok na ako, update pa rin kaya, next week ko na aayusin. Pagdamutan nyo ang masabaw kong handog. 😊😊✌️












-------------------

















"Magnus, Ready ka na ba? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Brennan Kay Rage. Nagbibihis na ngayon ang tatlo sa kwarto nilang tatlo. Magkahiwalay kasi ang kwarto nila sa kwarto ng mga dalaga.

"Matagal na. Ten years old pa lang ako pinangarap ko na siya, kaya pinaghandaan ko na ito." Sagot ni Rage habang ikinakabit ang hiling butones ng kulay baby blue long sleeve na suot nito. Sa loob lamang ng isang oras at kalahati ay ikakasal na siya sa pangarap at buhay niya. Isang oras at kalahati na lang ay asawa na niya si George. Isang oras at kalahati na lang ay mag-iiba na ang buhay niya.

"Congrats, bro. Ang tagal mo ring nagtiis ah. Bilib nga ako sa iyo eh, ang tiyaga mo." Ngumiti lang siya sa sinabi ni Levi. "May I remind you though, nakabalik na si Ava, at konting panahon lang ay malalaman nun kung nasaan ka." Dugtong nitong ouno ng pag-aalala.

"I know. But she can't have me. I am already taken, long time ago. And I know she knows that." Alam niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya.

"You and Nikko." Makahulugang sabat ni Brennan. Magsasalita pa sana si Levi ng mag-ring ang phone ni Rage. Initsa-pwera niya na muna ang komentaryo ni Brennan para sa gutom ang tawag.

"Mark? Is everything okay?" Tanong ni Rage. Kanina pa nila ito hinihintay.

"Ayos lang. Pero napadaan ako sana condo mo kanina hoping na hindi mo tinuloy ang balak mong pagtakas kay Bunso, guess who's at the lobby arguing with receptionist  and the guard." Napatuwid ng tayo si Rage. Umaasa siyang iba lang ang paka-ibig sabihin ni Mark.

"Just a wild guess... she's there?" Nagtago ang bagang niya. Sumisibol ang galit sayo puso niya. Iniisip pa lang niya ang presensya ng babae ay pakiramdam niya ay bumaligtad na uli ang mundo nila.

"Yup. None other. Ano ba ang ginagawa niya dito?" Ramdam mo ang poot sa puso ni Mark.

"I don't know. Did she see you?" Gusto niyang makasiguro.

"No. Tinawagan ko ang staff ng condo, ipinagbilin ko na wag paaakyatin hangga't hindi ka dumadating." Ganito sila ka-close ni Mark. Hindi lang alam ng lahat pero may permiso si Mark na magdesisyon tungkol sa condo unit niya kahit wala siya. Nakakalabas-pasok ang binata kahit na anong oras at araw na gustuhin nito sa unit niya.

Hindi siya nagtanim ng galit o tampo kay Mark kahit na hindi nito sinabi ang tungkol sa pagkukunwari ni George, dahil ganu'n din ang ginawa niya sa pinsang si Cecilia ng pumunta ito ng Japan. Wala siyang may sinabihan kahit mga magulang niya. Hinintay ng mga magulang niya na si Cecilia ang unang tumawag.

"Thanks, Bayaw." Yan ang tawagan nila kapag silang dalawa lang.

"BAYAW?!" Duet. Yan sila Brennan at Levi. Hindi na niya pinansin ang mga kaibigan.

"No problem. Just do what you need to do. Wag nyo na akong hintayin, dito na tayo magkita." Sagot naman nito na nagpabalik-balik sa bahagyang paglakbay ng kanyang isip. "Ay, bago ko pala makalimutan. Nagkita na si Kuya Nikko at Cecilia." Dugtong pa ni Mark at natahimik na ang kabilang linya..

"H-hello! Hello! Mark?" Wala na. Pinatay na talaga nito ang tawag.

"Bakit?" Tanong ni Brennan. Nakamasid lang si Levi.

"Something came up and Mark can't come, surprise sana kay George. We'll go as planned." Yung lang sinabi niya at lumabas ng kwarto. Pagkatapos ng gagawin nila ngayong umaga ay dadaan na lang sila sa Seafood By The Bay para kumain at babalik na sila sa Manila.

Mabilis namang sumunod si Brennan at Levi  sa kanya. Nag-text na rin si Levi kay Cheska. Naghintay sila sa may gazebo area ng garden ng Villa. Ilang sandali pa ay nakikita na nila ang tatlong dalagang papalapit sa kanila. Di naglaun ay dumating na rin ang hinihintay nilang tao, si Judge Beltran, uncle ni Brennan sa side ng Mommy niya.

Nagpakilanlanan ang isa't isa. Konting kwentuhan at ginawa na ang dapat na gawin. Nag-umpisa na si judge sa pagkasal kay George at Rage. Walang wedding vows na sinabi ang dalawa ngunit kita sa mga mata nila ang pagmamahalan. Nakangiti ang judge sa nasaksihan. Walang salitang namutawi sa mga labi nila ngunit isinisigaw iyon ng kanilang mga mata.

"You may now kiss the bride." Ngumiti si Rage ng ubod ng tamis at puno ng kapilyuhan. Kinabahan naman si George sa nakikita sa binata.

"I love you, my Georgina." Ubod ng lambing nitong saad.

"I love you more, my Rage." Halos pabulong na saad ni George bago pa magdaop ang kanilang mga labi. Bagay na ikinatakot ng mga balahibo sa batok at braso ni Rage. Ito ang ikinatatakot niya, in a good way, ay baka hindi niya mapigilan ang sarili sa panggigigil sa dalaga na ngayon ay asawa na niya. Asawa. I love the sound of that.

Tinigilan niya ng paghalik niya dito na parang pagod na pagod at hapong-hapo. Pinagdikit niya ng kanilang mga noo at nakapikit na parang ninanamnam ang tamis ng unang halik. Unang halik nila ito bilang Mr & Mrs Faulkerson.

"Well, ladies and gentlemen, I am honored to present to you, Mr. and Mrs. Magnus Rager Faulkerson." Anonsyo ni Judge Beltran. Pumalakpak naman ang kanilang mga kaibigan.

Magdaop palad at nakipagkamay ang dalawa sa apat na kaibigan pati na rin sa judge na nagkasal sa kanila.

"Thank you po, Tito." Pasasalamat ni Rage sa lalaki.

"You're welcome, hijo. I'm happy to officiate your wedding. Mabilisan pero pwede na. Pirmahan nyo na lang ito at ipapadala ko na lang sa inyo ang copy ng marriage contract nyo." Saad nito. Tinapik siya balikat ng huwes at ngumiti.

"Uncle Horace, sumabay na kayo sa amin mag-brunch." Paanyaya ni Brennan sa tiyuhin.

"Ay naku, wag na. Hinihintay ako ng Auntie mo sa Sam's ngayon. Kayo na lang. Enjoy." Kumaway na sa kanila ang huwes at naglakad na ito patungong parking lot.

"So, let's go?" Aya ni Lexi.

"Kunin nyo na muna ang gamit sa mga kwarto. May tatawagan lang ako." Deklara ni Rage at hinalikan si George sa gilid ng noo nito. Nagtataka man ay sumunod na lang siya. Sumunod na rin si Brennan sa tatlong dalaga habang si Levi at Rage ay nagpaiwan na.

Naging mabilis ang mga ginawa ng apat. Ilang sandali pa at nakalap na nila ang gamit at nag-check out na.

"Ano sa palagay mo ang nangyayari?" Wala sa loob na tanong George. Naawa naman ang tatlong kaya tumigil muna sila sa gitna ng lobby.

"George, there is something that you need to know." Tumingin muna si Lexi kay Cheska at Brennan. Bahagyang yumukod si Brennan na parang sinabi nitong 'okay' lang.

"Ava Marie Beltran-Madrid is back." Si Cheska na ang nagtuloy. Nalimot ang noo ni George.

"Who??" Halos pabulong na lumabas sa bibig niya ang katagang yun.

"Don't worry. Rage and Levi got it all covered. Hindi ka niya guguluhin, and besides hindi naman siya direktang kay Rage may atraso eh." Bahagyang paliwanag ni Brennan.

"Tama yun. Nadamay lang siya." Sabat ni Lexi. Salitan niyang tiningnan ang tatlo.

"Anong hindi direkta sa akin? Sino ba si Ava? Bakit parang natataranta kayong lahat? Ano ang kaugnayan niya kay Rage ko?" Sunod-sunod na tanong ni George sa kanila. Nagkatinginan sila.

Sa hacienda.

"Nay, luluwas kami ng Manila ni Cecilia." Deklara ni Nikko.

"Bakit? Anong meron?" Halos sabay an sagot ni Donya Rosita at Aling Luningning.

"May haharapin lang pong multo." Makahulugang sagot ni Nikko. Nagkatinginan ang mga nakatatanda sa kanya.

"Ay Kuya, sama ako." Presinta ni Dean..

"Ay, ako rin!" Hirit din ni Paolo..

"Hoy, Paulino at Redentor! Baka naman imbis na makatulong kayo doon ay makaperwisyo pa kayo!" Singhal ni Mang Tasyo sa dalawang anak na hindi niya maintindihan kung ano ba ang dalawang ito, resbak team o cheer squad ba.

"Gamitin nyo yung Dodge Journey para marami kayong maisasakay doon. Isasama nyo ns si Jose para makuha kung ano mang sasakyan ang maiiwan sa Manila. Si Walter na ang bahala dito sa amin ng mga Tatay at Nanay nyo" Pahayag ni Donya Rosita. Tumango sila at mabilis na humalik sa mga magulang at lumabas ng nang mansyon.

Lulan ng sasakyan ang tahimik namang dalaga mula pa kanina. Hinayaan na lang ni Nikko. Katabi niya ito ngayon likod. Si Dean ang nagmamaneho at basa harap naman si Paolo. Napansin ni Nikko na kanina pa patingin-tingin sa cellphone niya si Cecilia. Hindi niya ito tinanong bagaman nag-obserba na lang siya.

Nakita niya umilaw ito uli. Pasimple niyang sinilip ang lagay doon. This is your chance to tell him the truth. He deserve to know. Yun ang nakalagay doon. At nakita niyang kay Mark ito nanggaling. Tumipa muli ang dalaga. Kahit papaano ang nabasa niya ang bahagi nun bago nai-send kay Mark ang sagot. I know, but I am... afr... Yun Ang parteng hindi na niya na niya nakuha.

Ilang beses pa niyang nakitang naglapalitan ng kapatid at ang dalaga ng mensahe bago pa nito ipinasok sa likurang bulsa ng pantalon at idinadalangin ng ulo at pumikit. Itinaas niya ang kanyang braso at ipinalit sa balikat ng flash at kinabig ito.

Medyo tanghali na kaya inabot sila ng traffic. Nakita niyang mahimbing na nakatulog ang dalaga. Dahan-dahan niyang hinugot ang cellphone nito at swerte na lang na walang lock screen ito. Binuksan niya ang message center at ipinorward sa kanya ang palitan ng mensahe ng dalawa at maingat na ibinalik ang cellphone ng dalaga sa bulsa nito.

Dinukot ang sariling cellphone at isa-isang binasa ang mensahe ng kapatid at ni Cecilia.

Have you told him yet? ~Mark

No, I haven't. I can't. ~Celia

When are you going to tell him? ~Mark

I don't know. But I know I will. ~Celia

Where are you? ~Mark

In the car. ~Celia

This is your chance to tell him the truth. He deserve to know. ~Mark

I know, but I am afraid that when he finds out that I hid it from him he will be mad at me. ~Cecilia.

No. Ganyan lang yan si Kuya but I know he won't be mad at you. He can't afford to. Mahal ka niyan eh. ~Mark.

Napangiti siya sa nabasa. Oo nga at galit si Mark sa kanya pero alam din niyang hindi siya tatraydor in ng sariling kapatid. Napabunot siya ng malalim na paghinga.

"Ang lalim niyan Kuya ah." Puna ni Paolo na masa front seat.

"Wala ito. Napagod lang ako." Totoo yun. Napagod siya pero hindi dahil sa mga pinagdaanan nila mula pa kagabi at wala pa nga silang tulog lahat.

"Nakatulog na pala yan, Kuya." Muling puna ni Paolo. Tumango naman si Nikko.

"Kuya Nikko, diyan sa ilalim ng upuan, sa may bandang kaliwa mo, may kumot at unan diyan. Sinilip niya at.meron nga siyang nakitang isang malaking plastic bag. Kinuha niya ito at kinuha ang kumot sa loob nito at ipinatong sa dalaga. Kumuha siya ng unan ay inilagay likod niya at sumandal sa doon at ipinuwesto niya ng maayos ang tulog na tulog na dalaga.

Muling kinuha ang cellphone at itinuloy basahin ang iilang mensaheng natitira.

Besh, isusumpa ako ni Nikko. Nawala na siyang minsan sa akin dahil sa babaeng yun, hindi kakayanin naman ng dahil dito ay mawawala siyang muli sa akin. Hindi lang ako ang masasaktan, may madadamay pa. ~Celia

Hanggang dun lang. Wala ng kasunod na text na nanggaling pa kay Mark. Napaisip siya. Ano ba ang ikinatatakot ni Cecilia na mas masahol pa sa presensiya ni Ava. Kung tama ang nakita kanina sa phone ng kapatid na nandito nga si Ava kaya mabilis pa kay Dash ng Incredidibles ang pagtalilis nito pa Manila. Alam niyang ito na naman ang magiging tagapagligpit ng kalat na maiiwan na naman.
















--------------------

End of GR 21

Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.07.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro