Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Twelve

Owtor's Nowt: I love you all, pero di ko alam na ganito pala kayo ka-demanding? Kaloka kayo. Hahaha. Don't worry, hindi ako galit... Galit na galit lang. Hahaha Bipolar lang po ang peg.

Doon sa mga nakakakilala sa akin alam nyo ang ibig sabihin nito, doon naman sa hindi, ay patay tayo diyan. Hahahaha

Seriously po. Patay po talaga tayo diyan kasi mukhang galit si Georgina sa mga nangyayari. Aalis na naman po ba siya? Iiwanan na naman ba niya si Rage sa pangalawang pagkakataon?

Tara na. Alamin natin. Tayo ay maki-osyoso sa dalawang pusong nagtataguan.






















-------------------






















"George..." Sambit ni Rage ngunit hindi naituloy dahil iyak lang ito ng iyak.

"I'm sorry, too, Rage." Pinakawalan na niya ang lahat ng laman ng dibdib niya. "I am so sorry." Inilabas niya ang luha na dapat ay noon pa naubos.

Panandaliang katahimikan ang namagitan sa kanila dalawa ng sa wakas ay humupa ang kanilang pag-iyak ngunit patuloy ang pag-agos ng kanilang mga luha. Gusto niyang kumilos ngunit hindi niya magawa, para kasing natulos siya sa kanyang kinalalagyan dahil nakikita pa rin niya ang patuloy na pag-agos ng luha sa pisngi ng binata. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang umiyak ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang sakit na matagal ng naninirahan sa mga mata nito.

"No, George. It should be me asking for forgiveness." Panimula ni Rage  kahit parang hirap pa rin ito sa pagsasalita. Nakinig na lamang siya. "When Dad called and said that there's an unknown dead female found not too far from the hacienda's entrance, then Mom said crying that it was you, George, para akong masisiraan ng bait noon. I drove like a badass out of hell just to get to Hacienda in a fraction of time. Noong una, I don't want to come home kasi baka di ko kayanin. I was in denial. But when I got home and saw the burnt cadaver inside the coffin, inside your home, that's when I realized it was all true, I can't get myself to get through sitting at your wake kasi hindi ko kayang nakikita kang nakakahon. I can't get myself to accept the animalistic way they did to you. It was so cruel and flat out evil. Hindi kita kinanti or ginalaw dahil sa taas ng respeto at pagmamahal ko sa iyo, pero sila, binaboy ka nila at ang pinaka masakit, sinunog ka pa nila." Hindi nakakibo si George sa lahat ng sinasabi ng binata. Totoo ba itong naririnig niya. Totoo bang nasaktan si Rage ng akala nitong nawala na siya. Baka naaawa lang yan sa 'yo, Georgina. Wag kang ano. Napatunayan niyang may sariling isip ang utak niya.

"Rage, kelan mo nalaman na ako ito?" Naikwento na ng mga kaibigan ni Rage ang lahat ng ginawa ng binata dito sa Manila noong una itong dumating dito. Alam niyang hindi magsisinungaling ang mga kaibigan nito. Hindi naman kasi nila alam na siya at si Gina ay iisa. Pati na ang ginawa ni Ava, pinsan ni Levi.

Naramdaman niya ang bahagyang paghila sa kanya ni Rage tumayo. Ginabayan siya nito sa sala para maupo ng relax. Pinaunlakan niya ang gustong mangyari ng binata, umupo siya tabi ng kaunting distansya at tahimik na nakiramdam.

"Six months ago. I woke up late that morning and I was mad kasi nga nagpapagising ako sa iyo noon dahil gusto kong tapusin ang mga gagawin ko sa opisina. Gusto kong lumuwag ang sumunod na Linggo para sa akin dahil gusto ko sanang umuwi ng hacienda para tumambay sa libingan mo, but I know I won't have the time to do it anymore except that Saturday at dahil hindi nga ako nagising ng maaga ay paniguradong hindi ko matatapos ang mga plano kong gawin." Humugot muna ng hininga si Rage, dahan-dahan at malumanay na ibinigay. Pinisil ang kamay ni George na nagpapautang sa dalaga. "I went to your room to wake you up and had it with you. Inis na inis ako. I was mad because you ruined my plans. I was really looking forward on going home to Sto. Tomas and to stay the whole day at the cemetery. I was surprised when I pulled the comforter off of you  at yun na nga, nakita ko ang tunay mong pagkatao sa likod ng nagpapanggap kong driver. It took a lot out of me to control myself not to hug you nor kiss you kasi neither one will be good for both of you or me at the time. Hindi yun dahil sa nilalagnat ka kundi dahil nga sa namiss kita ng sobra. Ilang taon na kitang hindi nakakausap, nakakaharap o nayakap man lang. Pinigil ko talaga ang sarili ko. All I could do that moment was to stand by from a distance and stared at you. I don't even want to get too close to you, I feared kissing you kasi baka mawala ka na lang bigla at dahil gusto ko ring ikaw ang magsabi sa akin ng totoo. Gusto kong maipagtapat mo ng kusa kung sino ka. Hinihintay kong mapagod ka sa pagpapanggap.  I wanted it to end already. For six months, all I could do was wait. I told myself, if I was able to wait for more than four years to be able to be this close to you again, what is six more months. I can even wait for a lifetime if I have to. I had tried all the tricks that I could find to trap you, to make you come out and tell me who you  really are but you didn't. Ang hirap pala. Ang tibay mo eh I felt like I was running out of ideas. I feel like I was running out of time. But this... this was unplanned. Kung alam ko lang na ganito lang pala kadali gawin upang matapos na ang pagtatago mo, eh di sana noon ko pa ito ginawa. I shouldn't have waited for six more months." Pagak na napatawa si Rage. Napailing-iling ang binata. Napangiti naman siya sa tinuran nito. Mahigpit niyang ginagap ang kamay ni Rage at inilapit sa pisngi niya na parang unan.

"Rage, nasaktan kasi ako nung makita kitang may kasama kang ibang babae, dalawang beses yun, hindi lang basta kasama. Tapos hindi mo man lang ako nasusulatan. Hindi ka rin umuuwi ng madalas hindi katulad ng dati. The second time we came here, nakita ko kayo uli nung babaeng kasama mo noon and that time naman ay naghahalikan kayo diyan sa baba sa harapan ng building nyo. Nasaktan ako kasi sabi mo noon hintayin kita. Inam not sure if it was a promise, but you told me that you will come back for me. You know what's more painful? Yung malalaman kong pinipilit ka lang oala ni Tita Rose na pakasalan ako kasi may mahal kang iba." Muling tumulo ang luha ni George. Pinahiran ni Rage ang kanyang mga luha. Hinigpitan nito nito ang hawak sa kanyang kamay.

"Hindi ako pinilit ni Mommy. Walang may pumipilit sa akin na pakasalan ka kasi yun ang gusto ko. I want to marry you. That was the only way I know so I can have you." Napatunganga siya kay Rage.

Marami pa silang napag-usapan hanggang sa umabot ang topic sa pinasan ni Levi na si Ava. Marami pa siyang tinananong tungkol dito. 

"We know that she was arranged to marry someone even when we were in college. I know she was okay with the arrangements for as long as she can do whatever she wants during college. She just wanted to have a good time with someone else before getting tied down. Brenna was the one that told me that she was set to get me. She had tried too many time to kiss me and that was the last time she had tried at sinabi ko na sa kanya na tigilan na niya ako dahil may girlfriend ako sa probinsiya and I am planning to marry my girl. Ava was nice and sweet but she got to the point where she was becoming someone that she was not and that is when I cut all the times that binds her with me. Naging obsessed na siya sa akin. When I told Levi what she has been doing to me. Levi told her parents, her parents send her back to the US for a while and after a few month ibinalik siya dito at ipinakasal na sa fiancé niya." Humugot ng malalim ng paghinga si Rage sa haba ng kwento niya. Napapikit na lamang si George dahil sa luhang bumuhos sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, Rage." Sambit niya. Pinunasan muli ni Rage ang kanyang mga luha.

"No, don't be. I tried to talk to you." Patuloy na sabi ni Rage. "Mark told me that you were so upset with me, but I really wanted us to talk pero hindi ako makahanap ng chance dahil palagi mo akong iniiwasan, palagi din akong hinaharang ni Kuya Nikko at Kuya Paolo. Sa tuwing lalapit ako sa iyo kahit hindi ka nakatingin, as if, para kang may mga mata sa likod na nakikita ako mo ang paglapit, bigla ka na lang lumalayo. I tried so hard too many times. I actually talked to Kuya Nikko, I even tried persuading Kuya Pao and Dean, sinabihan lang ako na hayaan na lang daw muna kita and you'll come around when you're ready. Kuya Nikko told me na lubayan ka na because I was never good for you kasi lolokohin lang kita, but when I tried explaining myself to him and Paolo, they both made sure na hindi na ako talaga makakalapit sa iyo. I come home every other weekend, if not every weekend, kahit itanong mo pa kay Mark. You know what's weird and sad about it? Wala man lang ni isa sa inyo ang kumompronta sa akin about what everyone was talking about at kahit na dun sa nakita mo ako, hindi mo man lang ako nilapitan para kausapin." Napatingin si George sa kanya. Hindi siya nakakibo. Hindi alam ng dalaga ang ibang parte. Ang alam lang niya ay itinuon niya ang sarili sa paggawa ng trabaho niya sa hacienda, pumasok sa eskwela at mag-aral, at diretsong uwi sa bahay nila pagkatapos ng lahat. Hindi niya alam na gusto pala siyang kausapin ni Rage. At hindi rin niya naisip na komprontahin ang binata noong nakita niya ito sa labas ng building lobby nito noon. Hinihintay niya kasi na ito ang lumapit sa kanya dahil yun sabi ni Nikko na tamang gawin.

"Hindi ko alam. Dapat pala ako na lang ang lumapit sa iyo noon." Matapat at malungkot niyang sabi. "Ang akala ko kasi tama yung advise sa akin nila Kuya, at alaala ko rin ayaw mo na akong kausapin dahil may iba ka na, kasi sa tuwing umuwi ka ay hindi ka nagpapakita sa akin. Palagi akong naghihintay sa iyobsa opisina ng hacienda. Umaasa din ako na susurprisahin mo rin ako sa school. Rage, I waited for you. I wanted you to explain your side to me, kung bakit mo nagawa sa akin yun but I guess napaglaruan nila tayo. Ang samang laro naman yun ng mga kapatid ko." Umiyak siyang lalo sa kanyang malaman. Ang mga kapatid pala niya mismo ang pumipigil kay Rage na lumapit sa kanya para magpaliwanag.

Naiinis siya. Pinagmukhang siyang tanga ng mga Kuya niya. Tumayo si George at lumabas ng kwarto ng binata. Nataranta naman si Rage dahil baka muling umalis na naman ang dalaga at magtago ito at hindi na niya makita pa. Sinundan niya ang dalaga hanggang sa kwarto nito. Hindi siya siguro napansin ni George. Nakita niyang dinampot nito ang cellphone sa gilid ng lampshade at nagpipindot ng kung ano at inilapat ito sa tenga. Nakatayo si George sa tapat ng bintana ng kwarto nito. Bahagya pang nagulat si Rage ng magsalita si George na galit.

"Kuya Nikko, mag-usap tayo!"
























--------------------

End of GR 12

Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89



























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro