George's Rage Sixteen
Owtor's Nowt: Ano ba yan. Parang toxic na ng mundo. Ano ba talaga ang problema sa tao? Hindi ba sila masaya sa buhay nila at kailangang manakot? Tapos na po ang Undas at halloween, malayo pa rin po ang April's Fool, Kaya kalagan lang, okay?
Eto ang harapin natin, ang kilig at kaba ni George. Ang tampo ni Rage. Ang problema ni Nikko. Si Celia. Si Ava.
Hay naku... Ewan ko ha pero basta happy ako nga Ladderets and ladderettes kasi number 20 ang George's Rage sa Short Stories. hehehehe
Anyways, Tara na basa na kayo, dahil ako hahanapin ko pa kung saang parte ng Google docs ko napunta ang chapter 17. See yah!
------------------
"R-rage... ssshh." Sabi niya dito habang pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ng lalaki. "That not what I meant." Hindi niya alam kung papaano ba niya ito sisimulan at tatapusin.
"Then what do you mean? You let go of my hand. Ayaw mo bang hawak ko yun? You said nasasakal ka, am I suffocating you? Then you said lalayasan mo ako, why? Tell me what I did wrong? Ayoko nang maulit yung nakaraan na hindi ko man lang alam na may nagawa na pala akong hindi ninyo nagustuhan pero hindi nasabi sa akin. George, I can not change the past and that's the truth, I just can't. I can not correct the wrong in the past, pero sana naman give me a chance na makabawi ako sa iyo ngayon. A chance to make today better for you, for both of us. Kahit hindi na lang para sa atin, sa akin, kahit para na lang sa iyo." Mas lalong nag-summersault ang puso ni George ng dahil sa mga binitawang salita ng binata.
Ito ang Magnus Rager na nakalimutan niya dahil nabulag siya ng mga pinagsasabi ng tatlo niyang Kuya at ng chismosong si Nanding at Miguel. Papanagutin niya ang mga yun dahil sa muntik na pagkakasira ni Rage, nila ni Rage. Namatay na muna siya bago pa niya nalaman ang totoo. Tanga din kasi siya kasi hindi siya nagpakakababae, nagpabebe lang siya. Hindi siya nanindigan na kausapin ang binata noon dahil nag-inarte siya. Feeling niya naman kagandahan siya. Magpasalamat na lang siya dahil kahit probinsiyana siya ay minahal siya ng tapat ng isang Magnus Rager Faulkerson. Ngayon lang niya naisip ang mga sinabi ng Kuya Mark siya sa kanya noon.
"Ang bawat perang hawak mo, malaki man o maliit, maging isang sentimo ay may dalawang bahagi, ang mukha sa harap at ang selyo sa likod. Sa larong cara y cruz, dalawang bahagi ng barya ang sangkot. Kapag sinabing heads or tails, may dalawang parte din yun. Sa kalsada, may papunta at may pauwi. Sa loob ng 24 oras, may gabi at may araw. Sa pag-ibig meron din noon. Ang tanong, alin sa dalawa ang gusto mong piliin, yun bang palabi mong naririnig na sabi-sabi ng iba sa iyo o didinigin mo rin ang kabilang bahagi? Di ba sabi nga, there are always two sides of every story, minsan nga tatlo pa. Sa korte, may nagsasakdal at may isinasakdal bago pa mapatunayang nagkasala o mapawalang-bisa ang nasasakdal. Si Magnus Rager, hindi pa man napapatunayan na nagkasala ay isinakdal mo na. Guilty verdict na kaagad. Hindi mo man lang na-cross examine ang mga edibensiyang inihain sa harap mo. Sana marinig mo rin siya, Bunso."
Yan ang sinabi ng Kuya Mark niya nung kaisa-isang siyang beses na kinausap dahil sa minsan siyang nakitang nag-e-emote doon sa tumana, pero madali niyang pinagwalang bahala yun dahil nga sa galit siya at inis din siya sa Kuya niya, mukha kasing si Rage pa ang kinakampihan nito. Simula noong binalewala niya sinabi nito ay naging tahimik na lang na nagmamasid ang Kuya Mark niya sa kanya at sa iba pa nilang mga kapatid, ngunit hindi naman lubos na tinalikuran nito at palahing nakaalalay lang kahit na siya ay tumalikod dito. Huminga siyang muli na malalim. Hinaplos niya ang pisngi ng binata. Mataman niya itong tinitigan bago siya nagsalitang muli.
"It was a careless choice of word I'm sorry. I wasn't my intension to use the word nasasakal. What I reslly meant was hindi ako makahinga na para akong sinasakal. Hindi porke't hindi ako makahinga ay nasasakal na ako sa iyo o sa bilis ng mga pangyayari, hindi ako makahinga dahil sa pagpapakilig mo sa akin ng sobra. Hindi ako makahinga na para akong sinasakal kasi ang bilis ng tibok ng puso ko, and because of it parang akong nasasakal. I felt like my breathing is being constricted, I felt like being strangled but not in bad way." Tahimik lang namang nakikinig si Rage sa kanya at hindi niya napapansin ang nagbabadyang ngiti sa labi ng binata. Nagpatuloy siya sa gusto niyang sabihin. "Niluwagan ko ang hawak sa kamay mo dahil pinansin mo ito at hindi na ako makahinga sa mga tirada mo." Pinipilit pa rin niyang wag tingnang muli ang mata ng binata dahil hindi niya masabi ang mga gusto niya sabihin. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga at malumanay na ibinuga ito.
"Lalayasan kita kasi sabi mo, ibabalik mo itong sasakyan sa condo, ibig sabihin nun ay hahayaan mo na namang mahmukmok at lumayo na naman ako sa iyo? Kasi kung ganun ang mangyayari, aalis na lang ako total ganun din naman yun, magkakasama nga tayo pero hindi naman magkikibuan o mag-uusap. Hahayaan mo na naman akong magtigil sa kwarto at umiwas sa iyo hanggang sa mahimasmasan ako, hindi mo ako susuyuin, tapos bibilang na naman tayo ng taon... Rage, pagod na akong maghintay kung kelan mo ako ipaglalaban, kung kelan mo ipaglalaban ang puso mo, ang nararamdaman mo para sa akin. Pero siguro ang dapat kong sabihin sa iyo ngayon eh... I don't care what hey want, bahala na sila Kuya sa issue nila sa iyo dahil ako... I am ready to fight for you." Hindi niya alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig niya pero masaya siya dahil nailabas niya ng gusto ng puso. Nagpapasalamat siya dahil may isip ang dila niya na tuloy-tuloy lang ito sa kung ang idinidikta ng puso niya. Natutuwa siya na kahit ngayon lang, nasaklawan ng puso niya ang utak niya, kahit na parang wala naman direksyon ang pinagsasabi niys. Parang kumuda lang siya para memasabi lang.
Yung kaninang nagbabadyang ngiti na ngayon ay umabot na sa malungkot na mga mata ni Rage at sinilayan ito ng kakaibang kislap. May kakaibang tuwa ang namutawi sa uri ng kaninang sinusupil na ngiti. Masaya ang puso ni Rage na nahaluan ng kapilyuhan. Bigla ay kinabig siya ng binata at siniil ng mahigpit at madiin na halik. Bago pa man siya makabawi at makaganti ng halik ay tumigil na ito. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil nga sa itinigil nito ang paghalik sa kanya. Gusto niya tuloy sampalin si Rage dahil pambibiktima nito sa kanya. Adik lang, Georgina? Humaharot ka na ha!
"Tara, alis na tayo. Ituloy na natin ito. Itatanan na kita. Nahalikan na kitang muli, hindi na pwedeng hindi kita pakasalan. Dahil sa susunod na halikan pa kita ay magiging mas malalim pa diyan at hindi ko na mapipigilan talaga ang sarili ko baka buntisin na kita." Pinaandar kaagad ni Rage ang kotse ng hindi na siya muling tinapunan ng tingin. Naiwan siyang nakaawang ang mga labi, mukha tuloy siyang tanga. Narinig na naman niyang bubuntisin siya nito. Nag-init ang pisngi niya hanggang sa kanyang likod pababa sa pagitan ng kanyang hita. Ano ba yan, Georgina! Sa lahat ng sinabi ni Rage, yung bubuntisin ka lang niya ang tumatak sa maharot mong utak! Napapansin niyang napapadalas na pagkausap at pagsinghal niya sa sarili. Oh God! Nababaliw na yata ako.
Nang maiayos na ni Rage ang takbo nila sa kahabaan ng expressway patungo sa kung saan, ginagap nitong muli ang kanyang kamay at hindi man lang binitawan maliban na lang nung huminto sila sa may bandang Lubao, sa Double Happiness, para mag-inat ng paa ay bumili ng maiinom. Hindi siya hiniwalayan ni Rage kahit minsan lang habang nasa stop over sila. Nag-abang pa ito sa pinto ng banyo nung sinabi niyang iihi siya.
"Nagbanyo ka ba?" Tanong niya dito. Tumango naman ito at ngumiti lang ang binata sa kanya bago ito nagsalita.
"Yes, I did." Sagot nito. "As soon you walked in ay pumasok din ako, kaya lang mabilis akong natapos kaya naghintay na lang ako sa iyo." Inabutan siya nito ng hand sanitizer. Inilahad naman niya ang kanyang kamay at pinatakan ito ni Rage. Matapos nitong gawin yun ay ibinulsa na nito ang maliit ng plastic bottle.
"Rage..." Halos mag-alanganin pa siyang magtanong sa binata dahil pansin nga niya na madali itong magtampo. Hindi rin kasi niya alam kung paano magsalita ng maayos. Sanay siya konting usapan tapos minsan bangayan pa.
Matagal siyang naging galit sa binata ng dahil sa walang kakwenta-kwentang kwento at napakaliit na bagay na walang basehan. Ilang taon niyang iniwasan ang binata ng dahil lang may nakakita ditong may kasama itong babae at may kahalikan, normally, dapat mo talagang ikagalit yun, pero di ba dapat tinatanong mo kung ano ba talaga ang kwneto sa likod ng halik na yun, di ba? Ngayong medyo mature na siya, naisip niya lang bigla, eh ano naman kung may kahalikan ito noon? May nawala ba sa binata? Natahimik siya dahil sa sariling tanong kasi meron, merong nawala... siya. Siya ang nawala sa binata. Pero tanga din siyang naniwala sa sabi-sabi ng iba. Sabi nga dun sa meme na nabasa niya sa Facebook, Ang tsismis ay imiimbento ng mga inggit, kinakalat ng mga epal, at pinaniniwalaan ng mga bobo. Napangiwi siya sa naalala. Aray ko, sapul ako dun. Ang bobo mo kasi Georgina! Funny ka kasing masyado. Walang bait sa sarili. Shunga! Kastigo niya sa sarili ngayon, para siyang payb lang noon na hindi man lang kinausap si Rage bago siya nagtatalon sa bangin ng konklusyon. Kaya ayan, halos pitong taon ang nawala sa kanila. Kailangan pa niyang mamatay at magpanggap. Haaaayyy... ang engot mo Georgina. Pag-ibig na sana muntik pang nawala, mabuti na lang workaholic si Haring Tadhana kaya mahilig mag-overtime, eh di kahit papaano ay magkakaroon ako ng happily ever after... unconventional nga lang, pero na pwedeng-pwede niya. Saad niya sa sarili habang titig na titg siya sa lalaking nakaupo sa tabi niya na humihigop ng kape. Iisa lang ang nasa isip niya ngayon, aalamin niya kung sino talaga si Ava.
"Hey, my love. Are you okay?" Napukaw ito ng pagsagi ni Rage ng dibdib nito sa balikat niya. Nakatayo na pala sa harap ng kotse nito. Para namang pader sa tigas ang dibdib ng lalaking ito. Uhmmm... Jeskelerd, wag mo muna akong kunin. Mas lalo siyang pinangapusan ng hininga dahil sa kung ano-ano ang kahalayang pumapasok sa utak niya.
"Ah Huh?" Nalilito niyang sagot. Napatitig siya mga mata nito na parang gusto siyang higupin. Natulala na lamang siya.
"You called me. You seemed like you want to say or ask me something. Ano yun?" Sabi nitong bahagya nakayuko sa kaya. May kapilyuhang maaninag sa mga ngiti nito. Ay pootah, La Liga! Saklolo, marupok ako! Hindi ko na kinakaya ito, beshies! Nyemas na lalaki ito, inaakit na naman ako. Marupok ko eh. Shet!
"Ahm... saan tayo pupunta? Mag-aalas kwatro pa lang ng umaga." Muntik pa niyang makalimutan ang sana'y itatanong niya dito at sinilip pa ang sariling relo para kunwari ay tingnan ang oras. Hindi na niya kayang salubungin ang mga titig nito sa kanya. Natutunaw na siya. Natatakot siya na baka bigla na lang niyang dambahin at hubaran ang binata. Alam niyang nakatitig pa rin si Rage sa kanya. Eto na naman po ang mga alaga kong paru-paro na hindi ko alam kung saan nanggaling at naghuhuramintado na sa loob ko ng tiyan ko na umaabot sa dibdib ko at doon pa nagpasyang magrambulan. Tama na, please. Kotang-kota na talaga ako. Mabuti na lang at pinapasok na siya ni Rage sa kotse kaya medyo mapagtakpan niya ang panginginig ng kanyang tuhod.
Umikot at pumasok ang binata sa driver side at pinaandar ang sasakyan. Tahimik itong nagmaniobra ng hindi pa rin sinasagot ang tanong niya. Nang maayos na nito ang takbo nila sa kalsada, nilingon siya ni Rage at nginitian ng pamatay ngiti nito bago nagsalita.
"Magpapakasal." Nakangiti si Rage sa kapilyuhang sagot kay George. Literal na napanganga ang dalaga dahil sa sagot niya. Ibinalik na ang mga mata sa kalsada at nagpatuloy ito sa pagmamaneho ng hindi na muling lumingon o nagsalita habang si George ay hindi pa rin makahuma dahil sa pagkabigla.
Kota na ba? Alam ko, bitin kayo. Hinay-hinay lang po kasi bigla pong nawala sila George At Rage, hindi ko sila mahanap sa chapter 17.
--------------------
End of GR 16
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.20.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro