George's Rage Seventeen
Owtor's Nowt: Hooo!! The plot thickens. Nakita ko na rin sa wakas ang chapter 17, or more like, nabuo ko uli ang chapter 17. Konting puyat, konting inis, at isang pitsel na kape hot and cold, para lang mabuo ko ang ang nawalang 17. Kaya eto na.
-------------------
Hacienda Rosita, Santo Tomas.
Alas tres y media pa lang ng madaling araw ay nagkukumpulan na ang pamilya Mendoza at pamilya Faulkerson sa malaking mansyon. Hindi pa lumalabas ang kahit na katiting na liwanag ng bukang-liwayway ay nagtatalo na ang mga ito. Limang oras na ang nakaraan mula ng tumawag si George na galit na galit sa mga kapatid at ngayon nga ay nakaupo silang lahat sa sala ng mga Faulkerson para magkausap-usap.
"Kanino kasing ideya na payagang maglayas Georgina?" Nanggigigil na tanong ni Aling Luningning. Tahimik na nagkatitinginan lang ang magkakapatid. Walang may gustong salita dahil.nakakatakot na tingin ng kanilang ina.
"Walang may magsasalita sa inyo?" Matiim na tanong ni Mang Tasyo sa apat na anak na lalaki. Napayuko ang apat. Ayaw nilang sabihin kung sino ang may pakana ng lahat.
"Hindi maglalalakas loob si Georgina na umalis kung walang may kasabwat na isa sa inyo." Si Don Magnus. "O nangakong tutulungan siyang isagawa ang plano niya." Dugtong pa nito.
"Alam nyo, naiintindihan ko kayo eh. Akala nyo ba hindi namin naririnig ang mga pinag-uusapan ng mga tagarito tungkol kay Magnus?" May himig sama ng loob na sabi ni Donya Rosita. Hindi ikakaila na kahit man sino ay sasama ang loob sa nangyari, hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang anak niya ay nahusgahan na kaagad, ang mas masakit pa ay mga kaibigan kinalakihan ng nag-iisang anak ang gumawa nun, mga taong una sa lahat ay dapat na kilala ang anak niya higit kanino pa man.
"Ang masama pa niyan, Tita Rose, yung taong mga pinagkakatiwalaan pa ni Ging-Ging ay siya rin nagbigay na pasakit sa kanila ni Insan Rager." Napalingon silang lahat sa kung sino ang nagsalita.
"Celia?/Ceci?/Cecilia?" Sabay-sabay nilang sambit. Gulat na gulat ang mga binata. Napangiti naman ang mag-asawang Mendoza at Faulkerson.
"Cel..." Tulalang Nikko ang parang natuka ng ahas na mukhang tangang napatunganga sa harap ng dalagang bagong dating. "You're back." Wala sa loob na nagdugtong niya.
"Hello, Nikko." Hilaw na bati nito sa panganay ng mga Mendoza. "Kamusta ka na?" Kung nandito lang sana si George matutuwa itong makitang nakikipag-usap... este, nakatunganga ang Kuya niya sa dalagang minsan ay naging parte ng buhay nito.
"Kelan ka pa bumalik, Ineng?" Natutuwa g tanong ni Mang Tasyo kay Celia bago pa makahinga si Nikko. Gustong-gusto niya ang dalagang ito para sa anak niyang si Nikko. Kaya nagtaka siyang bigla na lang itong umalis noon at ngayon lang uli nakabalik dito sa hacienda.
"Mano po, Tay. Mano po, Nay." Tatay at Nanay pa rin ang tawag niya sa mga magulang nila Nikko. Lihim na nangiti si Nikko.
"Kaawaan ka naman Diyos, anak." Malambing na sagot ni Aling Luningning. "Kelan ka pa nakabalik dito sa atin. Aba'y mas lalo kang gumanda ng bata ka." Masayang dugtong ng ginang. Hinaplos pa nito ang pisngi ni Celia.
"Hindi naman po, Nay. Dalawang taon na po akong nakabalik dito sa atin. Tinawagan po ako Ging-Ging bago siya... umalis." Hindi niya tinuloy ang sasabihin. "Pasensiya na Nay at hindi ako nakakabisita sa inyo." Malungkot itong ngumiti.
"Hala siya, tama na muna yan at may gusto akong malaman sa apat na itlog na ito." Maanghang na sabat ni Donya Rosita. Halatang hindi ito masaya. "Nabalitaan ko mula sa manager ng condominium ni Magnus na lumayas daw ito at may kasamang babae. Umalis kaninang mag-aalas dos ng madaling. Ang sabi ni Peter, hindi nito nakita si George. Ngayon, ako ay magtatanong, kahit alam ko na ang sagot, gusto kong marinig mula sa inyo ang lahat. Nasaan si Georgina at bakit ganun ang nangyari?" Nagkatinginan ang magkakapatid maliban kay Mark na sa simula pa lang ay kontra na sa plano ni Nikko at Paolo. Si Dean ang tangang sumusunod sa dalawang nakatatanda.
"Ayaw nyo?" Biglang tanong ni Mark. "Good! Dahil kung ayaw nyo, ako mismo ang nagkukwento sa kanila." Ramdam mo ang tinitimping galit sa boses ni Mark. Aba, eh mahigit anim na taon niya ring inipon ito sa dibdib niya at dalawa sa anim na taon na yun ang pagkawalay ng bunso nila sa kanila na mas lalo niyang ikinainis. Walang may makakibo sa tatlo.
"Well??" Nakangising panunuyo ni Celia. Oh, this is going to be fun.
"Wag na, Mark. Ako na ang magkukuwento." Mahina ngunit may katarayang sabat ni Paolo. Inirapan pa niya si Celia. Bahagyang natawa na lang si Celia at tahimik na umupo sa tabi ni Mark.
"Welcome back, sis." Bulong ni Mark sa dalaga. Natural na tumaas ang isang kilay ni Nikko dahil nakitang bulungan ng kapatid at ng dating kasintahan. Nagseselos ba siya? Oo naman. Ang tanga mo, Nikko. Ang tanga-tanga mo.
"Nagsimula ang lahat nung maghiwalay itong si Kuya Nikko at si Celia. Sinundan ni Kuya si Celia sa Maynila para humingi ng tawad at pabalikin siya dito sa Sto. Tomas. Pagdating niya doon sa Manila, hindi na niya naabutan itong si Celia dahil tumulak na ng Japan. Noon niya nakitang may kasama si Magnus na isa babae, nakayakap ito kay Magnus. Hindi naman na siya nilapitan pa ni Kuya para tanungin o komprontahin basta na lang siyang umuwi dito at pinipilit niyang pinaghihiwalay si Georgina at Magnus dahil nambabae nga daw ito. Hindi naman naniniwala si Bunso dahil linggo-linggong nauwi si Magnus dito sa atin. Hindi ko alam kung kelan talaga naghiwalay si Bunso at Magnus. Basta ang alam ko lang ay unti-unti ng iniiwasan ni Bunso si Magnus hanggang sa hindi na sila nagkausap pang muli." Kwento ni Paolo.
"Eherm..." Tikhim ni Nikko. Nakuha niya ang atensyon ng mga magulang at ng Don at Donya. "Pinilit kong isama si Bunso sa pagluwas sa Maynila sa pangalawang pagkakataon para siya na mismo ang makakita ng mga nakikita ng mga tagarito para hindi na ako mahirapan pang magpaliwanag at pumilit pa sa kanyang hiwalayan si Magnus dahil alam kong masasaktan lang siya. Nakuha ko naman ang gusto ko dahil doon na umpisa ng iniwasan ni Bunso si Magnus. At sa tuwing uuwi si Magnus dito sa atin ay pinauuwi ko si Bunso sa bahay para hindi sila magkita at magkausap hanggang sa madalang na lang umuwi ni Magnus." Nakatungong salaysay ni Nikko. Napapailing na lang ang mga magulang nila. Alam ng mga ito kung gaano kamahal ng mga kapatid na lalaki ang bunso nila at alam din ng mga magulang ni Rage kung gaano kamahal ng anak ang dalaga, ganun din ang mga magulang ni George sa dalaga.
"Sa pagkakaintindi ko dahil sa kakitiran ng utak mo, at kahit na alam mong masasaktan ang kapatid mo ay ipinilit mo pa rin dahil natatakot kang baka gawin ni Rager kay Ging-Ging ang ginawa mo sa akin? Tama ba ako ng pagkakaintindi, Nikko?" Maanghang na tanong ni Celia. "Kita mo naman, tama nga ang inang. Ang kalabaw kapag umahon galing ng lubluban, naghahasik ng putik sa kanyang kapaligiran. Parang ikaw Nikko, ibinato mo sa iba ang gawa mo. Kamusta na nga pala layo nung babae mong taga-Manila? Ano nga ba pangalan nun?" Puno ng galit at pait na saad at tanong ni Celia. Yukong-yuko si Nikko, hindi makapagsalita. Nanlaki ang mga mata nila Aling Luningning at Mang Tasyo. Hindi makapaniwala na magagawa ng anak ang naririnig nila.
"So, ibig nyong sabihin, walang naging babae ang anak ko? Na wala man lamang ginagawang ganun, pero may ganung kwento? No wonder na galit na galit nga si Georgina. No wonder na nakaya nitong mag-isip na maglayas dahil sa ipinilit ni Magnus na makasal sila bilang last resort." Wala sa loob na nasabi ng Donya ang nasa isip.
"Naubusan na ng plano si Magnus, Ang gusto nga niyang mangyari ay kidnap-in si Georgina para masolo niya at mapagpaliwanagan niya pero natatakot siya dahil alam niyang magagalit kayo, Luningning, Tasyo. Kaya nakiusap sa amin ng Mama niya na mamanhikan na lang kami at least yun ay pormal." Napailing na lang ang mag-asawang Mendoza sa pinahayag ni Don Magnus.
"Si Rage naman pala ang may gustong pakasalan si Bunso, eh bakit ang nakarating sa amin na kwento ay napipilitan lang daw magpakasal si Rage kay Bunso, di ba, Kuya Paolo?" Titig na titig si Mark sa kapatid, salubong ang kilay na parang gusto nitong ilibing ng buhay.
"Mabuti na lang at nalaman ko ang plano ni Ging-Ging at nasabi ko kay Tita Rose at Tito Magus. Alam mo Nikko, Paolo, matalino kayong tao eh, sa sobra niyong talino nakagaya kayo ng ganitong kwento, lalo ka na Paolo. Ikaw naman Nikko, akala mo mapapagsabay mo kami ng mahalay na babaeng yun. Pero nagkamali ka dahil pareho din kaming nawala sa iyo." Hindi kayang bumitaw ni Celia sa galit niya sa binata kasi hanggang ngayon mahal pa rin niya ang binatang kahit na sinaktan ang puso niya. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na hihingi ito ng tawad sa kanya at patatawarin niya ito ng walang dalawang salita. Isang sorry lang naman at konting paliwanag, maaayos na ang lahat. Kakalimutan na niya ang lahat.
"Nay. Tay. Sorry po. Pati si Bunso nadamay sa kakitiran ng utak ko." Panimula ni Nikko. Sinansala ni Mark ang sasabihin pa niya.
"Kuya, hindi lahat ng bagay at pangyayari ay umiikot lang sa iyo. Tigilan mo na si Rager at si Bunso. May malaki tayong problema na dapat na harapin muna, tsaka na yang sa iyo. No offense, Cel." Panimula nito na halatang-halata ang iritasyon sa mukha ni Mark. Ngumiti naman ang dalaga sa kanya. "Saan natin ngayon hahanapin ang dalawang yun? Kung kaninang alas dose, ala-una umalis ang mga yun, saan naman sila pupunta? Donya Rosita, may alam pa ba kayong pwedeng puntahan ni Rager?" Umiling ang donya. Bagsakan ang mga balikat ng mga ito.
"Hindi tayo siguradong hindi na babalik yung dalawa. At kung sakaling umalis ay baka dito yun dumiretso." Pilit na pinagagawan ni Celia ang sitwasyon, pero sa totoo lang alam niyang malabong umuwi yung dalawang yun sa hacienda.
"Luningning, Tasyo. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa o gagawin pa lang anak ko sa dalaga nyo." Seryosong saad ni Don Magus.
"Bakit naman, Magus?" Salo ni Mang Tasyo. Napatingin ang mga asawa nila sa kanila.
"Malakas ang kutob kong itinanan na ni Magnus namin si Georgina niyo. Malakas ang kutib kong alam na ni Magnus kung sino si George." Nagkatinginan ang mag-asawang Mendoza.
"Alam na nga niya. Yun ang dahilan ng tawag ni Bunso kanina. Galit na galit nga eh. Kaya nga kami nandito ngayon dahil gusto namin humingi ng opinyon sa kung ano ang pwede nating gawin sa dalawang yun." Si Aling Luningning na ang nagsalita. Hirap man dahil matagal ring nawalay ang bunso niya sa kanila at kung andito sa hacienda ang anak ay hindi niya gaanong malapitan dahil alam niyang hindi pa ito handang magpakilala.
"Tanong ko lang po, magagalit po ba kayo kung ganun nga ang gagawin ni Rager at ni Bunso?" Mabilis na tanong ni Mark sa mga magulang. Umiling ang mga ito. Napangiti si Mark.
"Hindi. Dahil may tiwala ako kay Magnus na gagawin niya ang tama bago siya magdesisyon ng kung ano pa man." Matatag at puno ng kompyansang sagot ni Mang Tasyo. "Hindi naman kasi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nakialam itong si Nicholas at Paulino. Magtutuos tayo, Nikko, Paolo, pagdating sa bahay." Matigas at madiin na sambit ni Mang Tasyo. Nagkatinginan ang magkakapatid. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita nila ang galit ng kanilang ama. Mas lalong napayuko si Nikko at Paolo.
"Tay, hindi ko naman sinaadya. Nagalit lang ako dahil yung babaeng kaakap at kahalikan ni Magnus sa harap ng condo building niya ay siya rin yung babaeng pumipilit sa aking makipagrelasyon sa kanya. Siya yung nakita mong humalik sa akin." Bahagyang nagulat ang lahat sa sinabi niya. Maging si Celia ay mabilis na napatingin sa kanya.
"Ano ang ibig mong sabihin, Nikko?" Naisatinig na tanong ni Celia. "Si Ava ba ang tinutukoy mo? Siya ang babaeng yun?" Yun lang kasi ang kilala niyang masyadong malapit sa pinsan niya. Tumango si Nikko, nag-init ang mukha ng dalaga ngunit tumahimik lang ito sa tabi ni Mark. Hindi nakakibo si Nikko. Ayaw na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya. Tumikhim si Dean para maagaw ang pansin ng lahat.
"May tanong lang po ako. Kung alam nyo na ang lahat ng plano namin, bakit hindi nyo kami pinigil? Bakit hinayaan nyong ituloy ni Bunso ang gusto niya?" Tanong ni Dean. Inis na hinampas ni Paolo ang kapatid. Palaging wala sa timing itong kapatid nila.
--------------------
End of GR 17
Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.20.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro