Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Thirteen

Owtor's Nowt: Ayan. Di ko kinaya ang lahat. Ang hirap pala ng ganireng short story ang iyong sinusulat, kailangan mong mailathala ang lahat ng pangyayari sa kakaunting salita laang.

Aba! Ako ay hindi na makikinig dine sa mga tinamaan ng ipu-ipong mga kabataan na ere. Kahirap tuloy humabi ng salita na hindi lalagpas sa dalawang libo kada kabanata. Ala eh, ako'y magpapahinga na muna. Sa Miyerkules naman o di kaya ay sa Huwebes na ako'y magsulat ng karugtong. Hihintayin ko na laang kung ano ang gagaw-in ni George at Rage eh.

Maraming salamat sa inyong lahat.
















-------------------

























“Kuya Nikko, mag-usap tayo!” Matigas at buo nitong saad. Para itong isang heneral na nagde-demand. Bigla, narinig niya ang boses ni Nikko sa kabilang linya. Bumubulong ito.

“Bunso, wag ngayon. Nandito sila Nanay.” Sabi nito na pabulong.

“Wag kang gawa-gawa diyan, Kuya! Matagal ng sinabi na sa akin ni Kuya Mark na alam na nila Nanay at Tatay na buhay ako! Alam mong alam ni Nanay na hindi ako patay simula ng dumating si George sa Hacienda Rosita!” Panandaliang natahimik si George. Pinakikiramdaman niya ang kabilang lubya. May naririnig siyang bulong-bulungan. May pagalit na boses, May tahimik na sasagot, tapos tahimik uli.

“Nak, ayos ka lang ba diyan?” Boses ni Aling Luningning. Natutop ni George ang bibig. Pinipigil na wag maiyak. Iba na kasi ngayon eh. Lumabas na siya sa pagbabalatkayo. Hindi na siya nagpapanggap.

“Ayos lang ako, Nay. Gusto ko lang pong makausap muna ang mga Kuya ko, may kasalanan pi sila sa akin, eh.” Malambing ngunit may tigas at tapang ang boses niya. Napangiti si Rage sa inasal nito pero may bahagi ding natatakot siya. Ngayon niya lang kasi nakita at narinig na nagalit ang dalaga. Nagalit man ang dalaga sa kanya pero hindi ganito ang ginawa sa kanya, flat out cold treatment ang nangyari.

“Bunso, ano ba ang gusto mong malaman?” Narinig niya ang boses ni Nikko sa kabilang linya.

“Wag mo akong mabunso-bunso, Kuya! Hindi bagay sa 'yo!” Napatda si Rage. Tumaas ang boses ni George. Ramdam niya ang pigil na panggigigil sa tono ng pananalita nito. Ibinaba ang cellphone sa pasimano ng bintana.

“Uy, Georgina! Kuya mo pa rin siya!” Dinig ni George ang boses ni Paolo. Dinig din ni Rage ito. Maaaring nasa tabi lang ito ng Kuya Nikko niya. Naka-speaker na pala ito.

“Isa ka pa, Kuya Pao! Wag kang magmalinis! Galit ako sa inyo!” Singhal niya sa nakatatandang kapatid. Natahimik naman ang kabilang linya kaya sinamantala niyang magtanong bago pa mapunta kung saan ang usapan. “Bago namanhikan ang mga Faulkerson sa bahay, ilang beses umuwi si Rage para kausapin sana ako?!” Tanong ni George sa kapatid. Bahagyang natahimik ang kabilang linya.

“Bakit, nabuko ka na ba ni Magnus?” Si Dean ang nagsalita na parang natatawa pa ito. Nakita niyang tumingala si George at humugot ng malalim na paghinga. Halatang nagtitimpi.

“Ang kapal mo, Kuya Dean ha. Joking?!" Panimula niya pero nakasinghal. "Hindi! Hindi niya pa ako nabubuko, at wag nyong baguhin ang usapan! Sagutin nyo ang tanong ko dahil kung hindi, pati kayo ay hindi na rin ako makikita kahit kelan!” May himig ng pagbabanta at katotohanan sa boses ng dalaga. Nakaramdam ng pagkataranta si Rage kaya mas lumapit pa siya ng bahagya sa pinto at sumandal sa hamba nito. Bahala na kung makita siya ng dalaga. Nagkaroon ng magulong reaksyon sa kabilang linya.

“Bunso, walang ganyanan ah. Hindi na nakakatuwa yan. Tama na ito. Umuwi ka na dito at hayaan mo na diyan si Magnus.” Boses ni Paolo. Napatuwid ng tayo si Magnus. Nagtataka siya kung bakit ganun ang sinasabi ni Paolo kay George. Gaano ba kalaki ang nagawa niyang kasalanan sa mga kapatid ng dalaga at ganito ang kinahinatnan ng mga pangyayari. Dati silang magkakaibigan. Ang pamilya Mendoza nga lang ang naging kaibigan niya habang lumalaki sila sa hacienda.

“Kuya Pao, Isa na lang! Isang-isa na lang! Kapag hindi kayo umayos ng sagot sa tanong ko at sa pagpatay ko ng tawag na ito, kapwa-tawad tayo! Patawarin din ako nila Tatay at Nanay, hinding-hindi nyo na ako makikita kahit kelan man!” Galit na galit na nga si George dahil tumaas pa ang boses ng dalaga. Nakita ni Rage na marahas na pinunasan ni George ang mukha kaya sigurado siyang umiiyak ito. Naaawa siya sa dalaga at gusto na niya itong lapitan ngunit gusto din niyang marinig ang sasabihin ng mga kapatid nito.

“Bunso. Bunso! Ako ang magsasabi sa iyo ng totoo.” Si Mark ang nagsasalita. “Wag ka ng magalit sa amin, ginawa lang namin yun dahil gusto naming makapag-isip ka. Ako, hindi ako tutol kay Magnus para sa iyo, ang Kuya Nikko lang naman at Kuya Pao ang may ayaw." Narinig niya ang mahinang pagtatalo sa kabilang linya. "Nagaya lang si Dean sa kanilang dalawa. Gusto naming makapagtapos ka muna ng pag-aaral. Gusto naming may maipagmalaki ka rin na pinaghirapan nila Tatay at Nanay na kahit na maging isa ka nang Faulkerson ay hindi ka magiging alangan sa kanila.” Dugtong pa ni Msrk. Narinig pa niya ang sabay-sabay na pagsasalita ng mga ito. Nakita niya ang pagkuyon ng kamao ni George.

“Tumahimik nga kayo!” Sigaw ni George. “Ano ang ibig mong sabihin Kuya Mark?! Ayaw nila Kuya kay Rage para sa akin? Akala ko ba kaibigan niyo si Rage?!” Halata sa boses ni George na nalilito sa sinasabi ng Kuya niya.

"Bunso, makinig ka. Totoo, yun, kaibigan ko si Magnus. Kahit kelan ay hindi nawala yun. Wag mong kalilimutan yan." Mahinahon na sagot ni Mark sa kabilang linya.

"Ganun naman pala eh! Pero bakit?" Sumisikp ang dibdib niya. Hindi alam ni George kung ano ba ang nangyari noon sa pagitan ni Rage at ng Kuya niya. Wala kasi siyang inisip kundi ang sarili lang noon.

“Bunso, nagtanim ng sama ng loob sila Kuya Nikko at Dean dahil sila ang nakakita na may kasamang babae si Magnus at sila din ang nakakita nung humalik sa kanya yung babae. Nakita ko rin naman yun minsang sinamahan kita pero kinausap ko si Magnus tungkol doon nung umuwi at nagpaliwanag siya, pero hindi ko na sinabi na nakita din ng tatlo at syempre ikaw din. Ang masama nun ay hindi na nga nila kinompronta si Magnus, nilason pa nila yang sistema mo na hindi ka mahal ng boyfriend mo, eh halos linggo-linggo nga kung umuwi yang si Magnus dito sa hacienda para lang makausap ka at sa tuwing nandito yan, pinapauwi ka naman nila Kuya at pinatitigil sa bahay. Ayaw na ayaw kasi nila Kuya Nikko na magkita kayo ni Magnus at makapag-usap." Nagkagulo sa kabilang linya. Narinig niya ang pagmumura ni Nikko kay Mark pati na ang pagtataray ni Paolo dito. Narining din nila ang ang boses ng tatay ni George na sinaway ang mga ito at pinatatahimik.

"Gusto kong marinig ang mga bagay na ito na itinago nyo sa amin ng Nanay nyo!" Madiin ang pagkakasabi ng Tatay Tasyo nila. Bigla naman ay parang mga munting bata na magsitahimik ang apat na magkakapatid sa kabilang linya.

"Kuya Mark, paki tuloy mo, please." Utos ni George sa kapatid. Nagtuloy naman si Mark sa pagsasalaysay.

"Ang dahilan ni Kuya Nikko at Kuya Paolo ay uutuin ka lang daw ni Magnus para mapatawad mo siya, papaniwalain kang hindi totoo ang lahat ng  yun at sa pagbabalik ng Manila ay ganun din uli ang gagawin ni Magnus.” Patuloy ni Mark. Napangiti si Magnus, naalala nga niya na sa lahat ng magkakapatid, si Markus lang ang kumausap sa kanya noon. Si Markus lang ang galit na galit na humarap sa kanya at kahit galit ito sa kanya at nasuntok pa siya nito ay kinakausap pa rin siya ng binata. Nakapagpaliwanag siya ng tama at napatotohanan niya yun sa binata.

“Bakit? Bakit nyo ginawa yun sa akin? Sa amin, Kuya? Gaano ba kalaki ang kasalanang nagawa ni Rage para hindi nyo siya bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag? Wala ba siyang karapatang mapakinggan” Umiiyak na muli si George. Hindi na talaga nakatiis si Rage kaya nilapitan na niya ang dalaga at niyakap. Hinayaan lang siya nito.

“Bunso, sorry na. Gusto ka lang naman  kitang proteksyunan. Ayaw ka kasing masaktan ka kung sakaling totoo ngang niloloko ka lang ni Magnus.” Si Nikko ang nagsalita. Batid ni Rage sa boses nito ang pagiging mayabang, parang hindi ito nagsisisi na ginawa niya yun kay George. Parang nagmamalaki pa.

“Wow! Ang yabang mo, Kuya Nikko ha. Nagmamalaki ka pa na nagawa mo akong saktan, na nagawa mo akong paikutin sa palad mo! Bakit? Natatakot ka bang gawin ni Rage sa akin ang ginawa mo kay Ate Celia?” Hindi na nagulat si Rage sa narinig subalit nayanig pa rin ang isip niya na alam ni George ang kwentong yun. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Pinsan kasi ni Rage si Celia sa side ng Mommy niya at alam niya ang tungkol dito. Yeah, I caught him myself but did not say a single word. Alam niya rin na yun ang dahilan ng pag-alis ni Celia sa hacienda. Siya ang naghatid kay Celia sa airport ng umalis ito patungong Japan para doon magpatuloy ng pag-aaral dahil sa sakit at sama ng loob ng hindi humarap si Nikko sa pinsan niya para humingi ng paumanhin o magpaliwanag man lang.

“Bunso, please. Wag ka matigas ang ulo. Pinuprotektahan ka lang ni Kuya” Salo ni Dean. Pagal na napatawa si George.

“Pinuprotektahan? Isa ka pa! Ako nga ba talaga ang pinuprotektahan ni Kuya Nikko? O baka pinuprotektahan niya lang ang  sarili niya dahil inuusig siya ng kanyang konsensiya?" Naghintay sandali si George kung sasagot ba si Nikko ngunit tahimik lamang ito. "Hindi ka makasagot 'no? Kasi alam mong mali ka. Ngayon ako naniniwala na ang isang magnanakaw at galit sa kapwa niya magnanakaw. Ang sama mo, Kuya. Ang sama-sama mo! Pinagkatiwalaan kita na tama ang ginagawa mo, ang sakit nun ha, tagos hanggang marrow! Kaibigan nyo si Rage for God's sakes, Kuya. Wala siyang ibang naging kaibigan diyan sa atin kundi tayo lang, tapos ni hindi nyo man lang o siya binigyan ng pagkakataon na humarap sa akin para magpaliwanag? Bakit ganyan nyo siya tinrato? Ang masakit pa, ikaw ang mas may ginawang masama kumpara kay Rage, Kuya. Uulitin ko, magpinsan si Rage at Ate Celia!” Puno ng sama ng loob na sabi ni George sa mga ito. Umiyak na ito ng todo.

“Bunso, hindi naman sa ganun. Alam naman namin na it will bound to happen dahil palagi ngang malayo si Magnus sa iyo. Nandito ka sa hacienda at siya, nandiyan sa Manila, tsaka tama naman ang Kuya Nikko, pinukprotektahan ka lang namin. Alam naman kasi namin na sasaktan ka lang ni Magnus kaya iniiwas ka na namin hanggang maaga.” Singit ni Paolo. Nagtagis ang mga bagang ni Rage. Totoo ngang napagkaisahan sila ng mga kapatid ni George, pero bakit? Ano ba talaga ang nagawa niya? Kung yun lang ay napakababaw nun at pwede niyang patunayan na mali sila doon. Hindi na nakatiis si Rage kaya nagsalita na siya.

“How do you know na sasaktan ko nga si Gina, Paolo? Hindi nyo naman ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag at ituwid ang mga maling sabi-sabi ng tao sa hacienda. Ang maling pag-aakala nyo tungkol sa akin. Ganun ba kababaw ang pagkakakilala nyo sa akin?” Malamig ang boses ni Rage na dumalo sa usapan ng magkakapatid.

“M-magnus…” Sabay-sabay na sagot ng mga boses sa kabilang linya. Halatang nagulat sila na kasama ito ng kapatid nila.

“Ni minsan ba pinakitaan ko kayo ng masama? Did I cross any unspoken boundaries even after I caught you cheating on my cousin, Nikko? Did I, in any way, insulted you to take revenge on me? Ikaw pa talaga? I did not confront you nor tell my cousin, that includes your family, about what you did hanggang sa siya na mismo ang nakahuli sa iyo dahil hindi ko kwento yun, Nikko. Kwento mo yun. Ikaw ang may gawa, kaya dapat ikaw din ang sumulusyon, pero grabe pala ang ganti mo sa pananahimik ko, Nikko. You used the people's rumors against me to make yourself better. How was it? Did it make you go to sleep good at night? Kapwa-tawad tayo, Nikko. Dahil ako, malinis ang konsensiya ko." Humugot muna ng malalim na paghinga si Rage bago muling nagsalita. "Nanay Luning, Tatay Tasyo, I'm sorry po, pero ilalayo ko na po si Gina.” Ramdam ang sakit at galit sa boses ni Rage kahit na malumanay itong nagsasalita.

“Magnus, hijo…” Boses ni Aling Luningning ang nagsalita. Parang dinaklot ang puso nilang pareho at piniga.

“Nay, Tay. I'm sorry po. Patawad po, Nay, Tay. Tatawag na lang po uli kami.” Hindi na hinintay ni George na magsalita pa ang mga magulang at kapatid niya.  Pinatay na niya ang tawag at literal na pinatay ang kanyang cellphone. Tinanggal ang battery at sim card nito, binali ang sim at itinapon.

Tahimik na umiyak si George sa bisig ni Rage. Hinayaan lang naman ito ng binata. Hindi na sila natuloy sa pagkain. Pareho nang nawalan ng gana ang dalawa. Ikaw ba naman ang gawing laruan ng mga kapatid mo at ng mga itinuring mong kaibigan, hindi ka kaya mawalan ng gana sa lahat?

“What now?/ano na?” Sabay nilang tanong sa isa't isa. Pareho nilang hindi alam ang isasagot sa kanilang tanong. Ano nga ba? Ano ang kanilang gagawin?





























--------------------

End of GR 13

Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.19.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro