George's Rage Twenty
MAHALAGANG BASAHIN NG MAAYOS. WAG PONG MAKULIT.
Owtor's Nowt: Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong masaya na nakakasakit sila ng ibang tao. Nakakatulog ba sila sa gabi. Nakoko ba ang buhay nila dahil nakasira sila ng buhay ng may buhay? Sayang. Kung naging kontento na lamang sila sa kung ano meron sila sana ay hindi na sila nakapanakit ng damdamin ng iba, hindi na sana sila nakasira ng buhay.
Tara na pong basahin natin ang nangyari few hours back.
Last update ko for this week. Busy po ako sa darating na mga araw. Wag pong hingi ng update. Wag makulit. Alam nyong mahal ko kayo kaya wag magpasaway, baka hindi kayo dalawin ni Santa Clause sa pasko.
————————
(The missing link.)
SA hacienda...
Nakatanggap ng text si Mark. Napangiti siya dahil sa nabasa. Nasilip pala ng katabi nitong nakaupo sa hapag-kainan na si Cecilia. Ngumiti lang ito ng pasimple sa kanya at nagkaintindihan na sila nun habang tahimik na kumakain ang lahat. Ang hindi nila alam nakita din pala ni Nikko ang tinginan nila. Malungkot itong napayuko. Napatingin sila sa Don ng ito ay tumikhim.
"Tayo ng magkape sa komidor." Anyaya ni Donya Rosita. Nagsitayuan naman lahat at sumunod sa mag-asawa. Nang makaupo na ang lahat sa kani-kanilang napiling upuan, nagsimulang magsalita ang Don.
"Ngayong alam na ng isa't isa na nasa hapag kainan ito na buhay si Georgina at nasa kung saang lupalop dinala ng anak ko para mailayo ito sa kung ano mang dahilang iniisip nila. Anastacio, Luningning, kung mamarapatin nyo, sana ay maiplano na natin ang kasal ng dalawa para handa na ito sa kanilang pagbabalik." Saad ni Don Magus. Ngumiti naman si Mang Tasyo at tumango.
"Kung babalik pa nga ang dalawang yun." Makahulugang sambit ni Mark na napapailing. Inis siya sa Kuya Nikko at Kuya Paolo nila dahil sa pakikialam ng mga ito ay kailangan pang maglayas, magpanggap ni George at ngayon itinanan ng tuluyan ni Rage ang kapatid. Napatingin ang mag-asawang Faulkerson sa kanya. Magsasalita na sana si Mang Tasyo ng harangin ito ng isang tanong mula kay Dean.
"Ah... pwede po ba uling magtanong? Bakit po ba ninyo ipinipilit na maikasal si Bunso kay Magnus?" Kita ang pagtataka sa mukha ng binata.
"Hindi namin siya pinipilit pero yun ang gusto ni Magnus. Bata pa lang siya alam na niyang si Georgina ang magiging buhay niya. Palagi itong kasama sa mga pangarap niya. Palaging bahagi ng bawat plano niya si Georgina, bawat panaginip, bawat hininga. Noon pa man, sinasabi na ni Magnus na si Georgina lang mamahalin niya at kung hindi ito ang makatuluyan niya ay magpapakamatandang binata na lang siya." Parang nababato-balaning sambit ni Don Magus, parang itong nananaginip. Nakangiti itong lampas ng mata ang saya na umabot hanggang tenga.
"Naging malungkutin at bugnutin si Magnus simula ng hindi na ito kausapin ni Georgina. Ibinuhos ang oras sa pag-aaral at pagpapatakbo ng kompanya. Tatlong tao lang ang nakakalapit sa kanya, ang kabiguan niyang si Brennan, Levi at ang pinsan nitong babae. Lahat ng empleyado sa kompanya ay kinagagalitan niya kahit konting mali lang, sinusungitan niya ang ito lalo na ang mga kababaihang nagpapapansin said kanya. Pati tuloy ang ibang investor ay bahagyang natakot sa kanya pero ayaw din namang bumitaw sa pag-i-invest sa kompanya. Yung iba nga ay nagrereklamo na, pero hindi ko siya maalis sa pagpapatakbo nito dahil mas dumami ang mga kontratang pumasok sa kompanya. Nadagdagan ang revenue ng MF Foods, Inc. at pati na rin ang Doña Rosita's Preserves. Hanggang sa nakasanayan na rin ng mga empliyado at investor katagalan dahil nakikita nilang seryoso ito sa trabaho, maging ang mga pribadong grocery stores sa buong Luzon ay sa atin na rin umaangkat ng gulay at prutas. Ang totoo, alam naming malungkot siya. Ang hindi nila alam na pinipilit lang ni Magnus na punuan ang kakulangan sa buhay niya at alam naming si Georgina ang kulang buhay niya." Nalungkot ang Donya ng napahugot ng malalim na paghinga. Nanlumo lalo si Nikko.
"Don Magus, Donya Rosita, patawad po. Ayoko lang na maranasan ni Bunso yung sakit na naidulot kay Ceci ng nangyari sa amin. Nakita ko kung paanong kong nasaktan si Ceci noon because I didn't do anything to correct the action of her friend, akala ko kasi kapag hinayaan ko, wag na Lang pansinin, at baluwalin ko na lang, lilipas din yun at mawawala na lang ang isyu, but I guess I was wrong, because it didn't go away. Kaya naisip ko na baka ganun din ang gagawin ni Magnus dahil ilang beses ko na rin naman siyang nakitang may kasama babaeng, sexy, maputi at mayamang katulad ni Magnus, ano naman ang panama ng kapatid ko doon." Naiiyak na kwento ni Nikko. Naaawang nagkatinginan ang mag-asawang Faulkerson. Parang alam na nila ang naging problema ni Nikko at Cecilia.
"Nicholas, ipagdasal mo lang na hindi mapahamak si Magnus at ang kapatid mo sa pag-alis nila dahil kapag meron, malilintikan ka sa akin!" Galit ngunit malumanay na saad ni Aling Luningning.
"You know what was the problem is, Nikko, you didn't even stop to fix your own but instead you meddled and thought of the worst of my cousin. Sana lang nalaman mo kung sino ang babaeng yun para noon pa lang naayos mo na Ang problema mo at hindi na umabot sa ganito at sana hindi rin ako nawala sa iyo." Hindi na nakatiis pa si Cecilia na magsalita ng matagal na niyang kinikimkim. Hindi pa nga yun lahat eh. Marami pa siyang gustong isumbat sa binata pero hindi nila ito kwento para pahabain pa. Mas importanteng malaman nila kung nasaan si Rage at George.
"I'm sorry, Ceci. I was stupid and a coward. I got so scared to face it kaya mas minabuti kong tumahimik na lang dahil baka mawala rin yun dahil sa pananahimik ko." Tagos hanggang sa puso ni Cecilia ang titig ni Nikko sa kanya. Alam niya na kapag sinagot pa niya ang binata ay baka mailuwa na niya ang puso niya sa lakas ng talon nito sa kanyang dibdib. "But God knows how much I want to strangle her for making you feel that way and I didn't help at all." Alam niya yun. Ganito naman si Nikko eh. Dadalhin ang lahat sa puso, sasarilinin hangga't kaya pa tapos magwi-withdraw mula sa lahat hanggang sa sumabog na lang ito. Sabi nga niya kanina, hindi niya papatulan muna ang binata. Mas importante ang pinsan at si George kesa sa nararamdaman niya. May oras para magharap-harap silang tatlo. Inayos niya ang sarili at humarap siya sa tiyahin.
"Bago tayo malayo ng usapan. May tanong lang po ako." Batid ang pagkagulo ng isip nito.
"Ano yun, hija?" Tanong ni Donya Rositang nakangiti sa kanya kahit .
"I know I heard what you said earlier, pero medyo magulo Ng kaunti Kung buhay po si Ging-Ging katulad ng pagkakaalam natin ngayon, sino ang nakalibing sa sementeryo?" Tanong nito. Para namang may mga bumbilyang nag-ilawan sa mga ulo nila.
"Hindi sino, Cecilia, kundi ano." Sagot ni Don Magus na nakangiti. Nilingon ang asawa at ngumiti din dito.
"Huh?! Paanong ano?" Hindi na nakatiis si Dean na hindi sumagot.
"Nung malaman namin mula kay Cecilia na nagbabalak si Georgina na umalis maatapos ang pamamanhikan namin, nag-alala kami ni Magus." Panimulang kwento ng Donya. "And thank you, hija for not telling your dumb old cousin, Magnus, about it." Nakangiting dugtong ng Donya. Gumanti din siya ng ngiti.
"Ipinaalam sa amin ni Rosita at Magus na ganun nga ang nangyari pero pagkatapos na ng libing. Inalala nila kasi na baka hindi umayon sa plano nila para na rin maturuan ng leksyon kayong apat, si Magnus at si Georgina." Kalmadong sagot ni Mang Tasyo. Nagkakatinginan ang magkakapatid sa sinabi ng ama.
"Tumawag ako kaagad sa kaibigan ko na nagtatrabaho na sa isang film outfit sa Hollywood, California bilang isang animatronic engineer at may kaibigan din siyang gumagawa ng prosthetics para sa horror movies. Nagpagawa ako sa kanila ng isang manniquin na kasing katawan at kasing taas ni Georgina. I instructed them na gawing makatotohanan ito, name their price. Siya ang nagsuggest na gawin itong parang biktima ng arson at yun nga. It was done in no time. Ipinadala niya ito kaagad sa kapatid niyang nasa Manila. Pinakuha ko kay Jose at hinintay na lang namin na isagawa ni Georgina ang pag-alis." Si Don Magus naman ang nagsalita ngayon.
"Wow. That was lit!" Manghang sambit ni Dean. "Isipin nyo yun, pinag-uusapan pa nating palabasing si Bunso yun?" Dugtong nito, pero makikita mo ang panibagong tanong na nabubuo sa isip nito ngunit mas piniling manahimik na lang.
Hindi makapaniwalang ang magkakapatid na makakaya ng mag-asawang Faulkerson ang gumawa ng ganoong kakomplikadong bagay. Humanga sila sa mag-asawang amo. Maswerte ka, Bunso sa pamilya ng mapapangasawa mo. Naiisip Ni Dean, ngunit sa likod ng isiping yun ang inis at galit sa sarili. Nakinig kasi siya dalawa niyang Kuya at hindi gumawa ng sarili niyang obserbasyon. Ngayon siya mas lalong humanga kay Mark, sabay na ginamit ng kapatid ang puso at utak.
"Nung gabing dumating si Magnus ng hindi inaasahan, buong akala ko ay masisira na ang plano namin ni Magus. Kakausapin sana namin si Jose para matulungan kami, mabuti na lang at napadaan ang apat na itlog na ito. Ipinagtaka lang namin na doon sila nanggaling sa kanlurang bahagi ng hacienda. Wala namang ibang pwedeng gawin at puntahan doon maliban sa lumang kamalig. Pinuntahan namin ni Magus ang kamilig habang nag-iinuman kayo sa papag malapit sa garahe, nakita namin na tahimik na umiiyak si Georgina doon. Humingi siya ng tawad sa gagawin niyang pag-alis." Nalungkot ang ginang sa pagkukwento. Naiyak na rin si Luningning na nagagalit. Hindi man lang nagkukwento ang bunso niya na meron pala itong dinadala. Mas lalo tuloy siyang naghihimagsik laban sa apat na anak.
"Tinawagan ko si Jose na dalhin na ang mannequin sa bukana ng hacienda. May nakapagsabi kasing doon huling nakita ni Georgina." Makahulugang napatingin si Don Magus sa apat na magkapatid. Yumuko na lamang sila dahil nahihiya sa ginawa.
"And the rest is history." Sagot ni Cecilia. Tumayo ito at inabot kay Aling Luningning ang cellphone ni Mark dahil sa text ni Rage.
"Teka, ibig sabihin alam din Kuya Jose ang tungkol kay Bunso? Eh paano nyong nalaman na aalis si Bunso?" Tanong ni Dean. Nakatingin kay Celia.
"Nasabi sa akin ni Ging-Ging ng hindi sinasadya. Naikwento niyang isasama daw siya ni Nikko para bisitahin ang college classmate niya sa Caloocan at iiwan niya doon si Ging-Ging. Kilala ko rin yun." Nakangiting sagot ni Cecilia. Napatangu-tango na lang si Dean sa sagot ng dalaga at makahulugang tumingin kay Mark at malamig na tingin ang itinapon kay Nikko. Nakitang lahat yun ni Paolo at napailing na lang. I have to fix this. Takbo ng isip niya.
"Tita..." Pagtawag pansin ni Mark sa Donya at iniabot ang cellphone niya dito pagkatapos itong ibalik ng mga magulang sa kanya. Ipinabasa sa ginang ang text na natanggap mula sa anak. Ginagap ni Donya Rosita ang palad ng kaibigan.
"Luningning, palagay ko nagtanan yung dalawa. Patungo daw sila ng norte." Balita ni Donya Rosita sa kaibigan. Napahugot ng malalim na paghinga ang mag-asawang Mendoza at tumango. Nabasa din kasi nila ang mensaheng yun.
"Nicholas, ayusin mo ang problemang ito." Galit na saad ni Mang Tasyo. Batang batang napayuko si Nikko.
"Tay, sorry po. Alam ko pong ako ang nag-umpisa ng problemang ito, pero paano ko po ito maaayos kung hindi ko naman alam kung nasaan na si Bunso at si Magnus." Naiiyak na si Nikko. Sising-sisi siya dahil sa ginawa niya na naging dahilan ng pagkasira ni Rage at George. Nakaramdam ng awa si Cecilia sa dating kasintahan.
"Umpisahan sa kung sino ang nasa harapan mo ngayon, Nicholas. Bago mo nasaktan si Magnus at Georgina, nasaktan mo muna si Cecilia. Doon ka sa kanya humingi ng tawad, at kung sakaling di ka niya balikan ay ipagdasal mong mapatawad ka man lamang niya." Mahinang sikmat ni Aling Luningning na galit at lumuluha.
"Well, wala na tayong magagawa ngayon hangga't hindi umuuwi yung dalawa. Kung saan man sila mapapadpad, alam kong hindi gagawa si Magnus ng ikapapahiya ni Georgina." Nakangiting pahayag ni Donya Rosita.
"Tama yan at asahan nyong may apo na tayo sa pagbabalik ng mga yun." Napahawak si Aling Luningning ng mahigpit sa braso ng Mang Tasyo sa sinabi ni Don Magus.
"Magus, ano ang mangyayari sa dalawang bata? Saan sila titira? Saan sila kukuha ng pangkabuhayan nila? Wala akong takot na hindi maaalagaan ni Magnus si Georgina, dahil alam kong hindi niya ito pababayaan, pero paano kung magbuntis ito? Ano ang pangtustos nila para sa panganganak niya?" Nag-aalalang sambit ni Mang Tasyo. Malayo ang dalawa sa kanila. Kahit alam nilang matapang si George at maabilidad, ganun din si Magnus, Pero alam din nilang kakailanganin pa rin ng mga ito ang pamilya nila.
"Balae, wag kang mag-alala. Malaki ang ipon ni Magnus. May sarili na ring bahay na ipinatayo ang batang yun. Surpresa niya daw sana ito kay Georgina. Malaki na rin ang ipon niya kaya alam kong hindi sila pangangapusan sa mga pangangailangan nila. Knowing my son, patatakbuhin pa rin nito ang kompanya lahat wala siya." Siguradong sagot ni Don Magus Kay Mang Tasyo.
"Alam ko, Magus. Pero hindi mo maiaalis sa amin ni Ningning ang mag-alala." Tumango-tango din lang kaibigan. Nagkakaintindihan na sila nun.
"So, Kuya Nikko, naniniwala ka na sa akin na konsensiya mo ang umuusig sa iyo kaya ganun ka kay Bunso at Rage?" Parang nang-iinis na sabi ng Nakangising si Mark. Siniko siya ni Celia.
"Tumahimik ka na nga diyan, Markus!" Singhal ni Paolo. Kailangan niyang.puamgitna dahil natatakot siyang baka bigla na lang nag-away mga kapatid niya.
"Bakit Kuya Pao? Ganun ka rin naman di ba? Wala kang alam sa mga nangyayari pero basta ka na lang naniwala diyan kay Kuya Nikko. Ewan ko sa inyo. Ipagdasal nyong mapatawad kayo agad ni Bunso. Ikaw din Dean. Excuse me po." Tumayo si Mark at tumalikod na kanila. Kukunin niya ang isang kotse ng mga Faulkerson para puntahan ang kapatid, dahil kailangan siya ni Rage. Ipapaalam na lang niya kay Jose.
"Saan ka pupunta, Markus?!" Sigaw ni Paolo.
"Sa impyerno kung saan malayo sa inyong tatlo ni Kuya Nikko at Dean!" Nanggigigil nitong sigaw.
"Paulino!" Narinig pa ni Mark ang pagtawag ng ama sa pangalan ng kapatid.
"Mark!" Si Celia. Nilingon niya ito bago pa siya makarating sa isang kotse na nakalabas na sa garahe.
"Bakit?" Tanong niya sa dalaga na hindi man lang ito nililingon.
"Sama ako. Gusto kong makasiguro na maayos lang si Ging-Ging at Rager." Pakiusap nito. Nginitian niya ang dalaga. Ngunit sa likuran ng dalaga kita ni Mark ang talim ng tingin ni Nikko sa kanya. Muntik siyang matawa.
"Wag na. Nandun naman si Lexi at Cheska, you know them. Ayusin niyo ni Kuya Nikko ang problema nyo. It's time that you two talk things out." Malumanay niyang sabi. Hinaplos pa niya ang pisngi ng dalaga na ipinagtaka nito. Pigil ang tawang ngumiti siya sa dalaga. Sinasagad niya si Nikko. Iniinis niya ito.
"Palagay mo, ito na ang tamang panahon para makapag-usap kami?" Malungkot nitong tanong. Tumango naman si Mark.
"Yup. Over due na nga eh. Dapat noon pa kayo nag-usap na dalawa. Pinatatagal nyo lang ang kalbaryo nyo. Mauunahan pa kayong dalawa ni Rage at Bunso." Humugot ng malalim na paghinga si Cecilia. Ngumiti si Mark at inihabilin ang takas na buhok ng dalaga palikod sa tenga ng dalaga. "Matagal na dapat yan, lalo na't kanina pa umuusok ang ilong ni Kuyang nakatingin sa ating dalawa." Dugtong pa niyang tumawa ng tahimik.
"Markus, wala ka bang pupuntahan? Akala ko ba aalis ka na?" Matigas na sambit ni Nikko. Napabuntong-hininga si Mark dahil sa selos na nakikita sa mga mata ng kapatid.
"Ayan na ang Mendoza Dragon. Hihihi." Napabungisngis si Cecilia at pinipilit na hindi ito marinig ni Nikko.
"Bye, Cel. Tatawagan kita mamaya pagdating ko doon." Sinadya na talagang lambingin ang boses niya para mas lalong inisin ang kapatid. Lihim na ngumiti si Celia sabay bumulong...
"You are really pissing him off." Pasimple itong tumawa.
"Let him. Para malalaman niya kung ano ang naramdaman ng kaibigan ko noon." Nakangiti niyang sabi na halos bumunghalit na nga mabuti na lang at napipigilan pa niya ang sarili.
"Bye, Markus. Mag-iingat ka ha" Malambing na tugon ni Celia. Tinapik pa ang dibdib niya. Napatawa dahil nakita niya ang pagtaas ng kilay ng kapatid.
"Umalis ka na, Markus!"
--------------------
End of GR 20
Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.20.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro