Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Six

Owtor's Nowt: Ewan ko sa dalawang ito, hindi ko maintindihan kung saan ang galit nila sa isa't isa, parang napakalalim ng pinanggagalingan. Makokotongan ko silang pareho kong isang napakababaw lang pala ng dahilan, Dios Mio. Tara, basa na tayo.





-------------------












HINDI maiguhit ang mukha ni George at Magnus kahit na si Picasso pa ang gumawa. Pareho silang halos kakainin ng buhay ang isa't isa. Matalim ang bawat titig na ibinabato nila. Naiiling na lang si Donya Rosita na natatawa. Let's see how you want to go with this and how long you two can keep up with this charade.

"Pinaalis ko na si Mina dahil wala namang ginawa ang babaeng yun kundi ang magsuot ng malalaswang damit na parang hindi babaeng may pinag-aralan at ang hilig na gapangin ka, Magnus. Ikaw naman na maharot na lalaki, nagpapagang naman. Para siyang babaeng kabaret na naligaw sa corporate world, susmaryosep. Kung ang katulad din lang naman niya ang babaeng iuuwi mo sa hacienda, wag ka na lang mag-asawa dahil hindi ko sila gusto at wala akong gugustuhin sa kanila, kundi siya lang." Halos mabulunan si George sa narinig at nakita mula sa ginang. Direkta itong nakatingin sa kanya. "O di naman kaya ay wag ka ng magpakita sa amin for good at kay Anastacio at Luningning ko na lang ipapamana ang lahat, isasama ko na rin itong si George na inampon ng mag-asawang Mendoza na inulila ng pamilya sa mga pamamanahan ko ng maiiwan namin ng Papa mo.” Hindi ito nakasigaw at hindi rin ito galit, malumanay ang paglilitanya nito sa anak. Nakaupo lang si Magnus na nakatitig sa bote ng tubig na nasa harapan niya. Nakatayo lang si George sa gilid ng Senyora niya. Nakita niya ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng binata. Palihim niya itong inirapan para maitago ang pagkalito niya.

“Ma, kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ko rin naman sila papatulan at wala akong pakialam kung pamanahan mo ako o hindi, wala naman na akong paglalaanan niyan.” Napatingin si George sa binata dahil sa isinagot nito sa ina. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

“Walang pakialam? Hindi papatulan? Eh ano yung sinasabi ng mga taga-haciendang nagpupunta dito na nakakakita sa iyo na kung sino-sino daw ang kasama mo at kung maka-abre-siete daw sa iyo ay talo pa ang lintang inasinan sa kilig, talo pa ang sawa kung makapulot, at parang kuhol kung makasipsip niyang nguso mo?” Patuyang natawa si George sa sinabi ni Donya Rosita. Tiningnan siya ni Magnus ng matalim. Napatuwid siya ng tayo at mabilis na binura ang ngiti sa kanyang mukha. “Siya ba, hindi ba niya nagagawa yan sa iyo kaya mo ba nagawa yun sa kanya? Kaya ba ganun ka dahil probinsiyana lang siya?” Namutla si George sa sinabi ng donya. Mas lalong nagdilim ang aura ni Magnus. May gusto nga siyang iba at probinsiyana ding katulad niya. Nalungkot ang puso ni George. Mabuti na lang si George na ako ngayon and it will stay that way.

“Ma, hindi porke may mga nakasama akong ibang babae ay iuuwi ko na sa bahay. There's only one woman for me, Ma at wala na siya. Iniwan na niya ako.” Malungkot nitong sabi. Parang may isang patalim ang itinarak sa puso ni George. Idiin niya ang pagkakapikit ng kanyang mata at huminga ng malalim. Kinakapusan siya ng hangin. Nagseselos siya. Wag ka nga, Georgina! Saway niya sa sarili.

“Well, who's fault it is? She was right there, Magnus Rager, nasa kamay mo na siya noon, bakit hindi mo pa siya iningatan? Bakit hindi mo siya pinursige? Bakit hindi mo siya palaging pinupuntahan? Bakit hinayaan mong mawala siya sa iyo? Bakit hindi ka nagpaliwanag? Ano ka ngayon dahil tuluyan na nga siyang nakuha sa iyo? Alam mo ang masakit pa ay hindi mo na siya mababawi kahit kelan. Well, maliban na lang kung magpapakamatay ka o magpakita siya.” Naririnig ni George ang panggigigil ng ginang. Kulang na lang ay hubarin nito ang sapatos para ihambalos sa anak.

"Kaya nga pumayag ako ng ipilit n'yong ikasala ako di ba? Kahit ayaw ko pa sana." Malamig na sagot nito sa ina.

Matinding sakit palang maramdaman na sa mismong bibig pa ng dalawa manggagaling na may mahal itong iba. Hindi pala siya ang first choice ng Mama ni Magnus. Panakip butas lang pala siya sana sa sakit na pinagdadaanan nito sa pagkawala ng babaeng minamahal. Buong akala pa man din niya kaya siya pinipilit ng mga ito na ikasal sa binata ay dahil siya lang ang gusto ng mga ito katulad ng sabi ng mag-asawa sa kanya nung gabing bago siya umalis sa kanila. Damn! This hurts... big time.

“I know, Ma. Wag n'yo nang ipaalala pa sa akin. I regretted it already, okay. I was a fool. I was jerk. I was an asshole. I get that. You don't have to rub it in more.” Parehong natahimik ang mag-ina ngunit ang isip ni George ay malayo na ang inilalakbay nito. Good that you know that you're a fool, you're a jerk, you're an asshole for making me love you for nothing and you will always be the one to break my heart.

“Ayusin mo ang pakikitungo mo kay George. Wag na wag mo siyang pahihirapan, mahiya ka naman kay Luningning at Anastacio. Pamangkin nila yan at ulila na. Wala na siyang pamilya.” Yun lang ang sinabi ng ginang at tumayo na ito. “Jose, tara na. Ibigay mo kay George ang ipinagbilin ng Senyor mo.” Baling nito kay Jose na nakatayo lang malapit sa pintuan. May dala itong isang paper bag, inilapit niya ito kay George.

“Oh George, heto ang cellphone mo, ang credit card na gagamitin mo at nandiyan na rin sa loob niyan ang kompletong susi ng condong ito at opisina ni Sir Magnus. Nasa loob din niyan ang laptop at tablet na kakailanganin mo para sa magiging trabaho mo.” Iniabot sa kanya ni Jose ang isa pang leather bag na may pangalang MDF Foods, Inc.

“Pasensiya ka na, hijo at wala ng magte-train sa iyo. Pinaalis ko na ang sekretarya ng maharot mong boss nu'ng Biyernes. Alam mo naman kung paanong gagawin di ba? Sanay ka naman na sa gawaing ganyan di ba?” Pahabol pa ng Donya. Napatingin si George sa ginang dahil sa sinabi nitong sanay na siya sa gawaing yun. Oo, sanay nga siya, pero bilang si Gina yun dahil yun ang trabaho niya sa opisina sa hacienda, pero bilang si George ngayon ay hindi. Hindi pwede. Di ba driver nga lang siya? Bodyguard/personal assistant nga di ba? Bakit parang may pinahihiwatig ang ginang sa kanya. Nakababahala na Tarzan naman!

“Pero…” Hindi na siya natapos ng sasabihin dahil ikinumpas na ng ginang ang kamay nito na parang kundoktor sa orkestra kaya natahimik na lang siya, wala rin naman siyang panalo eh. Nasulyapan niya ang matiim na titig ni Magnus sa kanya. Ugh! For God’s sake stop staring at me!

“Madali lang yan. Nasabi na sa akin ni Mark na grad… I mean, kumukuha ka daw ng business administration noong college bago ka natigil sa pag-aaral. I know it will be just a piece of cake for you, hijo..I know kasi pinsan mo si Gina at ang mga kapatid nito na puro mga maaabilidad at matatalino kaya alam kong ganun ka rin.” Makahulugang papuri ng donya sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Hindi niya kasi alam ang pinupunto nito.

“Ahmm… Donya Rosita…” Panimula niya ngunit pinutol na muli ng ginang. Nakikinig lamang si Magnus sa kanila na nakabusangot.

“Tita Rose ang itawag mo sa akin, hijo, dahil yan ang tawag ni Gina sa akin.” Utos yun at hindi pakiusap. Matagal niyang pinag-aralan na tawagin itong Donya Rosita tapos ngayon pagbabalikan siya pagtawag ng Tita? Tumango na lamang siya. May magagawa pa ba siya? Wala. Wala. Wala.

“T-tita Rose, wala po akong papeles na nagpapatunay na meron akong ganun. Wala na po ako niyan.” Natataranta niyang sabi at napayuko na lang siya.

“Is that all you worry about, George? Eh di gamitin mo yung credentials ni Gina, just erase the rest of it and leave George, pareho naman kayo ng apelyido kaya hindi na mahirap. And besides, ano ang pwedeng gawin ng HR at accounting sa iyo? Ang Tito Magus mo na ang nag-utos sa kanila, ang kailangan lang nilang gawin  ay ilagay ka sa payroll. Tapos.” Kumumpas na muli nito ang kamay at tuluyan ng lumabas ng unit ng binata.

Naiwan siyang nakanganga. Hindi siya makapaniwala na yun ang ipinagagawa sa kanya ng ginang. Para namang ganun lang yun kadali. What the… nagulat na lang siya ng biglang nagsalita si Magnus. Napapitlag siya.

“I don't know what you feed my mother, but whatever it is, I will not let you do that to me.” Pabagsak na inihampas ni Magnus ang kamay nito sa lamesita na nagpatalon sa kanya ng bahagya. Pumasok ito sa kwarto at pabulagsak na isinara ang pinto. Napapikit na lamang siya. Laglag ang balikat na napaupo sa sofa na inalisan ng ginang.

“Oh my Rage. This is going to be a hell of a ride for you, Georgina.” Mahina niyang bigkas. Si Rage. Ang kanyang Rage. Ang taong dahilan ng pag-alis niya sa bahay nila na nahulog sa pagbabalatkayo ay siya ring magiging dahilan ng kanyang kahaharaping bangungot ngayon. When is this gonna end? When is she gonna be able to finally rid of her Rage.
















--------------------

End of GR 6

Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
November 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro