Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Three



Kasabihan nga, walang usok na pwedeng itago,

walang pwedeng ilihim sa ina,

Ilihim man ang isang bagay, lalabas at lalabas din.

Sa maikling salita, pinakamaalam nag ina.

💖 ~ Ms. J ~ 💖




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

George's Rage

"George"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





ANG kamalig na nasa kanluran na malapit lang sa hacienda ay hindi na napupuntahan pa ng kahit na sino maliban sa mga mekaniko at sa mga iilang pinagkakatiwalaan ng mag-asawang Faulkerson dahil ginawa na ngang tambakan ng mga luma at sirang kagamitan na pangsaka at makinarya mula sa hacienda.

Ginawan nila ng tulugan ang kapatid at salitan sana nilang sasamahan ang bunso kahit na panandalian lang para naman hindi ito matakot na mag-isa doon at dahil nga sa nangyari hindi sila pwedeng mawala sa paningin ng mga magulang.

Maging ang pagbibiyahe ng mga produkto ng hacienda sas iba't ibang panig ng Maynila ay pinahinto pansamantala ni Don Magus bilang respeto sa paglulksa ng lahat sa biglaang pagkawala ng paboritong dalaga ng hacienda.

Nung gabing dinala nila ang kapatid sa kamalig ay hindi sila dumaan sa dating dinaanan pabalik sa bahay nila dahil mas minabuti ng apat na magkakapatid na doon sa kabila dumaan, para tumbok na mismo ang hacienda, kaso nga lang naharang sila ni Jose at Walter dahil dumating pala ang anak ng mga amo nilang Si Magnus Rager Faulkerson.

Nagkainuman ng kaunti bago pa sila nakauwi. Parang pinag-adya naman kasi ay may naidahilan sila sa kanilang ina kung bakit sila ginabi ng uwi kaya gabi na ay napagalitan pa sila ng mga ito.

Kahit na nasa edad na ang magkakapatid, nasesermunan pa rin sila ng mga magulang kapag nagkakamali sila lalo na ngayon dahil lumabas pa sila ng bahay kahit gabi na para lang dayuhin ang dalawang makukulit na family driver ng pamilya Faulkerson.

Naaalala pa nila ang sabi ng Nanay nila sa kanila bago sila lumabas ng gabing yun matapos ang hapunan. "O, sige na. Magsitulog na kayo. Ako na ang sisilip sa kapatid nyo." Naaalala pa silang nagkatinginan pa sila dahil sa sinabi ng ina. Mabilis na sumagot si Nikko para pigilan ang ina sa pagpasok sa kwarto ng kapatid.

"Nay, matulog na po kayo. Ako na po ang sisilip kay bunso." Yun lang ang sinabi niya at pinuntahan na ang kuwarto ng bunso nila at sinilip ito doon. "Tulog na ito, Nay. Matulog na rin kayo. Tulog na rin ang Tatay." Sabi pa niya nang bumalik siya.

Naniwala naman ang kanilang ina sa sinabi ni Nikko kung kaya't matiwasay itong pumasok ng kwarto nilang mag-asawa at natulog na.

"Alam mo bang kinabahan kami kinabukasan nang magkagulo ang mga kapitbahay dahil may sunog na bangkay daw ng babae na natagpuan doon sa bukana. Mabilis kaming tumakbo doon para maki-osyoso na rin. Pinapunta namin kaagad si Dean sa iyo para makumpirma namin na sana nga ay hindi ikaw ang babaeng yun. Mabuti na lang at tulog ka pa nga sa kamalig sabi ni Dean. Kinuha ni Paolo ang pinagbihisan mo nung gabing umalis ka at ikinalat namin malapit lang kung saan nakita yung babae." Kwento ni Mark. Na sana ay hindi namin ginawa. Gustong idugtong nito. Kinikilabutan naman si George sa salaysay ng Kuya Mark niya.

"Kaya pala sinabihan mo akong wag munang lalabas." Napaakap siya sa sarili. "Pero bakit hinayaan n'yong papaniwalain sila Nanay at Tatay na ako nga yun? Pwede namng ipiansundo n'yo ako kay Kuya Dean at pinauwi at sa susunod na lang natin ituloy ang plano." Naiiyak na pahayag ni George.

Naiinis sa mga Kuya niya. Bago pa man nila naisagawa ang plano ay parang napakakomplikado na ng lahat, mas lalo yatang naging komplikado ngayon. Paano na lang ang pamilya ng babaeng naghahanap dito? Kawawa naman na umaasang buhay pa ito. Ang masaklap ay hindi nila malalaman at mahahanapan ng hustisya ang nangyari dito dahil sa kanilang magkakapatid.

"Ay siyanga pala, nandito din ang anak nila Don Magus at Donya Rosita nung lamay mo. Naku! Umiiyak. Ang haba ng hair mo bunso. Iniyakan nung lalaking yun." Nandilat ang mga mata ni George sa sinabi ni Paolo. Naiinis siyang bigla.

"Umuwi dito si Rage?" Malamig niyang sabi at kinakabahan. Nagkatinginan ang magkakapatid na lalaki.

"Oo. Nandito siya." Mataray na salo ni Paolo. "Nandito yung lalaking umalis na parang walang pakialam sa iyo. Yung lalaking nangako sa iyo na babalikan ka pagkatapos magkolehiyo. Yung lalaking nabalitaan na lang nating ay nagpapalit-palit na ng girlfriend sa Maynila. Yung lalaking..." Hinawakan ni Mark ang balikat ni Paolo dahil tumira na naman ang binabaeng bibig nito.

"Gets na siguro ni Gina ang ibig mong sabihin, Kuya Pao." Sambot ni Mark.

"Okay, Kuya Pao. Tama si Kuya Mark, gets ko na. Nagmo-move on na nga di ba at ayaw ko na ngang magpakasal sa kanya? Kaya nga nandito tayo sa gulong ito ngayon dahil sa lintek na kasal na yan, di ba?" Bweltang pagtataray ni George. Lihim na napangiti si Mark.

"Kung pumayag ka na lang kasi, Gina, eh di sana..." Hindi itinuloy ni Mark ang sasabihin.

"Sanayin n'yo ngang tawagin yang George. Bakam arinig kayo ni Nanay o ng ibang tao, mapahamak pa tayo ng mas maaga bago natin mahanapan ng paraan na sabihin ang totoo." Litanya ni Nikko. Pansamantalang natahimik ang apat.

"Pumayag na ano, Kuya?" Tanong ni George kay Mark na nakataas ang isang kilay.

"Wala naman sigurong masama kung pumayag ka na lang. Mukha namang mahal ka niya eh. Iiyak ba yun ng ganun yun at magtatagal ba yun sa bahay natin kunghindi." Pagtutuloy ni Mark.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong. Tumalon tuloy ang puso niya.

"Simula ng dumating yun dito nng nakaburol ka, hanggang sa inilibing ka ay hindi umalis ng bahay. Hindi inwanan ang kabaong mo." Parang kinikilabutan si George sa tuwing sasambitin ng kapatid ang salitang 'lamay niya', 'burol niya' at 'kabaong niya'.

"Ay Kuya, magtigil ka na nga, kinikilabutan ako sa iyo." Maragsa niyang hinaplos ang braso." And besides, mga Kuya, ayokong pumulot ng batong ipupukpok ko sa ulo ko." Mataray na sagot ni George. Lumabas ang pagiging mataray niya kapag ang lalaki na ang pinag-uusapan nila. Tinitigan lang siya ni Mark. If you only knew. Nasabi ni Mark sa sarili.

"Oh siya, tama na yan. At least magpasalamat na lang tayo d'yan sa mahiwagang babaeng naging biktima ng kasamaan ng tao, kung hindi dahil sa kanya, nakatago ka pa rin diyan sa kamalig hanggang bukas dahil bukas pa ang biyahe patungong Balintawak." Pahayag ni Nikko. Tumango si Paolo at Dean habang tahimik lang si Mark.

"Agree ako diyan." Sang-ayon ni Paolo sa nakatatandang kapatid.

"Pag-isipan na lang natin kung ano ang pwede nating idahilan kanila Nanay at Tatay. Ipagpasalamat na lang natin at wala na rin ang T'yong Canor na pwedeng pagtanungan nila Tatay at walang nakakaalam kung nasaan na ang magkakapatid na Estelle at Bernardo, pati na nga ang Tiya Bining ay wala na ring nakakaalam kung nasaan na ito." Mahabang paliwanag-litanya ni Mark. Muling tumango ang magkakapatid.

Sa di kalayuan, sa likod ng bahay kung saan nakaharap sa kanila ang bintana ay ang Nanay nilang pinanonood lamang silang lima. Kung naririnig lang sana nito ng maayos ang pinag-uusapan ng mga anak ay maaaring isa-isa na nitong nakutusan ang lima.

"Kailangan mo ngayon ay trabaho, pero alam naming hindi mo kaya ang magsaka dahil hindi namin hinayaan na magsaka ka noon, ngayon pa kaya?" Tahimik na nag-iisip si Nikko nang magsalita Mark.

"Kuya Nikko, bakit hindi natin dalhin doon sa sorting area ng mga saging siya ipasok, at least hindi mahirap yun para kay George." Mungkahi ni Mark. Umiling si George. "Kulang sila sa markers doon." Dugtong pa nito.

"Naku, Kuya, wag dun. Nandun si Nanding eh." Napapadyak pa ng paa niya si George. Natawa naman si Paolo sa inasal ng kapatid.

"Ayaw mo kasi palagi yung naglalaway kapag nakikita ka." Natatawang tukso ni Paolo sa kanya. Nagtatawanan silang magkakapatid.

"Mabuti naman at ligtas ka, bunso." Masayang panalanging pasasalamat ng Nanay nila. Hindi nila alam na kanina pa lang ay alam na ng ina na ang bunso niya ang kausap ng mga anak na lalaki. Nakilala siya sa unang ngiti pa lang niya habang nagpapakilala bilang George.

"Paolo, doon naman kaya sa packaging ng mga gulay para sa delivery, meron namang magaan na trabaho doon di ba? Kahit checker o counter lang." Saad ni Nikko.

"Mahirap doon Kuya Nikko, nandun si Manuel yung anak ni Mang Tuning, mahihirapan lang itong si George doon. Alam mo naman na saksakan ng yabang ang lalaking yun" Sagot ni Paolo. "Main it pa man din ang dugo nun sa ating mga Mendoza dahil hindi sila makalapit kay Donya Rosita." Dugtong pa nito kasabay ng pagpilantik ng balakang sa pamemewang.

"Hindi naman pwede doon sa inyo nila Kuya Jose, hindi naman ito marunong magmaneho." Saad ni Nikko.

"Marunong akong mag-drive, wala nga lang akong lisensiya." Sagot ni George.

Nagkatinginan ang magkapatid. Parehong napakunot ng noo si Nikko at Paolo, habang malapad naman na nakangiti si Dean kahit na halata ang pagkadisgusto ni Mark sa pagkakaalam na marunong itong magmaneho. Umiling ang mga nakatatandang kapatid sa dalawa pang lalaki. Pero may magagawa pa ba sila? Palihim pala itong tinuturuan ni Dean.

"Well, kung yun lang ang pwede sa kanya, eh di dun natin siya ipasok, at least makakasama mo siya, Dean. Pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo. Iiwasan mo si Magnus, Bunso. Nagkakaintindihan ba tayo?" Babala ni Nikko kay George.

Galit ang nakatatandang kapatid niya sa binatang anak ng amo, maging si Dean at Paolo ay galit din sa binata. Maliban kay Mark ngunit hindi ito nagsasalita. Tahimik lang ito kadalasan.

Napangiti siya sa sinabi ng mga kapatid. Sa wakas, legal na siyang makakahawak ng manibela, hindi na patago katulad ng dati.

"Siguraduhin mo lang Redentor na hindi mapapahamak yang si Bunso kundi ikaw ang ipapalit kong ipapako sa krus sa sinakulo." Galit na litanya ni Nikko sa nakababatang kapatid.

"Pangako, Kuya." Sagot naman nito sabay high five kay George.











___________
End of GR 3: George

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

The story may be the writer's original idea/creation, the photo used as a cover is not owned by the writer, so please be kind and be respectful to the original owner the media used and let's enjoy the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

George's Rage
©All rights reserved
September 20, 2018
November 20, 2018


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro