Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Ten

Owtor's Nowt:  Short update lang 'to. Kulang ang inspirasyon ko. Kulang ang kilig ko, feeling ko tuloy apektado ang chapter na ito. Routine na routine lang, parang katulad ng buhay ng ating mga bida. Magkakaroon na ba ng progress sa bukingan department? Tara, alamin natin.

But before everything else... Thank you po sa inyong lahat dahil dito.

👇     👇     👇







————————










ILANG BUWAN ang muling lumipas sa pagitan nila na parang walang nangyari sa pagitan nila. Balik sila sa araw-araw na routine. Gigising sa umaga, liligo ng sabay ngunit sa magkahiwalay na banyo, sabay na maghahanda almusal at pananghalian, magda-drive si Rage na pinag-awayan pa nila noong una, papasok sa trabaho, meeting, meeting... uwi ng condo, tutulog. Walang halos usapan maliban sa trabaho.


** Flashback...

"Sir, ako na ho magda-drive, trabaho ko po yan eh." Nanggigigil na sabi ni George. Nginitian lang siya ni Rage ng makalaglag pusong ngiti. Inis siyang tumalikod sa binata.

"Pati ba naman sa pagda-drive, ikaw pa rin ang boss?" Alam naman ni Rage na napipikon na si George sa kanya. Hindi niya alam nag talagang dahilan pero basta alam niyang hindi ito makapalag. Bibirahan na lang siya ng simangot at tatalikod. Pasalampak na uupo sa front seat at sa labas na lang titingin. Napapangiti siya sa sarili.

"Eh di isaksak mo sa baga mo yang manibela." Bubulong-bulong nitong sabi na naririnig naman ni Rage na hindi na lang pinapatulan. Galit na nga ito sa kanya bilang Gina, pati ba naman bilang George ay magagalit pa rin ito? Kaya para safe siya, hindi na lang niya sinasagot, bagaman puro ngiti na lang ang sagot niya dito, alam niyang bwisit na bwisit pa rin si George sa kanya. Yun nga lang, may sariling isip ang dila niya.

"Hindi na magkakasya yan sa baaga ko dahil ang laki ng taong sumasakop sa puso ko." Wala. Semplang na naman siya. Paniguaradong isang buong maghapun na naman na hindi siya kikibuin nito, maliban na lang kung may tawag siya mula sa kliyente o may ipapaalalang meeting ito. Sisiguraduhin niya mamaya na makakakuha siya ng access sa tablet ni George.

Simula noon, tuwing umaga, inuunahan na niyang bumaba si George at doon maghintay sa baba. Nagpagawa din siya ng isa pang kopy ng susi ng sasakyan niya dahil itinago ni George ang duplicate na kopya nito.

**End of Flashback.


KINABUKASAN... Gigising uli, liligo, syempre magkaibang banyo (wag kayong magmadali, wholesome tayo ngayon), maghanda almusal si George, pananghalian naman si Rage, magda-drive, konting simangot, hindi naman manalo-nalo, si Rage pa rin ang nagda-drive. Papasok sa trabaho walang kibuan kahit tubuan pa ng talaba ang mga labi nila, meeting, meeting... tunganga-tunganga, kakain sa labas ng walang imikan tapos uwi ng condo. Ire-review ni George ang schedule niya kinabukasan, tutulog.

Kinabukasan uli... Gigising naman, liligo (hay, naku. Hiwalay na banyo pa rin), maghahanda ng pagkain, sisimangot uli, ngingiti naman yung baliw na lalaki, papasok sa trabaho, meeting, tutunganga, maglalaro ng mobile legends... uwi ng condo, kakain, tutulog, at dahil weekend, magkukulong sa kwarto si George. Magluluto si Rage, kakatok sa kwarto ni George, aayaing kumain pero hindi naman siya sasaluhan. Ipagtatabi niya ito ng pagkain ang huhugot ng malalim na buntong-hininga.

Ganito sila ng ganito. Pormal at civil lang sila sa isa't isa bilang Rage na amo at George na empliyado, yun ang alam ni George. Ilang buwan pa ang lumipas ng pagmamatigas sa parte ng dalaga. Halos isang taon na rin si George na nakatira kasama si Rage. Sa mga nagdaan mga buwan ay hindi na talaga kinakaya ni George. Gabi-gabi siyang umiiyak. Nasa kabilang kwarto lang ang binata pero parang ang layo nito sa kanya. Minsan, kung hindi man kadalasan, naiisip niya na siya ang may mali, nakikipagkaibigan na nga ito sa kanya dati eh, pero tinabla niya lang.

Lingid sa kaalalaman ni George naririnig ni Rage ang pagtangis niya sa gabi. Wala nga lang itong magawa dahil alam naman ng binata na hindi pa handa ang dalaga. Kung nakapaghintay siya noon na makausap ang dalaga na malayo sa kanya, ganun pa rin ngayon. Maghihintay pa rin siya. Ang kaibahan nga lang, nasa kabilang kwarto lang ang dalaga. Walang Nikko na araw-araw nitong nakakausap at nakikita para pagbawalan siya. Walang Paolo na nagtataray sa kanya na tantanan na ang bunso ng mga ito. Walang Dean na nagbabantang ilalayo ang dalaga sa kanya. Wala ang tatlong Kuya para paghigpitan si George.

Sa kabilang banda, nakikita ni George ang mga pagbabago sa mga gawi, kilos at pananalita ni Rage. Nakikita niya rin minsan na nakatitig lamang ito sa kanya ng halos tagusan. Naiisip niya tuloy kung alam na ba ng binata na siya at si Gina ay iisa? Kung makatitig ang binata ay para naman kasing may alam ito at minsan ay kinakabahan siya na baka bigla na lang siyang sumbatan nito at magalit ang binata sa kanya, yun panigurado ang hindi niya kakayanin. Matagal na rin silang nagsasama sa iisang bubong, at natatakot siyang magbago yun. Sanay na siya dito. Gayun pa man ay nagtataka pa rin siya, hindi ba talaga nito napapansin na siya at si Gina ay iisa? O baka talagang wala pa itong alam?

Nakikita niya si Rage minsan na natutulala na parang may kung anong tinititigan sa cellphone nito. Hindi naman ito naglalaro ng game na palagi nitong nilalaro. Minsan tuloy naiisip niya na baka namimiss siguro ni Rage yung babaeng sinasabi ni Donya Rosita na sobrang minahal ng binata. Nasasaktan siya sa tuwing naiisip niya yun pero wala siyang magagawa. Kung hindi lang siya nakinig sa Kuya Nikko niya na tikisin ang binata baka hanggang ngayonsiya ang mahal nito. Ang konswelo na lamang niya ay wala naman talagang ipinangako si Rage sa kanya. Ang sinabi lang nito noon ay babalik ito pagkatapos magkolehiyo, kung ano ang dahilan nito sa pangakong magbabalik ay hindi nito sinabi o hindi niya lang maalala. Hindi naman siya pinangakuang ni Rage ng pag-ibig. Wala nga ba? O baka siya lang naman ang umasa na meron? Hay naku, Georgina, masyado ka kasing assuming.

"George." Narinig niyang tinawag siya ni Magnus. Malambing ang pagkakatawag na un ng pangalan niya. Hay, Georgina! Umayos ka! Humaharot ka lang eh! Panenermon niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo para alsiin ang tumatakbo sa isip niya.

"A-ano po yun, S-sir?" Bakit ba palagi siyang nauutal. Seryosong nakatingin lang si Rage sa kanya. Napalunok siya ng kung ano mang nakabalakid sa kanyang lalamunan. Kakaiba ang aura at mga titig nito sa kanya. Maliban sa makatunaw, makalaglag... puso na titig nito, puso ang malalaglag. Maharot na utak! May pinapahiwatig ang mga labi nito.

"Sit down." Iminwestra nito ang silya sa harap nito. Nasa kusina ngayon si Rage. Ayaw pa sana niyang umupo dahil doon siya pinauupo sa loobang bahagi ng lamesa. Ayaw niya doon dahil hindi siya kaagad makakalabas ng kusina kung kakailagnanin niya, feeling niya ang mako-corner siya kapag doon siya umupo, kaya hinugot niya ang silya sa harapan niya. "No. Here." Napatda siya sa kaseryosohan nito. Nag-aalinlangan man siya ay sumunod na lang. Mahirap ng mapagalitan.

Kung tutuusin, makakaalis naman siya talaga dito, eh, kung gugustuhin niya. Yun ay kung gugustuhin niya. Pwede siyang sumakay ng bus para umuwi ng Santo Tomas pero hindi niya magawa. Dahi ayaw niya. Hindi niya kayang iwanan ang binata. Hindi kaya ng puso niya kahit na araw-araw siyang nasasaktan. Kahit araw-araw siyang nahihirapan. Kahit gabi-gabi siyang umiiyak. Kahit na alam na niya ang totoo na ni minsan ay hindi nambabae o nagkaroon ng girlfriend si Rage. Well, alam na niya yun ngayon. Nalaman niya ang lahat ng yun mula kay Brennan at Levi. Kahit na yung ilang beses ng pamimilit ng pinsan ni Levi na si Ava. Kahit na yung mga pag-inom-inom nila dati na may mga babae, hanggang doon lang yun, walang inuuwi, walang isinasamang babae si Rage kahit saan. Naging malapit na rin siya sa dalawang kaibigan nito. Mas madalas pa nga siyang makipagkwentuhan sa mga ito kesa kay Rage. One of the boy na rin siya para sa mga ito.

**Flashback...

"Sir Levi, bakit po hindi nag-girlfriend si Sir Magnus?" Naisip niyang itsnong sa binatang kaibigan ni Rage nung isang araw na pumunta ang mga ito sa condo ng lalaki para doon na lang mag-inuman.

"Ewan ko ba diyan sa kaibigan namin, masyadong pa-faithful. May pa-loyalty eme pang nalalaman." Si Brennan ang sumagot sa tanong niya. Natawa siya sa sinabi nito.

"Ikaw ba George may girlfriend ka?" Napalunok siya sa tanong ni Levi bago pa siya nakasagot.

"Wala po, pero may nagugustuhan po ako." Sagot niya dito. Mabuti na lang at wala sa Rage dahil may kausap pa ito sa phone.

"Maganda ba?" Nangalumbaba pa si Brennan sa harapan niya. (Naku, kung hindi lang mas gwapo si Rage sa inyo kayo na lang ang ika-crush ko eh.) Napapangiti siya sa tinatakbo ng isip niya.

"Bro, meron yan. Yang ngiting yan, inlababong ngiti yan kaya hayaan mo na. At least merong isang in love sa ating apat." Natatawang saad ni Levi.

"Ang alam kong naikwneto ni Rager dati nung mga nag-aaral pa kami, schoolmate daw niya probinsiya nila bago pa siya malipat dito ng high school na. Maganda daw yun. Kakaiba. Matalino, malambing, masipag at higit sa lahat maganda ang mga mata at parang masarap daw halikan palagi ang mga labi nito." Sinimulan ni Brennan ang kwento.

"Ay, oo bro. Mukha ngang tanga yan minsan. May picture siya nung babae. Ano nga bang pangalan nun, Nan?" Baling ni Levi sa binata. Napatingala ang mga ito na nag-iisip.

"Ah!" Nagulat pa siya sa biglang pagsigaw ni Brennan. "Gina. Tama, bro. Gina ang pangalan." Parang tinambol ng pitong banda ang dibdib niya at mahigit pa sa rigodon ang ginawa nito. Muntik pa siyang mapasabi ng "Ako?" Mabuti na lang at napigilan niya ang bibig niya.

"Ibig nyong sabihin, yung pinsan kong si Gina?" Kunwaring sabi niya para lang maipaulit sa dalawa ang sinabi nito.

"Tama, Nan. Gina nga pangalan nun. Kaya lang nakakalungkot kasi nung araw na umuwi siya sa kanila yun din yung araw na nakitang patay ito sa palayan sa bungad ng hacienda nila." Katakot-takot ang pagtahip ng dibdib ni George. Siya pala. Siya nga ba?

"Ang alam ko nga po any gusto ni Tita Rose na ipakasal si insan kay Sir Magnus." Nag-umpisa na rin naman siyang mag-fishing, lulubusin na niya. Hindi na niya mapigilan ang kilig na nararamdaman.

"Kaya naging lasenggo yan at gustong patulan lahat ng babae sa mga bar na napupuntahan namin dati. Hindi ka kasi sumasama sa loob, nakilatis mo sana yung mga tsika-babes na umaasang makatikman siya. You know what sometimes, I am thinking na yang Gina na yan ay kathang isip lang ni Rager eh. Parang imaginary lang pero ang totoo ay paminta yang kaibigan namin." Sumabog ang tawanan nung dalawa. Napasimangot siya. Naabutan sila ni Rage na nagtatawanan. Papasok na sana ito sa sala kung nasaan ang tatlong nagkukwentuhan ng matigilan ito dahil nakita siyang bigay na bigay sa tawa di George. Parang na-estatwa ito sa kinatatayuan nito.

"Ay hindi naman siguro kasi hindi ako naniniwalang bakla si Sir. Totoong tao kasi si insan Gina, hindi siya imaginary." Pagtatanggol niya lalaking minamahal. Napasapo siya kanyang dibdib ng palihim. Ano daw? Lalaking minamahal? Doon na pumasok si Rage sa usapan nila.

"Ano ang pinag-uusapan nyo? Sinong bakla?" Seryoso nitong tanong sa kanilang tatlo. Nagkatinginan silang tatlo. Walang may gustong magsalita.

"S-sige. Kuha muna ako ng mapupulutan nyo." Mabilis siyang tumayo at pumunta na kusina para.maiwasan ang binata. Kahit na sinabi yun ng dalawa nitong kaibigan ay hindi pa rin siya naniniwala na siya nga tinutukoy ng dalawa. Maaaring hindi alam ng mga yun na May ibang babae itong minamahal.

"Kayong dalawa, baka kung ano-ano ang sinasabi nyo doon kay George. Magsumbong yun kay Mommy." Narinig niyang sabi ni Rage.

**To be continued...




















--------------------

End of GR 10

Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro